webnovel

Parents

Lisa's Pov

Nakauwi na kami ng bahay. Pinipilit pa din ako ni Jk na tumira sa bahay nya kasama si Jennie. Pinapaliwanag ko na pwede naman kami ni Jennie sa apartment ko, pero ayaw nilang pumayag. Papasok na kaming lahat ng bahay ni Jk, nagulat kami sa aming nakita. May sumampal kay Inay Rita.

"Nay! Manang Rita!" sabay sabay na sigaw naming lahat.

"Anong nangyayari dito? Mom, Jade bakit kayo nandito? tanong ni Jk.

"Bakit kailangan pa ba kami magpaalam sayo pagpupunta kami dito?" tanong ng babae. Teka mom? Eh di ibig sabihin mommy ni Jk to?

"Natural bahay ko to. At isa pa tinakwil nyo ako di ba. Bakit ba kayo nandito? Anong kailangan nyo?" tanong ni Jk.

"Nandito kami para pag usapan ang kasal nyo." sabi nung mommy ni Jk.

"Walang kasal na magaganap. Hindi ako magpapakasal sa babaeng yan. Isa pa meron na akong papakasalang iba." sabi ni Jk. Tahimik lang kami at pinapakinggan sila. Hinawakan ni Jk ang kamay ko.

"Wag mong sabihin na sya ang papakasalan mo?" sabi nung mom nya.

"Wala kayong pakialam kung sya nga. Ano pang ginagawa nyo? Nakakaistorbo kayo dito. Nananakit pa kayo ng tao. Im very dissapointed in you mom." sabi ni Jk.

"Hindi maaari to! Makakarating to sa daddy ko! Nangako kayo tita na makakasal kami." sigaw ni Jade.

"Wow ubos na ba ang mga nagkakagusto sayo at namimilit kang magpakasal sayo ang isang tao. Nakikita mo ba sarili mo? Your so pathetic." sabi ko.

"How dare you! Makikita mo!" sigaw ni Jade.

"Nakatakda na ang kasal nyo sa susunod na linggo. Tanggapin mo na. Wala ka nang magagawa. Ang daddy mo na ang nagpasya nun." sabi nung mommy nya.

"As if pupunta ako." sabi ni Jk

"Kung kinakailangan kidnapin kita gagawin ko! Makasal ka lang kay Jade." sabi nung bagong dating na lalaki. Napangiti ako at tumingin kay Jennie.

"Itinakwil nyo na ako dad, kaya wala na akong kinalaman sa inyo!" sigaw ni  Jk.

Lahat kami ng mga kaibigan nya tahimik lang. Kaso hindi ko na kayang hindi makialam pa.

"Kailangan ko bang magpakasal sa anak nyo para matigil na kayo, Mr. Jeon?" sabi ko sabay ngisi.

Napatingin sakin si Mr. Jeon. So daddy pala sya ni Jk. Laking gulat nya ng makita nya kami ni Jennie.

"Ikaw? Hindi pwede to. Kailangan makasal ng anak ko kay Jade." sabi ni Mr. Jeon.

"Hindi ka pa rin pala nagtatanda. Matanda ka na pero wala kang pinagkatandaan. Pasensya na Jk ha kailangan ko pagsalitaan ang daddy mo ng ganyan.." sabi ni Jennie.

"That's fine with me. Wait magkakakilala kayo?" tanong ni Jk. Mukhang wala syang alam sa daddy nya.

"Yes as a matter of fact kilalang kilala namin ang daddy mo. Right Mr. Jeon? sabi ko.

"Pakiusap yun lang ang paraan para maligtas ang anak ko." sabi nya. Sabi ko na nga may mali dito.

"Mr Jeon we need to talk. But first pauwiin mo si Jade." sabi ko.

"Pag umuwi yan, magsusumbong yan sa daddy nya. Mapapahamak ang anak ko." sabi nya.

"Teka honey ano nangyayari dito." tanong ng mommy ni Jk.

"Simula pa lang ng magkaroon kayo ng ugnayan sa pamilya ni Jade ay pinahamak mo na ang anak mo." sabi ni Jennie.

"Pagpinaalis ko ba si Jade maipapangako mo na hindi mapapahamak ang pamilya ko?" tanong ng daddy ni Jk. Tumango lang ako.

"Umalis ka na Jade. Wala na akong pakialam kung magsumbong ka pa sa daddy mo. Napapagod na akong kakasunod sa inyo ng pamilya mo." sabi ng dad ni Jk.

"Honey!" sigaw ng mom ni Jk.

"Hindi ako papayag! Akin lang si Jk. Makakarating to kay daddy!" sigaw ni Jade na ikinangiti namin ni Jennie.

"Go ahead. Mas maganda nga yun para may thrill hahaha! Mukhang ito na ang tamang panahon para makilala nila tayo Lisa." sabi ni Jennie.

Galit na galit na umalis si Jade sa bahay ni Jk. Tumingin ako sa daddy ni Jk. Tumingin din sya  sakin.

"Wag kayong mag alala Mr. Jeon hindi ko ipapahamak ang anak nyo. Sa ngayon kailangan natin ng plano. Malamang lulusob na sila maya maya. Ano ba kasing pumasok sa kokote nyo at nakipagkasundo kayo kay Mr. Takamura. Tama ba ako sya ang ama ni Jade?" tanong ko.

"Teka naguguluhan na ako Lisa, dad?"

tanong ni Jk.

"Oo nga ang gulo nyo." sabay sabay na sabi ng Bts.

"Di ba gusto nyo kami ni Lisa makilala? Eto na ang tamang panahon para dun. Medyo kakailanganin lang namin ang cooperation nyo para sa kaligtasan ng pamilya ni Jk." sabi ni Jennie at sinang ayunan ko.

"Teka lang Lisa, kukunin ko lang ang mga pinatago ko kay V. Nandun din yung ibang gamit mo at gamit ni Errol." sabi ni Jennie

"Maghanda na kayo. Sa ngayon mag empake kayo ng gamit nyo for 1week. May kailangan tayong puntahan. Kayo Mr. At Mrs. Jeon at pati ka na inay ay itatago muna namin kayo sa safe house. Kailangan ko lang magreport sa trabaho para maging legal ang operasyon." sabi ko at tumango lang si Mr. Jeon.

Alam kong takang taka na si Jk. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang pisnge nya.

"Makikilala mo na ako. Tatanggapin mo pa kaya ako pagtapos nito?"

sabi ko.

Dumating si Jennie at V na may dalang 2 maleta. Binuksan ni Jennie ang mga maleta na ikinagulat ng lahat maliban samin ni Jennie.

"I miss my babies. Good to see you again." sabi ko. Sabay halik sa hawak hawak ko.

Bab berikutnya