webnovel

Alam Mo Ba?

Pagkatapos nilang maghiwalay ni Nicole, nakipagkita si Edmund sa kaibigan nyang si Eric.

Eric: "Bro, san ka ba nagpupunta? Mag hapon kang nawala!"

Edmund: "Haaay! mahabang kwento! Nagsimula ng masiraan ako ng sasakyan!"

At kinuwento nito ang nangyari sa kanya ng maghapong iyon.

Eric: "Grabe! Kinilabutan ako sa sinabi mo! eeewww!!!!"

"Hahahaha!!!!"

Nagtatawanan silang mag kaibigan ng mapansin sila ng bagong dating na si Roland.

Kasunod nito ang mga tauhan nya at lumapit sila kung saan naroon si Edmund.

Roland: "Akala ko naman kung sino itong mga maiingay na ito! Pamangkin bakit hindi ka magbigay galang sa tiyuhin mo! Hehe!"

Napataas ang kilay ni Edmund.

'Bakit ba lagi na lang sumusulpot ang surot na to sa tuwing umiinom ako?'

Edmund: "Magandang gabi ho!"

Sabay alis at inayang lumipat ang kaibigan.

Roland: "Abat loko tong mokong na to! Biglang umalis hindi pa ako tapos?!"

Medyo nakainom na sila Roland bago nagpunta sa bar na ito.

Pinaalis sila sa unang bar na pinuntahan nila dahil sa kabastusan ng mga tauhan nya kaya lumipat sila dito.

Malay ba nyang makikita nya rito ang mokong na anak ni Luis na ito.

Sinundan nya si Edmund sa nilipatan nilang upuan.

Roland: "Hoy bata! Hindi pa ko tapos makipagusap sa'yo ba't mo ba ako tinatalikuran? Binabastos mo ba ako?"

Napakunot ang noo ni Edmund.

Edmund: " Bakit meron ho ba tayong dapat pag usapan? Wala naman diba?"

"O baka naman gusto nyo lang gumawa ng issue para mapagusapan dahil walang pumapansin sa mga pinagsasabi at pinag gagawa nyo?"

Nabwisit si Roland sa sinabi ni Edmund. Dahil ito talaga ang dahilan kaya sya nagyayang uminom. Hindi nya matanggap na walang pumapansin sa kahit anong issue na ibato nya sa kompanya.

Sinubukan na rin nyang siraan ang mga produkto ng LuiBel at nag bayad pa ng fake na mga maninira, pero walang pa ring nangyari sa kompanya. Mas lalo pa nga itong lumakas.

Roland: "Bastos ka!" Wala kang modo!!"

Malakas na ang boses nito at nakaka tawag na ng pansin ng ibang mga kustomer duon.

Ngunit hindi na sya pinansin ni Edmund.

Eric: "Bro, mabuti pa umalis na lang tayo dito!"

At tinawag na nito ang waiter para magbayad.

Lalong napikon si Roland lalo nat ginagatungan pa ng mga tauhan nya.

"Boss, walang respeto senyo, papayag ba kayong ganyanin ng mokong na yan!"

"Boss banatan na natin kasi, para matuto!"

Tumayo na si Edmund at hindi na hinintay si Eric. Nilagpasan lang nya si Roland na parang isang estatwa at dirediresto na ito sa labas.

Nagpupuyos sa galit si Roland na sinundan sya sa labas.

Roland: "Hoy, walang modo kong pamangkin, hindi pa tayo tapos!"

"Kung makaasta ka akala mo kung sino ka, masyado kang mapagmataas parang ama mo e pareho lang naman kayong lalamya lamya! Pwe!"

"Hahahaha!"

Pero parang walang narinig si Edmund dirediretso lang ito sa paglakad. Buti na lang at natapos na si Eric at dali dali itong lumabas ng makitang sinundan sya ni Roland.

Minsan ng pinabugbog ng taong ito ang kaibigan nya kaya natatakot syang baka maulit iyon.

Roland: "Bakit, ayaw mo bang malaman ang sikreto ng magaling mong ama kaya ka nagmamadali sa paglakad dyan? Kung sabagay ikaw kayang magkaroon ng amang katulad ni Luis malamang mahihiya din ako!"

"Boss bakit ano ba ang sikreto nung Luis?"

