Lisa's Pov
Simula nang kinausap ko si Rose eh hindi na sya nagpakita sakin. Palaging nurse ang humaharap sakin. Ang sabi samin ay nagfile ng leave daw si Rose. Di ko maiwasang mag alala.
Kasalukuyang naghahain sina Jimin at V ng pagkain namin. Dito din sila madalas natutulog at umaalalay sa amin ni Jk. And im very thankful to that. Bumukas ang pinto at pumasok si Jennie at Jisoo.
"Pasensya kayo Jk at Lisa pero kailangan ko kayo makausap. Hindi ko kasi mahagilap si Rose, nag aalala na ako." sabi ni Jisoo.
"Sya nga pala nagkausap na kayo ni Rose di ba? Gaga talagang babae yun, bigla biglang aalis nang di nagpapaalam." sabi naman ni Jennie.
"Oo nakausap ko na si Rose, sobrang tigas ng ulo nya. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nyang bitawan ang pamilya nya. Ilang beses na syang binenta ng pamilya nya ang huli ay yung nakita ko syang binebenta sa pamamagitan ng auction. Sinong matinong magulang ang gagawin yon? Pero matigas si Rose dahil sya daw ang dahilan kung bakit namatay ang ate nya kaya ginagawa nya daw yun para mapatawad sya ng pamilya nya." sabi ko.
"Yung issue na yun na naman? Hanggang kelan nya ba sisisihin ang sarili nya?" tanong ni Jennie.
"Hindi nya naman kasalanan na namatay ate nya. Bakit nagpapaalipin pa sya kina tita?" sabi ni Jisoo.
"Pwede ba naming malaman kung ano ang nangyari kay Rose?" tanong ni Jimin.
"Kung natatandaan nyo kasali si Rose samin bilang agent. Nagkaroon kami ng sari sariling mission. Ang mission lang dati ni rose ay magmanman sa target nya. Kaso nung makita ni Rose ang ate nya na kasama ang target nya ay nakagawa sya ng isang maling desisyon. Yun ay ang pagkausap at pagpipilit sa ate nya na umalis sa lugar na yon at sinabihan nya na layuan ang lalaki." paliwanag ni Jisoo.
"Kaso matigas ulo ng ate nya. Sinumbong pa ng ate nya si Rose sa target. Nakahingi naman ng back up si Rose bago sya mabihag. Nung bihag sya eh nagustuhan syang pagsamantalahan nung boyfriend ng ate nya which is yung target. Nanlaban si Rose at nasugatan nya yung target. Kaso hindi nagustuhan ng ate nya kaya binaril sya nito. May tama si Rose sa tyan nya. Pero di sinasadya na nabaril nya din ang ate nya at tumama din sa tiyan. Para sana sa target yung bala kaso humarang ang ate nya." paliwanag naman ni Jennie.
"Oh hindi nya naman kasalanan yun ah. Sumama ang ate nya sa masama, so bakit nya sisisihin ang sarili nya." sabi ni V.
"Ok lang sana kung ganun kaso buntis pala ang ate nya at namatay ang baby sa tyan nung mabaril nya ang ate nya. Kaya yun ang ikinagiguilty nya. Umalis sya sa pagiging agent at nagtrabaho na lang bilang doktor. Sinisisi sya ng mga magulang nya tungkol sa ate nya kaya ayun lalong nadepress ang lola nyo." sabi ulit ni Jennie.
"Paano natin matutulungan si Rose?" tanong ni Jk.
"Hindi ko alam." sabay na sabi nina Jennie at Jisoo.
"Sa sobrang tigas nga ng ulo nya nasabi ko tuloy na pagmamay ari ko na sya. Ako ang nakabili sa kanya nung auction. Gumastos lang naman ako ng 20million para sa kanya. Kaso ang bilis maubos ng mga magulang nya ang pera na pinagbentahan kay Rose. Sinabi ko sa ayaw at sa gusto nya ay ipapakulong ko nga magulang nya. Ayun nag iiiyak. Nasabihan pa ako pakialamera, masama, at walang puso." sabi ko.
"Hindi ka naman ganun mahal. Wag kang magtampo kay Rose dahil baka nasabi nya lang yun dahil sa bugso ng damdamin nya." sabi ni Jk.
"Wag kayong mag alala, alam ko naman na si sinasadya ni Rose sabihin yun. Alam ko magulo utak nya dahil lahat naman kami may di magandang karanasan eh." sabi ko.
