webnovel

Impostor?

Hindi naniwala ang principal sa sinabi ni Issay.

'Paanong magiging shareholder ang isang ito? Ang simpleng manamit ang simple pang magaayos!'

'Mas mukha pa ngang shareholder yung assistant ko!Hmp!'

Tiningnan nya mula ulo hanggang paa si Issay. Nakamaong pants ito at T shirt na puti. Pati sapatos nya sneakers, di nga lang nya sigurado kung original.

Nakapusod sa likod ang buhok at walang make up. Pero di nya maikakailang maganda ito kahit walang make up at makinis ang balat.

Principal: "Miss, sino ka?"

Siguro nadinig mo sa mga staff ko na may meeting kami kaya nalaman mo. Pero hindi ibig sabihin pwede ka na magpanggap na isa sa kanila!"

"Kilala ko ang lahat ng mga shareholders kaya imposibleng isa ka ron!"

Totoong kilala nya ang mga shareholders maliban sa isa na minsan hindi pa umatend ng meeting, representative nya lang.

Sya ang ikatlo sa pinaka mataas ang shares sa ngayon kaya tyak nyang sobrang yaman niyon! Ang balita nga nya yun ang Chairman ng LuiBel, kaya imposibleng sya ang taong nasa harap nya ngayon.

Kaya tinalikuran na nya si Issay at hinarap ang mga batang naroon.

Principal: "Magsibalik na kayo sa klase nyo! Bilis!"

Tumalima agad ang mga bata, tila nagising bigla at naalalang may klase pala sila. Pati ibang mga teacher na naroon tumulong na rin sa pag papaalis. kaya medyo nabawasan na ang mga tao.

Principal: "Kayo din makakaalis na! Wala ng makapag papabago sa pasya ko!"

"Ikaw din Ms. Lagundi, bumalik ka na sa klase mo!"

Ms. Lagundi: "Wala na po akong klase Sir Principal!

Saka ....."

Sabay tingin sa grupo nila Nicole.

Naintindihan ng principal ang ibig sabihin ni Ms. Lagundi.

'Marahil ay nagaalala sya na baka kuyugin sya ng mga taong ito!'

Principal: "Sige Ms. Lagundi, dito ka muna at kung may problema magsama ka ng security!"

Napatingin ang grupo nila Issay.

'Anong gusto nyang ipahiwatig? May masama kaming balak sa kanya?'

Hindi naman iyon ang totoong dahilan ni Ms. Lagundi. Hinayaan nya lang na iyon ang isipin ng principal para hindi sya nito paalisin. Meron talaga syang taong inaantay na padating at nanabik na syang makita ito.

Nang mapansin ng principal na hindi man lang kumikilos ang grupo nila Issay nilapitan na nya ang mga ito.

Principal: "Ano pang inaantay nyo? Pasko?!"

"Magsi layas na kayo rito?! Chooo!!"

Issay: "Hindi pa kami tapos! At meron pa akong meeting na aattendan!"

Principal: "Sino ka ba sa akala mo? Nakaka eskandalo na kayo!

Alam nyo bang pwede ko kayong idemanda sa ginagawa nyong paninira sa school?"

Gene: "Alam namin ang batas, huwag kang magalala, at sa ngayon wala pa kaming nilalabag na batas. Pero kung gusto mong magdemanda hindi ka namin pipigilan!"

Kinabahan ang principal ng mapagmasdan mabuti si Gene.

'Bat parang pamilyar ang mukha nya?'

Napatingin din si Ms. Lagundi kay Gene at namukhaan nya agad kung sino ito. Alam nyang sundalo ito at mataas ang ranggo. Pero wala syang pakialam kay Gene at kung ano ang ginagawa nya dito kaya naupo na lang ito at hindi na pinagaksayan pa ng panahon ang grupong iyon.

Issay: "Ako si Isabel delos Santos!"

Principal: "Ha?"

Nalito sya sa sinabi ni Issay.

Pilit nya kasing iniisip kung sino si Gene at kung saan nya ito nakita.

Lumapit sa kanya si Issay at iniabot ang lisensya.

