webnovel

Too Early To Hate

Ayradel's Side

Bawat araw tuloy kinakabahan na akong pumasok.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko nang makarating ako ng room. Hinanap ng mga mata ko sina Besty o Jayvee, pero wala. Kaya naman agad na nadako ang tingin ko sa likuran na part ng room kung nasaan si Richard Lee--- nakahawak siya sa labi niya noong oras na iyon at malalim ang iniisip pero agad rin siyang napalingon sa direksyon ko pagkapasok, gan'on na din sina Jully, Zhien at Jecel; na nakapaligid sa kanya ngayon.

"Goodmorning Ayra!" anila na hindi ko pinansin.

Hindi ko sila pinansin at nilagay ko na lang ang bag ko sa upuan. Umupo ako pero----

Napaawang ang bibig ko sa sakit, habang nakahawak sa armrest ng nasira kong armchair. Napahawak ako sa hita at balakang ko, bago umalingawngaw ang halakhak nina Jully, Zhien at Jecel.

"Oops," ani ni Jully. "Bad day na naman ba? Hahahahahaha!"

Ang iba naman sa mga kaklase namin ay agad naman akong nilapitan upang tulungan. Nauuna na sa tumulong sa akin ay si Jae Anne.

"Okay ka lang Ayra?" Aniya, nasa likuran ang mga kaklase namin.

"Sira yung armchair niya!"

Napatingin ako sa kamay kong ipinanghawak ko sa binti ko, agad kong naaninag doon amg dugo.

"Oh my God! Ayra may sugat ka!"

"Tulungan niyo si Ayra!"

"Dalhin niyo sa clinic!"

"Baka ma-infection 'yung sugat niya!"

"Hey, what happened?!" umalingawngaw sa tenga ko ang malalim na boses ni Richard. Agad na nahawi ang kumpol ng mga tao para mas lalo pa siyang makalapit. Parang may umagos rin na kuryente sa buong katawan ko nang makita ko ang mukha niyang malapit sa akin, at ang kamay niyang umalalay sa braso ko. "Hold on to me. Dadalhin kita sa clinic."

"Ayoko!" bulong ko sabay alis ng kamay niya sa katawan ko.

"Ayradel! Huwag kang makulit!"

"Huwag mo akong hawakan!"

Namanhid ang katawan ko lalo na noong inaalalayan ako ng isa sa mga kaklase naming lalaki. Nakita ko pa ang matalim na tingin ni Richard sa mga kaklase kong umaalalay sa akin. Inis na inaagaw niya ang braso ko sa kanila.

"Ano ba pre, huwag mo nga raw siyang hawakan!" sabi ni Michael.

"Then you don't fucking touch her too!" sigaw ni Richard.

Naitayo na nila ako at wala na akong pakialam sa pinagtatalunan nila, kaya naman nang mawala ang manhid ng paa ko ay agad akong lumabas ng room mag-isa. Tumakbo ako palayo.

Oo ang weakshit ko. Nakakainis.

Tinawag pa ako ng ilan sa mga kaklase ko pero tumakbo pa rin ako, kahit na masakit sa balakang. Rinig na rinig ko parin ang mga halakhak nila Jully sa isip ko.

I feel pity for myself.

Hindi ako naiiyak nang dahil sa sugat, nasasaktan ako sa fact at sa dahilan kung bakit ba nila 'yon ginagawa sa 'kin.

Nang dahil lang kay Richard? O ganoon lang ako ka-easy target?

Hanggang sa namalayan ko na lang na hindi pala ako sa clinic papunta kun'di sa Science Garden. Sumilong ako at napahawak sa trunk ng isang puno don. There, I cried my all. Yung malakas dahil sobra akong naiinis sa lahat. Gusto ko na lang iiyak lahat ng inis na 'to. Wala namang makakarinig, wala namang makakaalam!

"Ay-radel," Agad akong nag-angat ng tingin sa taong tumawag at humawak sa 'kin. Pinalis ko ang kamay niya at namalayan ko na lang ang paglipad ng palad ko sa mukha niya. Saka ako humakbang paatras na para bang mayroon siyang nakakahawang sakit. Pero patuloy siyang lumapit at patuloy niyang hinawakan ang braso ko.

