webnovel

Eight- Chat

Chapter 8

Chat

Naalimpungatan ako sa ingay ng kwarto. Kahit nakapikit ay kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at tinignan ang oras. Alas tres pa ang nakalagay 'don, bakit ang ingay naman yata?

Napaupo ako sa aking higaan, napahilamos ako sa aking mukha at tumingin sa paligid. Madalim pa naman eh, bakit ang ingay?

Tumayo ako at nakita kong wala sa higaan sina Janice at Ysa. Nanlaki ang mata ko at namamawis ang aking kamay. Saan ba sila?

Narinig kong umingay uli sa 'di kalayuan. Tinakbo ko ang cr at nadatnan kong nasa labas si Ysa na nakatalikod at pilit pumapasok sa loob.

"Ysa?"

Lumapit ako sakaniya at hinawakan ang balikat nito, lumingon ito saakin na namumula ang mata.

Lumamlam ang ekspresyon ko bigla pilit pinapaharap sakin. "Anong nangyari?" I pleaded, baka may masamang nangyari kay Janice sa loob.

"Hindi ko alam, Casey. Bigla nalang siyang umiyak at pumunta sa cr." She sounded really tired at the same time ay nag-alala din ito, nakikita ko din na naiiyak din ito dahil sa pamumula ng mata niya.

Napabuntong hininga ako at mahinang kinatok ang pintuan. Kahit sa labas ay rinig na rinig namin ang iyak niya sa loob.

"Janice? Can you come out? Pwede ba pag-usapan natin 'yan?" Napakagat ako sa aking labi nang hindi ito tumigil at tinignan ko si Ysa sa tabi na nag-alala na talaga ito.

"Nandito kami, makikinig kami sayo. We are the howling hyenas right?" Napatingin saakin si Ysa pagkasabi ko sa howling hyenas at nakita kong napangiti ito.

Howling hyenas, iyan ang tawag saming tatlo. Si Janice ang nagpasimuno sa lahat. It's just a team name, but still malaking effect na iyon saamin. Hyenas are known for fierce and loud kaya ito ang tawag saamin. We are not loud sa iniisip ng iba. But with my friends, we act some kind of lunatics.

Narinig naman na unti unting tumigil ang ingay sa loob kaya nagkatinginan kami ni Ysa. Kakatok na sana ako pero bumukas na ito, kitang kita ko ang lalim ng mata ni Janice at ang pamumula nito.

Tumingin lang ito saamin at maya maya ay yinakap kaming dalawa ni Ysa. "We broke up!"

Kumunot ang noo ko. "Darren?"

Narinig ko na naman ang iyak niya kaya nataranta ako at hinihimas ang kaniyang likod.

Pinaupo namin siya sa study table naming tatlo, katabi ko si Janice at nasa harapan nakaupo si Ysa. Iniabot ni Ysa ang tubig kay Janice at agad niya naman iyon ininom.

Nagkatinginan kami ni Ysa at nahihiyang sino ang unang magsalita. Napapikit ako at napabuga ng hangin. Humarap ako kay Janice na nakatulala sa kaniyang baso.

"Hindi na kami magtatanong sa problema, pero isa lang masasabi ko—" huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya na may hawak na baso at ramdam ko ang panlalamig nito. "Hayaan mo muna ang sarili mo na magalit, umiyak, at lumungkot, tapos pakawalan mo na." Ningitian ko ito para mawala ang kaniyang lungkot.

"Oo nga, it's his loss not yours." Ika ni Ysa na nakangiti na din.

Tumango ako bilang sang-ayon sa sinabi ni Ysa. "Ito lang sasabihin ko sayo, ang break-up ay isang proseso dahil sa isang apak mo lang ay makikita mo na ang tamang relasyon na para sayo talaga."

Tumayo ako para makapaghanda na sana sa pagkain namin pero bigla nagsalita si Janice. "Pero he's the one for me, kakausapin ko siya uli. I will treat him more than—"

Tinignan ko siya at bumuntong hininga. "Nag-usap na kayo diba? Ayaw na niya? I know he is a jerk, malaki ang ulo niya dahil madaming nahuhumaling sakaniya pero, hindi mo trabaho ang kumbinsihin ang isang tao na mahalaga ang pagmamahal mo sakaniya."

Umalis ako sa harapan nila at pumunta sa refrigerator namin at kumuha ng pagkain para ilagay sa microwave. Wala kasing stove dito, dahil delikado.

Habang naghihintay sa oras na matapos ang microwave, napatulala ako sa mga sinasabi ko kanina. I felt that already, hindi kay Dylan kundi sa first love ko noon. Kapag ayaw ng tao sayo, huwag mo na ipagsiksikan ang sarili mo sakaniya. Nakakatanga na 'yon, binibigay mo na ang pagmamahal mo sakaniya pero para sakaniya wala lang iyon. Hindi mo na mababago pa ang isip niya.

HABANG NAGLALAKAD ako sa hallway ay napahinto ako nang may nakaharang sa dinadaanan ko. Tumaas ang isang kilay ko at tinignan siya ng matalim.

"Let's go." Aniya sa matigas na englis at hinila ako.

"Hoy, lalaki. Ano ba!" Pilit ko hinihila ang kamay nito na nakakahawak sa braso ko. Balak ko sanang kagatin iyon pero binitawan niya na ako.

