webnovel

Do I have a Choice?

" Hello President." malapad ang ngiti ni Rico nang pumasok ito sa opisina.

" kung hindi pa si Trixie, hindi ko mamapansin na pangalan ko na pala ang nasa table mo."

" and how was the interview?"

" pinagmumura lang naman ako ng anak ni William... at dinuro duro...hindi niya akalain na ako ang nakaupo dito."

" so what is your plan? hindi ka ba lalaban? "

" papano ko lalabanan ang walang kalaban laban? sapat na ang salitang binitiwan ko sa kanya. Sa oras na sumalungat siya, goodluck sa kanila."

" so...is it a Yes for the C.E.O position? "

" you will not take a no for an answer. Do I have a choice? "

" you know me so well." tumatawang sabi ni Rico.

" tito... I am running my own business."

" so?..."

" hindi ako pwedeng mamangka sa dalawang ilog."

" Yen...widen your horizon... you can make your YMR Trading Corporation as the Villaflor's subsidiary. You can merge them as one."

" hindi ba parang nag iwan ka saken ng baka? papakainin ko at papalakihin pagkatapos ay kukunin mo kung kelan mo gustong bumalik? "

" hahahaha! tuso ka na..."

" hindi ba ikaw ang nagturo sa akin niyan? "

" here..." Inabot nito ang ang isang brown envelop. Binuksan ni Yen iyon at isa-isang binasa.

" you aquired this company from me, and you are the the present owner of this."

" why???" tanong ni Yen.

" because you deserve it."

Kumunot ang kanyang noo.

" well...there is no reason for me to stay here. My whole family will stay at US for good. Bakasyon siguro... oo pero kailangan ko nang bitawan ito para sa bagong buhay ko doon. Ang rason kung bakit ikaw ang napili kong pag iwanan ay dahil alam kong pahahalagahan mo ang aking pinaghirapan."

"pero...kulang pa ako."

" kung nagawa mong palobohin ang YMR, kayang kaya mo rin ito. At nandiyan si Miguel. Your future father in law. As the vice president aalalayan ka niyan."

YMR stands for Yen Morales Reyes.

" Talaga? alam mong ayaw niya saken."

" noon...iba na ngayon. Ikaw na ang nanay ng apo niya."

Bumuntong hininga si Yen. Hindi niya alam na aangat siya nang ganon kabilis. Natatakot siya... Dahil sa bilis ng pagbulusok niya pataas, siguradong lasog lasog siya pag bigla siyang bumagsak.

Naramdaman ni Yan ang pagtapik ni Rico sa kanyang balikat.

" kaya mo yan. Pwede mo pa rin akong tawagan kung kinakailangan. "

" kelan ang alis mo? "

" after ng pormal na deklarasyon ng ownership mo, at pag upo mo sa pwesto bilang C.E.O At pagkatapos ng binyag ng aking apo. " nakangiting sabi ni Rico.

" eh yung mga shareholders?"

" may ilang kumukontra, pero wala silang magagawa. Maari silang magpull out ng shares nila. Pero as of now ay wala pa namang nangyayari...Hindi ka pa nila nasusubukan."

" ganon ba kalaki ang tiwala mo saken? "

" yes..."

(づ ̄ ³ ̄)づ

" hindi mo malalaman kung mananalo ka kung hindi ka sasabak para masubukan." ani Rico.

" yung iba ngang walang abilidad ay malakas ang loob maghangad...ikaw pa ba? " dugtong nito.

Wala pa rin siyang maisagot. Pero wala naman siyang magagawa kundi yakapin na lang kung ano ang ibinigay sa kanya ng Maylikha.

" salamat."

" welcome anak. bukas ang unang pormal na araw mo bilang presidente. goodluck. I will watch you from a far."

Nalungkot si Yen. Pakiramdam niya ay mapipilayan siya pag wala si Rico. Si Rico ang naging mentor niya at naging ama sa negosyo. Malaking kawalan ito pag umalis ito ng tuluyan sa bansa. Dito siya humuhugot ng lakas. Subalit ngayon, kailangan na niyang tumayo mag-isa. Gayunpaman, anuman ang mangyari ay kailagan niyang magpatuloy.

Masigla ang mga unang araw ni Jason sa bago niyang trabaho. At home siya doon at talagang stressfree. Wala siyang boss dahil isa siyang boss. Nag-ienjoy siya nang husto dahil talagang linya niya ang pagiging mechanic. Madumi sa kamay, pero marangal. Masungis pero payapa ang isipan. Walang mga babaeng papansin. May peace of mind.

Maaga siya palaging nakakauwi. Madalas ay naipaghahanda niya pa ng hapunan si Yen. Nadadalas ang pagpunta nito sa Villaflor Corp. At talagang tila naging abala ito sa mga sumunod na araw.

Hindi niya alam ang trabaho ni Yen doon. Nahihiya siya mag usisa at magtanong. Hahayaan na lamang niya itong magkwento. Alam niya na hindi naman ito makakatiis na magkwento sa kanya.

Masarap ang niluto niyang hapunan. Paborito ni Yen ang may toyomansi kaya gumawa siya ng inasal. Hindi pa siya kumakain dahil ang gusto niya ay maghapunan sila ng sabay.

Tumambay si Jason sa kwarto ni Jesrael. Nilaro laro niya muna ito at nang makatulog ay nanatili siyang nakahiga hanggang sa makatulog din siya.

Nagising siya sa ingay ng sasakyan sa labas.

Dumating na si Yen.

Bumangon siya at tiningnan ang oras. 11:00 pm.

Napakunot siya dahil sobrang gabi na itong umuwi.

Sinalubong niya ito ng yakap.

Medyo masungit ito. Halatang pagod. Wala sa mood. Nang inaya niya itong kumain ay ayaw na nito. Gusto na daw niyang magpahinga.

Dahil gutom na ay kumain si Jason mag isa. Pagkatapos niyang magligpit sa kusina ay sumunod na siya kay Yen sa kwarto. Para lang abutang natutulog na ito. Nang hindi pa nakakapag bihis. Naawa si Jason dito. Hindi niya alam kung anong ginawa nito maghapon. Dati rati ay hinihintay siya nitong tumabi sa kanya para magkwento pero ngayon, hindi na nga nagawang magbihis nito.

Napalatak si Miguel nang nalaman ang ginawa ni Trixie kay Yen. Kung siya ang masusunod ay parurusahan niya ito. Pero mabait si Yen at hindi man lang ito inano. Sobra na din talaga ang kamalditahan ng anak ni William. Naaawa siya sa kaibigan dahil hindi na ito pinapakinggan ng anak. Solong anak, pero walang kwenta.

Naalala niya si Yen bilang C.E.O hindi niya alam kung alam ba ni Jason amg tungkol dito. Pero hindi na rin naman siya tumututol. Gusto niya ang pwestong iyon pero matanda na din siya. Ilang taon nalang din ay magre-retiro na. Tama nang si Yen ang nandon. Pangarap niya sana yon para kay Jason. Ok lang, dahil si Yen ay anak niya na din naman. Hindi na rin masama. Balang araw ay magiging De Chavez na din ito.

Pero kailan kaya nila balak pakasal?? Naitanong ni Miguel sa sarili.

------------------------------------------------------

salamat sa pag aabang. Bukas ko na pag iisipan ang kasunod niyan. 😁 comment your thoughts below naiinspire ako. inge din po power stone pang push haha. Thank you everyone. Nag i-enjoy din po ako magsulat.

love,

-nicolycah

Bab berikutnya