Chapter 11
Pain
"Saan ba tayo?" Tanong ko nang nakababa kami. Napaangat ang tingin ko at tumingala sa pinakamataas ng building. Nakakalula ang taas nito.
"Welcome to our place!" Louis leaps out of nowhere at tumakbo ito papasok building.
"Don't mind him, makulit talaga siya." Knoxx abruptly said at pabirong sinuntok si Eros na tahimik na naglalaro sa tabi nito.
Napailing ako, nakilala ko sila sa loob ng sasakyan. Doon ko napaisip na sila pala ang nakakalaro ko sa Kingdom Quest, walang pinagkaiba ang ugali nila sa laro at dito. Mga makukulit parin ang mga ito.
Unang pumasok ang tatlo kaya sumunod kami ni Zachariah, pagkapasok ko ay namangha ako sa daming tao. Ano 'to?
Bawat tao na nadadaanan namin ay yumuyuko ito at binabati ang tatlo lalo na si Zachariah, bakit nila tinatawag si Zachariah ng boss? Don't tell me ito ang trabaho niya? I though mga small company lang, or any jobs sa tabi tabi. But this one? Ang laki naman yatang kompanya ito?
Tahimik kaming pumasok sa elevator at nakita kong pinindot niya ang pinakataas na button at nakalagay roon ay twenty.
Madaming mga tanong ang tumatakbo sa utak ko, pero isa lang ang gusto kong itanong. Ano ang ginagawa namin dito?
Nung bumukas na ang elevator ay nagtakbuhan na ang tatlo sa loob. My jaw dropped at nakita kong ang twentieth floor ay parang condominium lang. It's really big like a modern house. Office niya ba ito?
"Wait for the surprise, sissy," Louis held my hands at hinila ako palayo sa kanila Zachariah, bumukas ang isang pintuan dahil yata sa isang sensor na may tao. Literally, my gamer blood excitedly jumps in happiness.
Sa isang room na 'yon ay puno ng computers. With its black theme to the computer na umiilaw ang keyboards, napatakbo ako doon sa unang pc at hinawakan ang upuan.
"Wow, it's the latest gaming chair!" Hindi ko mapigilan ang kaligayan ko. It's my dream to have these.
Narinig ko ang tawa ni Louis. "Gamer ka sissy?" Kita ko ang pagkamangha sa mukha nito at parang hindi ito makapaniwala.
"Oo," I smiled at tinignan ang computer na umiilaw ng neon colors.
"Anong nilalaro mo?"
"Ki—" Damn Casey, muntikan kana 'don ah. "Kingdom of Lords."
Tumango ito pero nakangiti pa rin.
"Boss, gamer pala ang sister namin!" Lumapit ito kay Zachariah na nakatitig sa'kin.
Bakit ba siya tumititig? Nakakailang kaya.
"Do you want to become part of a game developer?" Biglang tanong nito.
My heart jumped. "Oo!"
It's really my dream to be a part of a team na gumagawa ng mga laro. Kaya itong course ang pinili ko.
Ngumiti ito. "Well, welcome to the Blitzsoft." Lumapit ito saakin at inilahad ang kamay nito.
Tinignan ko muna ang kamay niya at sa mukha niya uli. Sure ba siya dito? Baka scam lang ito.
Ngumuso ito at nagpipigil ng ngiti. "That retard face again."
Umirap ako at tinanggap ang kamay niya. I heard the trio clapped their hands at sumisigaw. They all congratulated me kaya puro ako salamat sakanila.
Ilang oras din ang nagdaan ng nabagot ako sa kakanuod ng laro nina Louis, Eros at Knoxx. Naglalaro kasi sila sa Kingdom Quest, gumagawa lang sila ng task pero tatawagin lang daw nila ako kapag may makakalaban sila ng isang player.
Kumatok muna ako sa pader bago ako pumasok sa office ni Zachariah, may pagitan kasi na pader at rinig na rinig ko ang ingay ng tatlo sa loob.
"What? Tapos kana sa pinagagawa ko sayo?" Tanong nito pero ang mata niya ay nanatili sa mga papel at sa laptop.
Ngumuso ako at umupo sa sofa malayo sa kaniya. "Oo tapos na, nababagot ako."
Tumingin ako sakaniya. "Bakit mo pala ako hinire dito?" Iyan ang katanungan ko na kanina pa sumasagabal sa utak ko. I'm really curious.
Nakuha niya yata ang atensyon ko dahil tumingin na ito saakin. "Because I saw a potential in you. If you graduated, you are still working for me. Do you want it or not?" Matigas ang ingles nito at tumitig sakin.
Umiwas ako ng tingin at tumitingin kung saan. "Syempre gusto, dream job ko 'to no."
Great opportunity na 'to. Tsaka ngayon ko lang nalaman na Blitzsoft company pala ito. It's very rare na magkaroon ng game developer ang pinas, kaya this is a big opportunity. Alam ko ang kompanyang ito, nakikita ko ito sa magazine. Hindi ko alam na si Zachariah pala ang may-ari nito. Akala ko ang tatay niya dahil lagi kong nakikita tatay niya sa mga interviews.
