✿ Syden's POV ✿
Pinilit kong pumalag sa isang lalaking nagbubuhat sa akin pero hindi ako makasigaw at makawala dahil nakapatong ang tiyan ko sa balikat nito habang hawak-hawak niya ang baywang ko. Nakatakip ang bibig ko at ganoon rin naman ang mukha ko kaya wala akong makita. Naramdaman kong tumigil ang lalaking nagbubuhat sa akin at narinig na magbukas ang isang pintuan. Ibinaba na niya ako at sapilitan nila akong ipinaupo at muli akong hinawakan ng dalawang lalaki para hindi makagalaw. Nakita ko na lang ang isang babae sa harapan ko ng tanggalin niya ang takip sa mukha ko at pati na rin ang panyo na nakalagay sa bibig ko kaya't isa-isa ko silang tinignan ng masama, "Pakawalan niyo ako dito! Ano bang gagawin niyo sa akin ha?!" matapang lang itong nakatingin sa akin at hindi sinagot ang tanong ko kaya napangiti na lang ako ng masama.
"Don't tell me members kayo ng Venom? Sabagay, bakit pa nga ba ako magtataka, eh Venom lang naman ang gustong pumatay at pahirapan ang Vipers" saad ko dito habang nakatayo siya sa harapan ko.
"We're not members of Venom. At huwag kang mag-alala dahil wala kaming gagawing masama sa'yo" saad naman niya kaya natawa ako.
"Kung wala talaga kayong gagawin sa akin, bakit niyo ako dinala dito?"
"Dahil sumusunod kami sa utos" sagot niya.
"Utos nino? Kung hindi kayo members ni Claude, sabihin niyo sa akin anong grupo kayo?"
Diretso akong tinignan nito at parang nag-iisip bago nagsalita, "Huwag ka ng tanong ng tanong diyan pwede ba? Wala kaming gagawin sa'yo kaya manahimik ka na lang" saad nito na parang naiirita na sa akin. Pero hindi ako naniniwala na wala silang gagawin sa akin, lalo na't maraming gustong pumatay sa Vipers.
"Are you going to use me para mapatay niyo ang Vipers?" tanong ko dito habang nakangisi.
Nilapitan ako nito at lumuhod siya kaya nagtapat kami, "Wala sa plano namin na patayin ang kahit sino sa Black Vipers, we're just doing this dahil ito ang iniutos sa amin" pahayag nito. Tumayo siya habang nakatingin pa rin sa akin. Tinalikuran ako nito kaya't sumunod na rin sa kanya lahat ng kasama niya kaya binitawan nila ako.
Habang naglalakad sila ay agad ko itong nilusob pero nahawakan ng babaeng 'yon ang kamay ko at itinulak ako ng malakas kaya napaupo ako sa sahig at masama siyang tinignan, "Huwag mo kaming bigyan ng rason para saktan ka" saad nito. Sinamaan niya ako ng tingin at muli akong tinalikuran. Nakatingin lahat ng kasama niya sa akin at pagkalabas niya sa kwarto kung nasaan ako ay sumunod na rin lahat sa kanya at narinig kong ni-lock nila ang pintuan.
Bigla na lang akong napatingin sa paligid ng maalala ko ang Vipers lalo na't hindi ko alam kung nasaan sila ngayon. Kung nakapagtago ba sila, kung nahuli ba sila ulit ng Venom, kung ligtas ba sila, kung may pinagtataguan sila at kung hinahanap nila ako ngayon. Ang gusto ko lang naman ay maging ligtas lahat kami at sabay-sabay na makalabas sa lugar na 'to. 'Yon lang ang hiling ko kaya sana mangyari 'yon.
Tinignan ko ang kamay ko na nagkasugat kaya hinawakan ko ito dahil alam kong mag-aalala si Dean kapag nakita niyang nasa ganito ang sitwasyon ko. Natulala na lang ako ng maalala ko kung paano siya nakiusap kay Claude para lang mailigtas ako. At ang sakit isipin na kaya niyang patayin ang mga members niya para lang iligtas ako. I never thought na kaya niyang gawin ang lahat ng 'yon para sa akin. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama ulit ng dahil lang sa akin kaya kailangan kong lumabas sa lugar na 'to para hanapin sila dahil siguradong nag-aalala na sila sa akin.
Dahan-dahan akong tumayo ngunit napatingin na lang ako sa pintuan ng magbukas ito at nagulat ako ng makita ko si Nash. Nang makita niya ako ay nagulat din siya kaya't agad akong nilapitan nito at inalalayan para makatayo, "Nash?! Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko sa kanya.
"We're finding you. Kanina ka pa namin hinahanap at buti na lang nakita kita" saad nito kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng tuwa.
"How about Vipers? Nasaan sila? Kasama mo ba sila?" tanong ko sa kanya habang tumitingin ako sa likuran niya.
"Kasama ko sila kanina pero nagkahiwa-hiwalay rin kami para hanapin ka" sagot niya sa akin.
"P-paano ka nakapasok dito at paano mo nalamang nandito ako?" pagtataka kong tanong.
"Nakita kong may mga estudyanteng lumabas mula sa kwartong 'to kaya naghinala na ako. Good to see na wala pang nakabantay kaya agad akong pumunta dito" saad niya.
