webnovel

♥ CHAPTER 107:4 ♥

Tinignan ako ni Nash at muling tinignan ang hawak niyang injection. Napansin kong dahan-dahan niyang ibinababa ang injection na 'yon sa sahig hanggang sa magsalita si Dean, "Sweetie, a traitor...will always be a traitor" saad nito. Nagulat na lang ako ng biglang itusok sa kanya ni Nash ang hawak nitong injection. Sobra akong nakaramdam ng sakit at tila sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang tumigil ang tibok ng puso ko, "H-hindi. Hindi totoo 'to" saad ko habang pilit na tinatanggal ang mga tali sa kamay at paa ko at nakatingin kay Dean na lumuluha habang nakatingin sa akin.

Tinanggal ni Nash ang injection at lumapit sa akin. Napansin kong tinanggal niya ang mga nakatali sa akin kaya nagtaka ako pero hindi ko pa rin maialis ang tingin ko kay Dean. Pagkatanggal ni Nash sa mga nakatali sa akin ay nagmadali akong lapitan si Dean pero mahigpit na hinawakan ni Claude ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya, "Sige, iyakan mo ang leader ng Black Vipers!" bigla niya akong itinulak kaya't nasubsob ako sa sahig pero agad na lang akong gumapang papalapit kay Dean habang nakatali pa rin ang mga kamay niya sa likod niya.

Dali-dali kong tinanggal ang pagkakatali niya at hinarapan siya, "H-hey muffin. Open your eyes" nag-aalalang sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang-pisngi nito gamit ang dalawa kong kamay dahil napapapikit siya at nanghihina. Binuksan niya ang mga mata niya at nagkatinginan kami habang pareho kaming umiiyak, "Don't leave me. Please, I'm begging you. Huwag mo namang gawin sa akin 'to!" saad ko dito. Bahagya itong ngumiti at pilit niyang ipinagdikit ang mga noo namin kaya't napapikit ako habang nababasa ang mga kamay ko dahil sa luha niya, "I don't want to do this to you. I'm fighting...for you. Pero mas nahihirapan akong lumaban kapag nakikita kitang umiiyak" sagot niya kaya't binuksan ko ang mata ko.

"You want to see me being so happy again?" tanong ko dito.

"I do really want to see your smile, sweetie"

"Then don't leave me. Makikita mo pa ang mga ngiting 'to kapag hindi mo ako iniwan. My life will be miserable without you, kaya huwag na huwag kang susuko. You can do it! You're strong right? Malakas ka at kinatatakutan, so prove it. Na talagang walang makakatalo sa'yo"

"I already lost, sweetie" natigilan na lang ako at napatingin pa ng maayos sa kanya ng sabihin niya 'yon.

"N-no! Don't say that! You can still fight! You can do it, dahil nandito lang ako. I will stay beside you hanggang sa bumalik ang lakas mo"

"Sweetie..." mas nasaktan na lang ako ng makitang may dugo na tumulo mula sa bibig niya pero pinilit kong tiisin dahil mas gusto kong marinig ang boses niya, "Thank you for being a part of my life. Tinanggap mo kung ano at sino talaga ako and I am really greatful for that. M-masaya ako na nakilala kita. Remember what I told you noong prom, na kahit anong mangyari, you will leave this place kasama mo man ako o hindi. Here we are now, I'm going to leave you now, dahil alam kong kaya mong lumaban kahit wala kami. How I wish to be with you forever...b-but you deserve someone...better than me. That guy na hindi ka iiwan...at hindi ka sasaktan kagaya ng ginagawa ko ngayon" pahayag nito kahit nahihirapan na siyang magsalita ay maayos niya akong tinititigan habang lumuluha siya.

