webnovel

♥ CHAPTER 2 ♥

(This chapter has many POV's and cuts,  so do not be confused)

Syden's POV

Nagising ako sa isang napakalakas na tunog ng alarm clock ko. Pagtingin ko sa orasan 6:30 am na pala. Agad akong tumayo para maligo at mag-ayos.

Sobrang kalat ng kwarto ko at mabuti na lang wala si mommy at daddy, if nandito sila for sure I will be reprimanded. No worries naman since solo ko ang kwarto na'to. Lalo pa akong nabulabog ng kumatok ang insekto kong kapatid, si Raven.

"Hoy!! Syden! Bilisan mo male-late na tayo" sigaw niya mula sa labas ng kwarto.

"Pwede bang maghintay ka muna! Kakagising ko lang!" sigaw ko pabalik since hindi pa ako nakakapagsuklay ng maayos dahil sa kaingayan niya, nilagay ko na lang ang suklay ko sa bag at nag-hand comb nalang, nag-sapatos at binuksan ang pintuan.

"Ba't ang tagal mo?!" tanong niya. As if namang siya mabilis. Tsk!

"Di mo ba ako narinig o talagang bingi ka lang? Kakagising ko nga lang" tinulak ko siya papalayo sa akin para i-lock yung pinto ng kwarto ko.

"Ang sama ata ng gising mo ah?" tanong niya. Obvious ba?

"Kagising-gising ko kakatok ka sa pintuan at magsisisigaw sa labas ng kwarto ko. Kahit sino naman siguro mawawala sa mood diba? Gawin ko rin kaya sa'yo gusto mo?" I answered in a bad mood pero sa mukha niya, tuwang-tuwa pa siya na tinitignan ako. Sige matuwa ka pa. INSEKTO!

Dahil sa inis, sinipa ko siya at mukhang napalakas ang pagkakasipa ko kaya namula ang mukha niya. Satisfied na'ko sa nangyari kaya umalis na'ko at iniwan siya.

Pagkapasok ko sa classroom namin, nakaupo na ang lahat pero good to know na wala pa yung prof namin. Nakatingin lahat sila sa akin kaya tumingin ako sa paligid para alamin kung ako ba talaga yung tinitignan nila. But the bell rang so I think I was saved from their burning eyes.

Pumasok na si prof at tahimik ang lahat. Nagsimula siyang magtawag ng names para mag-check ng attendance pero nung binanggit niya yung pangalan ko, natigilan siya at tumingin sa akin..

"Ms. Fuentes, your subject teacher in Math reported you yesterday to me. Hindi ka raw pumasok sa klase niya. What happened?" tanong niya.

"Sir, sumama po ang pakiramdam ko" sagot ko ng malumanay. But deep inside I was just lying.

"Yan na lang ba palagi ang excuses mo Ms. Fuentes?" tanong niya.

Lahat ng mga estudyante nakatingin sa akin and right now gusto ko silang hampasin like pakialam ba nila if ayaw kong pumasok.

Nakakainis!

Hindi ako nagsalita at napailing na lang si prof kaya umupo na'ko dahil wala rin namang patutunguhan ang usapan namin.

✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡

Recess time came, pero hindi ako nagugutom kaya naiwan akong mag-isa sa classroom namin at sinusubaybayan ang apat na sulok ng kwarto.

Nagulat ako nang biglang may lumapit sa akin na isang estudyante, hindi ko siya kaklasi. Tinignan ko lang siya habang may kinukuha siya sa bag niya.

"May nagpapabigay pala sa'yo" may inabot siyang papel at pagkakuha ko, umalis na rin agad yung babae.

"Mag-meet tayo ng 6 pm sa likod ng building, may sasabihin ako -Jarred" binasa ko ng mahina. Bakit hindi niya na lang isinulat dito sa papel? Tsk!

Ano nanaman kayang sasabihin niya? Nakakapagtaka lang bakit 6 pm, eh padilim na 'yon.

✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡

Jarred's POV

"Anong ginagawa mo diyan?" isang malalim na boses ang humarang sa pagiging absent-minded ko. It was Raven.

Well, I can't really say if he's my rival or friend. Pero matagal ko na silang kilala ng kapatid niya.

"Gagantihan mo ba ako? Go for it" pabiro kong sambit sa kanya.

