webnovel

Hindi Ano, Sino!

"Ano yan?"

Napatigil si Seling sa ginagawa. Kinabahan sya.

'Jusko, ang aga naman nyang nagising!'

Tumalikod sya ng dahan dahan para harapin ang may ari ng tinig.

Seling: "Kuya Eboy, ikaw pala! Haaay jusko tinakot mo ako!"

Nahimasmasan ito ng makitang ang bayaw nya ang nakakita sa kanya.

Eboy: "Bakit sino ba sa akala mo?"

Tanong nito na may pagduda.

Seling: "Akala ko kasi nagising ko ang Papang! Nagagalit kasi yun pag nagigising ko ng alanganin kaya dahan dahan ako pag gumagalaw ng ganitong oras!"

Kamukha at kaboses kasi ni Eboy ang ama kaya napagkamalan nya.

Saka hindi nya inaasahan na dito matutulog ang bayaw nyang ito na hindi lang kamukha ng biyenan nyang lalaki kaugaling kaugali pa nya.

Eboy: "Ano kasing ginagawa mo dito ng disoras ng gabi?"

Seling: "Kuya Eboy ganitong oras talaga ako gumigising upang maaga akong makapamalengke, para sariwa ang mabili ko! Iyon kasi ang bilin ng duktor!"

Tiningnan ni Eboy ang orasan, mag aalas kwarto pa lang.

'Niloloko ba ako ng babaeng ito? Ang asawa ko nga pagalis pa namin ng mga anak ko namalengke!'

Eboy: "Hindi ba masyado pang maaga para mamalengke?"

Seling: "Hindi Kuya tama lang ang oras na ito dahil kararating lang ng mga paninda, makakapili ako ng mas maganda. Pag tinanghali ako, tyak napagpilian na ang mabibili ko! Saka maaga nagigising sila Papang at Mamang kaya kailangan nakauwi na ako at nakapagluto na, pag gising nila!"

Eboy: "Hindi mo ba pwedeng gawin yan pagka gising nila?"

Seling: "Hindi pwede Kuya, gusto ng Papang lagi lang ako sa malapit pag gising nya kaya kailangan ko lahat itong gawin bago sya magising!"

May katwiran sya ganun talaga ang ugali ng ama, gusto nito lahat ng atensyon mo na sa kanya.

Pero duda pa din ang tingin nito kay Seling.

Eboy: "Ano naman yang ginagawa mo dyan sa gamot ni Mamang?"

Seling: "Inayos ko para dalhin sa ospital. Saka hinahanap ko ang reseta, may pinabibili kasi sya na ubos na!"

Eboy: "Hindi ba pwedeng mamaya na yan?"

Pero may bigla itong naisip.

"Buti pa ibigay mo nalang sa akin ang pambili at ako na ang bibili!"

Seling: "E, Kuya wala pang binibigay sa akin ang Mamang na pambili ng gamot hihingi pa lang ako!"

Eboy: "Huh?

E, yung pamalengke mo! Yun na lang ang ibigay mo. Dali!"

Seling: "Kuya hindi naman ako binibigyan ng pera ng Papang na pamalengke, pinalilista ko lang ito at si Nelda ang nagbabayad nito lingo lingo. Pati grocery namin dine deliver na lang dito at sila din ang nagbabayad!"

Hindi ito alam ni Eboy.

Eboy: "Yung kinikita ng water refilling station nasaan?"

Seling: "Na kay Papang! Araw araw kinukuha ng Papang kay Egay wala syang binibigay dito!"

Eboy: "Anak ng....."

'Grabe talagang matandang iyon, ang tuso! Aanhin nya ang mga perang yun, hindi naman nya yun madadala sa hukay!'

Naiinis na sya.

Eboy: "Sige na makakaalis ka na! Sa susunod wagka munang basta basta pumapasok dito antayin mo muna silang magising!"

Seling: "Pasensya na Kuya, sige doon ko na lang ito gagawin sa amin."

At saka inabot ang reseta ng gamot.

Eboy: "Ano yan, bat mo binibigay sa akin?"

Seling: "Reseta ng gamot ni Mamang, hindi ba hinihingi mo, sabi mo ikaw ang bibili.

At tiningnan sya nito ng matalim.