"Sige na boss sabihin mo na! Hehehe!"

Roland: "Si Luis? Yung magaling kong pinsan na kung umasta akala mo matapang ba lalaki pero may tinatagong kalamyaan? Hehe! Bakla yun at lalaki ang gusto nun!"

Humagalpak ng tawa ang mga tauhan ni Roland.

Roland: "At alam mo ba pamangkin, napilitan lang ang Papa mo nuon na pakasalan nya ang Mama mo para itago ang kabaklaan nya!"

Hahahaha!!"

Biglang huminto si Edmund at pag harap, sinuntok nya ng malakas si Roland.

Gumanti ang mga tauhan ni Roland at dun nagsimula ang rambol.

Na nauwi sa presinto.

Ang Lolo Rem nya ang sumundo sa kanila ni Eric sa presinto. Hindi siya nito tinanong, ni hindi nya alam kung galit ito basta tahimik lang ang Lolo nyang pinagmamasdan sya.

Nakausap na ni Belen si Eric kaya nalaman na nito ang buong pangyayari.

Pagdating ni Edmund sa bahay, agad syang inakap ng tiyahin na sobrang nagaalala sa kanya.

Edmund: "Pasensya na po kung pinagalala ko kayo Tiya, Lolo!"

Belen: "Alam ko na kung ano ang nangyari, naikwento na sa akin ni Eric!"

Edmund: "Totoo po ba Tiya?"

Belen: "Anak, hindi ko rin alam! Pero mahalaga pa ba kung totoo o hindi na bakla ang Papa mo, naging mabuting ama naman sya sa'yo di ba!"

Edmund: "Tiya, hindi naman mahalaga sa akin kung anong pagkatao ni Papa! Mahal ko sya! Ang hindi ko matanggap sa sinabi nya ay napilitan lang ang Papa na pakasalan ang Mama at ginamit nya lang ito!"

At hindi na nya napigilang umiyak.

Hindi alam ni Belen kung anong iisipin. Pano nya malalaman kung totoo ito o gumagawa lang kwento ang pinsan nyang si Roland. At pano naitago ang bagay na ito ng ganuong katagal ni Kuya Luis nya sa kanya?

Belen: "Hindi ako naniniwalang hindi minahal ng Papa mo ang Mama mo, sigurado ko yan sa'yo! Kaya wag kang basta basta naniniwala sa sinasabi ni Kuya Roland!"

Uncle Rem: "Tama ang Tiya Belen mo apo, kahit ako nakita ko kung paano nagluksa si Luis sa pagkamatay ng Mama mo! Kaya hindi rin ako naniniwalang hindi nya ito minahal!"

"Mabuti pa tawagan mo si Miguel, sya ang matalik na kaibigan ni Luis baka may alam sya dito?"

Belen: "Kuya Miguel kamusta?"

Miguel: "O Lenlen napatawag ka may problema ba?"

Agad nitong kinuwento ang nangyari kay Edmund at nilagay nya sa speaker para madinig ng lahat.

Belen: "Kuya Miguel, may alam kaba tungkol dito?"

Miguel: "Tungkol sa pagkatao ni Luis hindi ako sigurado na bakla sya dahil naiinis love sya sa babae!"

Tungkol sa pagpapakasal nya kay Jengjeng, totoong mahal ni Luis si Jeng kaya nya ito pinakasalan. At kaya sinabi ni Roland yun dahil matagal ng may galit yan kay Luis.

Niligawan kasi ni Roland si Jeng pero hindi sya nito pinansin. Tapos ng malaman nyang nagpakasal ito kay Luis, agad nitong pinuntahan si Jeng na hindi alam ni Luis. Mag wawalong buwan si Jeng kay Edmund nuon at pilit syang isinasama ni Roland.

Buti na lang may nakakita sa kanila pero sobrang na stress si Jeng sa ginawa ni Roland sa kanya na naging dahilan kaya bigla syang napaanak at namatay!"

Galit na galit sila kay Roland.

Uncle Rem: "Anong ginawa nya kay Jeng para ma stress ng ganun?"

Samantala, wala silang kamalay malay na may kumuha pala ng video ng away nila at inilagay ito sa internet. Kinabukasan nag viral ito.

Bab berikutnya