"Anong plano natin?" tanong ni Jisoo.
"I dont know." sabi ko.
"Hala sya kaya nga kami lumapit sayo kasi alam namin lagi kang may solusyon. Naku nawawala na ata si agent Black." sabi ni Jennie.
"Ikaw kaya manganak ano? Gaga ka talaga Jennie." sabi ko.
Tahimik kaming nag iisip nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang tao na nakahood jacket at nakayuko.
"Sino ka? Bakit ka pumapasok bigla sa kwarto namin." sabi ni Jimin dun sa nakayukong tao.
"Rosie come here. I told you i am always here for you." sabi ko at naupo sa gilid ng kama ko. Ibinuka ko ang mga braso ko na handang yakapin sya.
Tumakbo ito papalapit sa akin at yumakap. Nagulat lahat sila nang biglang humagulgol ito. Nakumpirma na nila na si Rose nga ito.
"Tell me everything. I wont judge you kasi alam ko kung paano lamunin ng guilt. Let us do some action. All i want for you is to tell us everything. Is that ok?" sabi ko at tumango naman ito. Patuloy pa din sya sa pag iyak.
"Pagod na ako. Ayoko na huhuhu. Kung ako ba ang namatay magiging ganyan din ba sila kay ate? Huhuhu. Pagod na ako sa kada sisi nila sakin. Alam kong hindi ko naman sinasadya pero yung bata huhuhu. Hindi sya nabigyan ng pagkakataong mabuhay ng dahil sakin huhuhu." sabi ni Rose.
"Sa tingin mo ba mabubuhay din sya ng maayos? Lulong ang kapatid mo sa drugs. Baka mas makakabuti pa yun kaysa nabuhay sila tapos iniluwal sya ng may diperensya." sabi ni Jennie at yumakap din sa amin.
"Nagtatampo lang ako sayo bakit hindi mo lahat sinasabi ang mga problema mo sakin. Pinsan mo ako pero hindi mo ako pinagkakatiwalaan." sabi ni Jisoo.
"Sorry na ate. Sorry sa inyong lahat, lalo na sayo Lisa, sa mga sinabi ko nung nakaraan. Sorry huhuhu." ngumiti lang ako at hinayaan sya na umiyak.
Tumingin ako at ngumiti sa asawa ko na hawak hawak si Lala. Samantalang si V hawak si Leo. At si Jimin nakaupo lang sa sofa at tahimik lang na nakikinig. Nang matapos umiyak si Rose ay sinimulan ko na iting kausapin.
"Rosie tanggalin mo ang hoodie mo. Alam ko may tinatago ka jan. Wag ka magtaka at gawain ko yan." sabi ko at inalis naman ni Rose ang jacket nya.
Napasinghap lahat sa nakita namin kay Rose. Punong puno ito ng mga latay at pasa. May sugat din ito sa noo na natatakpan na ng bandage. Lahat kami nakayukom ang mga kamao at nanggigigil sa nangyari. Walang guatong magsalita sa galit. Ikinalma ko sarili ko bago magsalita.
"Sino?" tanong ko.
"Parents. Gusto nilang sumunod ako sa kanila sa mga pinagagawa nila. Nakatakas lang ako dahil sabi ko gagawin ko ang sinasabi nila. Binigyan nila ako ng envelope ng mga taong target ko." paliwanag ni Rose at ipinakita ang laman ng envelope.
Napasinghap kami sa nakita. Picture ko at ang instruction, nakawin ang isa sa mga anak ko.
"Rosie anong pangalan ng boyfriend ng ate mo?" tanong ko.
"Blake. Blake Santiago." sabi ni Rose.
"Bakit? Anong kinalaman mo sa kanila mahal? Kilala mo ba si blake na iyon? Bakit gustong idamay ang mga anak natin?" sunod sunod na tanong ni Jk. Lahat sila nagtataka at nakatingin sa akin at nag hihintay ng sagot ko.
"Blake Santiago. Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nya sakin. Pati mga anak ko idadamay. Tignan lang natin. Wala akong sasantuhin." sabi ko.
"Bakit Lisa sino nga ba sya bakit hindi ko sya kilala.?" tanong ni Jennie.
"Siya lang naman ang kanang kamay ni Josh. Ang taong nagbalat ng buhay kay Errol." sabi ko.
Nanlaki ang mga mata nila lalo na si Jennie. Nagsisimula nang kumilos ang grupo ni Josh. Pwes handa na ako.