Jungkook's Pov
Natapos na din ang party ng kasal namin. Nandito ako ngayon sa bahay ni Lisa. Simula ngayong araw dito na ako titira habang magulo pa ang sitwasyon. Sisimulan na namin mabuhay bilang mag asawa. Pagkapasok ng pinto binuhat ko si Lisa papunta ng kwarto. Ang gaan naman ni Lisa kaya madali ko syang nabuhat.
"Mahal gusto mo ba na mauna maligo o ako muna?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw muna mahal, ang sakit kasi ng paa ko sa sandals ko eh. Pahinga muna ako saglit." sabi nya.
"Cge mauna na ako sayo." sabi ko at kumuha ako ng damit ko sa maleta ko. Inihatid kanina nila Manang ang gamit ko sa bahay ni Lisa kaya nagkaroon ako ng damit dito.
Naligo ako at nagbihis ng short at sando. Dati rati boxer lang suot ko pag natutulog ako kaso baka mailang si Lisa. Tiis tiis muna ako hahaha.
Lumabas ako ng bathroom. Napansin ko na nakagown pa din si Lisa at mukhang may problema.
"Mahal bakit di ka pa magbihis. May problema ba?" sabi ko.
"Ah.. eh.. kasi.. ano kasi... " sabi ni Lisa. Tinabihan ko sya sa kama. Nakaupo kasi sya sa gilid ng kama.
"Ano nga yon mahal? Sabihin mo kung may problema." sabi ko.
"Kasi ano eh, ano kasi haist! Ano kasi hindi ko maabot ang zipper sa likod ng gown ko." paliwanag nya.
"Yun naman pala eh halika nga. Tumalikod ka na." sabi ko.
Pagkababa ko ng zipper dali dali si Lisa pumunta ng bathroom. Naupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Ang tagal naman ni Lisa. Magbabasa nga muna ako ng libro na pinag aaralan ng mga agent. Survival ang lesson ko sa linggong ito.
Bumukas ang pinto ng bathroom. Nakarobe pa si Lisa. Tapos nakatayo lang sya sa malapit sa pinto ng bathroom.
"Anong problema Lisa? Halika dito mahiga ka na." sabi ko.
"Ano kasi..... Kasi.. ano.." sabi nya.
"Ano yun mahal nauutal ka na naman. Sabihin mo na para magawan natin ng paraan." sabi ko. May nilabas syang mga damit sa likuran nya. Mukhang mga nighties.
"Sina Jennie kasi mukhang nilock ung closet ko. Eto lang ang iniwan nila. Hindi kasi ako sanay magsuot nito eh." paliwanag nya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisnge nya.
"Gusto mo bang manghiram ng tshirt ko? Kaso hindi ko alam kung kakasya ang mga shorts ko sayo. Ah! naalala ko may boxer shorts pala akong maliit sakin." sabi ko.
Pumunta ako sa maleta at humanap ng pwedeng kumasya kay Lisa. Nang makita ko binigay ko agad kay Lisa tapos nagbihis sya sa bathroom. Nang matapos syang magbihis naupo sya sa kama.
"Bakit hindi ka pa mahiga?" tanong ko sa kanya.
"Nahihiya kasi ako eh. Hindi ako sanay may katabi na lalaki, kahit si Errol." sabi nya.
"Halika nga dito. Paano tayo masasanay sa isat isa kung di tayo magtatabi. At isa pa wag ka mag alala wala muna akong gagawin sayo hanggat hindi mo pa ako binibigyan ng permiso. Igagalang ko lahat ng gusto mo. Makakapag antay naman ako basta lagi kang nasa tabi ko, sapat na sakin. Pero wag mo akong paghintayin ng matagal hahaha." sabi ko sa kanya. Tumabi naman sya sa akin. Umakbay ako sa kanya at nakahilig ang ulo nya sa dibdib ko.
"Salamat. Inaantok ka na ba mahal? Kamusta ang lesson mo sa ibang elites?" tanong nya sakin.
"Hindi pa ako inaantok. Ayos lang naman. Mahirap pero kakayanin ko para sayo. Gusto kasi kitang matulungan" sabi ko.
"Kung di mo na kaya pwede ka na umayaw ha. Kwentuhan mo naman ako ng buhay mo, ung kabataan nyo ng BTS." sabi ni Lisa.
"Nung mga bata kami lagi kaming pasaway nila V at Jimin. Minsan nakikigulo si Jhope. Naalala ko nung una naming magtago sa secret gaming room nung mga bata pa kami, tumawag sila ng mga pulis kasi akala nawawala kami. Minsan naman magugulat na lang ang mga tanders may mga sulat na sila sa mukha. Pinapasok namin ang mga bahay nila." kwento ko. Tawa naman ng tawa si Lisa.
"At alam mo ba ang sinulat ni V sa noo ni Jhope, Jhorse. Kaya naman galit na galit si Jhope kay V. Nagtago pa nga si V sa secret gaming room hahaha." kwento ko ulit.
Tawa kami sa kalokohan na kinukwento ko sa kanya.
"Lisa , are you happy with me? I mean married with me." tanong ko.
"Oo naman, gaya ng sabi ko sa iyo ngaun ko lang naramdaman na magkaroon ng isang pamilya. Pag nauwi ako sa bahay mo, it feels like home. Real home. May inay Rita ako at may mga kuya na pinahahalagahan ako. Di kayo nanghusga kahit napapahamak ko na kayo. Alam mo yung feeling na sabik ka umuwi sa bahay dahil may mga nag iintay saung pamilya." paliwanag nya.
"Hayaan mo bubuo tayo ng pamilya natin, ung masayang pamilya. Tulog na tayo mahal. Madaling araw na pala." sabi ko.
"Cge mahal goodnight love you." sabi nya.
"Goodnight and love you too." sabi ko at hinalikan ko sya sa ulo at natulog kami na magkayakap.