webnovel

♥ CHAPTER 4 ♥

Syden's POV

Finally, nakalabas na kami sa Outsider's room. Okay na daw sabi ni Maureen kaya naglabasan na lahat ng students. Tinanong ko sa kanya if okay lang ba na magtago kami everytime na may "Silent Grave", sabi ni Icah okay lang daw kahit pa class hours kasi daw yung mga teachers walang magawa lalo na't nagrerebelde na raw yung ibang students.

The council is really torturing us. This is more terrible than a prison.

Sumunod kami kila Icah papunta sa classroom nila dahil hindi naman namin alam kung saan kami dapat pumasok.

"Icah? If makarating na tayo sa classroom niyo, paano namin malalaman ni Raven kung saan ang room namin?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa amin, "Every Saturday and Sunday lang magturo ang mga teachers dito, pero kailangan mo pa ring pumasok para sa attendance. If hindi ka papasok, tiisin mo ang paghihirap sa Prison Tree"

At anong Prison Tree naman ang tinutukoy niya?

"HA?! So, you mean required pa rin na pumasok kahit walang teacher? And bakit naman weekends lang sila nagtuturo?!" gulat kong tanong.

"Oo. And ikaw bahala kahit saang room mo gustong pumasok pwede, kahit iba't-ibang room ang pasukan mo araw-araw pwede basta ang importante magpa-attendance ka. Masanay na kayo. Pagdating dito, lahat ng imposible magiging posible" dire-diretso lang siya sa paglalakad habang kami naman ni Raven nagtitinginan.

Tatanungin ko sana siya about sa Prison Tree na sinabi niya kanina pero hindi ko na nagawa.

Prison School? Isang eskwelang ginagawang weekdays ang dapat na weekend.

I mean, eskwela ba 'to? Every Saturday and Sunday lang nagtuturo ang mga teachers tapos kahit anong room pwede mong pasukan. Ang clinic open lang tuwing Saturday.

This is insane! Hindi ko alam kung makakayanan ko pa pero susubukan ko para sa akin at kay Raven. We need to be strong para maka-survive. Everyday may naririnig kaming kuro-kuro about being tortured.

Natatakot kami but we are trying our best na huwag na lang isipin para hindi maragdagan ang takot namin.

☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸

Raven's POV

Base sa mga narinig ko kay Icah. I can't believe na eskwela pa ang tawag nila dito.

Tuluy-tuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang hallway ng building. Hindi namin alam kung saan ba kami dapat tumingin dahil bawat rooms, magulo. May mga classrooms sa left side at meron din sa right side. Makikita mo kung ano ang nasa loob ng mga classrooms na 'yon dahil nakabukas ang pintuan.

Pagdaan namin sa hallway, iba't-ibang klasing rooms ang nakita namin.

Mas lalo pa naming naintindihan ni Syden nang mag-umpisang magsalita si Icah habang tinitignan ang bawat classroom.

Sinusundan lang din namin ng tingin ang mga rooms na tinitignan niya habang nagsasalita siya,

"As you can see, maraming libro at puno ng libro ang classroom na 'yan. Iyan ang tambayan ng mga mahilig magbasa ng libro at mga matatalino kaya nga ayan, naka-glasses sila lahat at busy sa pagbabasa, They are the bookworms" 

"On the right side naman, nakikita niyo ang mga babaeng naka full red ang suot at super red lipsticks pati ang wall ng classroom nila kulay red. Masakit sa mata hindi ba? Tambayan 'yan ng Redblades group. Pero kung hahanapin niyo si Roxanne, wala siya sa classroom na yan"

"Sa tapat ng Redblades room, makikita niyo ang mga naglalandian. Tambayan 'yan ng mga sweet but bitter couples, nakikita niyong sweet sila d'ba? naghahalikan pero mamaya mag-aaway na 'yang mga yan"

"This another room ay sobrang nakakadiri! Ewww! Puno ng pagkain sa loob at 'yan tambayan ng mga matatakaw kaya kung gusto mong kumain pumasok ka lang. But I don't recommend na pumasok kayo sa classroom na 'yan kasi puro matataba at minsan..sorry to say this kahit panis na ang pagkain nilalamon pa nila. Kadiri d'ba?"

