webnovel

♥ CHAPTER 28 ♥

▨ Syden's POV ▨

Tuesday na.

Ilang araw na lang at hindi ko na kailangan na pumasok sa classroom na 'yon. Kaya kailangan ko na lang talagang magtiis lalo na't hindi ko alam kung ano nanaman ang gagawin nila sa akin.

Ayaw ko ng pumasok pero mas ayaw kong maitali nanaman ako sa punong 'yon.

Hanggang kailan ko naman kailangang magtiis?

Habang naglalakad ako sa hallway, maingay pa din at walang pagbabago. Dahil malalim na din ang pag-iisip ko, mukha akong haggard kaya pinagtitinginan ako ng iba.

Wala naman silang pakielam kung anong gusto kong gawin.

Kaya hinayaan ko na lang sila kahit pinagtitinginan nila ako.

Pagkadating ko, nakabukas ang pintuan kaya dire-diretso na lang akong pumasok. Minabuti kong hindi na tignan isa-isa ang mga kasama ko sa classroom para hindi na rin masira ang mood ko, gustung-gusto ko kasi talagang magpahinga.

Umupo ako kaagad ng makakita ako ng bakanteng upuan, inilagay ko sa tabi ko ang bag ko at sumukob ako sa lamesa.

Pero dahil maingay, at naiinitan ako. Umupo ako ng maayos at tumingin sa paligid.

Wala pa rin si Nash.

Simula nung araw na nagpakilala siya sa akin, hindi na siya nagpakita at nag-aalala ako para sa kanya.

Baka may nangyaring masama sa kanya, pero wala naman sana.

Habang iniisip ko kung nasaan si Nash, dumating ang attendance kaya tumayo na 'ko para pumirma. Total pwede namang lumabas ng classroom, kaya susubukan kong pumunta sa rooftop dahil baka nandoon si Nash.

Pagkatapos pumirma ng mga kaklasi ko, bumalik sila sa upuan nila. Ang iba naman lumabas. Pero hindi ko pa rin dapat kalimutan na bawal pumunta sa ibang classroom.

Pero ang mga tatlong leaders naiwan sa classroom, kasama ang members nila. Nasa harapan ako at naisipan kong dumaan na lang sa backdoor.

Habang kinukuha ko ang bag ko, nakita kong tumayo si Carson. Kaya nagmadali nanaman ako dahil papunta nanaman siya sa kinatatayuan ko.

Ng magkasalubong kami, naramdaman kong idinikit niya ang kamay niya sa palad ko na parang gustong hawakan ang kamay ko, pero kaagad ko ring iniwasan 'yon, kaya napatingin ako sa kanya dahil sa pagkabigla.

Nakatingin ako sa kanya at nanlaki ang mata ko dahil nga sa ginawa niya. Pero siya naman, normal lang na nakatingin sa akin. Nakita rin ng iba ang ginawa niya kaya nakatingin sila sa aming dalawa.

Nang-aasar ba siya o ano?

Para hindi na magkagulo, umalis na lang ako kaagad at iniwanan sila.

Bakit niya ginawa 'yon?

Nang tignan ko siya kanina, parang hindi siya nakakatakot at naawa nanaman ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin na parang may tinatanong siya. Tatanungin ko sana siya pero alam kong nakita rin nina Clyde at Roxanne ang ginawa niya, kaya umalis na 'ko para hindi magkagulo.

Pumunta ako sa rooftop para hanapin si Nash. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para tignan kung may tao, pero buti naman wala. Lumabas ako at mahangin pa rin gaya ng dati. Tumingin ako sa paligid pero wala siya. Tinignan ko rin ang lugar kung saan siya nakahiga at nagpapahinga pero wala talaga siya.

Sana naman okay lang siya.

Dahil hindi ko naman nakita si Nash, naisip kong bumaba na lang para maglakad sa buong campus dahil boring sa classroom na 'yon.

Pagkababa ko, marami akong nakasalubong na iba't-ibang grupo sa hallway. Sa malayo pa lang, nakikita ko ang ibang Redblades na makakasalubong ko pero hindi ko na lang sila pinansin kaya tinuloy ko pa rin ang paglalakad.

