webnovel

Chapter 10

General Kayato's POV

"ARHGGGG!!!" lahat kami napa tingin kay April ng sumigaw ito ng napaka lakas.

Agad agad akong lumapit sa kaniya at yinugyog ko siya.

"April.. april.. gising.." wala itong humapay sa kakasigaw, lahat narin ng atensyon ay nasa saamin. Lumapit uli sa amin si Razer at tinutulungan ako na gisingin si April.

"AHHHH!!! TAMA NA!!! AHHHH!!!"

*pak* malakas na sampal ang ginawa ni Razer kay April sinamaan ko ito ng tingin.

"Sorry General. I just need to do to wake her up."

Mag sasalita pa sana ako ng makita ko sa peripheral vision ko na naka mulat ang mata ni April pero ang ikinabigla ko ng may kaunting kulay blue ang kulay ng mata niya. What the hell... yung itim na maliit sa mata natin yun ang blue at ang malaki na bilog yun ang red.

"April.." tawag ko sa kaniya. Walang imik na napa tingin siya sa akin. Naka rinig ako ng mga singhap sa likod, i think nagulat sila. "A-ayus ka lang ba?" medyo utal na tanong ko. Ito ang unang pagkakataon na kinabahan ako ng kakaiba sa tana ng buhay ko.

Wala paring imik na tumingin siya sa kisame. Ang akala ko na hindi na siya mag sasalita...

"Ang mundo... malapit nang mamatay ang mundo natin." sabi nito. "We are going to die..all of us.." hindi ko mapigilang makilabutan sa boses niya, ang lamig nito.

"Ahh.. April, mag pahinga ka muna. Pagod ka lang.." hinubad ko ang suit ko at inilapag ito sa lap niya. Tumingin uli ito sa akin, hindi parin nawawala ang kakaibang kulay ng mga mata niya.

"What will you do General? Hide? Fight? or accep our real fate?" sabi nito bago ipinikit ang mga mata niya. Ilang segundo rin nanahimik ang paligid hanggang sa mag salita si Razer.

"I need to check her again." tumango ako. Umalis muna ito, kukuha ata ng iba pa niyang gamit sa Military Bag niya.

Paulit ulit na tumatakbo sa utak ko ang tanong niya sa akin. Sa katunayan hanggang ngayon hindi parin tuluyang tinatanggap ng utak ko ang nang yayari ngayon sa paligid namin.

Ito na ba ang tinatawag nilang End of the World? Ito na ba yun? The gate to the dead earth? Napa tingin ako sa sakay ng bus na ito. Yung iba naka tulala, ang iba umiiyak at marami pa.

Ang dami nang tanong ang pumapasok sa utak ko. Ito ba ang gusto ng dyos sa amin? Pinag babayaran na ba namin ang mga kasalanan namin? Nakakakilabot naman. Tinignan ko muli si April.

May kutob rin ako... ang lakas ng kutob ko na may nalalaman sa mga nang yayari ngayon si April, at ang lakas ng kutob ko na siya lang ang makakapag paliwanag sa amin nang mga nang yayari ngayon at kung sino at papaano ito nag simula.

Pero sa tanong ni April...

"I think... i think i will fight until the end." and I want you to be with me.. until the end.

Third Person's POV

"I'm sorry.. we did everything." sabi ng doctor sa pamilya Night.

Hindi nila matanggap ang nang yari sa pinaka batang Night. Nag kagulo rin ang buong angkan ng Night at Snow, dahil para sa angkan nila ang batang Night ang kanilang Pride, ang kanilang ginto. Ito kasi ang nag bibigay kasiyahan at liwanag sa dalawang angkan.

"Sir, natupad na po ang plano. Patay na ang batang Night."

"Mabuti.. pagkatpos ng libing hukayin niyo ang mga labi niya at idala niyo kaagad sa laboratoryo. Seguraduhin niyo rin na walang kahit isang laman ang mawawala sa kaniya, bantayan niyo ang mga labi niya. Dahil siya ang tutupad sa lahat ng mithiin natin."

"Masusunod boss."

Tinignan ng taong ito ang isang botelya na may lamang kulay pulang chemical.

"Malapit na.. malapit nang mapa sa akin ang mundo. BWAHAHAHAHAHAHA!! *cough* *cough* *cough*

Bab berikutnya