webnovel

Sorry Naman!

Nang lumuwas pa Maynila sila Issay, isinama nya si Pinyong at ang ama nito para ipatingin sa specialista ang tenga.

Si Pinyong o si Josefino Daguyo ay isa sa mga batang naturuan ni Issay nuong Grade six pa sya.

Nasa Grade 2 pa nuon si Pinyong.

Marunong naman na bata si Pinyong pero isang araw nagulat na lang si Issay kung bakit bigla itong nagbago. Naging mainitin ang ulo nito at di nagtagal, tuluyan ng nawalan ng interes na magaral.

Ngayon alam na ni Issay ang dahilan. Ang kanyang kapansanan.

Sabi ng duktor na unang tumingin sa kanya sa San Roque ay nabagok daw ang ulo nito at pagkatapos ay nagka impeksyon sa tenga. Hindi daw naagapan kaya kinalaunan naapektuhan ang pandinig nya.

Naalala ng ama na nung bata pa ito, umuwi syang umiiyak at nagdudugo ang bandang kaliwang tenga.

May sugat ang ulo nya at nang kinagabihan ay nilagnat ng malubha, pero dahil sa kakulangan sa pera hindi nila ito nadala sa duktor.

Meron naman mga health worker na nagbigay ng tulong medikal kaya gumaling din ang lagnat ni Pinyong.

Pero wala ni isa sa kanila ang nakakaalam sa tunay na kalagayan ni Pinyong ng mga oras na iyon maliban kay Pinyong. Ayaw nya sigurong mapagtawanan.

Kaya naisipan ni Issay na iluwas ng Maynila si Pinyong para ipatingin sa spesyalista.

Dahil sa hindi makapasok si Issay sa kompanya ni Luis, tumuloy na lang ito sa isang coffee shop na malapit at duon nagbabad.

Kailangan nyang mag research ng tungkol sa kapansanan ni Pinyong at kung paano nya ito matutulungan.

Bago mananghali nakakita na ito ng spesyalistang titingin sa sakit ni Pinyong, ang problema na lang ay kung paano nya ito makukumbinse.

Hindi nya kasi matiyak kung nahihiya ba si Pinyong sa tulong na ibinibigay nya o takot syang malaman na kailangan nyang maoperahan.

"Mukhang kailangan kong makahanap ng tutulong para makausap sya!"

Habang nasa coffee shop si Issay at abalang abala sa kanyang ginagawa, natataranta naman si Nadine sa opisina.

Tumawag na sya sa reception desk at nalaman nyang may nagpunta nga duon at hinanap si Edmund Perdigoñez. Isabel nga daw ang pangalan pero umalis daw agad dahil pinagtabuyan ng kapatid nyang si Nicole.

Paano nya sasabihin kay Madam Belen ang nangyari? Sa kanya pa naman pinagkatiwala si Ms. Isabel.

'Anong gagawin ko? Saan ko hahanapin si Ms. Isabel?'

Masamang masama ang loob ni Nadine sa kapatid dahil sa ginawa nito.

'Hindi pa sya nagsisimula, problema na agad ang ibinigay nya sa akin!'

Nanggigigil sa galit si Nadine.

Hiningi nya ang cellphone number ni Isabel kay Edmund para matawagan ito pero hindi sya sinagot. Nakailang text na rin sya pero wala pa rin.

Kinakabahan na sya.

'Jusko, hindi kaya nagalit na si Ms. Isabel sa nangyari?'

Nagaalala nyang sabi.

Nang mga sandaling iyon, nakatutok ang buong isipan ni Issay sa ginagawa nya kaya hindi nya namamalayan na may tumatawag na pala. Nasa loob kasi ng bag ang cellphone nya.

Nang maka ilang ulit nang tinatawagan ni Nadine si Isabel pero hindi pa rin ito sinasagot, nagdesisyon na syang ipagtapat kay Belen ang nangyari.

Mangiyak ngiyak syang nagtungo sa silid nito.

Samantala.

"Magaalas dose na pala! Teka, bakit wala pa rin si Issay? Anong kayang nangyari?"

Tinawagan nito si Edmund para tanungin kung tumawag si Issay.