"We're still gonna have to marry each other, right? Paano ako magpapakasal kung iiwan mo ako?" tanong ko dito at nanlabo ang paningin ko. Pinilit niyang itaas ang kamay niya na ramdam kong nanginginig at dahan-dahang pinunasan ang luha ko, "I'm sorry, sweetie...b-but we can no longer continue...our dream wedding"

"I HATE YOU!! I HATE YOU, DEAN CARSON!" sigaw ko sa kanya at kahit nahihirapan siya ay paulit-ulit kong pinalo ang dibdib nito pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Dahan-dahan niyang hinalikan 'yon kaya't parang milyun-milyong beses akong sinasaksak. Pagkatapos niyang halikan ang kamay ko ay muli kong hinawakan ang mukha niya pero hindi na siya makatingin sa akin. Dahan-dahan ko siyang hinalikan habang pareho pa rin kaming umiiyak. I wish we can stay like this forever. Na sana, araw-araw ko siyang mahalikan. Aside from my twin brother, he made me feel so special kahit na para sa iba, isa lang akong basura. I never thought I would love someone like him, I love him more than myself that's why I can't lose him. Nawalan na ako ng kaibigan, kakambal at hindi ko na kayang pati siya, mawala pa.

He also kissed me back at ang sakit isipin na hindi ko na ulit ito mararamdaman dahil kusa na niya akong binitawan. Inilayo nito ang mukha niya sa akin kaya tinignan ko siya, "This is the most beautiful view I've ever seen" saad niya habang maayos akong tinititigan. Napayuko na lang ito ng magsuka siya ng maraming dugo kaya't napapikit ako. I can't look at him sa ganoong sitwasyon! It hurts, really hurts than being tortured!

Dahan-dahan na lang itong napahiga kaya't sinalo ko siya kaya nakahiga siya ngayon sa mismong hita ko. Nakita kong inubo ito ng maraming beses kaya't halos mapuno na ng dugo ang mukha niya pati na rin ang kamay ko dahil nanginginig ako habang hinahawakan ko ang mukha niya. Wala ng mas sasakit pa na makitang nagkakaganito siya, at wala akong magawa kundi ang panoorin lang siya. Why am I not doing something?!!

Habang dumarami ang dugo na lumalabas sa bibig niya ay napapapikit siya at alam kong pinipigilan niya 'yon dahil pinipilit niyang tignan ako. Naramdaman ko na lang ang isang kamay niya na hinawakan ang isang pisngi ko kaya hinawakan ko ang kamay niyang 'yon at pinilit niyang ngumiti kaya pumikit ako kahit alam kong nababahiran ng dugo niya ang mukha ko, "I-i...love you so much...sweetie...goodbye....m-my soon to be....Mrs. Schulz" mas bumuhos pa ang luha ko ng maramdaman na unti-unting bumababa ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko hanggang sa tuluyan na itong bumaba. Nakita ko na lang siya na tuluyan ng pumikit. Parang milyun-milyung beses akong sinasaksak dahil sa nakikita ko ngayon at hindi ko alam kung paano ako hihinga ng makitang wala ng buhay ang taong pinakamamahal ko, "I-i love you too, my muffin" dahan-dahan kong hinalikan ang noo nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Tinignan ko ang buong paligid at nakita ko silang lahat na wala ng buhay at pinatay sa mismong harapan ko. They did everything to protect me, but I wasn't able to protect them. At kahit sa huling hininga, kaligtasan ko pa rin ang inaalala nila.

Mas lalo pang bumuhos ang luha ko ng mapagtanto ko kung ano ng gagawin ko ngayon na iniwan nila akong lahat. My friends, my twin brother and my boyfriend already left me, wala ng natira sa akin kahit isa. Sila lang ang mayroon ako at sila na ang naging pamilya ko sa impyernong 'to. 

Bigla na lang akong hinila patayo ni Claude kaya sinamaan ko siya ng tingin at nakangisi lang ito ng masama, "I. will. kill. you. Hindi ko papalagpasin ang ginawa mo! Ako mismo, ang papatay sa'yo, Jackson Claude!" banta ko dito. Kasalanan niya lahat 'to at kung balak siyang patayin ng Vipers, ako ang gagawa noon para sa kanila. Ito na lang ang pinakahuli kong magagawa para sa kanila. 

