webnovel

Chapter 9(Not expected)

Araw ng Sabado at abala na ang lahat upang gumayak patungong resort sa batangas.Habang si Niel ay talaga namang napaka excited at talagang tuwang tuwa ito.Palibhasa nga kasi lagi siyang busy at halos palaging walang oras sa kanyang anak upang mamasyal kaya ramdam ni arriane ngayon ang pagkaguilty dahil sa nakikitang saya` ng anak. Kaya nangako siyang lagi siyang maglalaan ng oras para sa kanyang anak.Hindi pala kasi basihan kung papaano niya pagsikapan ang magiging kinabukasan ni Niel kundi ang kung paano niya ito mapapasaya.

"guilty ka noh?"napaigtad siya ng bigla siyang sikuhin ng ate niya dahil nakatitig pala siya sa kanyang anak habang naglalaro ito.

"ate naman, lagi nalang nangugulat."reklamo niya.

"eh kasi naman nakikita ko po kung papaano mo titigan iyong anak mo habang excited sa pupuntahan natin."Napabuntong hininga siya."Tama ka nga ate, nagiguilt kasi ako.. nakita ko kasi kung gaano kasaya si Niel diko naman kasi naisip iyon na mas magiging masaya pala ang anak ko kung mas may oras ako sa kanya."malungkot niyang sagot.

"hay naku ayan ka na naman eh, masyado ka na naging madrama at naging mas seryuso sa buhay eh samantalang turning twenty one ka palang."wika nito.

"alam mo arriane, kailangan mo din naman mag enjoy kasama ng anak mo.. hindi iyong puro ka na lamang trabaho."saka nito hinawakan ang kanyang kamay at nagpatuloy."ang dami mo nang napatunayan sa akin, sa edad mo nga eh meron ka ng sariling restaurant diba?" kaya kahit nagkamali ka man noon ay mas natuto at may napatunayan ka ngayon.'"naluluhang pahayag nito saka ginulo ang kanyang buhok kagaya ng ginagawa nito noon.

"si ate talaga."reklamo niya..

"mommy let's go".!!biglang lumapit sa kanila ang kanyang anak kaya naputol ang dramahan nilang magkapatid.

"Auntie let's go na."mommy!!"bigla nitong hinatak ang kanilang kamay upang sumakay na ng sasakyan.

"excited ang baby ko ah".biro niya sa anak.

"syempre mommy,ngayon na naman ulit tayo mag a outing eh."Siniko tuloy siya ng kapatid niya dahil sa sinabi ng anak.Kaya pinandilatan lamang niya ito.

Anim na oras din bago sila makarating ng batangas dahil nga masyadong matraffic palabas ng maynila dahil narin siguro sa mga bumibyahe kagaya nila at talaga namang sulit ang kanilang byahe dahil talaga naman napakaganda ng resort na pinuntahan nila dahil isa iyon sa mga sikat na resort sa batangas.Bawat cottages kasi ay animo'y isang planeta dahil talagang pinasadya pa ito ng may ari upang magawa nitong parang nasa iba't ibang planeta ang mga pumupunta doon.Si Niel naman ay mahimbing na natutulog katabi niya.Napagod yata ito sa byahe kung kaya nakatulog ang kanyang anak.Samantalang ang ate Monica niya ay nasa kabilang Cottage kasama si manang coreng.Dalawang tao lang kasi ang magkakasya sa animo'y planetang kwarto na iyon kung kaya hiwalay sila ng cottage.

Ilang minuto lamang siyang nakahiga ng may kumatok sa pintuan kaya tinatamad siyang tumayo upang pagbuksan ang kumakatok sa labas.

"Hi mam.. have a wonderful day,"bati`ng nasa labas na lalake na sa tantiya niya ay isa sa mga staff ng resort na yun.

"uhm hi... naiilang niyang bati dito.

"mam, meron po pala tayong event this evening mam, meron po tayong malakihang international fashion modelling event kung kaya lahat po ng mga bisita namin ay inaanyayahang manood mam".Masayang balita nito.

"Sige, pupunta kami."salamat sa pag invite".nakangiting sagot niya saka ito nag paalam.Pabalik na sana siya ng kama ng dumating ang ate niya.

"arriane!!"masayang bulalas nito na ikinakunot ng noo niya.

"oh ate,, bakit parang ang saya saya mo yata."

"aba syempre nuh.. isang malakihang fashion event ang magaganap mamayang gabi alam mo naman na fan ako ng fashion industry.."excited nitong sabi.

"Ah kaya pala.."napapangiti niyang sagot.

