webnovel

Chapter 20

Bakit ba Mam ang tawag sa akin eh hindi naman ako Teacher, hindi rin nya naman ako amo. Ano ba itong mga tao rito.' "Sige po! Maraming salamat din po sa pagkain." Sagot ni Ashley sa katulong na nakakatanda sa kanya.

Pagkakaalis ng katulong, dahan-dahang nagsimula si Ashley na kumain, talagang gutom na gutom siya, pero dahil kaharap ang amo, kakaunti at pa simple lang ang subo.

Mga kinse minutos na ang nakaraan, pero konte pa lang ang nababawas sa pagkain ni Ashley. Kaya naman tuloy naisip ni Tanaga na hindi nya gusto ang pagkain at tinawag ang mayordomo.

"Sa susunod, tanungin nyo muna sya kung ano ang gusto nyang kainin bago nyo lulutuin at isilbe sa kanya!" Pagalit na sinabi ni Tanaga.

Laki namang gulat ni Ashley sa narinig at napahiya. "Sir! Pasensya na po! Hindi po sa hindi ko gusto ang pagkain, masarap nga po ang lahat! Medyo nahihiya lang po ako, kaya di po ako makasubo ng malaki.

"Pero kung ok, lang po sa inyo eh...! Babanatan ko na po." Sabay binilisan ni Ashley ang pag subo ng napakalaki sa bibig nya. Halos isalampak na nyang lahat sabay-sabay at ng maubos na.

Biglang napanganga na nanlalaki ang mga mata ni Tanaga sa kanyang nakikita. Sa tanang buhay nya, ito ang kauna-unahan nyang makakita ng babae na kung kumain ay parang isang bombero sa bilis.

"Ashley! Ashley! Dahan-dahan lang... Hindi porke na sinabi kong bilisan mo ang pagkain, eh! ganyan na lang ang gagawin mo." Medyo inis and pananalita ni Tanaga na rinig na rinig naman ng dalaga.

"Pasensya na po! Nakasanayan ko lang po, kasi... limang mga barako ang sinundan ko, at kung hindi po ako matututong kumain ng ganito, mauubusan po ako." Mahiya-hiyang paliwanag ni Ashley.

'Bakit ba kailangan ko pang mag ispleka kung bakit, eh, ganito naman talaga ako kung kumain.' Ispi ni Ashley habang napatigil naman sya sa pagsubo.

Habang si Tanaga naman ay na-frustrated na sa relasyon nilang dalawa. Siya ay naiirita kung di magsasalita si Ashley at kung gagawin naman kaagad ang sinasabi nya, nagagalit rin sya dahil para bang hindi marunong mag-isip ang dalaga. At kung mag-explain naman, para namang mangiyak-ngiyak. Napupuno na ang ulo sa kaiisip si Tanaga. Kaya...

"Ah, ganun ba? Its alright kung tayong dalawa lang, pero kung may ibang tao, puede ba wag na wag kang kumain that way." Sabay bagsak ng napkin ni Tanaga at sumandal sa kinauupuan nya.

Nakita ni Ashley ang ginawa ni Tanaga, at napahiya sya sa pagbagsak ng napkin. Napatigil tuloy sya na isubo ang huling isang kutsarang pagkain.

Bilga nyang naibaba ang kutsara at pinunasan ang bibig, sabay upo ng diresto at naghihintay kung ano ang kasunod na sasabihin ni Tanaga.

"Oh, bakit ka tumigil eh isang kutsara na lang? Ngayon ka pa nahihiya eh kanina ka pa lumalamon na parang baboy." Pairitang sinabi ni Tanaga ke Ashley.

"That's it! Nakakaloko ka na ah! Hindi porke amo kita or nakakontrata ako sa iyo para bigyan ka ng tagapagmana, eh' puede mo na akong lait-laitin." Maluha luhang sinigawan pabalik ni Ashley si Tanaga, sabay tayo at umalis ng walang paalam.

"Hoy! Saan ka pupunta, kung tapos ka ng kumain, tara na at aalis na tayo!" Sigaw ni Tanaga sa paalis na si Ashley.

Tumigil ng sandali si Ashley at humarap kay Tanaga. Huminga sya ng malalim bago sumagot. "Mr. Tanaga Jones, alam kong naka kontrata ako sa iyo. At ito ay tutuparin ko, bilang papasalamat sa pagligtas mo sa akin.

"Pero ito ang tandaan mo, ngayon ko lang ito babanggitin at hindi ko na uulitin pang muli. Ang binayaran mo ay ang batang bahay ko lamang na magdadala sa migiging tagapag mana mo. Hindi ang buo kong pagkatao.

"Ngayon, kung sa palagay mo ay hindi ako karapat-dapat na maging ina ng magiging anak mo, magpapasalamat ako ng malaki kung bilhan mo na lang ako ng ticket ng ako ay makauwi na sa aking pamilya."

Hindi napansin ni Ashley na bumabaha na pala ng luha ang kanyang mga mukha habang galit na galit na sinabi kay Tanaga ang kanyang sama ng loob .

"So, kung wala ka ng iba pang insultong sasabihin, bayaan mo na akong mapag-isa at hanapin mo na lang ako pag nakapag decision ka na." Sabay talikod at patakbong pumasok sa loob ng mansion na hindi alam kung saan sya tutungo.

"Porke mayaman, kala mo kung sinong maka-insulto, eh' sya naman ang me kailangan. Tse! Bahala kang umalis mag-isa. Mas gugustuhin ko pang mag-mukmok kesa naman mainsulto lang tuwing magsasalita ka." Sabi ni Ashley sa sarili habang naglalakad ng walang iniisip na patutunguhan.

Mga kababayan, konting love naman dyan sa inyo.

Para naman ganahang mag sulat...

Comment, Vote, Review, rekomenda sa kaibigan, kapuso, kapamilya...Kahit sa kaaway nyo, puede na rin.. [Joke lang po!]

Maraming Salamat Po!

AJZHENcreators' thoughts
Bab berikutnya