"Yon ay kung mapapatay mo ako!" saad nito sa akin kaya't galit na galit ko siyang tinignan. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa akin at hinila ako papalabas ng kwartong 'yon habang pinipilit kong makawala sa kanya. Nang mapadaan kami sa tapat ni Nash ay napatingin ako sa kanya at galit na galit ko din siyang tinitignan pero seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin, "Isa kang traydor! Hindi mangyayari lahat ng 'to kung hindi dahil sa'yo! Ito ang tatandaan mo Nash, ako mismo ang papatay sa'yo! Babalikan kita!" galit kong sabi sa kanya at bago ako nahila ni Claude papalabas ng kwartong 'yon, muli akong napaiyak ng makita lahat ng Vipers na duguan at wala ng buhay. 

"Papatayin mo rin ba ako?! Sige, gawin mo na!" sigaw ko kay Claude habang nasa hallway kami at hinihila niya ako. Tumigil siya sa paglalakad at hinarapan ako habang galit itong nakatingin sa akin. 

"Hindi kita papatayin dahil pahihirapan kita sa mga kamay ko! Ang gustung-gusto kong makita kung paano mo sasabihin sa lahat ang nangyari sa Black Vipers, na wala kang nagawa para iligtas sila!" mas nagalit pa ako sa sinabi niya kaya't balak ko sana siyang sampalin pero nahawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, "Ito ang tatandaan mo, ngayong wala na ang Vipers sa buhay mo at manggugulo sa buhay ko, magagawa ko na lahat ng gusto kong gawin sa'yo. Kikilalanin at kakatakutan na ako ng lahat!" sambit nito na parang natutuwa kaya't kahit nanlalabo ang paningin ko ay napangiti na lang ako ng masama, "Hindi ko hahayaang makuha mo ang gusto mo! Dahil isinusumpa ko, papatayin kita!" 

"Oh really? Are you threatening me, Bliss Syden?"

Tinapatan ko siya at masamang tinignan, "No, sinasabi ko lang kung anong mangyayari sa'yo"

"That's the attitude of Nashielle, at 'yan ang nagustuhan ko sa kanya. Hindi mo lang pala siya kamukha, kaugali mo rin" masama akong tinignan nito mula ulo hanggang paa habang galit na galit ko siyang tinitignan. Mas mahigpit pa nitong hinawakan ang braso ko, "Ngayong wala ng Vipers para sirain ang plano ko, magagawa ko na lahat ng gusto kong gawin sa'yo" saad niya at muli niya akong hinila sa hallway. Nakita ko na lang na marami pang Venom na makakasalubong namin, "Boss, may ipapagawa ka ba?" tanong ng isa sa kanila kay Claude. 

"Wala na ang grupong Black Vipers para sirain ang mga plano natin. Puntahan niyo na sila doon at kunin niyo ang mga walang buhay nilang katawan. Pugutan niyo ng ulo at siguraduhing makikita ng lahat. Sa ganoong paraan, makikilala na nila tayo" pahayag nito kaya't sinigawan ko siya, "HINDI PA BA SAPAT SA'YO NA PINATAY MO NA SILA?! TIGILAN MO NA SILA, THEY ARE ALREADY DEAD!" bigla na lang siyang humarap sa akin at halatang galit na galit din siya sa akin, "Baka nakakalimutan mo, namatay sila sa ganoong paraan dahil ang poison na binigay ko sa kanila ay may halo ng dugo mo, it's also your fault kung bakit nahirapan sila ng ganon!"

"Walang hiya ka talaga!" sigaw ko sa kanya pero muli siyang tumingin sa mga members niya, "Ano pang hinihintay niyo? Gawin niyo na ang utos ko" saad nito kaya't umalis na ang mga members niya. Muli niya akong kinaladkad sa hallway at muli kaming pumasok sa isang classroom. Itinulak niya ako ng malakas sa gitna kaya't muli akong nasubsob sa sahig at galit siyang tinignan, "JUST KILL ME...OR ELSE I'LL KILL YOU!" sambit ko sa kanya na masamang nakangiti habang tinitignan ako. Lumuhod siya at tinapatan ako, "I can't do that. Just devote yourself to me and I'll make you my queen" saad nito kaya muli akong napangiti ng masama at dinuraan ko siya, "I only have one king...at hindi ikaw 'yon!" pinunasan niya ang mukha niyang dinuraan ko at alam kong nainis siya kaya't mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko kaya't diretso akong napatingin sa kanya, "Your king is already dead...at wala ka ng ibang makakapitan pa, kundi ako na lang! Can't you see? He's already dead, patay na siya!" 

