webnovel

Pajamas

Ayradel's Side

Tunog ng nagriring niyang cellphone ang siyang bumasag sa namayaning katahimikan, matapos kong tumawa ng tumawa.

"Yeoboseyo?" ayan na naman yung alien niyang lenggwahe habang may kinakausap na sa phone. Tumayo siya habang nakaupo pa rin ako sa may buhanginan, at yakap ang binti. "Jeoege jam-os eul gajyeowa. Nae."

Napatingin ako sa kanya at ganon din siya.

"Elyen." bulong ko habang nagme-make face sa likuran nya.

"I said I don't know. Bahala kayo. Pero kung mahal niyo pa trabaho niyo, siguraduhin nyong kasya." tapos inend niya na yata yung call.

Umirap ako in behalf of his Men In Blacks. Grabe, kung ako yata yon, hindi ko kakayaning maging boss ang Lee-ntik na 'to!

Tumayo lang siya doon, samantalang nakaupo pa rin ako. Ang lamig nga eh, ang ikli kasi ng dress na 'to na pinasuot sa 'kin. Buti na lang may leather jacket na partner 'to, kundi, nako.

"Jaydee." ngumisi ako nang muli ko na namang makita ang tingin niyang masama.

"You're unfair. You should make your own name for me."

"Baliktad ka. Mas gusto mo pang tawagin ka sa kung ano anong pangalan kaysa tunay na pangalan mo?"

"Mmm. Pwede mo akong tawaging babe, baby, mahal, love-"

Para akong nabilaukan.

"B-bakit naman kita tatawagin ng gan'on?!"

"Tss. Basta wag ang Jayshit na yon."

"Wag mo muna 'kong tawaging Baichi?"

"No." Para siyang hari na nagtaas-noo. Yung parang wala ka nang magagawa dahil nasabi niya na.

"Eh di, no din. Aba, be fair naman! Tatawagin mo 'kong Baichi eh hindi ko naman pangalan yon!"

"I am fair."

"Paano naging fair 'yon?!"

"Dahil kapag sinabi kong "Baichi" ikaw lang ang maiisip ko." sambit niya na parang nagpatahimik sa akin. Nilingon ko siya. "Sa Jaydee ba, ako lang naiisip mo?"

Lumunok ako at tumingin sa dagat.

"O-oo naman." sagot ko saka umiwas ng tingin.

"Tss. No way. You will always think of Jayvee."

"Bakit naman? Kahit gaano pa magkalapit ang pangalan ng isang tao, magkaibang magkaiba pa rin kayo. Ikaw lang ang naiisip ko tuwing tinatawag kita ng Jaydee no. Ikaw lang naman nag-iisip na may iniisip akong iba."

Napahawak naman ako sa bibig dahil baka iba na naman ang maging dating sa kanya.

"Talaga?"

Nilingon ko siya at hindi ko alam kung bakit nahawa ako ng ngiti niya. Ang ngiti niya ay hindi isang ngisi, kundi tunay na ngiti.

Hanggang sa may dumating na mga Men and Women in Black. Nabigla ako nang bigla silang magsihanay sa harapan namin- habang hawak ng bawat isang tao ang iba't-ibang size, color at designs ng mga...

Pajamas? Eh?

"Tsk. Kahit kailan talaga late kayo kung dumating." umiling-iling si Lee-ntik at tumayo. Ako naman, kunot pa rin ang noo kasi ang weird na ng nangyayari.

"Hoy, para saan yan?" tumaas ang isang kilay ko sa kanya.

Parang nangyari na 'to ah?

"Para sa, uh..." napansin kong parang namumula siya. Nilagay nya nanaman yung thumb nya sa lower lip niya. Shit.

Kumalabog na naman ang dibdib ko. Ayoko pa naman ng gan'ong pose nya, nakakadistract.

"P-pumili ka na lang ng isa dyan na kasya sayo at suotin mo. Kasi yung suot mo, masyado palang maiksi. Lalo na kapag nakaupo." umiwas na siya ng tingin pagkatapos ay naglakad na palayo.

Uminit naman ang pisngi ko. Kaya ba siya kanina pang hindi mapakali dahil sa... legs ko?

Jusko, kanina pa akong prenteng nakaupo sa buhanginan dito, tapos meron na palang hindi komportable sa posisyon ko?

Hiyang-hiyang pinili ko na sa mga pajama doon yung kakasya sakin. Parang sasabog na ang pisngi ko sa mga tingin ng men and women in black sa akin. Kainis talaga. Pagkatapos kong mamili ay sinoot ko na yung napili ko.