Napalunok ang principal. Ayaw nyang maniwala na ito nga si Ms. Isabel, ang Chairman ng LuiBel Company.

'Impossible! Paano?'

Humalakhak ito ng malakas.

"Hahahahahahahaha!!"

Principal: "Sa ganyan mo lang ba kayang patunayan na ikaw si Ms. Isabel! Hahaha!"

"Miss, maraming may katulad ng pangalan mo at isa pa, madali ng kumuha ngayon ng fake ID!"

"Kaya pwede ba magsi alis na kayo bago dumating ang totoong Ms. Isabel delos Santos o yung representative nya at baka maabutan pa ang impostor na kagaya mo!"

Nakataas ang kilay nito.

Tatalikod na sana sya para layasan sila ng makita nya ang isang pamilyar na padating.

'Eto na nga ba ang sinasabi ko! Andito na si Ms. Vanessa ang representative ni Ms. Isabel!'

Tingnan ko lang kung ano ang gagawin ng impostor na ito!'

At ngumisi ito.

Vanessa: "Na late ba ako?"

Humahangos na sabi nito kasama si Erica.

Principal: "Ms. Vanessa, welcome po! Hindi po kayo late!"

"Buti pa po doon tayo sa meeting room para makapag relax kayo!"

Masayang nya sinalubong at binati ng malakas ito. Sinadya nya para takutin si Issay.

Hindi nya binigyan kahulugan na magkasamang dumating si Erica at Vanessa dahil inakala nyang baka nagkasabay lang.

Pero nilagpasan lang sya ni Vanessa at agad iyong nagtungo kay Mama Fe at nagmano.

Nagulat ang principal.

'Diba kasama ng grupong ito ang matandang iyon?'

Issay: "Gene, mabuti pa iuwi mo na si Mama Fe!

Wag kang magaalala kasama ko si Vanessa!"

Nagpaalam na sila Gene. Wala na naman silang maitutulong kung mananatili sila dito.

Ang pinobroblema na lang nya ay si Anthon na tyak nyang nagaabang sa labas kaya tinawagan nya si Joel para sumunod.

Nang makita ng principal na umalis na si Gene, kinausap na rin nya ulit ang grupo ni Issay.

Principal: Madam Zhen, Erica, makakaalis na kayo! May meeting pa kami!"

Issay: "Hindi sila pwedeng umalis dahil kasama sila sa meeting!"

Napipikon na ang principal kay Issay.

'Ano bang problema ng impostorang babaeng ito?'

Hindi ba sya natatakot kay Ms. Vanessa?'

Napansin ni Vanessa ang palitan ng matatalim na tingin ng dalawa.

'Mukhang marami akong na miss!'

Vanessa: "Principal, di ba kaya nagpatawag ng emergency meeting dahil sa may nagupload ng video at pics sa website? Kaya dapat lang na present ang mga involve!"

Principal: "A... e... Ms. Vanessa, naayos na kasi namin ang problema kanina. Pero kung gusto nyo silang naroon, Erica, Madam Zhen huwag na muna kayong umalis at yung iba na hindi involve makaka alis na kayo!"

Vanessa: "Sinong pinapaalis mo?"

At itinuro nito si Nicole at Issay.

Vanessa: "Bakit mo sya paalisin e shareholder yan dito?"

Nanghina ang mga buto ng principal at muntik na itong mawalan ng balanse. Pakiramdam nya may mabigat na bagay na bumagsak sa kanya ng marinig ang sinabi ni Vanessa.

'Hindi totoo ito!'

Principal: "A..a..no pong sinabi nyo? I.. tong impostor na ito ay si Ms. Isabel?"

"Sinong Impostor?"

Tumingin lahat sa bagong dating at binati sya.

Sya si Ames Rosales ang founder ng skuwelahang ito.

Napatingin ito sa grupo nila Issay.

Ames: "Hahaha! Tingnan mo nga naman, hindi ko akalaing mapapalabas ko ng lungga ang Chairman ng LuiBel!"

At lumapit ito kay Issay at nag beso.

Kung kanina nawalan lang ng balanse ang principal, ngayon tuluyan ng nawalan ng lakas ang mga tuhod nya at napasalampak ng upo.

Bab berikutnya