"Because you killed him! At kahit ano pang sabihin mo, hinding-hindi ako sasama sa'yo!"

"Ano pa bang gusto mo?! Lahat ng mayroon ang Vipers, mayroon din ako! Mas marami kang mapapala sa grupo ko kaysa sa kanila!" pahayag nito kaya natawa ako.

"Nakuha mo man lahat ng meron sila, pero hindi mo sila matatapatan. Black Vipers is different from you!" 

"One last chance, Bliss Syden. Sasama ka sa akin o magmamatigas ka pa rin sa plano mong patayin ako?" tanong nito sa akin. Pero hindi noon mababago ang desisyon ko. 

"Hindi ako sasama sa'yo, dahil ako ang papatay sa'yo!" sagot ko dito. Sapilitan niya akong hinila papatayo habang hawak pa rin ang buhok ko at itinulak niya ako ng malakas habang na nakaharap sa pader. Nilagay niya ang mga kamay ko sa likuran ko at hinawakan 'yon kaya't hindi ako makagalaw habang nakatingin lang ako sa iisang side. Nakita kong may inilabas itong injection at hindi na lang ako nagulat dahil sanay na ako. Habang nakaharap lang ako sa gilid ko ay lumapit siya sa tainga ko habang maayos na ipinapakita ang injection sa akin, "Then, I'll have to force you" sambit nito. 

"Fine, just kill me" saad ko sa kanya dahil mas gugustuhin kong mamatay na lang, "No, this is not to kill you..." mas lalo pa itong lumapit sa tainga ko at bumulong, "I will drug you" nang marinig ko 'yon ay pumalag ako pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag itinusok niya sa akin 'yon pero ayaw ko. Mas gugustuhin kong poison ang laman ng injection na 'yon kaysa sa mabuhay ako ng dahil lang sa drugs na itutusok niya sa akin. 

Itinutok niya 'yon sa leeg ko kaya't nakaramdam na ako ng kaba at muling naiyak, "N-no! Itigil mo na 'to Claude! Unti-unti mo ng nakukuha lahat ng gusto mo, hindi pa ba sapat 'yon?!" tanong ko sa kanya. Mas naiyak na lang ako ng maalala ko yung sinabi ng Vipers sa akin, gusto nilang makalabas ako ng buhay sa eskwelang 'to. They sacrificed everything just for me at kahit masakit, ayaw kong sayangin ang sakripisyo nila para protektahan ako. I wanted to fight pero hindi ko na magawa lalo na't paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang pagkamatay nila. 

Naramdaman ko na lang ang panghihina at pagkahilo ng itusok niya sa leeg ko ang injection na 'yon. Tila umiikot ang paligid ko at ang sakit ng ulo ko. Ang paligid ko ay tila nagiging pula at nababalutan na maraming dugo. Binitawan ako ni Claude at tinignan ko ang paligid habang nakahawak ako sa ulo ko. Maraming nakapaligid sa akin at tumatawa lahat sila kaya't mas lalo pa akong nahihirapan. Napatingin ako sa malayo ng makita ko si Raven kaya't natigilan ako at unit-unti kong ibinaba ang kamay ko na nakahawak sa ulo ko, "Raven?" tanong ko habang nakatalikod siya sa akin. Nakita kong may kasama siyang babae at masaya silang dalawa. Nang marinig niya ako ay unti-unti siyang humarap sa akin pero hindi ko mamukhaan ang kasama niyang babae dahil malabo ang nakikita ko. Nagtama ang mga mata namin at nagulat na lang ako ng makita kong may tumulong maraming dugo sa ulo niya. Kinabahan ako at nakaramdam ng takot hanggang sa muling may nagsalita, "Bliss Syden?"  hinanap ko ang taong tumawag sa pangalan ko at natuwa na lang ako ng makita si Dean. Napangiti ako at unti-unti ko siyang nilapitan, "Y-you're alive" saad ko at unti-unti kong hinawakan ang mukha niya kaya ngumiti siya at hinawakan rin ang kamay ko. 