"parang hindi ka naman excited".nakabusangot nitong sambit.

"hindi naman kasi ako mahilig sa fashion industry alam mo iyan.. iba ang hilig ko."aniya.

"alam ko.. ikaw talaga hanggang dito ba naman dinadala mo iyang pagiging kj mo."tuluyan itong pumasok sa kanilang kwarto saka naupo sa kanilang kama.Tama naman kasi ito, nakalimutan na nga siguro niya ang pagiging isang babae o pagiging teenager dati, hindi niya kasi narasan dahil nga sa maaga siyang nabuntis kung kaya hanggang ngayon ay naging kj siya sa paningin ng kapatid niya.

Ang dami niya tuloy narerealize ngayon.

"oh siya sasama na po."pero ipapasyal ko muna si Niel mamaya dito sa buong resort.'"

"okay.. at ako naman ay maghahanda sa event mamayang gabi, dahil alam mo na.. ang daming mga cute guys mamaya,. kinikilig nitong sabi.Ngali ngali niyang batukan ang kapatid dahil kung saan tumatanda ito ay sya namang umaastang teenager.Sabagay hindi naman kasi niya ito masisisi dahil nga masyado din itong naging subsob sa mga negosyo na iniwan ng kanilang magulang ng mamatay ang mga ito.Kung kaya susuportahan na lamang niya ang hilig nito upang hindi `sumama^` pa ang loob nito sa kanya.Alam niya kasing gusto narin naman nitong magkaroon ng sariling pamilya dahil nga nagkakaedad narin naman ito.

Alas sais na ng hapon ng matapos sa pagtatampisaw ang mag ina sa baybayin habang naglalaro silang dalawa ni Niel.Ang saya saya ng kanyang anak habang lumalangoy ito sa mababaw na bahagi ng dagat.Kaya heto sila ngayong mag ina naghahanap ng makakain dahil nagutom silang pareho dahil sa kalikutan ni Niel.Talagang pinagbigyan niya ang kanyang anak na lumangoy, tumakbo at kung ano anong pinagagawa nito kanina.Maging ang pakikipaghabulan sa anak ay nagawa niya rin.Pakiramdam niya tuloy ay bumalik siya sa pagiging bata.

"mommy doon tayo oh."itinuro ng anak ang isang food stall na puro ice cream ang naroon.

"later na baby, galing tayo sa dagat and baka sikmurain ka.. we need to eat first',okay?"Tumango ang kanyang anak at sumunod na lamang ito sa kanya.

Iyon lang naman ang ikinatutuw niya kay niel dahil kahit kasi napakalikot nito ay talaga namang pag sinabi niyang hindi pwede ay sumusunod na lamang ito at hindi na nagrereklamo pa.

Pumasok silang mag ina sa isang asian restaurant kung saan puro masasarap na seafoods ang nakahain doon.Pinaupo niya si Niel sa isang dining table doon at saka siya nag order ng kanilang pagkain.Wala kasing menu chart dahil naroon na mismo sa isang counter nakahain ang mga pagkain na pipiliin at ipapaluto kung kaya siya na lamang ang pumili.Sila lamang kasing mag ina ang lumabas kanina dahil nagpapahinga ang kapatid niya.Tulog ang mga ito ng daanan nila ni Niel kung kaya hindi na niya inistorbo pa ang mga ito.Isa pa bonding nilang mag ina iyon."

"mommy im hungry"reklamo ng anak ng makabalik siya sa table nito bitbit ang kanilang pagkain.

"me too baby."napapangiting sabi niya saka naupo at sinubuan ang anak.Bihira lamang din niya iyon magawa dahil palagi nga siyang busy.

"Samantala, papasok ang isang matipuno at gwapong lalake at naghahanap ito ng pwede nitong maupuan dahil halos punuan na kung kaya nakita nito ang pwesto ng mag ina na umuukupa sa kabilang bahagi ng dining area.Kung kaya nakiusap ito sa mag ina kung pwede siyang makitabi roon dahil talagang kanina pa siya nagugutom.

"Hi miss, pwede bang makitabi sa table niyo, punuan na kasi".Nakangiting tanong nito.

"yeah sure, "agad namang pinalipat ni arriane ang anak sa tabi niya upang bigyan ito ng espasyo.Mukha tuloy silang buong pamilya na kumakain doon.

"Siya nga pala im Matt Dixon."iniabot nito ang kamay sa kanya upang makipagshakehand.

"arriane santañez"pagpapakilala niya sa sarili saka inabot din ang kamay sa binata.