"Ganon ba? Mabuti naman dumating ka- " natigilan na lang ako sa pagsasalita ng ilahad niya ang kamay niya sa akin, "Kailangan na nating umalis dahil baka maabutan pa nila tayo. Dean is waiting for you" saad pa nito kaya't hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko ng hinawakan ang kamay niya.
Nag-umpisa na kaming maglakad at bago kami lumabas sa kwartong 'yon ay sumilip muna si Nash sa labas. Nang masiguro niyang wala ng tao sa labas ay nagmadali kami dahil baka bigla silang bumalik at makita kaming dalawa. Tumakbo kami sa hallway papalayo sa kwarto kung saan nila ako dinala ngunit sinubukan pa rin naming pigilan na makagawa ng kahit na anong ingay. Sa tuwing may makikita kaming padaan na estudyante ay nagtatago na lang kami para makasiguro na hindi kami mahuhuli at mapapahamak.
Habang naglalakad kami ay napansin kong tinitignan ni Nash ang buong paligid. Habang patuloy kami sa paglalakad ay panay ang tingin ko sa likuran ko at pati na rin sa gilid ko dahil hindi na ako kampante. Sa haba ng nilakad namin ay nabigla na lang ako ng itulak ako ni Nash kaya't napatingin ako at nanlaki ang mata ko ng mapansin kong dalawang Venom ang may hawak sa akin. Tinignan ko si Nash na seryoso lang na nakatingin sa akin, "I'm sorry" saad nito sa akin kaya mas kinabahan pa ako, "W-what do you mean? Anong ibig sabihin nito Nash?" nanginginig kong tanong sa kanya. His face became cold and serious.
"I'm going to surrender you" saad nito habang diretsong nakatingin sa akin.
"W-what did you just...s-say?! S-surrender me?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at nag-uumpisa na akong lumuha ngunit pinipigilan ko, "B-bakit? I thought...magkakampi tayo?!" tanong ko sa kanya na hindi kumikibo kaya't hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
"Tell me...this is not true! Nagpapanggap ka lang dba?! You won't do this to me, right?! Kaya tulungan mo na ako and let's kill this guy now!" pahayag ko sa kanya at hindi ko na mapigilang umiyak.
"Dalhin mo na siya kay Claude" saad nito kaya't sapilitan akong hinila ng member ni Claude pero kahit ganon ay pilit pa rin akong tumingin kay Nash na diretsong nakatingin sa akin, "Stop pretending Nash! Tulungan mo na ako sa lalaking 'to! Alam kong hindi ka traydor, so stop kidding it's not funny anymore!" saad ko dito habang umiiyak pa rin ako at kinakaladkad ng lalaking 'yon sa hallway. Pero wala pa ring ginawa si Nash, hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Nakita kong mas marami pang Venom ang nakabantay sa isang pintuan ng isang kwarto kaya't habang papalapit kami doon ay mas nakakaramdam pa ako ng takot. Natigilan na lang ako ng tumigil kami sa harapan ng pintong 'yon at hindi naging maganda ang pakiramdam ko. Pabagsak niyang binuksan ang pintuan at itinulak ako ng malakas kaya muli akong nasubsob sa sahig at mas humapdi pa ang sugat sa kamay ko dahil nadagdagan pa ito.
Pinilit kong umupo at natulala na lang ako na tila tumigil ang mundo ng makita ko ang lahat ng Vipers na nakaluhod at nakatali sa likod ang mga kamay nila. Mas nanghina pa ako ng makitang nanghihina silang lahat at tila nakakaramdam ng sakit kaya't hindi nila mabuksan ng maayos ang mga mata nila at nakayuko sila kaya napaluha ulit ako, "W-what...happened here?" gulat kong tanong habang tinitignan sila at tila mawawalan ako ng boses.
"Finally, muli kang napunta sa poder ko" dinig kong may nagsalita kaya't hinanap ko kung saan nanggagaling 'yon at sinamaan ko na lang ng tingin si Claude ng makita ko siya sa harapan ko na nakangiti ng masama kaya't nakaramdam na ako ng galit.
"What did you do to them?!" matapang kong tanong dito.
"It wasn't me who did that to them. Thanks to the two members of Black Vipers dahil tinupad nila ang usapan namin" saad nito kaya nagtaka ako.
"Anong ibig mong sabihin?"
"May usapan kami na kapalit ng buhay nila, ibibigay nila lahat ng kasama nila, including you, sa akin. And good to know na tumupad sila sa usapan kaya ngayon nandito kayong lahat" saad nito na itinuro ang mga Vipers na nakayuko pa rin at nanghihina na parang hindi sila makagalaw.
"Tigilan mo na kami!" matapang kong sabi sa kanya. Lumuhod ito para tapatan ako kaya mas sinamaan ko pa siya ng tingin habang nakangiti naman siya, "Titigilan ko lang kayo, kapag patay na sila. Huwag kang mag-alala, dahil hindi kita isusunod sa kanila, pahihirapan lang kita" pagkasabi niya doon ay unti-unting nawala ang ngiti nito at masama akong tinignan bago siya tumayo.
Next....