webnovel

Lisa's Revelation

Jungkook's Pov

Natulog kami sa kwarto ni Lisa. Nandito pa din kami sa headquarters kasi utos ng boss hindi pa kami uuwi hanggat hindi nakakulong si Mr. Takamura. Tumunog ang cp ko.

"Jk magsibangon na kayo para makakain. Susunduin ko kayo dyan. Sabay sabay na tayo magbreakfast." sabi ni Lisa.

"Cge gigisingin ko na sila. Bye I love you!" sabi ko.

"I love you too Jk." sabi ni Lisa.

Binaba ko na ang cp at ginising ang mga kaibigan ko. Maya maya dumating si Lisa. Nagpunta kami ng canteen. Kimuha kami ng mga pagkain. Buffet style kasi dito. Nang makaupo kami nagsimula na kaming kumain. Maya maya dumating si Jennie.

"Lisa, kakausapin ka daw ni dad mamayang hapon." sabi ni Jennie

"Hindi ko pa yata kaya Jennie." sabi ni Lisa.

"Pero Lisa, hindi mo maiiwasang hindi kausapin si dad. Boss natin sya di ba?" sabi ni Jennie.

"Alam ko."sabi ni Lisa.

Masaya kaming nakukwentuhan nang may biglang nagsalita ng malakas sa tabi namin ni Lisa.

"Tingnan mo nga naman ang salot. Nagbalik na pala. Ang landi landi talaga may mga kasama pang lalaki. Dinadamay pa ang anak ni boss." sabi nung babae.

"Tumigil ka Agent Orange." saway ni Jennie.

"Bakit ako titigil? Bakit nyo pa pilit binabalik ang babaeng to dito sa headquarters. Una nilalandi nya kapatid kong si Mark. Pangalawa si Errol tapos ngayon may kasamang lalaki. Ngayon nawawala si Errol, kasi sinundan yang malanding babaeng yan. Di mo ba ipaghihiganti yung kapatid mo?" sabi nung Agent Orange.

Tumayo si Lisa. Agad naman sinabunutan nung babae si Lisa. Tumayo ako para awatin. Pero sumenyas si Lisa ng wag makialam.

Nang bitawan ng babae si Lisa, bigla naman nyang sinampal si Lisa. Uulitin pa sana ng babae yung sampal ng may umawat sa kanya.

"Ate wag mong saktan ang mahal ko." sabi nung bagong dating na lalaki.

Lumingon ako kay Lisa. Mahal daw nya si Lisa? Bakit pinararatangan ng babae si Lisa ng mga bagay bagay. Napansin ko umiiyak si Jennie at hindi sya makatayo sa upuan.

Napansin ko na namumula na ang mga mata ni Lisa at nakatikom ang mga kamao nya.

"Nang dahil sayo nagkakagulo kami. Nang dahil sayo nawawala ang mahal kong si Errol. Dapat sayo pinarurusahan. Dapat sayo tinatanggal sa pagiging agent." sabi nung babae. Dumarami na ang tao sa paligid.

"Tapos ka na? May sasabihin ka pa?" tanong ni Lisa. Sasampalin sana ulit si Lisa pero inunahan nya ito ng sampal at di lang isa kundi paulit ulit. Inaawat nung lalaki pero hindi nagpapaawat si Lisa.

"Kapag may nakialam sa inyo malilintikan sakin." sabi ni Lisa. Nagsi atrasan naman lahat ng tao maliban sa amin.

Sinampal ulit ni Lisa ung babae. Napansin namin na dumudugo na ang labi nung babae. Ganun ba talaga kalakas si Lisa?

"Bago mo ako paratangan ng kung ano ano eh manalamin ka muna. Sino satin ang malandi. Sino sa atin ang halos lahat ng agent na lalaki nakasex mo na. Ang kapal mong magsalita ng ganyan sakin." sabi ni Lisa.

"Tumigil ka! Wala kang ebidensya. Binabaligtad mo lang ako."sabi nung babae.

"Ebidensya ba kamo? Gusto mo ilabas ko?" sabi ni Lisa. Namutla naman yung babae.

"At isa pa. Hindi ko inakit yang kapatid mo. Hindi ko yan karelasyon. Purket hindi ako nagsalita ay totoo na. Kaya hindi ako nagsalita kasi ayokong ubusin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay tulad nyo." sabi ni Lisa.

Lalapitan ulit sana nung babae si Lisa kaso napahinto agad sya. Tinutukan ng baril ni Lisa.

"Ang kakapal ng mukha nyong pagsalitaan ako! Kilala nyo ba ako? Alam nyo ba ang pinagdadaanan ko? Makapaghusga kayo kala nyo ang lilinis ninyo!" sigaw ni Lisa. Lumalakas na ang iyak ni Jennie. Lumapit ako kay Lisa at hinawakan ko kamay nya, kaso ayaw ibaba ang baril.

"Ibaba mo na ang baril Lisa!" sigaw ng lalaking dumating. Medyo may edad na sya. Nagulat kami ng itutok ni Lisa sa lalaki ang baril.

"Alam mo kasalanan mong lahat ito. Mabuti pang magkaalamanan na tayo." sabi ni Lisa.

"Lisa parang awa mo na, ibaba mo ang baril." sabi ni Jennie.

"Lahat kayo makinig. Ako si Lalisa Manoban. Ako ang anak ng founder ng agency na ito. Kaya kayong lahat makinig kayo. Yung taong pinagsasalitaan nyo ay anak ng tunay nyong boss." sabi ni Lisa.

Napasinghap lahat ng tao na nandun. Binaba ni Lisa ang baril. At hinarap ulit yung matandang lalaki.

"Kasalanan mo to. Ang tagal ko na itong kinikimkim. Kung hindi lang nakiusap sakin ang kakambal ko hindi ako papayag sa set up nyo. Ipinaubaya na namin sayo ang agency. Pati ang kakambal ko! Kayong lahat makinig kayo. Hindi ko nilalandi si Errol. Dahil si Errol ang nawawala kong kakambal. Kung hindi ka natakot sabihin sa asawa mo na namatay ang anak mo, hindi mawawalay sakin ang kakambal ko!" sabi ni Lisa.

"Patawarin mo ako Lisa." sabi nung lalaki.

"Nang dahil sayo namatay ang kapatid ko! Huhuhu. Nakiusap ako sayo wag mong ipapaalam sa kakambal ko. Ikaw ang sumira ng buhay naming magkapatid. Kung hindi mo ako ipinagkasundo kay Josh buhay pa sana si Errol. Dahil ano? Sa kagustuhan mong isagip si Jennie, ako ang ipakakasal mo. Tama ba boss!" sabi ulit ni Lisa. Unti unti nang nanghina si Lisa. Buti nasalo ko.

"Daddy totoo ba?" sabi ni Jennie. Hindi nakapagsalita yung matanda.

"So totoo nga. Ang taas ng tingin namin sa inyo ni Errol. Yun pala nagdudusa na si Lisa. Anong klase kayong ama!" sigaw ni Jennie.

Pinagmasdan ko lahat ng taong nakapaligid sa amin. Nakita ko ang babaeng umaway kay Lisa na tulala.

Hinigpitan ko ang yakap ko kay Lisa. Hindi ko alam na ganito pala ang buhay ni Lisa. Mas lalo tuloy akong lumakas ang loob na kunin si Lisa at alisin sa buhay nyang eto.

Binuhat ko si Lisa at dadalhin ko papuntang kwarto nya. Nakasunod lang sakin si V at Jimin pati na rin si Jennie.

Bab berikutnya