Ang ganda.

Ganda talaga. Isipin mo na lang, tiger skin-colored dress, na may partner na black leather jacket, tapos pajama ang pang-ibaba.

Napakaganda, mukha akong tanga.

"Pfft! HAHAHAHAHAHA!" may gana pa talaga ang kumag na 'tong tawanan ako, ha? Mas lalo kong siningkitan ang mata ko. "Itsura mo, Baichi! Hahaha!"

Lumobo ang pisngi ko sa inis. Pinameywangan ko siya at tinignan ng masama.

"Mabuti na 'to no!" naiiritang sabi ko. "Kaysa naman pag-isipan mo pa ako ng masama!"

"Hoy hindi ka kaisip-isip ng masama no!"

padabog akong naglakad sa buhanginan patungo sa direksyon papunta sa harapan ng hotel. Inalis ko pa yung suot kong heels kanina dahil lumulubog lang naman sa buhangin.

Naramdaman ko ang pagtabi niya sa paglalakad ko.

"Huy! Hahahaha!" Hinawakan niya ang braso ko para bumagal ang aming paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit nakuryente ako doon.

"Close tayo?!" sabi ko pa.

"Ouch, you are so mean."

"Tss."

"Hahahaha. Naiinis ka ba?" nagcling siya sa braso ko na parang tropa talaga kami.

"Tch!"

"Baichiiii! Maganda naman talaga e!"

Wowowowowow! Sobrang ganda!

"Wait lang, Baichi!" tumigil siya sa paglalakad kaya naman napatigil ako. "Woah, kyeopta!"

(pretty)

Saka tinuro ang langit.

Mula sa pagkakakunot ay umaliwalas ang pakiramdam ko. Ang langit ay medyo pinkish na may pagka-orange. Hindi pa naman sobrang dilim kaya naman kitang kita ko pa yung yellowish na papalubog na araw.

I never saw a magical things like this. Madalas kasi akong kulong sa kwarto ko at deretso lang agad sa bahay bago pa man maggabi.

Mabilis rin akong maglakad kaya naman hindi ko nakikita ang ganitong kagagandang mga bagay. Ngayon ko lamang naappreciate ang isang ganito.

Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Richard. "Geugeos-eun yeppeuji anhda. Geugeos-eun aleumdabda."

[trans: It's not pretty. I mean, it's beautiful.]

Nilingon ko siya, pero nag-iwas siya at tinignan ulit ang langit habang nakangiti. I shrugged, at pinagmasdan na lang muli ang langit.

"Elyen ka ba? Kung oo, bagay ka diyan sa langit na 'yan." sabi ko.

"Kasi gwapo ako?"

"Kasi elyen ka."

"Kasi kakaiba ako?" Nilingon ko siya. "Elyen ako sa mundo ng tao. Edi ibig sabihin kakaiba ako?"

"Ikaw. Paniniwala mo yan e."

Humalakhak lang siya ulit. "Ang sinasabi ko kanina, ang ganda ng langit." aniya.

"Mmm, sobrang ganda."

"Wag mong sabihin first time mo ring makapanood ng sunset?"

Tumango ako, at tumawa. "Weird ba?"

"Ang swerte mo nakilala mo ako."

"Ano namang swerte dito? Tss."

"I mean..." nilingon niya ako kaya nagtama ang mga mata namin. Ilang minuto siyang nakatingin lang habang nakangiti. "I can show you so much of the world, if you want to."

Agad akong napaiwas ng tingin at napalunok.

Ano ba namang salita yan!!!

Tinuro ko na lang ulit yung bandang maraming stars para mawala sa akin ang paningin niya.

"W-wow! A-ayun, ang ganda n'on!"

Nakahinga naman ako ng maluwang noong sinundan niya ng tingin yung tinuro ko.

Nakita ko sa peripheral view ko na dinukot niya sa bulsa yung phone niya pagkatapos ay tinapat iyon sa langit. Ngiting-ngiti siya habang kinukuhanan iyon ng litrato. Nagitla ako nang bigla siyang umakbay sa akin kasabay ang pagtalikod namin doon sa dagat.

"A-ano bang..." Tinignan ko ang kamay niya na nakaakbay sa balikat ko.

"Smile." Aniya. Napatingin ako sa mukha niya at halos maduling yata ako dahil sa lapit namin. Bago ako tumingin sa cellphone na nasa harapan pala namin. Agad akong napapikit at napatakip ng mukha.

"Aish! Richard naman eh!"

Humalakhak siya at ini-scroll yung mga pictures na natake na pala. "Psh. Panget mo dito, Baichi. Tapos ako pa katabi mo. Ano na lang?"