"Another room again, tambayan ng mga adik sa computer. Halos buong araw naglalaro lang sila dito sa Computer Lab. Pero binlock ng council ang facebook and anything para hindi sila magkaroon ng koneksyon outside the school. Puro games lang ang laman ng computer na 'yan. Halos hindi na rin sila kumakain kaya ayan super payat"

"If gusto mo naman ng lugar na tahimik, pumasok ka lang sa classroom na'to. Buong araw natutulog lang sila at kahit pa sampung sound system ang itapat mo sa tainga nila. Hindi sila magigising pero buhay pa sila don't worry. Adik lang talaga sila sa pagtulog"

"Marami pang iba't ibang klasi ng rooms pero hindi na importanteng malaman niyo since wala namang sense at patutunguhan ang pagpasok sa mga classrooms na 'yon"

Sa dami ng in-explain ni Icah. Wala ng pumasok sa isip ko kundi ang sabihing,

This is not really normal.

Pumasok na kami sa isang classroom na mukhang normal naman at walang kakaiba. Natahimik lahat sila pero pagkalipas ng ilang segundo bumalik na rin ang kaingayan nila.

"Ito nga pala ang tambayan ng mga 'Outsiders'. Welcome kayo dito anytime. Tulad nga ng sinabi ko, pwede rin naman kayong pumunta sa room ng 'young trap' at 'the freaks'... diyan lang naman sa kabila" sabi ni Icah bago siya umupo.

Unupo na rin kami para maging komportable, "Icah, paano nabuo ang names ng 3 groups sa Silent Alliance?" bigla namang nagtanong si Syden. Habang si Maureen nakatitig lang sa pintuan.

"Young trap ang name ng 1st group kasi feeling nila young teenagers pa lang sila

na-trap na sila sa walang hiyang eskwelang 'to. Second is the outsiders kasi nga ayaw nilang sumali sa kahit na anong away between other groups. Last but not the least, the freaks. Sila yung mga

na-bully dati at nagsisisi sila dahil wala silang nagawa para depensahan ang sarili nila kaya tingin nila sa sarili nila, they are freaks" isang panibagong babae nanaman ang nagpakita at sumagot sa tanong ng kapatid ko.

"I'm Hadlee, leader of 'The freaks'. Ang weird d'ba? I'm a total freak" she smiled and we did the same thing to her.

Then I introduced myself and my sister to her. Magmula noon, palagi na namin silang kasama, but hindi ako gaanong komportable dahil ako lang ang nag-iisang lalaki.

Maureen is Young Trap's leader.

Icah is Outsider's leader.

Hadlee is the freak's leader.

Those three groups are all part of Silent Alliance dahil ayaw nilang sumali sa anumang gulo.

Unti-unti ng nalilinawan ang utak ko about Prison School, pero parang may kulang pa din. Sino naman ang tinataguan nilang grupo bukod sa Redblades?

☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸

Syden's POV

Finally, break time na. Makakapag-ikot na rin ako sa buong campus kasama si Raven. Mangangalap muna ako ng impormasyon tungkol sa Prison School para naman hindi ako magmukhang tanga kakatanong kay Icah.

"Sy, tara kain tayo?" halata naman na gutom si Raven dahil pagkasabi niya noon, narinig ko ang nagugutom niyang tiyan.

Dahil hindi pa ako nagugutom ayaw kong kumain. Nakita ko si Icah, Maureen at Hadlee papasok sa cafeteria.

"Hindi pa ako nagugutom eh. Ayun oh sumabay ka na lang muna kila Icah" sabi ko.

Tumingin muna siya sa kinaroroonan nila bago niya ulit ako hinarapan.

"Hindi na kailangan. Kaya ko sarili ko Louie" pagmamayabang niya.

Kapag nagyayabang kasi siya Louie ang tawag niya sa akin. Tsk!

Umalis na siya at dumiretso sa cafeteria habang ako tinuloy ang paglalakad hanggang sa marating ko ang isang sulok.