Speaking off.
Tumikhim ako. "Kamusta na kayo sa tatay mo?"
Naramdaman kong tumayo ito at tumabi sa sofa. The tension is rising up. Namamawis ang kamay ko sa kaba. Mas lalo pa akong sumiksik sa tabi para may agwat pa kami. Mahaba naman ang sofa na ito pero pakiramdam ko parang masikip parin.
"Thank you."
Napatingin ako sakaniya na nakakunot noo. "Para saan?"
"All of it, what you said to me yesterday. It's true, my father was afraid to bring up the topic about Mom." Aniya at tumingin saakin.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. "Really?"
"Bakit ang layo mo sa'kin?" Takang tanong nito at bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila palapit sakaniya.
I just heard my heart beat getting faster and faster at natatakot akong baka marinig niya ito. Napaangat ang tingin ko at nakita ko ang mata niya na nakatitig saakin. Pakiramdam ko ay huminto ang oras. What is this? Bakit ganito ang pakiramdam ko kapag tumitingin sakaniya?
"Thank you for being there, Casseopeia. I trust you."
By hearing those words and the way he said my name ay mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. This is impossible, hindi ko siya gusto. I'm just admired by his looks and brain. That's all.
"Sister! May kalaban na kami."
Nabalik lang ako sa realidad ng narinig ko ang sigaw ni Louis sa kabila. Napakurap pa ako sa harapan niya at tumayo, naramdaman ko na nabitawan niya ang pagkakahawak sa braso ko.
"Uhm, nuod muna ako sakanila." I awkwardly laughed at dali-daling umalis.
"Sister, ang pula mo." Alalang tanong ni Knoxx na nakatingin sakin. Naramdaman ko din na tumingin ang dalawa at ngumisi.
"Ano ba kayo, magsimula na nga kayo." Sinapak ko silang tatlo kaya narinig ko ang nga daing nila at reklamo.
"Just shut up. Don't mind me." Nakinig naman sila dahil bumali na ito sa kanilang nilalaro. Ang kulit ng tatlong itlog na ito.
Gusto ko talagang sabihin na ako si strcasey, pero naunahan ako ng takot. I fooled Zachariah, also I fooled them. Pero kay Zachariah, it's a big deal for him, and right now he trusted me.
GABI na nang nakabalik sa university. I heard those three eggs are from computer science at kaklase ni Zachariah. Graduating na rin sila pero ang ugali parang high school.
"Bye sister!" They all bid their goodbye at kinakawayan ako.
Habang tahimik na naglalakad kami ni Zachariah papunta sa boarding room namin ay narinig ko ang tikhim nito.
"So, are you free tomorrow?" Biglang tanong nito.
Napatingin ako sakaniya at tumango. "Why?"
"Anong why? Homecoming party bukas, retard." Pabirong sinapak niya ako pero wala akong naramdaman na kahit anong sakit.
Ngumuso ako at pumunta sa harapan niya. "Bakit mo ako laging tinatawag na retard ha?"
Huminto ito at napahalukipkip. "Because you look like one."
Tinignan ko siya ng masama kaya napahalakhak ito. Napatigil ako at napatingin sakaniya.
Tumigil ito sa pagtawa. "Why?"
Umiling ako at ngumiti. "Wala, gusto ko lang panuorin kang tumawa ng ganun."
It's true. Lagi kong nakikita sakaniya ay nakasimangot kundi magkakasugat ang kilay nito. Minsan ko lang siya nakikitang ngumiti, but right now. It's my first time to see him smile.
"Cassiopeia!" Narinig kong may tumawag sa gilid.
Napalingon ako roon at nakita ko si Riley at Erich na magkasama. Anong ginagawa nila sa labas? Gabi na ah?
Lumapit ito saamin at pumunta sa harapan ko na nakangiti.
"Hindi mo naman sinabi na ikaw ang top player. Next time maglaro tayo ha? Bye strcasey." Tinapik ako ni Riley sa balikat bago umalis. Nakita ko din na ngumiti si Erich at sumunod.
"What does she mean? Strcasey from Kingdom Quest?" Nakatitig na ito sakin at kita ko ang lito sa kaniyang mata at umiigting din ang panga nito.
Fuck. Should I tell him? Bakit ngayon pa?
"Yes," kinagat ko ang aking labi at yumuko.
"Forget it. I trusted you, Casey." Tumalikod ito. "I though you were my friend." Aniya bago umalis.
"No! Zach, wait!" Susundan ko sana siya pero itinaas nito ang kaniyang kamay at dapat hindi ako susunod sakaniya.
I stood still at biglang umilaw ang mga poste dahil madilim na. Bakit ako nasasaktan? Bakit ako apektado nang nakita kong nasaktan siya?
I felt a pain on my chest. Not any ordinary pain, but I felt lost. Parang may nawalang importante saakin. Hindi ko mapigilang umiyak, I'm so stupid for making that big mistake in my life.
Kilala kosi Zach, he needs someone kaya palagi siyang nakabusangot at galit na galit sa mundo. But right now, I saw him getting hurt. All because of me, I broke his trust.
I'm so sorry, Zachariah.