"Don't worry. Inunahan na'ko ni Sy kaya hindi na ako makakaganti pa" sambit niya bago umupo sa tabi ko.

Nasa rooftop kami ngayon dahil break time naman.

"Makikipagkita ako kay Syden mamaya" pahayag ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at naging seryoso ang mga mata niya, "Bakit? Para saan?" tanong niya.

"Importante lang" wika ko.

As far as I know these two siblings. They are really close by teasing one another. But they truly love each other. Syden protected her twin-brother for so long.

Si Raven kasi, mahilig mang-asar pero mahina ang loob. Si Syden naman madaling mapikon pero palaban. Sa kanilang dalawa mas malakas ang loob ni Sy kaya siya lagi ang napapaaway for the sake of her brother. Even though her brother doesn't wish to.

Para sa kanya whether you are right or wrong, you must protect yourself kasi daw sa huli, sarili mo pa rin ang kakampi mo.

I really wanted to see her mean side kaya binubully ko lagi ang twin-brother niya.

But someone is framing her up using me.

I don't want to put her in danger because of me. Lahat ng pag-aaway namin hindi ko sineseryoso but the council is pushing her to reach the 5th offense.

Hindi na dapat siya pumasok dito at hindi na dapat siya makapasok doon.

Once she enters the other side. This Heaven's Ward High will be a total mess. Heaven's Ward High is a total mess.

It is the devil's school.

"Sean, alis na'ko. Don't worry, I won't do something terrible to her. The matter is just..important" sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at tumayo na ako para umalis, "Anong alam mo?" mahina niyang sabi.

Napatigil ako sa aking paglalakad at nanatiling nakatalikod sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Alam mo kung anong meron sa loob ng wall na yon' hindi ba?" -R

Oo alam ko. Pero wala akong planong sabihin sa kanila. Pero sinusubukan ko naman na pigilan sila. Lalong magkakagulo once na natuloy ang plano ng council.

Sy should not enter that place.

Tinuloy ko na lang ang paglalakad at naiwan si Raven dahil wala akong balak na sagutin ang tanong niya.

......

Sa bawat paglakad ng oras lalo akong kinakabahan. Nakaupo lang ako ngayon sa isang bench ng gymnasium at nag-iisip.

4:00 o'clock pa lang naman kaya pwede pa akong magpahinga. At unti-unti ng pumikit ang mga mata ko at nagdilim ang paningin ko.

✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡

Syden's POV

6:28 pm na. Muntik ko ng makalimutan na may sasabihin pala si Jarred behind the school building. Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng kwarto. Sigurado kasing nandoon na niyan siya at hinihintay ako. Tumakbo ako ng sobrang bilis dahil medyo malayo ang dorm sa school building namin.

Nang makarating ako, nagpahinga muna ako dahil hinihingal ako. Pero pagtingin ko walang tao. Ako lng mag-isa. Tumingin ako sa paligid pero wala siya.

Baka naman umalis na siya dahil ano ng oras, 6:34 pm na. Aalis na sana ako pero nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin.

"Sorry Sy. Nakatulog kasi ako, hindi ko namalayan yung oras" hinihingal niyang sabi.

"Ok lang. Kakarating ko lang din eh. Akala ko umalis kana" ngumiti ako at umupo sa bench.

"Ano nga palang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya since sa kanya galing yung papel.

Tinignan niya lang ako at hindi maipinta sa mukha niya ang pagtataka.

"D'ba ikaw yung nagbigay ng papel sa akin kasi sabi mo may sasabihin ka?" pahayag niya.

Nabigla ako sa sinabi niya dahil wala naman akong pinaabot na papel sa kanya.

"May babaeng nagbigay ng papel sa akin, nakalagay yung name mo. So I assumed na sa'yo galing 'yon" dagdag ko ng may pagtataka.

"May babae rin na nagbigay sa akin ng papel, sabi niya galing daw sa'yo" sabi naman ni Jarred. Something went wrong.

Dahil pareho kaming may pagtataka, nagkatinginan lang kaming dalawa.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at aalisin ko sana ang pagkahawak niya pero mas lalo pa niyang hinigpitan.

"Makinig sa akin. Kailangan na nating magtago parating na sila" sambit niya.