Nang matapatan ko na sila sa paglalakad ko, bigla kong naramdaman na humapdi ang kanang braso ko kaya napatingin ako dito. Nakita kong ngumingiti ang Redblades habang may hawak na maliit na kutsilyo ang isa sa kanila.

Sinugatan nanaman nila ako gamit ang kutsilyong 'yon. Medyo malalim din ang sugat at mahapdi, dumudugo din ito kaya tinakpan ko gamit ang kamay ko habang masama ko silang tinitignan. Nasiyahan sila sa ginawa nila sa akin kaya nagtawanan sila. Pagkatapos nilang magtawanan, umalis na sila.

Ano nanaman bang problema nila?!

Hindi naman ako makakapunta sa clinic dahil sarado, tuesday kasi ngayon. Pumunta muna ako sa hagdanan para hanapin ang panyo ko sa bag.

Umupo ako at binuksan ko ang bag ko. Kinalkal ko ang bag ko hanggang ilalim pero hindi ko makita ang panyo ko. Inumpisahan kong tanggalin isa-isa ang laman ng bag ko pero wala talaga ang panyo ko.

Baka naman naiwan sa classroom dahil nagmamadali ako kanina?

Pero hindi ako pwedeng bumalik doon at ayaw kong bumalik.

Kaso dumudugo pa rin ang sugat ko kaya hindi pwedeng pabayaan ko na lang.

Kahit ayaw ko, kailangan kong bumalik para takpan ang sugat ko.

Pagkapasok ko ulit sa classroom, nandoon pa ang mga taong iniwanan ko kanina. Nakita nilang dumudugo ang braso ko kaya napatingin sila sa akin at natahimik sila.

Lagi na lang ba akong pagtitinginan ng mga 'to?

Pinuntahan ko ang upuan ko kanina para hanapin ang panyo ko. Tinignan ko ang mga katabi kong upuan pero wala. Pati na rin sa ilalim ng mga upuan pero wala.

Inilagay ko ang kamay ko sa baywang ko dahil iniisip ko kung saan ko maaaring naiwan ang panyo ko, at lalo pang naging haggard ang itsura ko kakaiisip.

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Napatingin ako sa kanya at nakita kong hawak niya ang kulay itim kong panyo kaya nanlaki ang mata ko, agad akong lumapit sa kanya para hablutin ang panyo ko pero iniwas niya 'yon kaya hindi ko nakuha.

"Bakit na sa 'yo yan?" tanong ko kay Carson habang tinitignan siya ng masama.

Si Roxanne at Clyde naman, nakatingin lang sa amin ng masama at wala silang ginagawa.

Nakakapagtaka lang kung bakit nanahimik sila at 'yon ang dapat kong katakutan.

"Huwag mong isipin ninakaw ko 'to. I just found it infront" seryoso niyang sabi habang cold na nakatingin sa akin.

Sinubukan ko ulit na kunin ang panyo ko pero iniwas niya nanaman kaya hindi ko nakuha.

"Ibalik mo sa akin 'yan!" sambit ko sa kanya habang.

Normal ko lang siyang kinakausap dahil baka magalit siya at anong gawin nila sa akin.

"Why? Nakita ko 'to. Kaya...akin na" sarcastic niyang sabi at tinignan niya ang member niya, si Dustin. Si Dustin naman, ngumingiti lang ng sobrang sama.

Tinignan ko siya ng masama at hindi ko rin napansin na napupuno na ng dugo ang braso ko.

Habang hawak ni Carson ang panyo ko, napatingin siya sa braso ko dahil nga halos puno na ng dugo.

Seryoso niya akong tinignan habang tinitignan ko siya ng masama. Sinenyasan niya ako gamit ang daliri niya na parang sinasabing lumapit ako sa kanya kaya nagtaka ako.

Tumingin lang ako sa kanya dahil hindi naman ako sigurado kung talagang pinapalapit niya ako...at saka bakit niya naman ako papalapitin sa kanya?

Napansin niyang hindi ako gumagalaw sa pwesto ko kaya tinignan niya ako ng masama. Tinignan niya si Dustin at tumayo ito mula sa kinauupuan niya.

