webnovel

More than friends, less than lovers? (CHAPTER SIX)

"Nako, sis. Umamin ka na! Halata ka eh. May gusto ka talaga kay Mr. Ticket mo noh? May crush ka sa kanya? Gusto mo siya ano?" Kanina pa nangungulit 'tong kapatid ko. Aaaargh!

"What made you say those things, Ate? Ano ba! Ilang ulit ko bang sasabihin na we're friends."

"Sus. More than friends."

"We'll never be lovers. Wala akong balak makipagrelasyon kanino man."

"Less than lovers!"

"Huh?"

"Ano ba kasi, sis? Pakipot ka pa! Gusto ko nang magkapamangkin eh. Mag asawa ka na!"

"Nako, mauna ka na, Ate! Wala akong interest sa mga ganyan. Jusmiyo Marimar!"

"Pinagsasabi mo? Ganyan ba ang nagagawa ng in love?"

"What the hell? Nababaliw ka na, Ate. This is not good. Kailangan mo nang magpacheckup at baka lumala ka pa."

"Aba! Bastos 'to ah!" At binelatan ko lang siya. Beh buti nga. HAHAHAHAHA!

By the way, we're now here at the hospital. Sinasamahan ko siya. Tapos na ang outreach program kanina sa baranggay hall sa I forgot the street name. Sorry, kalabaw lang, kabaw eh.

Narealized ko lang, parati nalang kaming magkasama ni Ate.

Malamang magkapatid kayo. Ano ka ba, Aish?

Ay mygosh! Ano ba talaga ako?

Kinakausap ko na ngayon ang sarili ko. Nako nako, this is not really good. Kailangan ko nang lubayan si Ate. Nahahawa na rin ako sa kabaliwan niya.

Wait, speaking of the lunatic devil, biglang nawala. Hintayin ko nalang siya rito sa labas. Sana lang hindi siya pagkamalang takas sa mental, naka all white pa mandin ang gaga. Nako, ayaw ko namang mag isa nalang ako babalik ng hotel. Pero well, bayad naman na fees namin pero kahit na. Siya may sagot ng fare eh, pati ng food. All expenses sagot niya dahil sinama niya lang ako rito wahaha!

After 30 minutes, nakabalik na rin ang kapatid ko. Babalik nalang daw siya rito mamayang hapon at kahit 'wag na raw akong sumama. Nice, makakapagpahinga rin. Pero 'yun ang akala ko kasi naman ako raw ang mag aalaga sa diabetic patient sa hotel. Wow, hindi nga talaga kami pumunta rito para mamasyal. Wala talagang bakasyon ang nurses hayz. Bakit ba kasi ako nag nurse? Ang liit liit naman ng sahod sa Pilipinas. Dibale, 'pag nakaipon, susunod na ako kay Mama at Papa sa London. Nurse kasi sila roon. Yes, family of nurses kami. We also have our younger brother. Asa London din, kasama niya parents namin. English spokening nga 'yun eh, doon na rin kasi lumaki. Born and raised ata sa London 'yun.

"Hello. We're so glad to have you. We'll just be away for a while. Please take care of my grandma."

"Of course, I will. It's a pleasure to be here. I'm glad to serve you, too."

"Alright. Since everything's settled, we gotta go. If you have inqueries, just message us. My contact number is written on a piece of paper over there right beside my grandma's medicines. All the things she needs are already prepared. You just have to make sure that she will take her meds on time. Alright? Were going now. Bye." At nagpaalam na sila.

Hindi naman mahirap alagaan itong matanda dahil tulog lang naman siya ng tulog. At pag nagigising, pinapakain ko.

"Hi. I forgot to ask your name. What's your name, nurse?"

"Hello, grandma. I'm Nurse Aisha. Would you like to have a walk outside? That will be a good form of exercise, Madame. You also need to exercise. It will not be good for your health if you'll just stay there on your bed lying."

"Alright. Let's go."

Andito kami ni grandma sa garden ng hotel. Mukhang aliw na aliw ang matanda sa mga nakikitang halaman. Minsan lang siguro nalabas 'to, mukhang parating kulong sa kwarto eh. Nanghihina kasi siya kanina kaya hindi nalang siya sinama ng pamilya niya sa pag gagala. Kawawa naman si lola, naiwan nang mag isa. Kungsabagay, andito naman ako para alagaan siya. At mukhang masaya at masigla naman na siya ngayon, bumaba na rin ang lagnat niya.

After an hour, pinagpahinga ko na uli ang matanda sa room niya. Pinayagan na rin ako ng family niyang umalis nung dumating na sila. Mukhang pinasyal lang ng mag-asawa saglit ang kambal nila na asa 5-6 years old na siguro. 11 AM nang umalis sila, 6 PM andito na sila.

—————

"Hi. How's your day?"

"It went well. You? Btw, thanks sa dinner kanina ha. Babawi ako. Ipagluluto kita 'pag may time."