"Sinong sila? At saka ba't kailangan nating magtago?" tanong ko naman.

Sa mga ikinikilos niya hindi ko na maintindihan kung ano talagang nangyayari.

Hindi pa man kami nakakalayo, may sumalubong na sa amin na grupo ng mga nakaitim na lalaki. Wala kaming nagawa kung hindi umatras na lang.

Hinila ako ng isang lalaki na nanggaling sa likuran namin at tinapatan ako ng kutsilyo kaya hindi nakalapit si Jarred.

Dahil nakatingin lang siya sa akin, hindi niya namalayang may mga lalaki pa sa likod niya. Magsasalita sana ako para sabihing may lumulusob sa kanya pero tinakpan ng lalaki ang bibig ko kaya wala akong nagawa kundi makita siyang duguan dahil sinaksak nila siya.

Yung kutsilyo na pinang-saksak nila sa kanya, pinilit nilang ipahawak yon' sa akin bago sila umalis.

Nang hindi na siya makatayo, umalis na ng tuluyan ang mga lalaking nakapalibot sa amin at naiwan kaming dalawa. Patuloy pa rin ang paglabas ng dugo mula sa pagkasaksak sa kanya. Hihingi sana ako ng tulong para iligtas siya pero pinigilan niya ako.

"Tumakas ka na Syden. They are planning na pagbintangan ka. Mafe-frame up ka once they see you now with me. You'll need to take the blame whether you like it or not. Kaya magtago kana and just pretend like nothing happened since it is not your fault" sambit niya ng mahina.

"I won't leave you here like this" sagot ko.

Naiiyak na ako kasi punong-puno na ng dugo ang buong katawan niya, even me.

Nawala ako sa sarili ko ng makita ko siyang unti-unting pumikit. It was like a dream that I would never wish to happen. May mga nakakita at nilayo ako mula sa kanya, hindi na ako nakapalag dahil hindi ko na alam kung anong gagawin.

✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡

Raven's POV

Hindi ko alam kung anong gagawin and how should I save her. Nasa main office siya ngayon at kaharap ang buong school council. No one's believing in her words. She was just frame-up by someone. Baka ma-expel na siya since 5th offense na niya to' and that's not just an offense.

It's a major offense.

(Flashback!!!)

"Makikipagkita ako kay Syden mamaya" sabi ni Jarred.

Tumingin ako sa kanya at naging seryoso ang timpla ng mukha ko.

"Bakit? Para saan?" tanong ko.

"Importante lang. Nagpadala kasi siya ng letter sa akin. May sasabihin daw siya" many minutes passed by, tahimik lang kami.

As far as I know, hindi naman mahilig gumawa ng letter ang babaeng yon'. She usually confronts people at hindi siya mahilig manghingi ng koneksyon para lang sa away. I wanted to ask Jarred if the letter really came from Syden, but that time I also didn't know bakit hindi ko natanong.

☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮☮

Jarred was used to frame-up my sister.

And who the hell is that person?

Kanina ko pa siya hinihintay dito at mabuti naman lumabas na siya, "Ano na? Sinabi mo ba yung totoo, na frame-up yon?" Tanong ko sa kanya since wala siyang reaction.

"Kahit ano namang pagpapaliwanag ang gawin ko hindi sila maniniwala dahil ako lang yung naiwan na kasama ni Jarred. Nakuhang fingerprint yung sa akin mula doon sa kutsilyo kasi naka-gwantes yung mga sumaksak kay Jarred. Pinilit nilang ipahawak sa akin yung kutsilyo kaya ayun" seryoso niyang sabi.

"Yan bang mga sinasabi mo sa akin ngayon, sinabi mo na sa kanila?" -R

"Oo. Useless lang. Huwag na raw akong gumawa ng kwento" sagot niya.

"Anong mangyayari niyan?" tanong ko.

Tumingin siya sa aken at ngumiti lang na parang walang nangyari, "Hindi ko rin alam. Expel for sure"

"If you're going to be driven out from this school. I must go with you" sagot ko.

She looked at me badly.

"Why would you do that?"

"Because my twin-sister is all I have in this school" ngumiti lang ako at inakbayan siya.

She faced me and hugged me tightly. And I am so glad I have a sister like her.

✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡

Syden's POV

I want to remove all the bad memories. Wala namang naniwala sa mga paliwanag ko instead pinagtulungan ako ng buong council kanina. It was my intention daw to kill Jarred dahil ako lang naman daw ang kaaway niya inside the campus.

I just got my 5th offense and I already pack my things. I didn't plan to tell Raven about it kasi aalis na'ko tonight. I'll just need to wait for someone para daw sunduin ako.

Everything is settled and I'm ready to see my parents although mapapagalitan ako.

Someone knocked on the door. When I opened it, it's one of the security guards of the campus. Dinala ko na yung bag kong mabigat, pinatay ang ilaw ng kwarto at

ni-lock ang pinto.

Wala namang nakakaalam sa pag-alis ko dahil 10:00 o'clock na ng gabi, natutulog na ang lahat.

On the way to the dark road, nakasunod sa akin ang guwardiya. Papunta na ako ngayon sa exit ng Heaven's Ward High, but the gate is still locked. Tumingin ako sa likuran at wala na yung guard.

Saan naman siya pumunta? Kinuha siguro yung susi dahil naka-lock pa yung gate.

Then someone grabbed me from behind, I was about to shout but he covered my mouth. It was Raven.

"A-anong ginagawa mo dito?" bigla kong tanong sa kanya.

Paano niya nalaman na mag-e-exit ako?!

Bago pa man siya makasagot. May pumalibot na sa amin na mga lalaki. Again? I was behind Raven who became offensive that time. We tried our best para matalo namin sila but they were so many compared to us. Pagod na kami at bumagsak siya sa sobrang pagkahilo lalo na't kinuryente nila siya.

Same thing happened to me.

....

Pagkagising ko, nasa isang hindi pamilyar na lugar kami. Nagising na rin si Raven kaya tumingin kami sa paligid. It was a huge room surrounded with electric barriers.

"Nasaan tayo?" tanong niya.

"Hindi ko rin alam" sagot ko.

Tumayo kami ng sabay.

"Good Morning to our New PS students" isang pamilyar na boses ang nadinig namin sa loob ng room na yon.

Si Mrs. Lim at kakapasok lang niya. Mukhang tuwang-tuwa pa. Tsk!

"Nasaan kami?" tanong ko sa kanya in a cold way.

Tumawa siya ng malakas at tinignan kami ng masama.

"You were so brilliant to make a research about PS. Well, you'll fnd out soon since you are now a new student of PS" sambit niya.

Ano bang pinagsasasabi niya. Is this a new school?

"As you can see, this huge room is surrounded with electric barriers. Nagtataka ba kayo? Well, this is the opposite side of that wall na palagi ninyong sinusubaybayan. The opposite side of that wall is this room. Para maintindihan ninyo, the opposite side of this room is Heaven's Ward high."

Tumingin siya ng sobrang sama at mababakas sa mukha niyang ang sobrang pagkatuwa.

"Take them" sambit niya sa mga guards na kasama niya.

Nagpumiglas kami dahil hindi namin alam kung saan nila kami dadalhin.

Mrs. Lim was holding a controller and she deactivated the barrier, so kahit dumikit kami sa wall ng kwartong 'yon hindi kami nakukuryente.

Then she opened a mysterious huge gate.

Tinulak nila kami papalabas ng kwarto kaya nasubsob kami. When we looked around, it is another kind of school like Heaven's Ward High. All the students were looking at us. Yung mga mata nila nakakamatay. Then tumingin kami ulit kay Mrs. Lim.

Tuwang-tuwa siya at makikita ang kademonyohan sa mukha niya.

"Bliss Syden Louie Fuentes and Sean Raven Fuentes" sigaw niya infront of us, enough para marinig ng ibang students.

"PS students, listen to me. I am welcoming the two new students of PS. Treat them with gratitude and respect. Another free soul!!" sigaw niya pa ng lalong malakas.

Nagumpisang magbulungan ang mga estudyante at tumingin lang kami ulit kay Mrs. Lim.

"What is this all about?" tanong ko sa kanya.

Tumawa lang siya ng malakas at hindi sinagot ang tanong ko, instead,

"Welcome to Prison School!" nagsara ang pinto at nakikita na namin ulit ang electric barrier.

To be continued...

Sorry po sa mga cuts and POV's. Hope you understand this chapter.

Bab berikutnya