webnovel

♥ CHAPTER 37 ♥

⚚ Syden's POV ⚚

Nagising ako dahil sa narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nakahiga ako at minabuti  ko munang umupo sa kama dahil inaantok pa ako.

Parang narinig kong bumukas ang pintuan? Oh baka naman nananaginip lang ako? Pero paano kung may pumasok talaga sa kwarto ko at may gawing masama sa akin?  Nakakabwisit din naman kasi minsan dahil kapag tinotopak ako, masyadong malawak ang imahinasyon ko.

Bumangon ako para makasigurado kung talaga bang may narinig akong pumasok. Naglakad-lakad ako na parang tanga para makapa ang switch ng ilaw kasi madilim.

Ng mabuksan ko ang ilaw, nagulat ako at nanlaki ang mata ko dahil sa kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"Anong ginagawa niyo dito?!" tanong ko sa kanila.

Ang tatlong babaeng gustong magpalayas sa akin dito kanina sa dorm. Nakatayo sila sa harapan ko at masama ang tingin nila sa akin.

Ano bang problema nila? At paano sila nakapasok?

"Anong ginagawa niyo dito?! At paano kayo  nakapasok?!" -S

"D'ba sinabi namin sa'yo na gagawin namin lahat para lang mapaalis ka dito" sagot nila sa akin. Nakuha pa talaga nila akong tarayan. Buti sana kung maganda sila!

Hinawakan ako ng dalawa at nasa gilid ko sila. Ang isa naman, nasa harapan ko at tinakpan niya ng panyo ang bibig ko.

Luh! Mukhang alam ko na kung anong gagawin nila sa akin. Naisip ko na, na mangyayari 'to kaya hindi na ako dapat pang magtaka.

Kinaladkad nila ako palabas ng building. Pumapalag ako pero tatlo sila kaya wala akong laban. Hindi rin naman ako makasigaw kasi tinakpan nga nila ng panyo ang bunganga ko.

Kung hawakan nila ako, parang mababalatan na ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa akin.

Binuksan nila ang pintuan at itinulak ako palabas kaya nasubsob ako sa sahig. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko at halos lahat ata ng members ng Silent Alliance, nakapalibot sa akin. Masama ang tingin nila at ang iba naman takot sila sa akin dahil kitang-kita ko naman 'yon sa mga mata nila.

"Hindi ka nararapat dito!"

"Magdadala ka lang ng gulo sa Silent Alliance kaya mas mabuting umalis ka na!"

"Dapat hindi ka na manatili dito! Kaya umalis ka na!"

Sigaw nila sa akin. Naririndi na nga ako sa kanila habang tinitignan ko sila.

Alam ko naman na deserve ko talagang mapaalis dito eh. Wala naman silang alam kaya wala silang karapatan na sabihin sa akin 'to. Kung pwede ko lang sabihin sa kanila ang totoong rason kung bakit nasa Phantom Sinners ako. Ginawa ko na!

"Oo na! Aalis na ako, okay?! Masaya na ba kayo? Aalis na ako oh, nakikita niyo naman d'ba?!" sigaw ko sa kanila habang naglalakad ako palayo.

Ayaw ko naman talagang umalis, epal lang talaga yung tatlong babaeng 'yon. Sigurado akong sila ang dahilan kung bakit pinagtutulungan ako ng mga members.

"Mabuti ngang umalis ka na dito at wag na wag ka ng babalik!" sigaw ng babae sa akin. Talaga! Makita ko pa lang pagmumukha mo, napapaatras na'ko! Tsk!

Iniwanan ko na sila pero bago ako umalis, tumingin ulit ako sa kinatatayuan nila. Napatingin ako sa second floor at nakita ko si Icah, Maureen at Hadlee. Nakatingin sila sa akin at alam kong gusto nilang akong tulungan.

Alam ko namang kahit gusto nila akong tulungan, wala na silang magagawa.

Huli na ang lahat.

Nagkasalubong ang mga mata namin ng mga kaibigan ko. Tinalikuran nila ako at umalis na sila.

Kahit alam kong gagawin nila 'yon, bakit parang nakaramdam pa rin ako ng sakit?

Marami akong naging kaibigan. Pero karamihan sa kanila, kinakalimutan ako o tinatalikuran. Kaya natatakot akong makipag-kaibigan minsan, dahil ayaw kong nangyayari ang mga ganitong bagay.

Naglakad-lakad ako habang lipad ang utak ko at mukha nanaman akong tanga. Nakakita ako ng bench na pwedeng maupuan dahil pagod na rin naman ako sa kalagitnaan ng gabi.

Umupo ako doon at tulala lang ako habang iniisip lahat ng masasamang karanasan ko sa school na 'to. Una, natatakot ako sa mga Phantoms. Pangalawa, pinalayas na ako ng Silent Alliance members at galit na galit sila sa akin. Ano naman kaya ang susunod na mangyayari sa akin.

"Hoy! Syden?! Nung ginagawa mo dyan? Gabing-gabi na" saad ni Raven na ikinabigla ko naman dahil nga sa natulala ako. Bakit ba bigla na lang siyang sumusulpot?