"Sampalin mo pa ako, hanggang sa gusto mo. Okay lang sa akin." aniya. "Sorry, hindi ko 'yon alam. Kaya pala doon nila ako sa likod ng room pinaupo. Hindi ko alam na sira 'yung upuan mo-"

"Huwag mo sabi akong hawakan!" Agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Bakit ba ayaw na ayaw mong hawakan kita samantalang sa ibang kaklase mo ay okay lang!?"

"Hindi mo alam? Ha? Lahat 'to nangyari nang dahil sa 'yo! Ginugulo nila ako dahil palagi mo sinasabing may gusto ako sa 'yo kahit wala naman! Pwede ba! You caused a lot of trouble to me! Huwag mo na akong lalapitan o hahawakan! I hate you!"

Napaatras ako nang magtama na naman ang paningin namin. Hindi ko ito mabasa, galit? Inis? Nakita ko na lang kung paano nagkuyom ang kanyang panga. Nasobrahan na naman ba ako sa mga sinabi ko?

"Sorry, I can't do that," aniya. "Because I think it's too early for you to hate me. You need to be cured first."

Nagitla ako nang lumapit siya't parang baboy na binuhat ako.

"Ibaba mo na ako, Richard Lee! Ano bang ginagawa mo! Ano ba! Sabing huwag mo akong hawakan!" reklamo ko nang may maramdamang hapdi. "Ahh!"

"Huwag ka kasing malikot! Kung hindi maiimpeksyon 'yan! Saka hindi kita mabubuhat kung hindi kita hahawakan!"

"Mas maiimpeksyon 'to kung hindi mo ako ibababa! Ang sakit na!"

"Kung tumigil ka sa pagkawag ng binti diyan, hindi 'yan sasakit! Tanga ka ba?!"

"Pwede ba, ayoko nang makipagbiruan sa 'yo! Hindi ako baboy! Ibaba mo ako ngayon!"

"Hindi ako palaging nagbibiro, Baichi!"

Nakita ko kahit nakabaligtad ako na papunta kaming clinic. Tuloy tuloy lang siyang pumasok sa pintuan na para bang hari, saka tinawag 'yong nurse. Humingin siya ng isang monoblock na upuang pwede kong pag-upuan na ibinigay naman agad ng nurse.

"Huy ibaba mo na ako," sabi ko.

"Pengeng unan," utos niya ulit doon sa nurse.

Ibinaba niya lang ako pagkatapos niyang lagyan ng unan 'yong plastic na upuan.

"Oh!" Hindi ko alam pero I felt a sudden throb in my heart. Malambot na tibok, lalo na n'ong tinitigan niya ako sa mata. "Binaba naman kita diba? Pinahirapan mo lang sarili mo kanina."

"Anong nangyari?" agad na tanong pagkalabas ng lalaking nurse ng school--- na pinasadahan lamang ng tingin ni Richard mula ulo hanggang paa.

"Ikaw lang ba ang nurse dito? Saan ang babaeng nurse niyo?" Aniya at yumuko upang ayusin ang posisyon ng mga paa ko. Parang dinaluyan ako ng kuryente nang hawakan niya ang binti ko na para bang may hinahanap.

Nagkamot lang sa ulo yung lalaking nurse. "A-ako lang po ang nurse dito." sagot nito. "Ano bang nangyari?"

"Anong ikaw lang?" Napapikit siya noong muntik na siyang sumigaw. "Ah shit, I forgot. I am in a public school."

He heaved a deep sigh bago ako tignan at tumayo, saka bumalik ang tingin niya sa nurse.

"Nasugatan siya ng pako. Baka ma-infection."

"Ah okay, Sir. Ako nang bahala."

Umalis saglit yung nurse at may inilabas na kit. Lumuhod ito sa harapan ko samantalang umupo naman si Richard sa isa pang monoblock, hindi kalayuan sa 'kin, habang hindi niya inaalis ang tingin sa amin.

"Nasaan ba ang sugat mo, Miss?"

Marahang nalaglag ang panga ko. Shiz. I felt na nasa upper part ng hita ko yung sugat. I mean, may suot naman akong short, pero...

"Ahm," napalunok ako at unti-unting itinataas ang palda.

