webnovel

Epilogue

Jungkook's Pov

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang saya ko. Hindi nga mawala ang ngiti sa mga labi ko. Natapos ang kasal ko at tuloy na ang program. Pinaupo nila kami sa  upuan na para sa bride at groom.

"Congrats Jk at Lisa. Una sa lahat tawagin natin ang unang babati magsasalita para sa ikinasal. Tawagin natin ang best man na si V." sabi ni Namjoon. Tumayo si V at kinakamot ang ulo.

"Sabi ko sa inyo wag nyo ako unahin eh. Di ako prepared hahaha. By the way Congrats sa inyo Jk at Lisa. Deserved nyo pareho na lumigaya. Saksi kami sa pag iibigan nyo. Nakakaingit nga kayo. Nakakatawa lang kasi akala namin nagbibiro lang si Jk na nahuhulog na sya. Pero nung maramdaman ko na seryoso nga sya sinuportahan ko pa din sya kasi nararamdaman ko na ikaw Lisa ang tamang babae para sa kanya. Tangna! Nawawala pagiging alien ko nito. Ayoko ng seryoso hahaha. Alagaan nyo lang ang isat isa at ang kambal. Lagi nyong tatandaan na nandito lang ako. Bukod sa regalo ko sa inyo, kakantahan ko kayo na ikalawang regalo ko." sabi ni V at kumanta sya ng God gave me you ni Bryan White.

Matapos kumanta si V, si Jennie naman ang tinawag at nagsalita.

"First of all Congrats Jk at Lisa. Jk, alagaan mo at pakamahalin ang baby namin ha. Kahit may kambal na kayo eh baby pa din namin yan. Wag ka lang magloloko kundi lagot ka sa buong Rainbow gang." sabi ni Jennie. Nagcheer naman ang mga agents.

"Sayo naman Lisa, bitch wag ka na magpapakahero ha kundi papatayin kita talaga. Pinag alala mo kami. Simula ngayon magin masaya ka na ha. I love you bitch! Yun lang. Congrats ulit sa inyo. At kakantahan ko kayo." sabi pa ni Jennie na medyo maluha luha. Kumanta nama sya ng A Thousand Years ni Christina Perri.

Sunod sunod naman na silang nagbigay ng mga pagbati. Natapos na si Rm, Jin, Suga at Jhope at Rose. Si Jisoo naman ang susunod.

"Congrats sa bagong kasal. Sana ito na ang umpisa ng masaya nyong buhay. Lagi nyo lang tatandaan na nandito lang kami. Masaya ako kasi matutupad nyo na ang pangarap nyo na magkaroon ng masaya ng buhay. Alagaan nyo ang isat isa. Cheers kakantahan ko muna kayo bilang regalo ko." sabi ni Jisoo. Kumanta sya kasama ni Jin ng The Gift ni Jim Brickman.

Natapos na kumanta sina Jisoo at Jin. Oras na sa pagcut ng cake. Grabe ang laki ng cake namin hahaha.

Purple ang kulay nya na may silver at umiilaw ang stand nya. Sa tuktok nun may nakalagay na JL na magkadikit. Akala mo tuloy letter h yun hahaha. Para ngang ayaw hatiin ni Lisa ang cake eh.

Nang matapos kami magsubuan ng cake, tinawag ni Namjoon si Rose at Jimin para kumanta. Ang ganda pala ng boses ni Rose. Kinanta nila ang Destiny ni Jim Brickman. Nagduet sila.

Nasa tabi namin ang kambal at mahimbing na natutulog kala mo walang nangyayari sa paligid. Pagkatapos dumede natulog na naman. Masyadong nagpapalaki ang mga anak ko. Huling tinawag ni Namjoon si Jimin.

"Congrats Lisa at Jk. Sa totoo lang ngayon lang namin nalaman na ikakasal kayo ulit na dalawa. So hindi ako handa. Pero sana nagustuhan nyo ang kanta ko hehehe. Salamat pala aa ginawa nyong tulong sa akin at balang araw makakabawi ako sa inyo. Isa lang ang masasabi ko nandito lang kami para sa inyo at magpakasaya kayo hahaha. Ay may isa pa pwede ba binyagan nyo na ang kambal. Nalaki na sila oh at para opisyal na kami maging ninong at ninang nyan hahaha. Tapos bigyan nyo ulit kami ng triplets naman hahaha!" masayang sabi ni Jimin. Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid. Punong puno ang park. Nandun kasi lahat ng agents na naging pamilya na rin namin.

"May we call on our bride. Mrs. Lalisa Manoban Jeon para sa mensahe." sabi ni Namjoon.

"To my husband wala na ako masasabi kasi nasabi ko na kanina lahat hihihi! Mahal kita yan na lang ang masasabi ko." sabi ni Lisa na ikinatawa namin.

"Magsasalita na lang ako para sa mga bisita ko. Nagpapasalamat ako sa mga dumalo sa kasal ko. Sa mga Agent na tumulong sa akin. Sa decoration at mga kailangan sa kasal ko. Salamat Agent Blue na photographer namin. Si Agent Yellow na naghanda ng pagkain namin. Salamat sa Yellow Bell restaurant. Sa cake ko na si Agent Beige ang gumawa. Lahat kayong agents ay pamilya ko na kaya gusto ko na present kayo sa wedding ko. Salamat sa lahat." sabi ni Lisa. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

"Sa BTS, sorry kung ngayong araw ko lang sinabi. Actually hindi ko naman kayo binabalewala eh. Napakalaki na kasi ng naitulong nyo sa amin kaya hindi ko na kayo inistorbo. Salamat sa lahat lahat." sabi pa ng asawa ko. Nag okay sign naman sila.