"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin sa kanya"

Nakakarinig ako ng pag-aaway somewhere, parang malapit lang sa akin. Kaya sinundan ko yung boses.

"Hindi mo pa talaga siya kilala Clyde! Pwede ka niyang mapatay kapag nalaman niya ang namamagitan sa atin!"

May isang babae at lalaki na nag-uusap. Nakasilip lang ako sa kanila. Balak ko na sanang umalis dahil mali ang makinig sa usapan ng iba, kaso nabigla ako sa ginawa ng babae. Paalis na sana yung lalaki kaso bigla siyang hinila nung babae.

That girl seems familiar.

Nanlaki ang mata ko nung nakilala ko siya.

Si Roxanne, leader ng Redblades.

Aalis na sana yung lalaking kausap niya pero hinila niya yung lalaki at hinalikan niya ito.

Siguro boyfriend niya?

"You don't need to worry. Babalikan kita sa tamang oras. Pero hindi pa ngayon. You just need to wait" sabi ni Roxanne sa lalaki sabay hawak sa kamay nito.

"I know. I'm waiting for you" sagot sa kanya ng lalaki.

Tumango si Roxanne at binitawan na niya ang kamay ng kausap niya para makaalis na ito.

Pagkatalikod ni Roxanne, bigla tumingin ang lalaki sa kinatatayuan ko at nagkatinginan kami. Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang maglabas ng kutsilyo galing sa likuran niya at nag-iba ang timpla ng mukha niya. Nagtaka si Roxanne pero pinaalis na siya ng lalaki.

Papalapit yung lalaki sa akin habang tinitignan ako ng sobrang sama kaya tumakbo ako ng sobrang bilis para hindi niya ako maabutan. Bakit kasi nakinig pa ako sa usapan nila?!

Nakakatakot ang mga tingin niya sa akin kaya lalo akong natakot at mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Sa pagtakbo ko, may biglang humablot sa akin at tinakpan niya ang bibig ko.

Pagkatingin ko, isang lalaki na mapula ang mata, para siyang naka-drugs.

"May narinig ka d'ba?" tanong niya sa akin.

"A-anong narinig?" tanong ko naman sa kanya pagkababa niya sa kamay niyang tinatakpan ang bibig ko.

"Kung ano man ang narinig mo kanina, mas mabuti pang huwag mong sasabihin kahit kanino. Alam kong may nakita ka dahil hinahabol ka niya at mababakas sa mukha niya na gusto ka niyang patayin. Kaya kung ako sa'yo itikom mo ang bibig mo" malamig niyang sabi sa akin

"Sino ka ba? At sino yung lalaking humahabol sa akin?"

Hindi niya ako sinagot at umalis na rin siya agad. Pipigilan ko sana siya pero baka makita ako ng nanghahabol sa akin kaya hinayaan ko na lang siyang umalis.

I checked every corner if nandito pa yung humahabol sa akin kanina. Good to know na wala na siya kaya lumabas na ako pero tumitingin pa rin ako sa paligid dahil baka bigla niya akong makita. Nang makita ko ang cafeteria, naalala kong nasa loob si Raven kaya pumasok ako.

"Sy? Akala ko bang hindi ka gutom?" Pagkapasok ko, nilapitan ako ni Raven habang may hawak siyang isang plato na sobrang daming laman na pagkain.

Matakaw kasi siya.

"Hindi nga. Sasamahan na lang kita" sabi ko habang tumitingin pa rin sa paligid.

Nakita namin sina Icah sa may bandang back door kaya nilapitan namin sila. May bakanteng upuan naman kaya doon kami umupo ni Raven.

"Saan kayo nanggaling? Kanina pa namin kayo hinahanap?" tanong ni Maureen.

"N-naglakad-lakad sa campus. Nakakainip kasi eh" patawa kong sambit sa kanila.

Habang kumakain sila. Hindi ko namalayan na tulala na pala ako. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

"Syden? Ba't hindi ka kumakain? Ok ka lang ba?" tanong ni Hadlee.