Seling: " Si..ge Kuya ibibigay ko na lang kay Mamang!"

At umalis na ito bitbit ang buong drawer ng kabinet na puno ng gamot ng mga biyenan.

Eboy: "Teka sandali!"

Nilapitan sya nito at tiningnan isa isa ang laman ng drawer.

Nang walang makita maliban sa gamot, pinaalis na nya si Seling.

Pagbalik sa bahay nila isinilid lahat ng gamot sa isang lalagyan at saka umalis papuntang ospital.

******

Malayo layo din ang ospital sa bahay nila at wala syang pamasahe dahil wala ang byenan nyang babae na nagbibigay sa kanya.

Maya maya nagulat sya ng may pumarang tricycle sa kanya at pinasasakay sya.

"Manang Seling, sabi po ni Madam isakay ko daw kayo pagnakita ko kayong naglalakad! Sya na daw ang magbabayad!"

Seling: "Sige Manong, dalhin mo na lang ako sa ospital at kailangan kong ibigay ang gamot ng Mamang! Hindi kasi sya nakainom kagabi baka mapaano iyon!"

Pagdating nya sa ospital, nagulat din sya ng papasukin sya ng guwardya kahit hindi pa visiting hours.

Guard: "Pasok po kayo Mam, andun po sa dulo ang anak nyo nagaantay!"

'Bakit may kakaiba akong nararamdaman?'

Pero tuloy tuloy lang ito sa paglakad at pagdating sa dulo nakita nya ang anak.

Ginny: "Mama!"

Seling: "Ginny! Haay buti nakita kita agad! Kamusta ka okey ka lang ba dito? Ang Lola kamusta?"

Masayang masaya si Ginny ng makita ang Mama nya. Gusto na nyang sabihin ang dahilan pero nangako sya. Hindi nya tuloy maitago ang saya nya.

Ginny: "Halika Mama dali, dun po tayo! Andun si Lola inaantay ka kanina pa!"

Pagdating nila sa likod doon nagaantay ang isang van sa kanila.

Pagbukas ni Ginny ng van bumungan ang biyenan nya!

Seling: "Mamang!"

Dali dali itong umakyat sa loob ng van at inakap ang biyenan.

Kasunod nitong sumakay si Ginny at nagulat na lang sya ng may magsara ng pinto.

Seling: "Teka? Ano pong nangyayari?"

Mang: "Bakit ba ang tagal mo? Kanina ka pa namin inaantay!"

At nagulat si Seling ng makita si Enzo sa harapan.

Seling: "Enzo? Anong ginagawa mo? Saan mo kami dadalhin ng Mamang?!"

Kinakabahang tanong nito.

Enzo: "Pinasusundo kayo ni Egay!"

Nakangiti nitong sagot.

Pero naguguluhan pa rin sya kaya tinanong nya ang biyenang babae.

Seling: "Mamang, Ano pong ibig sabihin nito?"

Mang: "Panahon na para hiwalayan ko ang matandang hukluban na yon!"

"Hahahaha!"

Seling: "???"

Habang nasa byahe ipinaliwanag nila kay Seling ang totoong nangyari.

Kaya Pagdating nila sa paliparan naintindihan na nya kung bakit umalis ang asawa na hindi sinabi kung saan pupunta.

Seling: "Haaay jusko, nakakahiya ang suot ko!"

Enzo: "Huwag kang magalala Seling, private plane ang sasakyan natin!"

"Huh?!"

Bulalas nilang tatlo.

Dinala sila ni Miguel kung saan naroon ang eroplano nya na kanina pa sila inaantay.

Mang: "WOW! Ngayon lang ako nakasakay sa isang private plane!"

"Iho, salamat!"

Sabi nya kay Miguel.

Miguel: Wala pong ano man Mam!"

Nang nagtake off na ang eroplano, saka may naalala si Enzo.

Enzo: "Uhm... Miguel, parang may nakalimutan tayo...."

Miguel: "Ha? ... Ano?"

Enzo: "Hindi ANO!..... SINO!!!"

Anthon: "Hello author kinalimutan mo na naman ako!"

Me: (tingin sa likod, tingin sa gilid kamot ng ulo .... sabay higa.)

"Gudnyt!"

trimshakecreators' thoughts
Bab berikutnya