"Really!?" He said with excitement.

"Yea, Kyle. You were always treating me. I cook very well, I swear. Baunan nalang kita tapos abot ko nalang sa'yo 'pag nagkita tayo. You know, wala akong masyadong time. Parati lang akong asa hospital. Kung wala man ako ron, I'm out somewhere pero work pa rin ang inaasikaso. You know, buhay nurse."

"You've really changed. Hmm a bit. 'Di ka na kasi masyadong masungit." And he laughed. Eto na naman 'tong tawa na 'to, nakakalokong tawa. Pero ang gwapo niya pa rin, kahit tumatawa may poise. Shemz! Ano ba ang iniisip mo, Aish!?

"Hello? Nakatunganga ka na naman. Look, alam mo naman nang gwapo ako. You don't need to stare at my face like that. Minemorize mo na ata features ko eh."

"Hangin masyado!"

"Mahangin talaga rito sa Baguio."

"That's not what I mean. Alloy!"

"Alloy? What's Alloy?

"Wala. Sabi ko ang pogi mo sana.." he idiotly smiled, "kung hindi ganyan ang mukha mo!" At ako naman ang humagalpak sa tawa. Ayun sinimangutan ako at umarte pa na parang nasaksaktan with matching pahawak hawak pa sa dibdib. Bakit ang gwapo ng nilalang na 'to kahit anong gawin niya? Napakaunfair! Ish! Erase erase! Ano ka ba, Aish!

"Grabe ka ha. Bukas mo nalang ako ipagluto. Sa pad ko. Maluwag doon. Bachelor's pad ang style. Breakfast or Lunch? Are you in?"

"Sige. Lunch nalang. Hoy, 'wag kang mawawala ah! Bukas 11 AM kita tayo sa lobby ng 7th floor."

"Okay, deal. Lobby, 11 AM, tomorrow." Sabay kindat. Jusmeee!

"Heh. Bye na. May gagawin pa ako."

"Weh?"

"Oo. Matutulog na ako."

"Sus. Aga aga pa. 8 PM palang. Wala pa naman si Ate mo, diba? Tara swimming muna?"

—————

"Wag ka na magtopless. Ayaw kong magsuka rito." I told him when he was about to take off his shirt.

"Wew."

"Tsaka malamig dito sa Baguio. Gaga ka ba? Alloy talaga 'tong alloy na 'to!"

"What the fries are you talking about, Aisha? Hindi ko maintindihan ang language mo. Omyg!"

"Omyg? Bakla language sa'yo? Ang tagal mo na sa Pilipinas, pero until now islang ka pa ring magsalita."

"Share mo lang?"

"Aba! This labanos na hilaw is really expert to piss me off!"

"Aish? Umupo ka na kaya rito?" Sabay pat sa space sa tabi niya.

"Fine fine fine fine!"

"You're so funny! Ang sungit mo pa rin pala. Nakakatuwa ka inisin."

"You're so bwisit! Ang abnormal mo pa rin pala. Nakakatuwa ka hambalusin."

"Ang cute cute mo!"

"Aaaaaaargh! Pwede ba!? 'Wag mong pisilin pisngi ko. Alam kong cute ako. Hindi lang cute, maganda pa. Pero 'wag mo namang pisilin ang pisngi ko, luluyloy ito eh! Grr!"

"Woah. Ggss ka rin pala."

"Ikaw ang ganun.Gagang vaklang two!" Tumawa na naman siya.

"Ganito nalang ba tayo parati? Tatawanan mo nalang ako ng tatawanan?"

"Wala.."

"Huh?"

"Walang.."

"What, Kyle!?"

"Walang Tayo! Gagang babaeng twooo!"

"Wow, in fairness. Mukha kang bakla."

"Vaklang twooo!"

"Ikaw ang bakla rito, Kyle!"

"Want me to prove to you na I'm not bakla?" At bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin.

"Yuck! 'Wag mo ngang ilapit lapit 'yang mukha mo sa mukha ko! Baka magkapalit tayo ng mukha, malas 'ko, swerte mo."

"Ehhh? Paano kung ilapit ko pa lalo, darling?" At kumindat na naman ho siya. Ewe.

Tinulak ko palayo ang mukha niya. Nilapit niya ng pabigla. At niyakap ako?

"What the? Bitawan mo ako! Crush mo 'ko noh?"

"Of course!" Sagot niya. Tinaasan ko siya ng isang kilay habang nakangisi.

"Of course not!" Dagdag pa niya.

"Ahh crush mo nga talaga ako. Oo, maganda talaga ako. Pero sorry, boy, you're not my type." At binelatan ko siya. Pero bigla akong kiniss sa pisngi?

"Hey! What's your problem?!"

"Ohh, ikaw ang may crush sa akin eh."

"Asa ka pa, dude."

Wait? Did he really just kiss me?

OW.

MY.

GOSH!!!!!!!!!!!!

Bab berikutnya