webnovel

Buwan

Ayradel's Side

"Oh, bakit busangot yang mukha mo? Anong sinabi ni Jayvee sayo?"

Agad naman akong natauhan nang mapansin ni besty ang padabog kong pagupo sa tabi niya. Hindi ko pa nga pala nakukwento, at hindi ko pa balak ikwento ngayon kaya naman inayos ko agad ang mukha ko.

"Huh? W-wala, wala. Ang init lang kasi. Nakakairita sa pakiramdam."

Tumango tango siya.

"Sabagay," aniya. "Ayan na oh, tara una na tayong lumabas! Pinapapunta na ang lahat sa field! Go go go!!!"

Katulad ng inannounce ay pumunta na nga kaming mga estudyante sa field upang simulan na ang Stargazing.

"Oh, students! Students!" ani ng isang matipunong lalaki na siguro ay mga nasa 30 na ang edad. "Bago kayo pumila ay makinig muna kayo sa akin."

Nagsiupuan kami sa damuhan kaharap 'yong lalaki, kasama ang lima pang ka-uniporme niya at isang white board na may nakasulat na tungkol sa mga stars.

"I am Kuya Eric, and I'll explain to you everything about this activity. Are you excited?"

"Yeeeeeees!"

"Okay. Kung napapansin niyo ay nagkalat dito sa field ang mga telescopes. Bawat telescipes ay may pino-focus-an na iba't ibang stars and planets. Kayo ang bahala kung saan niyo gustong unang pumila, ang mahalaga ay mapilahan niyo lahat at masilip niyo lahat ng nakahandang stars!"

Naexcite ang lahat at kanya-kanya na ang bulungan.

"Ang telescope na nasa side na iyon, ay nakafocus sa Moon. ang pangalawa ay sa Planet Venus..." itinuro ni Kuya 'yung telescope na nasa gilid lang namin.

Nang matapos ang pageexplain ay nagkanya-kanya na nga ang lahat sa pagpila.

"Sa Moon na muna tayo, Lui?" sabi ko.

"Palagi naman nating nakikita ang buwan e. 'Wag na diyan!" sagot niya.

"Araw-araw ko nga siyang nakikita... pero malayuan. Feeling ko ang layo-layo niya," sabi ko. "Kaya kahit ngayon lang gusto ko namang makita ang Moon ng mas malapit."

"O-okay..." sambit ni besty saka tumawa ng maikli. Napatawa rin ako. "Parang hindi naman moon ang kailangan mong makita e."

Pumunta na kami sa telescope na nakafocus sa moon. Hindi katulad ng sa iba ay kaonti lang ang nakapila rito. Pito lang yata, at kami pa ni besty ang panghuli. Ang karamihan ay nakapila doon sa hindi nila madalas makita at bago sa pandinig nila.

"Honey!" Nagitla na lang kami nang biglang lumitaw si Suho sa tabi namin. Pagkatingin ko ay nakapulupot na ang braso niya sa braso ni Besty, pero nakapagtatakang hindi ito inaalis ni Besty. "D'on tayo sa Venus!"

"Bakit doon pa?! Ito na ang pinakamalapit! Isunod na lang natin 'yon!"

"Ehhh! Sige na, honey?"

Napairap sa hangin si Lui pagkatapos ay napatingin sa akin. Halata rin naman sa kanyang gusto niya sa ibang telescope kaya naman ngumiti ako. Oras din nilang dalawa ito ni Suho.

"Okay lang Lui. Basta nandito lang ako, pagkatapos sunod ako sa inyo."

"Ha? Sigurado ka ba?"

Tumango ako. "Uhm."

"May kasama rin naman siya Honey e!" sabi pa ni Suho nang medyo naglakad na sila palayo, pero narinig ko pa.

"Huh?! Nananakot ka ba?! Mukha ba siyang may kasama?!" sigaw ni Besty na mukha nanamang susuntukin si Suho.

"hehehehehe" Suho.

Tumawa na lang ako sa hangin, pagkatapos ay pinagmasdan ang kalangitan. Napayakap rin ako sa sarili dahil sa lamig, naalala ko tuloy 'yong time na nagstargazing kami ni Richard sa bubong ng kotse niya.

Napangiti ako.

Naisip ko tuloy na para siyang buwan. Nakikita ko, pero ang hirap hawakan. Ang hirap abutin dahil hindi naman kami magkapareho.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib, at akmang haharap na sana sa pila— nang may mahagip ang aking mata.

Naglalakad siya at deretsong-deretso ang tingin sa akin. Parang biglang huminto ang tibok ng puso ko. Sandali akong napatitig sa kanya para kompirmahing siya nga iyon. Nang masigurado ay bigla akong nataranta na ewan. Tumalikod ako bigla sa kanya upang humarap sa pila.

Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko.

"Omo, eotteoke? You did this to me twice this time." Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nakatingala rin siya sa langit habang nakapila sa likuran ko. Nakangiti lang siya lalo na nang tignan niya ako. "Malapit na akong magselos sa Moon, Baichi. Tinatalikuran mo na lang ako."

Nagpamulsa siya habang tinitignan ako. [Eotteoke = what should I do?]

"A-akala ko kasi n-namamalikmata lang ako..." halos hininga na lang na bulong ko.

"Tch. Hindi mo ba ako namiss?"

Sasagot na sana ako nang mapansing tapos na sa pagsilip sa telescope 'yong taong nasa unahan ko. Ibig sabihin ay turn ko na.

Tinignan ko muna saglit si Richard bago ako pumunta doon sa telescope upang ilagay doon ang mata ko... Nang bigla kong maramdaman ang pagyakap ng kung sino mula sa likod ko.

Agad akong napatingin sa mukha niyang nakapatong sa kanang balikat ko, kasabay ang pagwawala ng paru-paro sa tyan ko.

"A-anong ginagawa mo?"

"Hindi mo kasi ako namiss e, pero ako namiss kita."

Hindi ako nakapagsalita. Bumilis lang ang tibok ng puso ko.

"Wae? Bumibilis ba ang tibok ng puso mo?" aniya na mas hinigpitan pa ang pagyakap. "Huwag mong pipigilan. Kasi pareho lang tayo."

Saka ako napangiti... Nang makita ko na ng malapitan ang isang bagay na mukhang malayo noon para sa akin.

Bab berikutnya