Belen: "Hello, Edmund, tinawagan ka ba ni Issay?"

Edmund: "Hindi po Tiya, bakit po, hindi pa po ba dumarating?"

"Belen: "Hindi pa nga eh! Sige tatanungin ko si Nadine baka nagkita na sila."

Saktong pagbaba ni Belen ng telepono kumatok si Nadine.

"Come in!"

Pinapasok nya ito agad sa pagaakalang may balita na kay Issay pero nagulat sya ng makita ang itsura nito.

Mukha syang isang bata na takot mapagalitan dahil may ginawang kasalanan.

"Anong nangyari sa'yo?"

"Eh, kasi .... kasi po .... "

Mangiyak ngiyak na ipinagtapat ni Nadine ang nangyari sa lobby kanina.

Nang malaman naman ni Edmund na wala pa si Issay, sinubukan nya rin itong tawagan pero hindi sya sinasagot.

Tumawag sya sa reception desk para tanungin kung may naghanap sa kanya at duon na nya nalaman ang tunay na nangyari.

Napaisip tuloy si Edmund.

'Nagkamali nga kaya ako sa pagpayag na mag OJT dito si Nicole?

Pinuntahan nya ang silid ng tiyahin at duon nya nadatnan si Nadine umiiyak habang humihingi ng tawad kay Belen.

Awang awang nilapitan ni Edmund si Nadine at saka inakap na ikinagulat naman ng huli.

Pati si Belen ay nagulat din sa ginawa ng pamangkin.

'Loko 'tong batang 'to! May something din pala kay Nadine, kunwari pa!'

"Tiya 'wag nyo na pong pagalitan si Nadine."

Pakiusap ni Edmund

"Hindi ko naman sya pinagagalitan, sya lang 'tong iyak ng iyak dyan!

Sa tono ng pananalita mo, marahil may alam ka na sa nangyari sa baba kanina!"

"Kung nasundo ko lang sana si Isabel kanina hindi ito mangyayari!"

Sabi ni Edmund

"So, kasalanan ko pa pala dahil pinigilan kita na sunduin sya, ganun?

Bakit hindi mo na rin sisihin si Isabel dahil ayaw nya na magpasundo sa'yo?

Bakit hindi mo na lang sisihin ang lahat maliban kay Nicole?"

Napipikong sabi ni Belen kay Edmund.

Hindi iyon ang ibig sabihin ni Edmund.

Dahil aminin man nya o hindi, ayaw nyang tanggapin sa sarili na nagkamali sya sa ginawa nyang pabigla biglang desisyon sa pagpayag na mag OJT si Nicole dito sa kompanya.

Pero ano pang magagawa nya, pumayag na sya at nasabi na rin nya kay Nicole.

"Nadine, ito ang email ni Isabel, subukan mong kontakin baka sakaling naka online sya.

Tapos ay umorder ka na rin ng tanghalian para sa ating apat at mahirap mag alala pag gutom!"

Utos ni Belen.

"Madam ..... apat po?"

Nagtatakang tanong ni Nadine.

"Oo apat! Ramdam kong andyang lang sa malapit yon!"

"Sa susunod pag may problema, sabihin mo agad sa akin at wag mong solohin! Kahit na tungkol ito sa kapatid mo! Maliwanag!"

"Opo Madam Belen!"

Nahihiyang sagot ni Nadine kay Belen pero ramdam nyang parang gumaan ang dibdib nya.

"Magbilin ka na rin sa baba para sigurado. Baka may magpalayas na naman sa kanya doon."

Pahabol ni Belen.

Pero para mas makasiguro si Nadine na makakarating si Isabel, sya na mismo ang nagantay sa lobby.

Sa coffee shop.

Sa gitna ng ginagawang pag research ni Issay, napansin nya na may nag email pala sa kanya. At ng buksan nya ito saka lang nya nalaman na may mga naghahanap na pala sa kanya.

'Sorry naman! Na busy eh! Hehe!'

Nakangiti nitong sabi ng makita kung ilan ang miss call at text nya.

Agad nyang tinawagan si Belen at buong tamis na sinabing:

"Hi Ate Belen! Na miss mo ko nuh?!"

Bab berikutnya