"anak ko nga pala.. si Niel."nakangiting baling niya sa anak.

"Nice meeting you little boy."nakipagshakehands din ito sa anak niya.Masaya silang kumakain habang nakikipagkwentuhan sa bagong kakilala kung kaya hindi niya napansin ang mga matang kanina pa nakatitig sa kanila at talaga namang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanilang tatlo.

"Si Nathaniel iyon at hindi siya makapaniwalang makikita niya ulit ang dalaga doon pa sa restaurant na iyon habang kasama nito ang pamilya.Ang saya saya nito kasama ang anak at asawa. Napabaling kasi ang tingin niya sa inuupuan ng mga ito ng tumayo ang batang lalake at saktong nakaharap sa kanya si arriane Santañez. Napapailing na lamang siya sa isiping napakaaga pala nitong nag asawa dahil ang pagkakaalam niya ay twenty lamang ito ngayon at ang batang kasama nito ay tantiya niyang nasa lima o apat na taong gulang na.Nakaramdam na rin siya ng ginhawa dahil narin naman sa kaalamang nag asawa na ito at hindi na siya makukonsensiya pa sa nagawa niya noon dito.

Ngunit bakit may bahagi ng kanyang utak ang tela ba nanghihinayang.Napailing siya saka ipinagpatuloy ang pagkain.Hindi kasama ang nobya niya sa mga oras na iyon dahil nasa kabila ito kung saan naghahanda ito para sa fashion event mamayang seven ng gabi.Ayaw naman niyang maistorbo ito kung kaya siya na lamang mag isa ang kumain sa restaurant na iyon dahil hindi rin naman kakain si kaithleen dahil diet ito.Nakita niyang tumayo na ang tatlo at inalalayan pa ito ng lalakeng lumabas ng kainan. Tapos na pala ang mga ito samantalang siya ay hindi pa yata nagagalaw ang kanyang pagkain dahil nawala ang atensiyon niya roon.Hindi parin mawala ang kanyang paningin sa tatlo lalo na kay arriane,Mas lalo itong gumanda ngayon.Nagmatured ang mukha nito ng kunti tingnan ngunit mas bumagay ito dahil mas lalo lamang lumitaw ang ganda ng babae.Kahit pa napakasimple lamang ng suot nitong black shirt at maong shorts ay talagang lutang parin ang ganda nito.Bagamat nakasuot ito nang maluwang na shirt ay makikita parin ang kurba ng katawan nito.Bagay nga naman talaga sila ng asawa nito dahil napakagwapo rin ng lalake.Napanatili rin ni arriane ang pagiging seksi kahit na may anak na ito.

"Napapiksi siya sa isiping iyon.Naiinis siya sa kanyang sarili dahil naging tsismoso naman yata siya bigla dahil hanggang sa makalabas ang tatlo ay nakasunod parin ang kanyang mga mata.Mabuti na lamang at tumunog ang kanyang phone at si kaithleen ang tumatawag kaya hindi na niya nakita pa ang pag hihiwalay nila arriane at ng bagong kakilala nito.

"hey sweetheart.. dont forget to come here huh."bungad ng dalaga sa kabilang linya.tumawag lamang pala ito para paalalahanan siya na huwag makakalimot sa event nito.Gusto niya tuloy magtampo sa nobya dahil puro trabaho lamang ito at wala ng oras pa sa kanya.

"YES sweetheart I will go there."sagot niya sa kabilang linya at saka ito nagpaalam.Ganun naman talaga ang nobya niya pag may event ito, para bang wala na siya sa bukabularyo nito at trabaho lagi ang nasa isip nito.Ayaw niya man magtampo sa nobya ngunit hindi niya talaga iyon naiiwasan katulad ng ganitong pagkakataon.Mas lalo lamang nga nadagdagan ang kanyang kagustuhan na magpakasal na sila ng nobya niya ng makita kanina si arriane at ang anak nito.Lalo na at hindi na siya bumabata at isang taon na lamang ay mawawala na siya sa kalendaryo kung kaya gusto naman niyang magkaroon nang matatawag na sariling pamilya.Iyon lamang ay hindi pa niya alam kung papaano niya aayain si kaithleen na magpakasal dahil nakikita niyang mas priority nito ngayon ang modelling lalo na at hindi na ito pwedeng mag model kung mag aasawa na ito.Napabuntong hininga siya at saka tumayo at lumabas narin sa restaurant na iyon Nawalan na siya ng gana kumain kung kaya iniwanan na lamang niya ang pagkain niya sa mesa.

"

Bab berikutnya