webnovel

♥ CHAPTER 54:1 ♥

♡ Syden's POV ♡

Totoo ba itong nakikita ko?

Si Nash, nasa harapan ko ngayon kasama ang mga Black vipers? Isa pa, new member ng grupo? But how? 😱😱😱

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ni hindi ma-absorb ng utak ko lahat ng nakikita ko. Mga ilang segundo na rin ang lumipas na tulala ako sa kinatatayuan ko, "Hey, are you okay? Parang nakakita ka ng multo?" tabig ni Dave sa akin na halata namang nagtataka. Nabaling ang atensyon ko dahil sa ginawa ni Dave kaya bumalik ang isipan ko sa realidad. Tinignan ko lang siya ng masama pero nanatili pa rin siyang nakangiti habang tinitignan si Nash.

Magkakilala ba sila? Kung makikita mo sa mata ng mga kasama ko, ang saya nila na parang ngayon lang ulit nila nakita ang taong nasa harapan ko ngayon, "It's nice to see you again. Nabalitaan ko yung ginawa sa'yo ng Phantom Sinners. Alam kong mahirap, pero I still want to ask kung okay ka na ba?" sambit ni Nash habang nakangiti sa akin. Noong una, hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil patuloy  pa rin sa pagiging blanko ang utak ko. Pero kahit ganon, I still tried para sagutin ang tanong niya.

"O-okay naman" sabay tango ko habang nakatingin sa kanya.

Ano ba Syden, umayos ka!

Hindi ko alam kung bakit, pero nung makita ko siya parang naging blanko ang utak ko at nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko. Kinakabahan din ako ng hindi ko alam ang dahilan, hindi rin naman ako natatakot sa kanya. Dahil ba matagal kaming hindi nagkita tapos ngayon biglaan siyang magpapakita kaya nagkakaganito ako?

"Nagbalik ka ng wala man lang sinasabihan kahit isa sa amin. Para naman na-celebrate sana natin ang greatest comeback mo bro HAHA!" pabirong sabi ni Dustin. Umiral nanaman ang kabaliwan ng lalaking 'to.

Nginitian lang sila ni Nash at napailing na lang, "Umalis ako ng walang paalam. Kaya babalik din ako ng walang paalam" sagot niya sa kanila.

"Teka! Bakit ka nga ba biglang nawala ng napakatagal?" tanong naman ni Dave.

Kung magusap-usap sila, parang matagal na silang magkakakilala. Pero napansin ko rin naman na ngumingiti lang si Raven. So it means hindi niya ganoon kilala si Nash.

"I don't need to explain everything or anything. You already know the reason" sagot naman niya.

Nagkatinginan sina Dave at Dustin at mukhang nakuha nila ang sagot sa mismong tanong nila. At ang kaisa-isang bagay na nagpainit sa presensya ng paligid ay naging seryoso nanaman ang mga itsura nila na parang may pinaplanong hindi maganda. Bahagya akong napaatras dahil doon, hindi ko pa rin maalis sa sarili ko na nakakatakot pa rin sila kahit na nakakasama ko na sila.

"Kung kailan mo man binabalak ang plano mo, isama mo kami. Remember, you're one of us now so kailangan alam namin lahat" sambit ni Dave.

Hindi ko napansin na nasa tabi ko pa rin pala si Carson. Gosh!! Bakit hindi ko napansin?! The devil is beside me!

"Don't make any wrong moves Vipers. One wrong move of a member, buong grupo mapapahamak. You need to tell me everything in order to settle things" lahat kami napatingin sa sinabi niya.

The feeling of guilt is slowly attacking me. Hindi ako member ng Black Vipers, pero nafi-feel ko na bakit parang kailangan ko din sumunod sa mga sinabi niya. Dahil ba palagi ko silang kasama kaya dapat makiisa na rin ako? But I shouldn't.

Pagkaalis ni Carson, nakatingin lang kaming lahat sa direksyong tinatahak niya.

That devil, he has the power to control everything around him. Yung kahit na anong pagpigil mo sa sarili mo, mapapasunod at mapapasunod ka niya gamit lang ang mga salita niya. I'm just curious kung bakit ganon na lang kadali sa kanya na kontrolin ang lahat.

"The devil is finally out" hindi ko namalayang bigla ko na lang nabanggit ang mga salitang 'yon habang nakatingin pa rin sa direksyon na tinahak niya. Good to know na wala na siya sa paningin ko kaya posibleng hindi niya narinig ang pagbukas ng bibig ko.

It wasn't my intention to say that!

Pagkasabi ko sa mga salitang 'yon, nanatili pa ring tahimik ang paligid na parang nag-freeze ang lahat ng hindi namin namamalayan dahil lang sa sinabi ng lalaking 'yon. Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Dustin ang braso kaya sa kanya nabaling ang atensyon ko. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin pero nakita ko ang pagiging seryoso niya habang nakatingin sa akin "Syden, better watch your words. Don't let your thoughts consume you" ani niya.

