webnovel

MARK MY WORD

Habang nasa service si Jason ay nakatanggap siya ng tawag.

" hello."

" hi... I missed you. " nakilala ni Jason ang may ari ng tinig.

" oh...kumusta nadadalas ang pagtawag mo ah." sagot ni Jason.

" wala naman. miss lang talaga kita. bakit ba? "

" alam mo naman na ang status ko. "

" oo...bakit hindi na ba pwendeng maging friends ang ex lovers? "

" ex lover can never be friends." sagot ni Jason.

" kung affected ka pa rin sa tao...hindi. Pero kung tanggap mo nang wala na kayo at wala ka na talagang affection pwede. "

" wala na tayong dapat pang pag usapan. "

" well....sabi mo ee. pero darating ang araw na hahanapin mo rin ako."

" enough! "

Pinutol na ni Jason ang tawag nito. Nang magdial ito ulit ay hindi na niya sinagot. Nagchat na lamang siya kay Yen.

[ baby...here at work. wait for me. take care, iloveyou. chat ako mamayang break time."]

Nagbabasa ng mga messages si Yen. Kakatapos niya lang gawin ang mga paper works na pinagagawa ni Rico. Napangiti siya nang mabasa ang message ni Jason. Bago pa niya nareplyan ay naulinigan niya ang tunog ng sasakyan sa labas. Nakiramdam siya.

Lumabas sa isang kotse ang isang babaeng may kulay ang buhok. Makapal ang make-up at hanep ang taas ng takong. Kung lalabas ito ng gabi ay aakalain mong nagbibenta ito ng aliw. Naglabas ito ng susi ng gate at malayang binuksan ang gate ni Jason na animo'y taga roon din siya talaga. Dire-direchong pumasok ito sa kabahayan at naabutan niya si Yen na nakasalampak sa sofa nakaharap sa laptop at tumaas ang kilay nito nang siya ay makita.

Inakala ni Jason na porket nakuha niya ang susi niya ay wala na siyang kopya nito. Bobo siya talaga. Di man lang mag effort na papalitan ang lock ng pinto niya. Masyadong kampante. Sa isip ni Trixie.

" why are you here?" walang expresyon na tanong ni Yen.

" its my house... its our house. I should be the one to ask you why are you here." sagot naman ni Trixie na lumapit sa kanya ng bahagya.

Tinakpan ni Yen ang kanyang tiyan baka bigla siya nitong saksakin. Liningon niya ang mga bagay na malapit sa kanya. Walang kahit ano maliban sa ballpen na hawak niya.

" anong kailangan mo? " muling tanong ni Yen dito. Habang pasimpleng dinial ang number ni Rico. Si Rico ang unang naisip niyang hingan ng tulong.

" I wan't you to know than Jason is mine! Akin lang..plus...ang bahay na ito ay akin din. Kaya may karapatan akong palayasin ka. Pero mabait ako kaya hindi ko yon gagawin. "

" hindi mo yon gagawin dahil isusumpa ka ni Jason pag ginawa mo yon."

" anlakas ng loob mong sabihin yan. Kung hindi lang dahil sa batang yan, wala ka rito. Tindi mo din ee. Sinuguro mong mabubuntis ka! Ginamit mo ang batang yan para maagaw si Jason saken. Mang-aagaw ka! "

" matagal na kayong tapos Trixie. mag move on ka na."

" oh sure ka? nawala si Jason three days and two nights. Naisip mo ba kung sino ang kasama niya? Habang ikaw ay nakakulong dito at nilalamig mag-isa? ako ang nagpapainit ng kanyang kama. hahahaha! alam mo ba yon? " sarkastiko ang tono nito ngunit di man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Yen.

Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Si Trixie ang tumatrabaho ng kanyang paghihinagpis araw araw. Eto ang nasa likod ng pagpupunla ng kanyang pagdududa kay Jason.

Natanggap ni Rico ang tawag ni Yen. Nong sumagot siya ay sumalubong ang nakakairitang tinig na nagsasalita malayo sa telepono. Agad niyang nirecord ang usapang iyon. Agad niya namang itinimbre kay Miguel ang nangyayari. Inutusan niya ito na puntahan si Yen.

" ok...wala akong panahong makipagtalo sayo. Kung idinideklara mo na mang-aagaw ako, cge....paninindigan kong mang-aagaw ako. At ang lahat ng bagay na nasa iyo, kukunin ko. MARK MY WORD." nakakalokong ngiti ang pinkawalan ni Yen. Sumulak naman ang inis ni Trixie sa sinabi nito.

Hindi natinag sa pagkakaupo si Yen. Nanatili lang siyang kalmado mataman lang siyang nakatitig sa kaharap na hindi man lang niyang inalok umupo.

" ano naman ang kayang gawin ng dating katulong aber?"

" at anu naman ang kayang gawin ng taong wala pa namang nararating? kahit yang makapal mong make-up, ay sa tatay mo din galing." muli siyang nagpakawala ng nakakalokong ngiti.

Namula si Trixie sa galit. Sa sobrang inis nito ay inabot nito ang kanyang buhok. At iyon ang tagpo na naabutan ni Miguel nang sumungaw ito sa pinto.

" anong ginagawa mo?" tanong ni Miguel kay Trixie.

Natilihan naman ang huli.

" ahh...k-kase tito, b-binisita ko lang si... Yen. hehe" Binitiwan nito ang bahagya nang nagulong buhok ni Yen. Wala pa ring ekspresyon ang mukha ng buntis. Pagbitaw ni Trixie ay tiningnan niya ito ng matalim.

Ngumiti muli si Yen sabay bulong.

" anu ka ngayon.? "

Bab berikutnya