webnovel

Chapter 45

Hindi na makapag-antay si Ashley at naisipan na puntahan na lang niya si Tanaga at makipag-usap. Ang kaso mo lang, ng subukan niyang buksan ang pintuan.... Ito ay naka-kandado at kahit anong tawag niya ay walang sumasagot na tao sa labas.

"Heeeellooo! Me tao ba sa labas!!!! Hello!!!!" Nilakasakan na ni Ashley ang pagtawag, pero wala pa ring sumasagot at nagbubukas ng pintuan. Wala siyang magawa kundi ang bumalik sa upuan at kumain na lamang habang nag-aantay kung sino man ang pupunta para kunin ang tray at plato-ng pinag-kainan niya.

Nuong una ay patikim-tikim lang ang kanyang pag subo ng pagkain, habang panay pa rin ang tingin niya sa pintuan kung merong magbubukas. Hindi namalayan ni Ashley na naubos na niyang lahat ng pagkain na inihanda para sa kanya ng kusinero dahil sa lalim ng kanyang iniisip.

Nang matapos si Ashley na kumain, tumayo siya at sinubukan niya uli na tingnan kung meron ng tao sa labas. Unfortunately, ganon pa rin, kahit anong lakas ng sigaw niya ay walang sumasagot sa labas ng pintuan. Wala siyang magawa kundi bumalik sa may maliit na bintana at doon sumilip sa labas habang nagaantay.

Si Ashley ay pagmumuni-muni habang siya ay nakatingin sa labas ng bintana...- Binalikan niya ang mga nakaraang araw kung saan ay napaka bilis ng pangyayari. Kailangan niyang tanggapin kung ano ang kanyang naging kapalaran at mag-isip kung papaano ito makakabuti sa pamumuhay ng kanyang pamilya at ng kanyang sarili.

Nakabuo siya ng plano na kung papayag si Tanaga ay siguradong magiging masaya ang lahat pagkatapos...

===

Pagkatapos ni Tanaga na kumain, minabuti niya na maligo muna bago niya puntahan si Ashley. Pagkatapos niyang maligo naging presko ang kanyang katawan, gumaan din ang kanyang pakiramdam at doon niya narealized na hindi naman tama na kulungin niya si Ashley sa lounge.

Mas makakabuti na mag-usap sila ng masinsinang at ng sila ay magkaintindihan. Dali-dali siyang nagbihis at pinuntahan si Ashley...-

Pagdating niya sa labas ng lounge, tumayo muna siya at huminga ng malalim. Panigurado niya na maayos ang kanyang itsura at tumindig ng diretso. Saka pa lamang niya kinuha ang susi sa bulsa at binuksan ang nakakandadong pintuan.

Nang siya ay pumasok sa loob ng lounge, medyo sumama ang kanyang pakiramdam at nalungkot ng makita niya parang kawawa ang itsura ni Ashley na nakatingin sa labas mula sa maliit na bintana...

"Ahem! Ahem! Kung hindi mo mamasamain, maaari ba tayong umupo at mag-usap ng sandali? "

Mahinang tanong ni Tanaga, at ni hindi man lang binati si Ashley ng magandang umaga.

Lumingon si Ashley matapos marinig ang isang boses mula sa likuran. Tuwang-tuwa siya na ito ay si Tanaga at binigyan niya ito ng isang napaka-tamis na ngiti na kaya niyang ibigay.

"Magandang umaga! Salamat sa iyong pagdating at pag-check sa akin. Naiinip na nga ako kaya ako nakatingin sa labas mula sa maliit na bintana na ito. " Sabi ni Ashley habang naglalakad papunta kay Tanaga kung saan ito nakatayo pa rin sa may pintuan at hindi pa tuluyang pumapasok sa loob.

Pumasok na rin ng tuluyan si Tanaga para umupo sa sofa habang sinusundan naman siya ni Ashley ng walang kibo, dahil hindi man lang siya binati pabalik ni Tanaga.

"Baka galit pa rin sa akin, pano ba ito? Ah, bahala na! Kung ano man ang gusto niyang gawin, tatangapin ko na lang. Kasalanan ko naman eh!" Bulong ni Ashley sa sarili habang sumusunod sa likuran ni Tanaga.

Nang maka upo ang dalawa, noong una ay tahimik lang silang pareho at nagpapakirandaman. Nang kalaunan, hindi na rin nakatiis si Ashley, naisip niya na unahan ni si Tanaga. "Mr. Jones..."

Yun pa lang ang binibigkas ni Ashley ng tumaas na naman ang kilay ni Tanaga at mukhang hindi niya gusto ang ginawa niyang pag tawag. "Ashley, we need to get something straight... Ang pangalan ko ay Tanaga, hindi mo ba ako pwedeng tawaging sa aking pangalan?"

"Po!" Sagot ni Ashley na pa-tanong habang nakatingin siya ng diretso ke Tanaga na mulat na mulat ang mga mata.

"Yan, pa! Tuwing sasagot ka eh' palaging me po! sa dulo. Sobra na ba ang tanda ko?" Iritadong tanong ni Tanaga na halatadong nauubos na naman ang pasensya. "Anyway, let's get down to business na lang, it seems na walang pupuntahan itong pag-uusap natin."

"Yun, nga ang gusto kong sabihin... Pag-usapan natin ang nasa kontrata. Napagisip-isip ko na mali ang ginagawa ko at ang nangyayari sa atin, kaya gusto kong ipaalam sa iyo na handa na ako. Kahit ngayon din, kung gusto mo." Deretsahang sinabi ni Ashley ke Tanaga na hindi man lang kumukurap at nakangiti pa ng napaka-ganda.

Nagulat si Tanaga sa sinabi ni Ashley, hindi siya makapaniwala na handa na ito. Pero sa isip niya, kung handa na siya, eh sino ba naman siya para humindi? "Sige, kung sa palagay mo eh' handa ka na...- Ngayong gabi, gagawin na natin."

Biglang naalala ni Tanaga kung saan ang destinasyon nila, naisip niya na sabihin ito ke Ashley para naman mas lalong maging magaan ang pakiramdam na ibigay ang sarili sa kanya at hindi sapilitan lamang... Habang nakatingin si Ashley sa kanya ng diretso at nakangiti pa rin...

"Siya nga pala, gusto sana kitang surpresahin. Pero naisip ko na ikatutuwa mo itong malaman na tayo ngayon ay naglalayag papunta sa Pilipinas." Sinabi ni Tanaga na me bahagyang ngiti at proud sa sarili.

Ng marinig ito ni Ashley, biglang itong yumakap ke Tanaga sa sobrang saya. "Talaga?! Maraming salamat! Para sa akin ba ito? Oh' ang bait mo talaga, I don't deserve you... Pero dahil diyan, bibigyan kita ng premyo!"

Dahan dahang ni-lagay ni Ashley ang kanyang dalawang palad sa mukha ni Tanaga, sabay... Halik muna sa noo, "ito ay para sa pag-tulong mo sa akin na makalaya sa sindikato." Sunod na hinalikan niya ay ang ilong at dalawang pisngi... "Ito naman ay sa pag-papakasal mo sa akin para maka tigil ako dito sa bansa."

"Ito naman ay dahil sa napakabait mo sa akin..." Lumapat ang labi ni Ashley sa labi ni Tanaga at hinalikan niya ito ng buong puso...

Bab berikutnya