Pumunta si Dustin sa likuran ko at mahina niya akong itinulak papalapit kay Carson. Napatingin ako sa sugat ko at tuluy-tuloy pa rin ang pagdurugo kaya medyo nanghihina na rin ang braso ko.

Inayos ni Carson ang panyo at hinawakan niya ang braso ko pero kaagad ko ding iniwas dahil natatakot ako.

Napatingin ako sa kanya at cold siyang nakatingin sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko kaya nasaktan ako pero pinigilan kong ipakita.

Habang itinatali niya ang panyo ko sa braso ko, tinignan ko siya dahil magkahalong takot at gulat ang naramdaman ko.

Bakit niya ginagawa 'to?!

Pagkatapos niyang takpan ang sugat ko, nawala na ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Nakatingin pa din ako sa kanya pero bago niya binitawan ang braso ko, tinignan niya muna ako ng ilang segundo.

That time, hindi ako nakagalaw sa pwesto ko  kahit nawala na ang mahigpit niyang pagkakahawak sa akin.

Gustung-gusto kong sabihin sa kanya ang panloloko ni Roxanne at Clyde. Pero bakit walang lumalabas na pangungusap mula sa labi ko.

Nananaig pa rin ang takot ko.

Pero sa kabilang banda, naaawa ako kay Carson.

Napatingin ako kay Clyde at nginitian niya ako ng masama, si Roxanne naman, mataray akong tinitignan. Kaya agad kong nilayuan si Carson at Dustin para bumalik sa upuan ko.

Pagkaupo ko, huminga ako ng malalim at kumalma ako para hindi bumalik ang takot ko.

Bigla naming narinig na tumunog ang speaker sa harapan kaya napatingin kami lahat at natahimik ang buong classroom.

"Good Morning PS students. This is a special announcement from the PS council" napatingin ako sa likuran ko at seryoso lahat silang nakikinig.

"Since there were no records of killers or dead bodies for the last months...as far as we all know, we will push through the tradition of this school"

Naririnig kong nagbubulungan ang mga kaklasi ko pero mas ibinaling ko pa rin ang atensyon ko sa naga-announce.

"The council decided to do the Carnival game punishment  random killer. Don't ever think na magbabago ang isip ng council. Remember, no one did sacrifice, so one of you must be the killer and the killer must be killed"

pagkatapos sabihin ng announcer 'yon, tumingin ako sa likuran.

Tahimik lahat sila at parang nagulat sila. Natulala ang iba habang ang iba naman nanginginig at pinagpapawisan.

Anong ibig sabihin ng council na gagawin ang Carnival game punishment random killer?

Nakaramdam ako ng takot at kaba sa narinig ko lalo na't nakita ko rin ang mga kaklasi ko na natulala sa narinig nila.

Kinuha ko ulit ang bag ko para lumabas at hanapin si Raven. Pagkalabas ko sa classroom, marami akong nakitang tumatakbo at nagmamadali, ang iba naman mukhang takot na takot. May mga umiiyak din.

Nakita ko si Raven na nakatayo sa labas ng classroom nila at kasama niya si Axelle, kaya nilapitan ko siya.

"Raven" lumapit siya sa akin at parang nagtataka siya. Si Axelle naman, nakangiti lang.

"A-ano bang nangyayari? Bakit takot na takot sila?" tanong ko kay Axelle habang tinitignan ko ang mga estudyanteng takot na takot habang tumatakbo.

Tinignan ako ni Axelle at nawala ang ngiti niya kaya nagtaka ako.

"Baguhan kayo dito at alam kong mabibigla kayo sa sasabihin ko" nag-aalala niyang sabi.

Tinignan niya rin ang mga nagsisitakbuhan at tumingin siya sa amin.

"Siguro naman, alam niyo na ang Carnival game punishment or the spinning wheel?" tanong niya.

Nagtinginan kami ni Raven at tumango kami.

"D'ba yun ang punishment sa kung sinuman ang hindi susunod sa number 1 rule ng PS na bawal pumatay?" tanong ko sa kanya.

"Oo tama. Halos 6 months ng hindi nagtangkang pumatay ang mga estudyante at walang records ng mga estudyanteng namatay, kaya 6 months na ring hindi nangyayari ang punishment na 'yon dahil wala namang killer" tumigil sa pagsasalita si Axelle at seryoso kaming tinignan.