Nakatingin lang silang lahat sa akin imbes na kumakain sila, "Hindi pa kasi ako gutom at saka nakita ko kasi si Ro-"

Sasabihin ko sana sa kanila ng biglang pumasok sa isip ko ang sinabi nung lalaking mapula ang mata kanina. Hindi ko raw dapat ipagsabi yung nakita ko.

Seryoso lahat silang nakatingin sa akin.

"Ahh wala, wala lang talaga akong ganang kumain" pagsisinungaling ko.

Naginhawaan naman sila at tinuloy na ang pagkain, "Sige. Sabi mo eh"

Pero muntik na akong mahimatay sa kaba ng makita ko yung lalaking parang naka-drugs, yung humablot sa akin kanina.

Papasok siya sa cafeteria at bawat madadaanan niyang estudyante, nilalayuan siya. Sina Icah, Maureen, Hadlee at Raven hindi naman siya napansin dahil kinuha nila ang mga bag nila which is nasa ilalim ng table.

"Tara na" pahayag naman ni Icah. Ang bilis naman nilang kumain?

Tumayo na sila at dahil tapos na si Raven kumain. Sumabay na rin kami sa kanila.

☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸

Icah's POV

Nakarating na kami sa tambayan ng mga Outsiders pero nagpasya kami ni Hadlee na lumipat muna sa Young Trap, kina Maureen. Kaya nagpaalam muna ako sa kambal bago kami umalis. Okay naman daw sila sa room na 'yon kaya iniwan ko muna silang dalawa.

Nang marating namin ang classroom nila Maureen umupo kami ni Hadlee malapit sa may bintana at nilapitan kami ni Maureen.

"At anong ginagawa niyo dito?" tanong niya.

"Bakit? Bawal ba kami dito?" tanong ko naman sa kanya.

Umiling lang siya at ngumiti then umupo siya.

"Gusto niyong sumama? Punta tayong club mamaya" invite niya.

Si Hadlee naman, mukhang nasiyahan sa sinabi ni Maureen.

"At bakit naman tayo pupunta doon?" binuksan ko ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin.

"Obvious ba? Para magsaya" sabi ng baliw na si Maureen.

"Paano ka naman magsasaya doon? Street Cheaters' members lang ang pwede doon" pagsalungat ko sa kanya.

"Papapasukin nila tayo since asawa ko ang leader nila" paglalandi ni Hadlee.

Crush niya kasi ang leader ng Street Cheaters cute daw sabi niya.

"Balita ko bago na raw ang leader ng Street Cheaters" sabi ni Maureen.

Nagkatinginan lang kami ni Hadlee at lumapit kami sa kanya dahil sa pagkabigla.

"Ha?! Bagong leader ng Street Cheaters? Sino?" tanong ko.

"Hindi ko pa nakita ang itsura" sabi naman ni Maureen.

Si Hadlee naman, gulat na gulat sa narinig niya dahil napalitan na ang crush niya although hindi namin alam kung totoo ba ang pinagsasasabi ni Maureen.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Pinag-uusapan kaya sa buong campus like hell. Hindi kayo updated sa mga balita" sarcastic niyang sabi.

"Sorry. Hindi kasi kami chismosa katulad mo" sagot naman ni Hadlee na nakasimangot.

Umasta silang dalawa na parang gusto nilang mag-away pero hindi rin nila tinuloy dahil pinagtinginan sila ng mga Young Trap members.

Pero paano namang napalitan ang leader ng Street Cheaters?

Masyado atang mabilis gumalaw ang pumalit sa kanya kaya tinalikuran siya ng mga members niya.

Nakaka-curious naman ang taong 'yon.

"Hoy! Maureen! Anong pangalan ng bago nilang leader?" tanong ko sa kanya.

Umupo siya sa harapan ko at nakatitig lang kami ni Hadlee sa kanya. Nag isip-isip muna siya bago niya sinagot ang tanong ko,

"Sa pagkaka-alam ko, Jarred daw eh"

"Jarred?" tanong ko sa sarili ko.

Pero si Maureen tumango naman siya sa akin.

Ang tagal ko ng naninirahan dito pero wala akong naaalalang may pumasok na Jarred dito sa Prison School.

Sinong Jarred?

To be continued...

Bab berikutnya