"Aish! Burahin mo nga 'yan!" Agad niyang itinago sa likuran niya yung phone.

"Oops!" Umiling-iling siya na parang nang-aasar, habang humahalakhak.

Hinayaan ko na lang. Kinalaunan ay pumunta na kami sa parking lot at binuksan yung pinto ng passenger seat ng kotse niya saka doon umupo. Wala si Kuya Maximo at ibang sasakyan na naman itong gamit namin.

"G-gusto mo bang mag star gazing?" out of the blue na sinabi niya.

"Ha?"

"Gusto mong mag-star gazing minsan? Kapag walang ginagawa?"

Napalunok ako at hindi agad nakasagot.

"Ganyan ka ba? Lagi kang lutang? Hahahaha!" pangaasar niya bago pa ako makasagot.

"Pabigla bigla ka kasi."

Tumawa siya. "Now I know. Ganyan ka kapag nabibigla ka. Akala ko kasi slow ka lang talaga."

Tumango-tango pa siya na parang ewan.

"So? Kinikilala mo ba ako?" joke lang yun, pero bigla siyang natahimik na may kasama pang paglaki ng mata.

"Hindi no!" sumigaw siya na para bang ang layo ko.

Napapikit pikit ako samantalang siya naman ay napatikom ng bibig.

"E-edi hindi!" kailangang sumigaw?!

"Tss! Ano nga? Gusto mong mag-star gazing?"

Kumalabog ang dibdib ko sa excitement pero syempre di ko pinakita yon.

"K-kailan?"

"Kahit kailan."

Shoooooocks! Anong isasagot ko????

"Ayoko, busy."

"O sige," sagot niya. "Kapag hindi ka na busy."

At nagdecide na nga siya mag-isa. Napangiti rin naman ako sa kabila n'on.

Tss. Ang pabebe mo Ayra.

Pagtapos ng paguusap ay sumakay na kami ng sasakyan.

Nanahimik lang ako doon, nagdrive na siya habang ang isip ko ay nandoon pa rin sa star gazing.

Siguro my life has been this boring, na kahit pagi-star gazing ay hindi ko pa nagagawa.

Ano kayang feeling ng gan'on? Yung malaya ka? Yung hindi ka nagca-cramming dahil sa dami ng kailangang gawin? Yung hindi ka nape-pressure?

"Syempre masaya."

Nagulat ako nang sagutin ako ni Lee-ntik.

"Ang ingay mo mag-isip e." dagdag niya pa saka tumawa.

Natawa na lang rin ako hanggang sa napansin kong sa ibang daan kami dumadaan. Teka, akala ko ba, uuwi niya na ako? Bigla nanaman akong kinabahan.

Pero, Ayra, kalma lang. Walang mangyayaring masama. Inhale. Exhale.

"Saan mo nanaman ako dadalhin?" tinignan ko siya habang nagmamaneho. Mukhang tanga lang kasi seryoso na naman sya. Siraulong lalaking bipolar!

"Uuwi na," sagot niya naman. "...sa bahay ko."

"BAHAY MO?" nanlaki ang mga mata ko at kumalabog na naman in a millionth time ang dibdib ko. Pakiramdam ko pagpapawisan na ako ng malamig. "Bakit sa bahay m-mo?"

"Oo, Baichi. Tinulungan mo akong makaraos sa engagement party para sa 'kin kanina lang," uminit ang pisngi ko sa mga term na pinagsasabi niya. "Di tayo natuloy sa kainan kanina. Sa bahay KO na lang natin ipagpapatuloy."

Nanlaki ang mga mata ko. Pabuka na sana ang bibig ko nang bigla siyang napa-preno kaya napatili ako sa kaba. Kumunot lang ang noo ko nang bigla siyang tumawa ng napakawagas.

"HAHAHAHA! Seriously Baichi! Mas madami ka pa yatang naiisip kaysa sa 'kin?! Hahahahaha!" may papalo-palo pa siya sa manibela.

"Lee-ntik ka talaga!" hinarang niya yung braso nya sa mukha niya nang hinampas ko sya dahil sa inis. "Ayusin mo kasi salita mo! Mamamatay na ako sa kaba sa 'yo eh!"

"Hindi yan, masamang damo ka naman eh." tumawa siya nang samaan ko siya ng tingin.

"Wow, nakakahiya sa mabait na ugali mo ah?"

"Diba nga sabi ko naman sa 'yo nung first day? Understanding ako sa mga taong... may problema sa utak."

