Lisa's Pov
Naging busy kami nitong mga huling araw. Nagplano kami kung paano pababagsakin ang pamilya ni Josh. Ang Bts naman panay ensayo. Isa na palang agent sila V, Jimin at Jk. Si V rank F. Si Jk rank E at si Jimin rank G. Nagulat ako sa kakayahan ni Jk. Ang bilis matuto. Ilang buwan pa baka maging tulad ko na sya.
Ilang araw na akong hindi nakakauwi ng bahay ko. Pag uuwi ako pinipigilan ako ni Jennie o di kaya magpapaturo sila Jimin, V at Jk.
Sa wakas ngaun siguro naman wala nang hadlang sa pag uwi ko. Gusto ko nang matulog sa kama ko.
Nakarating ako sa bahay ko. Pumasok ako sa bahay at naupo sa sofa ko. Nagring ang cellphone ko.
"Hello mahal, nanjan ka na ba sa bahay mo? Pwede ba kitang maimbitahang magdinner?" sabi ni Jk sa kabilang linya.
"Oo mahal kakauwi ko lang. Cge saan ba tayo magdidinner?" tanong ko.
"Dito lang sa bahay. Susunduin kita. After 30 min. Cge mahal kita tayo mamaya. Love you." sabi ni Jk.
Ang labo nito. After 30 min. pa eh lapit lang naman bahay nya. Maliligo na nga lang muna ako. Pumasok ako sa kwarto ko at naligo na sa bathroom ko. Matapos akong maligo naghanap na ako ng damit sa walk in closet ko na sina Errol at Jennie ang nagdesign.

Mukhang masusuot ko na ang mga dress ko. Ang tagal ko nang di nagsusuot ng ganito at ang tagal ko nang di nakakapasok dito sa walk in closet ko.

Perfect! Nakita ko na din ang dress na gusto ko. Bumaba na ako sa salas. Laking gulat ko nang madatnan ko si Jk na nakaupo sa sofa. Napansin ko na nakatulala sya sa akin. Well ngaun lang kasi nya nakita na nakadress ako. Napansin ko din ang suot nya. Grabe ang gwapo nya.

"Flowers for you mahal. Ang ganda mo talaga. Ready ka na ba?" tanong ni Jk.
"Oo naman para naman nyang malaking event ang magaganap eh dinner lang naman. Sya nga pala gwapo mo rin hehehe." sabi ko
"Tara na." aya nya. Tumango ako.
Inalalayan nya ako papasok sa bahay ni Errol. Pagpasok namin nagulat ako sa nakita ko.

Nagulat ako nang biglang lumuhod si Jk.
"Lisa, mahal ko simula nang magkita tayo sa overpass ay na love at first sight ako sayo. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kita laging nakikita. Kaya gumawa ako ng paraan para mapanatili kita sa bahay ko. Oo sinamantala ko ang kalagayan mo nuon. Pero hindi ako nagsisisi. Habang tumatagal at nakikilala kita eh hindi nagbabago ang pagtingin ko sayo. Kahit ano pa ang nalaman ko." sabi nya. Di ko namamalayan na umiiyak na pala ako.
"Nung malaman ko lahat ng pinagdaanan mo, lalo akong humanga sayo. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Gusto ko mahal na sa susunod na yugto ng buhay natin ay bumuo tayo ng isang masayang pamilya. Nung sinasabi ko na magpakasal na tayo lagi mo lang akong tinatawanan akala mo binibiro kita. Pero seryoso ako sa sinasabi ko." sabi pa nya habang natawa.
"Lisa, mahal na mahal kita. Bumuo tayo ng pamilya natin. Ayokong maagaw ka pa ng iba sa akin. Tatanungin kita ulit. Lisa will you marry me?" di ko na napigilan na mapahagulgol sa tinanong nya at nang binuksan nya ang box.
"Mahal naman eh hindi ko naman gusto umiyak ka eh. Kinakabahan ako tuloy sa isasagot mo." napansin ko nga na kinakabahan sya.

Ang ganda ng singsing. Tinitigan ko ulit si Jk.
"Yes! Yes i will marry you Jk." sabi ko at sinuot nya ang singsing sa daliri ko. Nakita ko na tumutulo din ang luha nya. Nabigla ako nang halikan nya ako. Natigil kami dahil may mga nagpapalakpakan sa paligid namin.
"Tama na yan! Kasalan na!" sigaw ni V.
"Sya nga naman kasalan na gutom na ako! Hahaha!" sabi naman ni Jin.
Natawa kami sa sinabi ni Jin. Hinalikan ni Jk ang noo ko.
"Tara na Lisa aayusan ka na namin ni Agent Gold. Para naman maging lalo ka pang gumanda sa kasal mo." sabi ni Jennie.
"Kasal? Ngayon?" pagtataka ko.
"Oo mahal nakiusap ako sa kanila na pagtapos ng proposal kasal agad hehehe." sabi ni Jk. Pinaghahampas ko si Jk.
"Ikaw talaga! Hindi mo man lang ako hinayaang makaexperience na maghanda ng kasal ko." sabi ko habang pinagpapalo ko si Jk
"Wag ka mag alala mahal papakasal pa tayo sa simbahan pagtapos ng gulo na ito." sabi nya.
"Yun oh!" sabay sabay na sabi ng Bts.
"Tara na Lisa preparation na tayo. Magbihis ka na ng wedding dress mo." sabi ni Agent Gold. Umakyat na kami sa taas para magbihis. Inaamin ko excited na ako.