"Aish! Ako na!" napaangat kami ng tingin kay Richard.

"S-Sir, alam niyo po ba kung paano?" Sa isang iglap si Richard na ngayon ang nakaluhod sa harapan ko.

"Bingi ka ba? Ako na diba? Sabihan mo na lang ako ng dapat gawin" aniya na kinalikot ang mga kung ano ano sa kit. "What should I do first?"

"Ah, sir, yung alcohol ang clean cloth lang po muna."

"Okay. Alam ko na."

Nanatili lang na nakatayo ang nurse noon sa gilid namin kaya napatingala muli ang Lee-ntik na 'to sa kanya at tinapunan siya ng masamang tingin.

"What? Don't look at us and go get a life!"

"A---ahh opo, Sir."

Nagmamadali namang umalis yung nurse at pumasok sa pinakaloob, pagkatapos ay itinuon na ni Lee-ntik ang atensyon niya sa Kit. Tinapunan ko ng masamang tingin ang tuktok ng ulo niya, pero hindi pa rin ako nagsalita.

"You can curse me now," aniya pagkatapos ng awkward na katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Ngayon ka magsisisigaw. Ngayon mo ako paluin."

Hindi pa rin ako nagsalita.

Mataman niya akong tinignan saglit gamit ang mapupungay niyang mata, pagkatapos ay muling hinarap yung binti ko. Binawi ko naman ito.

"Tsk, ako na-"

"Tsk, Baichi." parang warning tone. Napangiwi rin ako sa sakit nong sugat.

"Huwag kang makulit. Anak ka ba ng DepEd Secretary, ha?" aniya.

Natahimik ako dahil doon. Muli akong naguilty sa mga sinabi ko sa kanya, sa chat at sa Science Garden kanina.

Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. May kung anong ka-weirdo-han ang naramdaman ko nang siya mismo ang nag-alis ng sapatos ko, saka niya ipinatong yung paa ko sa hita niya. Pinasadahan niya ng bulak na may alcohol ang binti ko na dinaluyan ng dugo... paitaas.

Napapalunok ako.

"Magpapasugat ka na lang kasi sa hita pa." dugtong pa niya. Uminit ang pisngi ko.

"Akin na nga 'yan!" akmang aagawin ko sana yung hawak niyang bulak nang ilayo niya iyon sakin. Nakanguso siya at kunot na kunot ang noo.

"Bakit d'on sa nurse parang okay lang sa'yong magpagamot? Bakit sa ibang kaklase mong lalaki, okay lang sa 'yong magpahawak?" Yumuko ulit siya ngunit bago niya pa mahawi yung palda paitaas ay inabot niya na sa akin ang bulak.

Kahit napapangiwi ako sa hapdi, napansin ko pa rin ang pamumula ng mukha at tenga niya. Hindi rin siya makatingin sa mata ko. "Sige, ikaw na ang gumamot sa sarili mo! Kaya mo na 'yan!"

"Sinabi ko naman kaninang kaya ko na ha?"

Natigilan siya.

"Tss."

Umikot lang ang mata ko sa ere, pagkatapos ay ako na nga ang gumamot nito. Nakasandal lang siya sa pintuan at nakatingin sa labas. Paminsan minsan ay tinatapunan niya ako ng tingin, pero nagiirapan pang kaming dalawa.

"A-aw!" napahawak ako ng di oras sa hita ko. Nagkamali ako ng pahid.

"What the hell!" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sinabi niya. "Mag-ingat ka nga!"

"OA mo. Ikaw ba yung may sugat?"

"Wag ka na lang maga-ouch okay? Pigilan mo! Tss."

Hindi ko alam kung ngingiwi ba ako sa sakit o matatawa ako sa reaksyon niya. Psh.

Maya-maya ay nagreklamo na siyang hindi na niya alam ang gagawin kaya tinawag na rin niya yung nurse sa loob. May tumawag kasi sa cellphone niya noong minutong iyon kaya naman medyo lumayo siya sa amin nung nurse, to have some privacy sa pag-uusap nila.

"Yeobosaeyo?" tinapunan niya pa kami ng blangkong tingin bago tuluyang lumayo.