Hinampas ko na naman siya sa balikat na ikinatawa niya, tapos nagsimula na ulit magmaneho.

Inasar niya lang ako n'on buong byahe. I must say, kahit kailan siguro hindi ko maiintindihan ugali nitong Lee-ntik na to! Parang weather kung magbago ang mood! Psh!

Umistop naman yung sasakyan niya sa tapat ng isang malaking bahay. Hindi naman mansyon, two storey lang pero parang sapat na yung laki. Dark brown and cream white yung general color at talagang napakagandang tignan mula dito sa labas. Simple but elegant.

"Kayo." narinig kong sinabi ni Lee-ntik kay kuya Maximo at sa mga MIB nyang sumunod pala sa amin. "Wag na kayong sumunod sa loob. Alam nyo namang ayaw ni Papa sa maraming tao."

Natigilan ako sa sinabi niya.

P-papa? Si Sir Alfred Lee na naman ba?

"Yes, young master." sagot ni Kuya Max at tumungo. Hinila naman ako agad-agad ng Lee-ntik papasok sa loob.

Napanganga ako sa pagkamangha sa mga nakikita ko. Modern na modern na design ng loob, simple but elegant talaga. Napatingin ako sa mga walong maid na nakatungo habang dumadaan kami. Tumango-tango din ako sa kanila para ipakitang hindi nila ako ganoong dapat galangin, kasi naiilang talaga ako sa mga ganon.

"Dito ka ba umuuwi?" tanong ko kay Lee-ntik. Sunod naman ay umakyat kami sa mahabang hagdanan papuntang ikalawang palapag. Feeling ko madudulas ako sa heels na suot ko.

"Nope." he answered. "May bahay ako na mas malapit sa school. Sina Mama at Papa ang nandito." aniya.

Ang akala ko ba ay wala na siyang mama?

Gusto ko sanang magtanong pero mas pinili kong tumahimik na lang. Namalayan ko na lang na pinihit niya na ang isang doorknob sa mga pintuan doon kaya hindi ko na nagawa pang magtanong.

Tumambad sa amin pagkabukas ng pinto ay ang dalawang matandang mukhang nasa 60-70's na ang edad. Sa tingin ko pa ay mag-asawa sila, dahil sinusubuan ng matandang babae ang lalaking nakahiga sa kama. Ngumiti ng napakatamis si Lee-ntik pati na rin yung matandang babae.

"Apo!" sabi ni Lola at tumayo para yakapin si Richard. "Bakit ngayon ka lang napadalaw?"

"Sorry Ma. Busy eh." sagot nya naman.

Nahiya naman ako bigla nang ako na yung tinignan nung matandang babae, na sa tingin ko ay ang Lola niya- at ang tinatawag niyang Mama.

"U-uh, g-good eve-" nabigla na lang ako nang lumapit ito sa akin at yakapin ako.

"Nako, iha, ang ganda mo namang bata. Bagay sayo ang suot mong pink pajama." uminit ang pisngi ko sa puri nya...at sa pajama. "Iho, tell me, is she your girlfriend?" sobrang lawak ng ngiti ng lola nya habang tinatanong yon. Hawak pa rin ako sa balikat nito. Tinignan muna ako ni Richard bago tinignan ulit yung lola niyang sobrang sweet ng ngiti habang hinihintay ang sagot niya.

"Opo." sagot niya bago pa siya saglit na tumawa.

Ang galing talagang mang-bigla ng kumag na 'to! Talagang pinanindigan ang pagiging mag-boyfriend namin ah!

"Finally!" she said, at hinila ako palapit doon sa asawa nyang nakahiga na kanina pang hindi umiimik. Tahimik lamang ito at parang nakatulala. "Ricardo, tignan mo. Sa wakas hindi na kailangang i-arrange marriage ang apo natin!" ngumiti si Richard, ngiting medyo malungkot.

Ilang segundo pa bago lumingon sa amin yung lolo niya, tinitigan niya muna kami bago magsalita.

"Yung apo ko? Nandyan na ba yung apo ko?" tanong nito. Kumunot naman ang noo ko, ilang segundo pa bago naging malinaw sa utak ko ang lahat.

Hindi ko rin namalayang napangiti na pala ako. Parang biglang natunaw ang puso ko at gusto kong umiyak na hindi ko alam kung bakit.

"Oo, Ricardo. Nandito si Richard." sagot naman ni lola pagkalapit kay lolo. "At may kasama na siyang gerlprend. Katulad ng sabi mo." aniya pa.

Tumingin sa akin si lolo Ricardo at ngumiti. May binulong siya na mukhang si lola lang ang nakarinig.