Napaangat ang tingin ko at nakita kong nakataas ang kilay nito at ngumisi. "Seriously? You want to bite me?" Ngumuso pa ito para pigilan ang tawa niya.

Napamulahan ako dahil sa hiya at umiwas ng tingin, hindi ko naman talaga plano kagatin siya. Pero nakakainis na 'tong lalaki eh.

"Come," binuksan niya ang pintuan at pumasok doon. Tinignan komuna ang itaas sa pintuan at nakalagay roon ay Computer Science Conference Room (CSCR).

Pumasok ako doon sa loob at walang tao doon, kundi kami lang dalawa. Napailing ako nang may naisip ako. Darn, Casey. Really?

"Hey, retard! Go sit there, and transcribe these. By afternoon passed it to me."

Seryoso ba siya?

I crossed my arms at tinignan siya na paupo sa kaniyang table sa pinakaharap. This is a conference room kaya mahaba ang table nito. Napatingin ito saakin na nakakunot-noo.

"What?"

Nakakamangha talaga ang pag-eenglis nito kahit noon pa sa paglalaro namin. Sanay na sanay.

"May pasok ako ngayon, kaya hindi ko magagawa ang ibinigay mo saakin." I kept my face straight.

May kinuha ito sa lamesa niya at iniwagayway. "I have your schedule. Now, go to work."

Napabuga ako ng hangin at tinignan siya ng masama. Padabog kong kinuha ang papel na hawak niya at pumunta sa pinakalast na pwesto. Bago ako makaupo ay inirapan ko muna siya bago i-transcribe o ilipat ang binigay niyang papel sa word.

Nakita kong memorandum pala ito sa homecoming namin. Masquerade huh? Ang dami naman yatang papel nito, ang busy talaga bilang isang president sa department.

Ilang oras lang ay natapos na ako, tinignan ko muna si Zachariah na seryosong naglalaptop.

Mga dalawang oras pa lang ang klase ko kaya napagdesisyunan kong maglaro muna, dahil nabobored ako. Ayoko din naman lumabas na dahil nagustuhan ko dito tumambay dahil aircon ang loob.

Nanlaki ang mata ko at nakita kong online si Zachariah, nagtatrabaho pala huh? Akala ko seryoso sa mga papeles, sakin pa talaga binigay ang mga trabaho niya.

Imbes na maglaro ako ay ako ang unang nagchat sakaniya. Humanda ka, Zachariah.

[strcasey: Oy!]

[blackzmxx: Hey! Want to join tasks?]

[strcasey: Later, may tanong ako sayo.]

[blackzmxx: And what's that?]

[strcasey: Anong course mo?]

[blackzmxx: Computer science, hbu?]

Sumulyap muna ako sakaniya, at napanguso. Ayoko din sabihin na computer science ako, baka maghihinala na.

[strcasey: Accountancy.]

[blackzmxx: Where?]

Napahawak ako sa aking ulo. Saan ba?

[strcasey: Zaxier University.]

Too many lies, parang ayoko na ipagpatuloy pero parang gusto ko pa malaman ang buhay niya. Sinabi ko ding Zaxier University dahil school ito ng ate ko nung nagkokolehiyo pa lamang ito.

[blackzmxx: Ang layo, pero pupunta ako diyan bukas. Want to meet up?]

What the hell? Parang ako pa nagkakaproblema nito sa kasinungalingan ko.

[strcasey: Busy ako, sorry.]

The heck with the lies, Casey?

[blackzmxx: Ganun ba? Pupuntahan ko kasi Mom ko.]

Mom?

[strcasey; Bakit? Doon nag wowork?]

[blackzmxx: No, I will visit her grave. It's her birthday tomorrow.]

Napalayo ang kamay ko sa aking keyboard at napatigil. Wala na ang mama niya? Hindi ko alam pero naawa ako. Sinulyapan ko uli siya pero seryoso parin itong nakatingin sa laptop.

[strcasey: Sorry to hear that.]

[blackzmxx: No, it's okay. Ikaw lang nasabihan ko.]

Me?

[strcasey: Friends mo?]

[blackzmxx: They are all busy, and thank you for being there.]

Napalunok ako at tinitigan ang screen, madami pa talaga akong 'di alam sakaniya. He is not just a bad boy.

[strcasey: Welcome.]

Nanginginig pa akong tinatype iyon.

[blackzmxx: I really miss her, kaya lagi akong naglalaro nito dahil naalala ko siya lagi. Ito kasi ang nilalaro namin noon.]

I don't know why but I feel guilty. I really wanted to hug him.

[blackzmxx: I'm out. May pasok pa ako. Thank you for listening, wife. Don't mind I'm calling you wife okay? It's just a friendly nickname.]

Hindi ko mapigilang mapangiti, kahit sa chat mahilig parin ito mambabae. Kaya pala madaming mahuhulog din sakaniya dahil na rin sa mga fluttery words.

"Retard, bakit ka ngumingiti mag-isa diyan?"

Sa taranta ko ay napatayo ako at pinindot ang off button sa laptop.

"Masama?" Taas noong tanong ko.

Ngumiti ito, hindi ordinaryong ngiti kundi ngiti ng saya. "Wala, malapit na klase mo. Balik ka nalang mamaya."

Tumalikod ito saakin at bumalik sa upuan niya.

Zachariah, bakit ang hirap mong basahin?

Bab berikutnya