webnovel

Sarado Ang Isip

Pilit syang hinihila ni Anthon palabas ng silid pero pinigilan ito ni Joel.

Sa inis ni Anthon, tinadyakan nya si Joel at bumagsak ito sa gilid ng kama na ininda ng huli ng sobra.

Anthon: "Wag kang makialam!!!"

Nandidilat ang mga matang sabi nya kay Joel.

Vanessa: "HONEY BABE !!!"

Nagaalang sabi nito ng makitang nasaktan ang nobyo.

Gusto nyang lumapit pero di nya magawa dahil sa mahigpit na pagkakaawak ni Anthon.

Vanessa: "Bitiwan mo ako!"

Pero hindi sya pinakinggan ni Anthon at ng makitang hindi na makatayo si Joel, muli nitong hinatak si Vanessa.

Nagulat na lang ito ng sinalubong sya ng isang suntok na nagpatumba sa kanya at tinanggal ang pagkaka hawak nito kay Vanessa.

Paglingon nya, nakita nya si Gene na tinutulungan si Joel na makabalik sa kama.

Anthon: "Pati ba naman ikaw?"

Gene: "Kuya tama na! Hindi mo pwedeng pwersahin ang isang tao kung ayaw nyang sumama sa'yo!"

Anthon: "Isa lang ang pinunta ko dito, si Issay!

PERO HINDI KO MAINTINDIHAN BAKIT NYO SYA TINATAGO SA AKIN!!!"

Vanessa: "Malala ka na Anthon! Nasa ospital tayo ngayon baka gusto mong magpatingin?"

Gene: "Bro, totoong sinasabi nila hindi nila alam kung nasaan si Ate Issay! Pinapuntahan ko ang huling lugar na magkasama sila ni Vanessa pero wala na sya doon!"

Anthon: "Hindi ako naniniwala sa inyo dahil alam kong pinagkakaisahan nyo ako!"

Vanessa: "Pinagkakaisahan? Tinatago?"

"Hahaha! Sigurado ka?"

Hindi mo man lang ba naisip na baka mismong si Issay ang ayaw magpakita sa'yo?"

At narinig ni Anthon ang salitang pilit nyang inaalis sa isip nya.

Salitang kinatatakutan nyang marining, ang dahilan kaya umalis si Issay.

Anthon: "Hindi! Hindi totoo yan! Hindi ako basta iiwan ni Issay! Kaya bakit mo sasabihin na ayaw nya akong makita?"

Joel: "Kuya mahal ka ni Ate Issay! Pero ikaw mahal mo ba talaga sya o mas mahal mo ang kinatatakutan mo?!"

"Nasasakal na si Ate Issay sa pinaggagawa mo!"

Anthon: "Hindi! Hindi ako iiwan ni Issay at sigurado ko yan!"

At muli nitong sinugod si Vanessa pero napigilan sya ni Gene.

Gene: "Tama na Kuya!"

Pero wala ng naririnig si Anthon. Sarado na ang isip nito sa mga dahilan nila.

"MAGSITIGIL KAYO!!!"

Sabay sabay silang napatingin sa pintuan.

Nagulat sila pare pareho ng makita si Mama Fe na nakatayo sa may pinto.

Mama Fe: "Hindi ko kayo pinalaking ganyan!

Bakit kung kelan malalaki na kayo saka kayo nagaaway away!"

Sabi nito habang lumalakad papunta sa pagitan ni Anthon at ni Gene na hindi pa rin binibitawan ang Kuya nya sa takot na baka sugurin na naman si Vanessa.

Napansin ito ni Mama Fe. Kita nyang hindi nito sinasaktan ang Kuya bagkus ay pinipigilan.

Mama Fe: "Ano bang nangyayari sa inyo? Ipaliwanag nyo nga!"

Pagikot nito nanlaki ang mga mata ng makita si Joel.

Mama Fe: "HUH?!"

"Ano nangyari sa'yo Totoy?!"

Sabay lapit sa kama at hinawakan ang mukha ng anak.

Joel: "Ma, masakit!"

Hindi alam ni Mama Fe kung paano hahaplusin ang bunso nya.

Mama Fe: "Sino? Sinong may gawa nito sa'yo?"

Sabay tingin kay Vanessa.

Hindi ito sumagot at galit na tumingin kay Anthon.

Pati si Gene ay binitiwan na rin ang Kuya nya at tiningnan sya. Hindi nya magawang magsalita.