"Sa Blackpink, Thank you kasi hindi nyo ako binigo. Sobrang salamat kasi napakaganda ng kasal ko. Di ako nagkamali ng sabihin ko sa inyo nung araw na magising ako. Jennie, thank you kasi ikaw ang gumawa ng wedding gown ko na napakaganda. Di pa rin kumukupas ang galing mo sa paggawa ng wedding gown. Jisoo, thank you sa paggiging wedding coordinator ko. At syempre kay Rose, thank you sa paggawa ng invitations and giveaways namin. Sana mag enjoy kayo sa kasal namin. Ang kanta na kakantahin ko ay para sa kambal at asawa ko" sabi ni Lisa. Tapos kinanta nya ang For You I Will ni Monica.

https://www.youtube.com/watch?v=qFxJUePedmY

Wow lang ang galing pala kumanta ng asawa ko bukos sa sumayaw. Well lahat pala kami talented. Pwede maging singers and dancers.

"Tawagin naman natin ang Groom na si Mr. Jungkook Jeon." tawag sakin ni Namjoon. Hinalikan ko muna ang kambal at si Lisa saka ako tumayo para magsalita.

"Sa mga bisita namin maraming salamat po sa pagdalo. Sa mga agents na tumulong salamat po. Simula ng tinanggap nyo ako bilang kapamilya nyo hanggang sa pagkakasakit ng asawa ko, nagpapasalamat po ako ng taos puso kasi hindi kayo nagsawang tulungan kami. Sa mga kaibigan ng asawa ko, ang galing nyo magtago ng sikreto. Hindi talaga ako nakahalata. Salamat. At pwede ba sa lahat ng gumawa, pwede ko ba ulit kayo kontakin sa binyag ng kambal? Hehehe. Ako naman ang magbabayad at gagastos." nagtawanan naman sila sa sinabi ko.

"At sa mga kaibigan ko thank you! Alam nyo na yun. At balang araw ako naman ang magbibigay ng regalo sa araw ng kasal nyo hahaha. Pero bago ako magtapos kakantahan ko naman ang asawa at mga anak ko." natatawang sabi ko. Kumanta ako ng Angels brought me here ni Guy Sebastian.

Binulungan ko muna ang Bts. Kung nuong kasal hinandugan kami ng Blackpink ng sayaw eh kami din. Tumayo kami sa gitna at pumwesto na. Kinanta namin at sinayaw ang Butterfly ng Bts.

Alam ko ngayon lang ako nakita na sumayaw at kumanta ni Lisa. Nagpalakpakan naman lahat ng bisita namin lalo na ang asawa ko. Naupo na ako sa tabi ng asawa ko.

Nagpatuloy ang kasiyahan ng kasal namin. May mga kumanta at sumayaw. Si Agent Violet nga kumanta at sumayaw na ikinanga nga ni Jhope. Kahinaan pa naman ni Jhope ang mga babaeng magagaling kumanta at sumayaw hahaha.

Nagkakasayahan pa sila ng magpaalam ako sa mga kaibigan namin. Hindi pa pwedeng mapagod si Lisa.

"Alis na kami kailangan na magpahinga ng mag iina ko." sabi ko sa kanila.

"Sige humayo kayo at magpakarami." sabi ni V. Binatukan ko naman ito.

"Siraulo ka bawal pa. Cge na at magpakasaya kayo." sabi ko at umalis na.

Niyaya ko na si Lisa umuwi. Akala mo namanmalayo uuwian hahaha. Inilapag ko muna ang kambal sa kanikanila nilang higaan.

Pagkatapos ko maiayos  ang kambal nagpunta na ako sa kwarto namin. Mukhang nasa banyo ang asawa ko. Nagtanggal muna ako ng suit ko at nagpalit ng sando at boxer shorts.

Lumabas si Lisa na nakapantulog na. Kung hindi lang bawal pa kay Lisa, kanina ko pa ito sinunggaban eh. Tigang na tigang na ako hahaha. Pero lahat kaya kong tiisin para sa mga mahal ko.

"Mahiga ka na mahal at matulog na tayo." sabi ko.

"Sorry mahal ah. Hindi pa tayo pwedeng magloving loving. Sorry talaga." sabi nya.

"Ano ka ba okay lang yun. Hindi kita minahal ng dahil lang dun. Plus lang yung mga ganung bagay. Sapat na sakin ang nasa tabi kita." sabi ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa noo at labi. Tapos hinahaplos ko ang buhok nya at kinantahan ito para makatulog.

"I love you Jk." yan ang sabi nya bago makatulog.

"I love you too mahal kong Lisa." sabi ko naman.

Simula ng dumating si Lisa sa buhay ko nagkakulay na ito. Naging malubak man ang daanan na aming tinungo pero okay lang kasi sa bandang dulo ng daanan makikita mo ang liwanag ng buhay.

Simula ngayon at sa mga susunod pang bukas ipapangako ko sayo na bubuo tayo ng magagandang alaala. Sobrang laki ng pasalamat ko sa Diyos at binigyan ako ng asawang tulad ni Lisa at mga anak na sina Leo at Lala.

Hanggang dito na lang ang kwento ng aking buhay. Ako si Jeon Jungkook na nagpapaalam na sa inyong lahat.

Bab berikutnya