Jungkook's Pov
Nakarating kami sa clinic pero wala yung nurse. Pinaupo ko muna si Lisa.
"Thank you Jungkook." pasasalamat ni Lisa. "Pwede mo na ako iwan dito. Baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo." sabi pa nya
"Di yon hayaan mo sila. Malalaki na ang mga yun. Di rin ako mapapakali hanggat di kita nakikitang maayos." sabi ko sa kanya.
"Sya nga pala Lisa matanong lang kita. Ano nga pala ang ginagawa mo sa overpass. Para ka kasing tatalon dun. At isa pa gabing gabi na nandun ka pa. Hindi mo ba alam na delikado na ang panahon ngaun." sabi ko.
"Wala naman nagpapalipas lang ng oras. Malungkot kasi ako dahil kinailangan kong iwan ang dati kong lugar. Naiwan ko dun ang mga kaibigan ko." sagot ni Lisa.
"Di bale Lisa pwede mo naman na kami maging kaibigan." sabi ko sa kanya.
"Salamat talaga sayo Jungkook." sabi nya.
"Jk na lang tutal naman kaibigan na kita." napansin ko na nakajacket na naman sya. Ganito ba style nya?
"Lisa tanggalin mo muna ang jacket mo para makita natin kung may pasa sa braso mo dahil sa pagkakahawak ni kalbo. Ok lang ba para magamot natin?" sabi ko.
"Wag na ako na lang." sabi nya. Napansin ko na nde sya mapakali sa sinabi ko. Naisip ko baka nahihiya.
"Lisa kung nahihiya ka lalabas muna ako at hahanapin ko yung nurse." sabi ko. Tumayo ako at lalabas nang dumating ang nurse. Mabuti naman at dumating sya agad. Napansin ko na maputla si Lisa.
Naghihintay ako sa labas ng clinic ng dumating ang mga kaibigan ko.
"Musta si Lisa?" tanong ni V
"Tinitingnan pa ng nurse." sagot ko sa kanya.
Napansin namin na bumukas ang pinto kaya dali dali kami tumayo.
"Kayo ba ang kasama nung babae sa loob?" tanong ni nurse Joy. Teka bakit parang balisa si nurse Joy.
"Opo kami nga, bakit po?" tanong ni Jimin
"Mabuti pa dalhin nyo na sya sa ospital. Hindi ko na kayang gamutin ang iba nyang sugat. May mahaba at malaki syang sugat na kailangan tahiin. Sa tingin ko marami na rin ang dugong nawala sa kanya." sabi ni nurse Joy.
Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Lahat kami nagtataka kasi hinawakan lang naman sya ni kalbo. Dali dali kaming pumasok sa loob ng clinic. Nakita namin si Liza na nakahiga at maputla. Nakaalis na din ang jacket nya. Natulala ako sa nakita ko.
"WTF! Ano yan?" sigaw ni V
"Grabe nga ang mga sugat nya. Bilis buhatin nyo at isakay na sya sa sasakyan. " kalmadong sabi ni Namjoon.
Binuhat ko agad si Lisa at dali dali na nagpunta kami sa parking lot ng school.
"Hold on Lisa dadalhin ka namin agad sa ospital." bulong ko sa kanya. God sana po maging maayos sya.