"W-what do you mean?" –S

"Carson is not carson anymore. He was the worst in Chained School, and now he is the worst again, in Curse Academy. I'm just saying don't just speak words out of your mouth because it might be the reason of your death" sambit niya. Looks like galit ang mga salitang binibitawan niya pero kalmado lang niyang sinabi sa akin ang mga salitang 'yon.

Alam ko kung anong ibig niyang sabihin.

Kailangan ko na talagang pigilan ang bibig ko. Sinasabi sa akin ito ni Dustin ngayon dahil sa sinabi ko kanina tungkol kay Carson.

"S-sorry" sambit ko kasabay ng pagtanggal ko sa braso ko mula sa mga kamay niya.

They must be really loyal to him na ayaw nilang nakakarinig ng mga salitang kagaya ng nasabi ko. Hindi ko naman talaga sadya.

"Nakakatakot lang na isipin na mas magiging malala siya ngayon dahil sa kagagawan ng ex girlfriend niya at ni Clyde. Carson retreats. But Dean doesn't. Carson loves pain. But Dean loves death. In short Dean Carson wouldn't just stay silent. Sobra siyang nasaktan sa ginawa ni Clyde at ni Roxanne, kaya siguradong gagawa at gagawa siya ng plano para gumanti" pahayag naman ni Nash.

Kilalang kilala na nila siya kaya hindi na ako dapat na magtaka kung bakit napaka-loyal nila sa devil leader nila. Pero base sa mga sinabi ni Nash, nakakatakot. Nakakatakot kalabanin ang isang Black Vipers' Devil King.

Naisip ko lang na hindi naman ganon kasama ang taong iyon para pag-isipan na lang lagi ng hindi maganda.

"Pero, kahit paano naman, nagbago siya diba?" tanong ko. Kahit na ang cold ng taong 'yon, napansin kong may nagbago sa kanya. Isa na don yung hindi na niya ako sinisigawan at pinagsasabihan ng masasakit na salita kagaya date.

I still remember nung nagising ako, sinamahan niya pa nga ako sa cafeteria para kumain eh. Niligtas niya pa nga ako sa mga Phantoms noong araw na 'yon at yung…..

Yung araw na pinapaalis ko siya kasi hindi niya naman kailangang bantayan ako. Iyon ang araw na sinabi niyang nasanay na siya. Nasanay na siya na bantayan ako kaya hindi ko siya dapat paalisin.

Yun ang araw na nabawasan ang takot ko sa kanya, at nakaramdam ako ng isang hindi maipaliwanag na pakiramdam.

"Hindi, hindi siya nagbago" tipid na sagot ni Dustin.

Seryoso pa rin ang mukha nilang apat at ang tanging pagsasalita lang naming ni Dustin ang dinig sa buong lugar.

"He didn't totally change but I know may nagbago sa kanya" depensa ko.

I know what to defend and what to let go. I defend things na dapat depensahan.

"Hind siya nagbago Syden" dagdag ni Dave. Napatingin ako sa kanya pero bumalik din ang atensyon ko kay Dustin ng magsalita siya,

"Sa'yo lang siya nagbago. Tandaan mo, sa'yo lang" sambit ni Dustin.

Yung mga katagang narinig ko ang nagpatulala sa akin kaya kahit na anong pilit kong magsalita, walang lumalabas mula sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam nanaman ako ng isang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam mula ng marinig ko ang sinabi ni Dustin. Kahit na nag-uumpisa nanaman maging blanko ang utak ko, sinubukan kong magsalita pero wala, wala talaga. At dahin 'yon sa sobrang pagkabigla.

Nagkatinginan silang apat bago ako tinignan. Pagkatapos naghanap sila ng komportableng pwesto. Si Raven at Dustin, sumandal malapit sa may bintana. Si Nash naman, umupo lang sa upuan at si Dave umupo sa tabi ni Raven at nagsindi ng sigarilyo para mag-yosi, obviously. At ako naman, eto nakatanga at tinatanong ko sa sarili ko kung bakit kailangan pa nilang maghanap ng maayos na pwesto.

"Sy" sambit ni Raven sabay tulak papunta sa akin nung bakanteng upuan na nasa tabi lang niya.

Hinawakan ko yon at napatingin ako kay Dave. Tinuro niya yung upuan na hawak ko na parang sinasabing umupo rin ako. Pagkaupo ko, sabay buga naman ni Dave ng usok papunta sa direksyon ko.