"A-ahh...Raven, ikaw pala?" -S

Umupo siya sa bench at tinabihan ako kaya tumabi ako ng konti para may maupuan siya at lumaki ang space.

"Anyare sa'yo? D'ba dapat nagpapahinga ka na ng ganitong oras? Gabing-gabi na. Buti bumalik ako agad galing kami sa club eh" -R

Tinignan ko siya ng maayos para sabihin sa kanya ang totoo at nagtaka siya pero alam kong alam niya na seryoso ang sasabihin ko.

"P-pinalayas...kasi...ako...sa ano...."

"Sa ano?" tanong ni Raven habang nagtataka siya.

Ano ba umayos ka nga Syden! Kailangan kong sabihin kay Raven ang totoo, baka magalit kasi siya kapag nalaman niyang nagsisinungaling ako pero...magagalit din siya kapag nalaman niyang pinalayas ako sa dorm.

Wala ng choice na pagpipilian, magsinungaling man ako o hindi, ganon pa din naman ang magiging reaksyon niya.

"Pinalayas....kasi ako- sa dorm" nauutal pa ako dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

Nag-iba ang tingin niya sa akin. Gaya ng sabi ko, halatang galit na galit at nabigla kaya napatayo siya at humarap sa akin.

"What?! Pinalayas ka sa dorm?!" sigaw niya sa harapan ko. Nabingi ata ako?

Hindi ako nakakibo at mukhang sinesermoman niya ako. Halata naman eh!

"Is it because nalaman nilang one of the Phantoms ka?!" -Raven

"P-parang ganon na nga" malumanay kong sabi sa kanya at hindi ako makatingin ng diretso kay Raven. Ano ba naman kasi 'tong nangyayari sa buhay ko?

"Then what about Icah?! Maureen? Hadlee?!" - R

Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko para tignan siya.

"Alam ba nila na napalayas ka? Kaya hindi ka nila naipagtanggol?!" Oo alam nila.

Umiling ako habang patay malisyang nakatingin sa kanya. Hindi ko naman kasing pwedeng sabihin sa kanya na hinayaan nila ako. Siguradong magwawala si Raven at ayaw kong mangyari 'yon.

"Kakausapin ko sila. Para malaman nila ang totoo na pinalayas ka sa dorm" umalis na si Raven at alam kong lulusubin niya sila Icah para sabihin na pinalayas ako...pero pinigilan ko siya at hinawakan ko ang braso niya.

"Raven. Huwag na! Hindi mo kailangang pumunta doon" pagpupumilit ko sa kanya. Sana naman makinig siya sa akin.

"Kailangan nilang malaman ang totoo!" - R

"Alam nila ang buong pangyayari at nakita nila! Kaya huwag ka ng pumunta don para awayin sila please?!" -S

Halatang nagulat nanaman siya sa sinabi ko at baka magwala na siya. Kaya yumuko na lang ulit ako.

"Alam pala nila. Eh, bakit hinayaan ka lang nila na mapalayas?!" -R

"Kasi alam ko naman na mangyayari 'yon eh. Expect ko na. Kaya kinausap ko sila tungkol don" -S

Alam kong nagtaka siya sa sinabi ko. Kaya sasabihin ko sa kanya ang totoo kahit alam kong sobrang magagalit siya sa akin.

Kahit ayaw kong sabihin, wala eh, kakambal ko siya. Ano pa bang choice ko eh tanong siya ng tanong. Hindi naman pwedeng hindi ko ipaintindi sa kanya.

︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻

(Flashback)

Narinig ko ang usapan nina Icah noong pumunta ako sa kwarto nila para kausapin sila. Pagkabukas ni Maureen sa pintuan, nabigla siya ng makita niya ako.

"Syden?" sambit ni Maureen.

"K-kanina ka pa ba d'yan?" tanong ni Hadlee at pinagpapawisan silang lahat.

Tumango ako at ngumiti. Humakbang ako papunta sa loob ng kwarto nila kaya tumabi si Maureen. Tahimik lang silang tatlo dahil sa pagkabigla ng makita nila ako. Hindi nila ako matignan ng diretso.

Humarap ako kay Maureen at tinignan ko rin si Icah at Hadlee.

"Pwede ba tayong mag-usap?" mahinhin kong sabi sa kanila.

Medyo lumapit si Icah sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"T-tungkol saan?" pinagpapawisan si Icah at halatang kinakabahan.

Nginitian ko sila para naman hindi sila ma-pressure.

"Tungkol sa pinag-uusapan niyo" -S

"Sy...yung tungkol sa pinag-uusapan namin- " -I

"Sa totoo lang, pumunta talaga ako dito para kausapin kayo tungkol doon" -S

Nagtinginan silang tatlo at halatang kinakabahan pa rin sila.

"Huwag kayong mag-alala. Hindi naman ako galit. Alam ko naman na hindi ko deserve na magtagal pa dito sa dorm. Pero nagpapasalamat ako, kasi kahit nalaman niyong one of the Phantoms ako, hindi niyo ako pinaalis at tinago niyo 'yon sa lahat dahil sa pagkakaibigan natin" -S

Napatingin sila sa akin at mukhang nag-alala sila. Sa mga mata nila, alam kong totoong kaibigan ko sila, alam kong gustung-gusto nila akong tulungan.