"Shh. Hindi sya iyon. Kamukha nya lang 'yon." sabi ni lola.

Napansin kong si lolo Ricardo pala ang medyo kahawig ni Lee-ntik kaysa kay Sir Alfred Lee. Mas inosenteng mukha, mas light personality. Di ko nga lang alam kung bakit mahangin ang ulo ng Lee-ntik na 'to.

Napatingin naman ako kay Richard na kanina pang tahimik na tinitignan lang yung lolo at lola niyang parehong mga nakangiti. Kumabog na lang bigla ang dibdib ko pero di ko alam kung bakit. Naramdaman ko kasi yung pagmamahal niya doon sa lolo at lola niya. Pagmamahal na di ko naramdaman noong papa niya mismo ang kaharap namin kanina.

"O, mga apo. Umupo na kayo dito at kumain na rin kayo." anyaya sa amin ni lola na nakaupo na rin sa tabi ni lolo. "Ako mismo ang nagluto nyan! Pasensya na at dito kami kumakain sa kwarto ni Ricardo ah? Hirap na rin kasi kaming dalawang bumaba-baba eh."

"Don't worry ma. I'll talk to Sir about the elevator." sagot ni Richard at umupo.

"Stop saying Sir, apo." sabi ni lola.

"I mean, Dad." ngumiti siya ng pilit.

"Salamat po...?" sabi ko naman habang kay lola at lolo nakatingin.

"Just call us Ma, and Pa." she answered smiling.

"Sige po. Salamat, M-ma... and Pa." uminit ang pisngi ko at tumungo dahil sa hiya.

"Hahaha! You're welcome apo."

After n'on ay kumain na nga kaming apat. Sobrang daldal nila lola- este Ma, at kwento ng kwento tungkol sa kahit ano lang. Si Pa naman, sa tuwing kinakausap namin ay palagi kaming hindi nakikilala. Madalas nitong sabihin ang 'Nasaan ang apo ko?', kahit nasa harapan niya lang naman si Richard.

Mabilis na lumipas ang oras, namalayan ko na lang na tapos na pala kaming kumain, at hinahatid na ako ni Richard pauwi ng bahay.

"I will missed them." wala sa sariling sambit ko kaya naman natahimik ako nang bigla niya akong lingunin. Naramdaman ko ang kainitan ng pisngi ko.

"You can always visit them. Just tell me." Naramdaman ko ang mga paru-paro sa tiyan. Shiz. What is this?

Nawala na ako sa isip, at hindi ko namalayang nandito na pala kami sa tapat ng bahay.

"Sige, thanks sa paghatid." sambit ko. Tinanggal ko na yung seatbelt pagkatapos, lumabas na ng kotse at naglakad na papuntang gate ng bahay.

Di ko namalayang sumunod pa pala sakin ang Lee-ntik.

"Baichi." panimula niya. "Tungkol sa pabor na hiningi ko."

Ngumiti ako. Tunay na ngiti. "Sabi ko naman sa 'yo naiintindihan kita."

"You don't have to understand everyone always." Seryoso siya habang hindi natitinag ang pagkatitig sa akin.

"Ha?"

"I want you... to get angry with me."

Umawang ang bibig ko.

"Bakit?"

"Wala lang."

"Tss. Baliw ka ba?"

"Mmm."

"O sige, galit na ako sa 'yo." natatawa pa ako nung sinabi ko yun, pero saglit na ngiti lang ang sinagot niya.

"I'll give you space after this." sambit niya na nagpatahimik sa akin. "I just want to thank you and I'll promise to clean up my mess. Na hindi ka na guguluhin ng mga babaeng gumugulo sa 'yo lagi, o ng mga media. I'll promise to protect you from them, from now on. Anyway, palalabasin ko na lang kay Dad na nag-break tayo, pagkatapos lilipat na akong Lee University after this grading," tinignan niya ako bago ngumisi. Habang gulong-gulo akong nakatingin sa kanya. "Aalis ako ng school niyo... 'Yon ang gusto mo diba?"

Tumungo lang ako at hindi sumagot.

Bakit parang nakaramdam ako ng konsensya? May pagkamayabang nga siya palagi, oo madalas siyang mang-inis, but I wasn't that bad para sabihin ng harapan sa kanyang gusto ko siyang mawala..

Na gusto ko siyang umalis agad.

After all, kaibigan na rin naman ang turing ko sa kanya. Hindi ko lang namalayan dahil minu-minuto siyang nangaasar.

Narinig ko yung pagbuntong-hininga niya.

Bab berikutnya