"Ang announcement kanina ng council ang dahilan kung bakit takot na takot ang mga estudyante. Dahil wala ngang report na may pumapatay o namamatay inside the campus, the council will do the Carnival Game punishment random killer...it means pipili sila ng mga estudyante para sa punishment na 'yon. Kaya nga 'random killer' ...kahit hindi ka killer, dahil ikaw ang napili nila, you have to be the killer"

Nagulat kami ni Raven habang sinasabi ni Axelle 'yon kaya kinabahan kami.

"So, ibig mong sabihin kapag ikaw ang napili nila, ikaw ang paparusahan nila kahit hindi ka pumapatay?" tanong ko sa kanya habang nanginginig ang tuhod ko.

"Ganon na nga. Hindi naman mangyayari 'to kung may magsasakripisyo. Kung may records ng pagpatay, hindi magkakaroon ng random killer dahil sigurado namang hahanapin ng council ang killer para parusahan. Pero ang iba, nagsasakripisyo. Kahit ayaw nilang pumatay, magsasakripisyo sila at gagawin nilang killer ang sarili nila para lang hindi magkaroon ng 'Carnival Game punishment random killer' " pahayag ni Axelle sa amin.

︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻

◆ Author's POV ◆

The Carnival Game / spinning wheel was divided into 5 sections..These are the following:

Right eye

100 needle

Metal heat

5 nails with electrocution.

Hang upside down for 3 days.

Those who would dare to break the no. 1 rule na bawal pumatay, the killer will have to face the consequences, and that is the Carnival game.

Kailangan niyang i-spin ang wheel at kung saan ito matatapat, 'yon ang punishment ng killer.

But the school's tradition is like this...

Sa loob ng ilang months, if there would be no records of students na namatay, the council will do the...

'Carnival game punishment random killer'.

Ilalagay lahat ng pangalan ng mga students sa isang box. Then, ang council ay bubunot ng isang paper every week. Kung kaninong pangalan ang nakasulat sa papel, he or she, innocent or not, will be punished and needs to spin the wheel kahit wala siyang ginagawang masama.

But other students sacrifice themselves para itigil ng council ang pagbunot ng random killer. Kahit ayaw nilang pumatay, papatay sila at isasakripisyo nila ang sarili nila para hindi na mangyari ang Carnival game punishment random killer.

Because they think, mas magandang maparusahan sila dahil may kasalanan sila kaysa sa maparusahan sila ng wala naman silang ginagawang masama.

Carnival game punishments means paparusahan ang killer. Pero kung walang killer, Carnival game punishment random killer will appear para maghanap ng inosenteng killer.

︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼

"May way ba, para maiwasan mo ang punishment na 'yon kung sakali man na mabunot ka?" tanong ko kay Axelle, nararamdaman ko din na nilalamig ang kamay ko dahil sa kaba.

Nanginginig ako dahil sa takot at alam kong nabigla din si Raven dahil sa nalaman namin.

"There is. I mean, there are" seryoso kaming tinignan ni Axelle at ganon din kami sa kanya.

Inilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya.

"If you are an official member of Blood Rebels, Redblades and Phantom Sinners, you could be saved...kung, gugustuhin nilang iligtas ka. Pero kung ayaw nila, kahit member ka, hindi ka makakaligtas. Mayroon pa namang isang option, but I think it's impossible...kung makakapagtago ka sa Street Cheaters' club, makakaligtas ka dahil 'yon lang ang nag-iisang lugar na hindi pinapasok ng council. Pero imposibleng makapasok ka doon lalo na kung wala kang koneksyon" pahayag niya sa amin.

"Bakit naman hindi pinapasok ng council ang lugar na 'yon?" tanong ko.

"Dahil mga drug-addict sila, wala silang kinikilala, kaya hindi sila makontrol ng council kaya't ayaw na ayaw nilang pakielaman ang lugar na 'yon...and their weapons are deadly poisons, mararamdaman mo na lang na maninikip ang dibdib mo kaya nga takot ang council na lapitan sila"

To be continued...

Bab berikutnya