I hate the smell kaya bago pa man ilagay ni Dave sa bibig niya yung yosi niya, kinuha ko 'yon mula sa kamay niya, itinapon sa sahig at inapakan. Tinignan ko siya sarcastically at nginitian ng may halong pang-aasar. Mukhang nainis naman siya sa ginawa ko pero buti na lang nagsalita na lang siya, "Kinaya niyang magbago para bumawi sa'yo right?" tanong niya.

"H-ha?" sabay tingin ko sa kanilang lahat ng may halong pagtataka. Ano namang klasing tanong 'yon?

"Alam namin kung paano mo nasasabing nagbago si Dean, because we saw you together with him. Nung araw na nagising ka, sinamahan ka niya sa cafeteria para kumain, it was unusual for him to do such thing except na lang kung si Roxanne ang kasama niya. Then he saved you against Clyde's group right? That's another change. Intended just for you" pahayag ni Dave

Sina Dustin at Raven naman, nanatili pa ring nakasandal at nakayuko. Si Nash, nakayuko din pero alam kong nakikinig sila sa usapan.

"So? What do you mean?" -S

"Gusto ko lang sabihin na kinaya niyang gawin 'yon para makabawi sa'yo. Ayaw na ayaw niyang may sinasamahan siya except na lang kung si Roxanne ang kasama niya, but it became easier for him na samahan ka. He never saved anyone against Phantom sinners unless you are a member of his group. But he saved you that day. We witnessed all of that"  pahayag ni Dave. Maybe, there is some sort of misundertsnading here.

"He only did that because he wanted to say sorry" depensa ko naman.

"You accepted his apology the time he asked you right?" -D

Sa hindi magandang pagkakataon, mukhang umaabot na sa away ang lahat. I don't get it kung bakit ganito niya ako tanungin. Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ni Dave. And this time, nagdire-dretso na ang sagutan namin,

"Oo" tipid kong sagot.

"What did he say?" tanong niya. Unti-unti ko ng naiintindihan yung mga tanong niya kaya tuloy-tuloy na rin ako sa pagsagot.

"Sabi niya hayaan ko raw siyang bumawi sa akin as a proof na talagang humihingi siya ng tawad"

"At ang pagbawing yon is to save you from Clydes group" -D

"He did it once kaya sapat na 'yon para sa akin. I tried to get rid of him pero ayaw niya" irita kong sabi hindi ko rin alam kung bakit pinoproblema ko pa ang bagay na tinatanong ni Dave.

"Siya na mismo ang nagsabi na ayaw niya. So why not take the opportunity?" pagkasabing-pagkasabi ni Dave sa pangungusap na 'yon, lahat kami napatingin sa kanya. Muli kong nakita ang masamang ngisi mula sa mga labi niya kaya alam kong hindi maganda ang kalalabasan ng usapang ito.

"W-what do you mean?" pagtataka ko.

"Carson have never been happy mula noong nalaman niya ang panlolokong ginawa ni Roxanne. I became stronger under his group. I'm not just his right hand but I am also one of his bestfriends. All of us was saved by him. Bilang kaibigan, gusto ko siyang tulungan dahil nakikita ko sa bawat araw, na lalong nawawalan ng pagasa na sumaya ulit siya pero wala akong maisip na paraan kung paano. Dati, kahit paano makikita mo pa yung matipid niyang ngiti. Pero kung papansinin mo ngayon, a cold and dark eyes Dean Carson is infront of you. Cold and dark eyes, pero nakikita ko pa rin yung sakit at hapdi dahil mahal niya pa rin si Roxanne. Kahit na galit na galit siya rito, alam kong mahal niya pa rin ang babaeng 'yon kaya hanggang ngayon, masakit pa rin para sa kanya na tanggapin ang lahat. Sa ganoong sitwasyon, mahihirapan siyang maging masaya at makamove-on sa lahat ng nangyari. At ang sakit na nararamdaman niya, ang magtutulak sa isang Dean Carson para mas maging malala at mapaliguan ng dugo ang buong campus" pahayag niya habang nakikita ko ang malungkot na pangungusap mula sa mga mata niya.

"Ang dating Dean Carson sa Chained School, malala" sambit naman ni Dustin.

"Pero ang ngayon, pwedeng mas maging malala o pwede ring maiwasan. Nasa dalawang 'yon lang ang pagpipilian" ani Nash.

Napatingin ako sa sinabi niya, "Pwedeng lumala? At pwede ring maiwasan? Kung pwedeng maiwasan, paano?"

It's either pwede siyang maging malala o pwede maiwasan ang pagiging malala. Pero paano?

Seryoso akong tinignan ni Dave,"Take the opportunity" sabay ngisi niya ulit sa akin.

"Anong opportunity?" pagtataka ko naman.

Pero ang ngising 'yon ni Dave, ang nagpakaba sa akin.

To be continued...

Bab berikutnya