"Of course" sagot niya habang nakangiti pero muli kong naalala si Raven na nakita kong duguan kanina kaya tumingin ako sa likod ko, "Pero bakit duguan si Raven?" tanong ko pero bigla ring hinawakan ni Dean ang mukha ko at pilit akong ipinaharap sa kanya kaya tinignan ko siya, "Hey, just focus on me" saad nito kaya nagtaka ako at tumango na lang. 

"I miss you" saad nito kaya mas napangiti pa ako. Napansin ko na lang unti-unti nitong inilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako kaya napapikit ako. I felt his lips again, pero parang may mali na hindi ko alam kung ano. Unti-unti ko na lang inilipat ang dalawa kong kamay sa kamay niya para hawakan ito habang nakahawak naman siya sa magkabilang-pisngi ko. Nabitawan ko na lang siya ng maramdaman kong unti-unti nitong tinatanggal ang butones ng damit ko kaya't mas kinabahan ako pero nawawala din 'yon ng maramdaman ko ang mga halik niya. 

But there's really something wrong, sa tuwing hinahalikan ko siya, it feels like I don't want to let him go anymore na gusto kong manatili na lang kami sa ganoong posisyon...pero ngayon, it's like ibang tao ang nasa harapan ko at hindi siya. Bigla ko na lang binuksan ang mga mata ko at pilit na lumayo sa kanya kaya napatingin siya sa akin, even his eyes...hindi niya ako ganitong titigan. Sa tuwing tinititigan niya ako ay parang natutunaw ako at higit sa lahat ay nakikita ko ang sarili ko sa mga mata niyang kumikinang. This is not him. Hindi siya ganito. 

Habang nakatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ay unti-unti ko itong nakilala, "C-claude?" saad ko. Nang maging malinaw na ang lahat ay hinawakan nito ng mahigpit ang dalawang kamay ko at inilagay sa itaas ko habang nakasandal pa rin ako sa pader. Bigla na lang niya akong pinaghahalikan pero umiiwas ako hanggang sa mapansin kong tuluyan ng natanggal ang butones ng damit ko. Magmula sa leeg ko ay pababa ng pababa ang halik niya pero hindi ako makagalaw dahil sa panghihina at pagkahilo na parang umiikot pa rin ang paligid ko. Nakikita kong maraming tao sa paligid pero parang hindi nila kami nakikita. 

Wala akong nagawa kundi ang matulala at mapatingin sa paligid ko habang lumuluha. Nararamdaman ko kung paano unti-unting nasisira ang pagkatao ko. Tell me, muffin. Iniwan mo ako pero masaya ka bang makita ako sa ganitong sitwasyon...na umaasa akong darating ka, para iligtas ako. Na umaasa akong makikita kitang nakatayo sa harapan ko at ililigtas ako sa isang tao na hindi ko kayang labanan ng hindi ka kasama. Tignan mo ako ngayon, miserable at unti-unting pinapatay. Nangako ka sa akin, na proprotektahan mo ako. Pero nasaan ka ngayon?  Mas pinili mong iwanan ako kaysa sa lumaban para sa akin. Tila nawalan ako ng kamay at paa dahil sa pagkawala niyo. Ang sakit isipin na kung kailan kita pinaka-kailangan, doon ka biglang nawala. Unti-unti ng nanlabo ang paningin ko dahil sa pagluha habang unti-unti akong nasisira. 

Black Vipers, tignan niyo kung gaano ako kamiserable ngayon....pero umaasa pa rin ako na darating kayo. 

Dean Carson, help me. 

To be continued...

Bab berikutnya