"Syden. Anong ibig mong sabihin?" -Icah

Mukhang pressured sila kaya lalo pa akong ngumiti para naman hindi madagdan ang pagka-pressure nila.

Huwag niyo akong pahirapan, please lang. Ayokong magbago ang isip ko.

"I'm just saying na...you are the leaders of Silent Alliance. Matagal niyong binuo ang grupong 'yon para lang hindi kayo masali sa away ng mga grupo tulad ng Phantom Sinners at Blood Rebels....so....if ever na palayasin nila ako...don't defend me" -S

Alam kong tama lang ang ginagawa ko, kaya paninindigan ko.

Nagulat nanaman sila sa sinabi ko kaya napatingin sila sa akin na parang hindi inaasahan na sasabihin ko 'yon.

Ayaw kong mapahamak pa kayo ng dahil lang sa akin.

"N-noo! We will protect you" hinawakan ni Icah ang kamay ko.

"Ayaw kong maliitin kayo ng mga estudyante ng dahil lang sa pinoprotektahan niyo ko. You are the leaders at mas kailangan kayo ng mga students kumpara sa akin. Kaya hayaan niyo silang paalisin ako ng tuluyan. I deserve this" -S

"Pagkatapos ano?....saan ka titira? Matutulog?" pag-aalala ni Hadlee, hinawakan ko ang kamay balikat niya at nginitian ko siya.

"You know me guys" tinignan ko sila isa-isa.

Nakatingin naman sila sa akin.

"Kaya ko ang sarili ko. Kaya kong lagpasan lahat...as long as alam kong okay kayo at maayos ang kalagayan niyo" sambit ko.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" hindi makatingin ng diretso sa akin si Maureen.

Siguro guilty siya dahil sa narinig kong mas pinipili niya ang pagiging leader kaysa sa akin. Pero okay lang 'yon, hindi naman ako galit sa kanya.

Naiintindihan ko siya.

"Oo. Pinag-isipan ko ng mabuti" -S

"Sige. Kung 'yan ang gusto mo, bahala ka. Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak, ipangako mo sa amin" -Icah.

Itinaas ko ang kamay ko na para bang nangangako ako at ngumiti nanaman ako.

"Promise"

Kailangan ko lang talagang ngumiti, para hindi nila mahalata na malungkot ako, dahil ayaw ko silang iwanan dito sa dorm. Mas okay na 'yon, at least alam kong safe sila dahil sa pag-alis ko.

"I have a favor to ask you bago nila ako paalisin dito" naging seryoso ang mga itsura nila at medyo lumapit sila sa akin.

"Please, huwag niyong paalisin si Raven. Hindi siya dapat madamay dito dahil ako lang naman talaga ang dapat umalis. Kaya kung pwede, hayaan niyong mag-stay siya dito dahil hindi ko kaya kung madadamay siya. Please?" pagmamakaawa ko sa kanila.

Nagmamakaawa ako at nangingiyak ang mata ko. Sana pumayag sila sa request ko.

"Don't worry Sy. Hindi namin hahayaang mangyari 'yon sa kanya. Alam namin kung gaano mo siya kamahal. Isinakripisyo mo ang sarili mo para lang maprotektahan mo kami as leaders. Kaya proprotektahan namin si Raven para sa'yo" sabay hawak ni Icah sa braso ko.

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Kaya lab ko sila eh.

"Syden. Tungkol sa narinig mo kanina...na mas pinili ko ang Silent Alliance kesa sa'yo...s-sorry talaga" saad ni Maureen sabay yakap sa akin.

Tinapik ko naman ang likod niya.

"Okay lang. Naiintindihan kita" minsan kasi, may mga bagay talaga na mas dapat mong isipin ang sarili mo kesa sa ibang tao. Dahil sa huli, sarili mo lang din ang kakampi mo.

Pagkatapos ng usapan namin, niyakap nila ako isa-isa at alam kong malungkot sila. Malungkot din naman ako, pero wala eh, kailangan kong gawin kung ano sa tingin ko ang tama at dapat.

Ayaw kong magsisi sa huli!

(End of flashback)

︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼

Kinwento ko na lahat kay Raven para naman hindi na siya tanong ng tanong. Isa pa, para hindi na rin siya mag-alala. Nagalit pa nga siya kung bakit sinabi kong wag siyang paalisin sa dorm, mas gusto niya daw na kasama ako kahit saan. Pero pinilit ko siyang mag-stay sa dorm.

Buti naman pumayag.

Hinatid niya muna ako sa room nila Julez, este ng mga nerd, para doon muna magpahinga. Buti na lang at tinanggap ako ni Julez. Mabuti na rin na doon ako magpahinga kaysa naman pakalat-kalat ako sa campus.

Mahmukha pa akong tanga!

Umalis na rin si Raven at sabi niya, dadalhan niya raw ako ng almusal bukas.

Sweet talaga niya!😍😘

To be...continued.

Bab berikutnya