-Sa bahay nila Rivera-
"naalala ko pa ung kasabihan sa tuwing nangyayare ang pangyayare na ganito...sabi ng mga matatanda at ng mga naging guro ko sa tuwing nangyayari ang mga ganitong bagay may darating daw na mahalaga sa mundong ito na maaring magliligtas o magsasalba sa mundong ito sa anumang uri ng panganib" naalala ni Rivera ang mga kasabihan noong araw-araw tungkol sa pangyayaring "pag-ulan ng mga tubig na nagmula sa mga diyos"
habang nakatingin sa ulap.Si Felester naman ay nahuhulog na papunta sa mundo ng tao at saktong nakasabay ni Felester ang makukulay na tubig na nagmumula sa isang kulay itim na bilog na nakabukas sa daigdig na bumabagsak sa mundo ng mga tao at sabay na bumabagsak si Felester kasama ang makukulay na tubig papunta sa mundo ng tao.
"Ang ganda talaga!" namamangha na sabi ni Rivera habang nakikita ang mga makukulay na tubig na bumabagsak papunta sa mga bahay-bahay at sa lupa rin at nagulat rin siya na may isang malaking tubig na ulan ang bumabagsak papunta sa tapat ng kanilang bahay "napakalaki naman..." at hindi na nakapagsalita si Rivera at tumakbo na lang sa pinto na nasa likod ng bahay nila at bumagsak si Felester sa harap ng bahay nila na walang malay.
at pagkaraan ng ilang minuto ay tiningnan na ni Rivera ang malaking tubig o bagay na tumama sa harap ng bahay nila at laking gulat niya na hindi tubig o bato ang nakita niya kundi si Felester na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya."Sino ka?" tanong ni Rivera sa sarili at nang tingnan niya ng malapitan si Felester ay napakagwapo nito at kulay pula ang buhok.Hinila niya si Felester papunta sa loob ng bahay nila may galos ang mukha ni Felester kaya sinarado ni Rivera ang mga pinto at ginamot ang mga sugat ni Felester
at pagkatapos gamutin ang mga galos niya ay kumuha siya ng banig sa kwarto niya at inangat ang katawan ni Felester at ipinatong siya sa banig.
sa nayon naman ng ulaiyo...ang mga tao ay sobrang saya at napupuno ang katawan at isip nila ng saya,si Rose ay hindi masaya sa mga nangyayare lalo na't wala ang kaibigan upang maranasan rin ang saya na nadarama ng iba "kawawa naman si Rivera noh?"tanong ng isa pang malapit na kaibigan ni Rose na si Liza na isa pa sa mga malalapit na kaibigan ni Rivera."Hoy! Rose at Liza" tinawag ni Malif si Rose at Liza,Si Malif ay isa rin sa malalapit na kaibigan ni Rivera magkalaro silang tatlo noong mga bata sila at hanggang ngayon din naman."May dala akong tatlong basket na naglalaman ng mga prutas at tinapay at siyempre hindi mawawala ang inumin na gawa sa mga masasarap at hinog na mga prutas!"nang marinig iyon ni Rose ay may naisip siyang pwede nilang gawin na maganda para sa kaibigan nila na nagkukulong lang sa bahay nila
"may naisip akong isang magandang plano!"
sabi ni Rose sa dalawa.
Si Rivera ay nagluluto naman ng sopas nang nagsalita si Felester at may binanggit siyang pangalan "Rivera" at napalingon si Rivera kay Felester "binanggit niya ang pangalan ko?" gulat na gulat si Rivera dahil sa pagbanggit ni Felester ng pangalan at nagtaka siya kung sinadya niya ba yon o nagkataon lang na may iba pang babae na may pangalang Rivera na kilala ni Felester.
"Huwag!"
"huwag mong...arghhh!!!!"
pasigaw na sabi ni Felester habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan na may benda at lumapit kaagad si Rivera at tiningnan siya nang malapitan mukha sa mukha at dumilat bigla ang mga mata ni Felester
at ikinagulat ito ni Rivera na naging dahilan upang lumayo siya kay Felester.
-dito nagtatapos ang ikalawang kabanata-