"Echosera," Nalaglag ang panga ko nang marinig ang pinanggalingan ng word na iyon. Nililinis na ngayon nung nurse ang sugat ko. "Alam mo teh, gwapo na sana yung boyfriend mo eh, ang sungit nga lang. Nakakaloka. Tapos akala mo pa pagsasamantalahan ko yung hita mo. Duh. Mas maputi pa nga yata ako sayo."

Wala sa oras na napahalakhak ako, gano'n na rin yung nurse na na-expose yung dimple niyang lalong nagpa-gwapo- err, nagpa-ganda sa kanya?

"Oh may gad~" hindi makapaniwala kong sabi.

"Yes true, day! Mas babae pa ako sa 'yo hays!"

All this time, bakla pala 'tong nurse na 'to?! Hindi halata dahil sa blue niyang uniform at sa matikas niyang tindig kanina. Hindi naman manly ang boses niya pero sapat na para hindi siya mapaghinalaang bakla. Nakakaloko talaga sa unang tingin at meet-up, kung sakali. Jusko, konti na lang talaga ang gwapong straight sa mundo.

"And why are you laughing?"

Natigil ang pagtawa at natikom ang bibig namin noong nakabalik na si Richard sa harapan namin upang obserbahan ulit kami.

"Ah, sir, ahm,"

"Did you already looked at her wound? ONLY at her wound?" sabi niya habang straight ang mukha. Napakamot na naman yung nurse na parang nasa 26 lang ang edad, pagkatapos ay tumingin sa Kit nila.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa. Napangiti rin 'yong nurse kaya naman nadisplay ang malalim nitong dimples.

Blag!

Biglang nagcreate ng ingay 'yong bangkito na hinila pala ni Richard palapit sa kanya para sandayan ng paa. Natunton sa kanya ang atensyon namin. Nakataas ang isang kilay niya at bumubukol ang dila sa pisngi.

"A--aah y-yes Sir! Yes. Mahaba yung sugat, at medyo malalim. Tingin ko mag-iiwan 'yan ng scar at-"

Tumawa siya ng sarcastic.

"Kung mahal mo ang trabaho mo, wag mong hahayaan yon." Straight pa rin ang mukha niya na tinatapunan ng masamang tingin ang nurse, na napapalunok dahil sa pinagsasabi niya.

"A-ano ho, Sir?" Pag-uulit nito kaya lalong naningkit ang mata ni Lee-ntik. "A-ah? Y-yes sir, no scar, no bruise. Sabi ko nga po, haha, saglit lang. Wooo!" anito saka tumayo at may kinausap sa kabilang linya.

Napatingin naman ako sa dako ni Lee-ntik nang frustrated na umupo siya sa sofa saka napahilamos ng mukha.

"Shit, nakakainis ang clinic ng school niyo. Incomplete." aniya.

"Itulad niyo naman kasi school na pinanggalingan mo."

I heard him hissed, kaya napairap na lang rin ako sa hangin. Pagkatapos ay sinundan iyon ng mahabang katahimikan. Di ko na rin alam ang dapat sabihin kaya hinayaan ko na lang. Bigla namang bumigat ang talukap ng mata ko at nakaramdam ako ng antok.

"Ayradel."

Tumalbog ang dibdib ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

"Oh?"

Katahimikan...

"M-mianhe."

Nadako ang tingin ko sa kanya na deretsong nakatingin ngayon sa akin.

"H-ha?"

"S-sorry," aniya.

Saglit akong natigilan. Parang mas lalong lumundag ang dibdib ko. Fudge.

"S-sorry about my girls. Sorry for being insensitive. Sorry for that wound," gumuhit ang maliit na ngisi sa labi niya. "Sorry kung I've caused you so much troubles."

Hindi ako nakasagot at napalunok na lang.

"But as I've said, it's too early for you to hate me... You need to like someone first before you can hate them..."

Halos hindi naman ako makagalaw nang bigla siyang naglean in at tinitigan ako sa mata.

"Do you like me?" biglaang tanong niya na hindi ko nasagot. Tanging pagbukas sara lang ng bibig ang nagawa ko.

Nag-lean out siya't napangisi.

"No, right?" he said. "...that's why you can't hate me."

Bab berikutnya