Tiningnan ni Mama Fe sila Joel, Vanessa at si Gene dahil pare parehong kay Anthon sila nakatingin.

Si Jaime na kasama ni Mama Fe ay nanatili sa labas upang harangan ang mga dumarating.

Dahan dahan lumapit si Mama Fe sa panganay.

Mama Fe: "Anthon, sagutin mo ako? Sinong gumawa nito kay Totoy?"

Pero hindi ito nagsalita at tahimik lang na nakayuko. Nablanko ito sa biglang pagdating ng ina.

Mama Fe: "Bakit hindi ka makasagot?

Huwag mong sabihin ikaw ang may gawa niyan sa kanya?"

Nakatungo lang si Anthon, ni hindi matingnan ang ina. Hindi nya alam kung paano nya ipapaliwanag ang nangyari.

Anthon: "Ma, dapat hindi na po kayo lumuwas, makakasama ito sa inyo!"

Mama Fe: "Tinatanong kita! Anong nangyari sa kapatid mo?!"

Pero hindi ito sumagot. Tahimik din sila Gene at Joel dahil batid nilang galit na ang ina.

Mama Fe: "Vanessa, sabihin mo sa akin, sino may gawa nyan kay Totoy!"

Vanessa: "Si Anthon po Mama Fe!"

Galit na tinuro ni Vanessa si Anthon.

Mama Fe: "Walang hiya ka!"

Sabay sampal kay Anthon.

Mama Fe: "Anong dahilan at kailangan mong saktan ng ganyan ang kapatid mo na parang gusto mo ng mamatay sya!"

Hindi nya tinigilan ang pagsampal kay Anthon.

Nilapitan na ni Gene si Mama Fe para pigilan ito dahil nagaalala sya sa ina.

Anthon: "Dahil ayaw nilang sabihin kung nasaan si Issay!"

Mama Fe: "Si issay?"

Saka lang tumigil si Mama Fe ng madinig ang pangalan ni Issay.

Mama Fe: "Bakit, anong ibig sabihin nito? Magpaliwanag kayo!"

At ikinuwento ni Vanessa ang buong pangyayari pwera lang yung tungkol kay Emily.

Mama Fe: "Nasaan ngayon si Issay?"

Nagaalalang tanong nito.

Vanessa: "Hindi ko po talaga alam Mama Fe!"

Anthon: "Sinungaling!

Nagsisinungaling ka!"

Joel: "Kuya, kahit si Kuya Gene pinatunayan na sa 'yong nagsasabi ng totoo si Vanessa pero ikaw lang tong sarado ang isip at ayaw makinig!"

Anthon: "Pano ako maniniwala sa inyo e plinano nyo itong dalawa! Hindi ba, inutusan mo ang nobya mo na ilayo sa akin si Issay at pinigilan mo naman ako para habulin sya! Ngayon sabihin nyo bakit nyo plinano to? Bakit plinano nyong ilayo sa akin si Issay?!"

Naguluhan ang dalawa sa binibintang ni Anthon.

Joel: "Wala kaming planong ilayo sya sa'yo Kuya! Pero ramdam kong nasasakal na si Ate Issay sa sobrang pag kontrol mo sa kanya!"

Anthon: "Dahil kailangan kong gawin yon para sa kaligtasan nya, para ilayo sya sa masasamang tao na gustong manakit sa kanya!"

Vanessa: "Kung meron mang may gustong manakit sa kanya, IKAW YUN ANTHON!

Dahil halimaw ka na!

Hindi mo na alam kung ano ang tama at mali!"

"Sarili mo ngang kapatid halos patayin mo na sa gulpi masunod lang ang gusto mo! Kaya wag ka ng magtaka kung mismong si Issay na ang lumalayo sa'yo!"

Iyon din ang nasa isip ni Mama Fe. Kilala nya si Issay simula pa ng pagkabata, alam nyang malaya ito kung magisip kaya hindi nito gugustuhin na kinokontrol sya na parang isang robot.

Kaya nauunawaan nya si Issay dahil sino ba naman ang may gustong tratuhin syang isang puppet.

Naririndi na si Anthon kaya tumayo na ito para umalis.

Mama Fe: "At saan ka pupunta?"

Anthon: "Hahanapin ko si Issay! Kung ayaw nyo akong tulungan ako mismo ang hahanap sa kanya!"

At dirediretso na itong umalis.

'At pagnakita ko sya sisiguraduhin kong hindi na sya muling mawawala sa akin!'

Bab berikutnya