webnovel

Chapter 14: The Power of Determination

Nang nakahanda na ang pwersa nina Victor sakto namang dumating ang pwersa ng Dugong Itim.

Antonio: Mukang pinaghandaan din nila tayo Victor.

Victor: Mukha nga, pero ayos lang nakahanda naman na tayo.

Gen. Valdez: Humanda na kayong lahat!! Patamaan n'yo lahat ng makikita n'yong aswang na lumilipad!!

Hasmir: Kami na ang bahala sa mga kalaban dito sa lupa.

Isa-isang bumagsak ang mga aswang mula sa ere ngunit tila ba hindi sila na uubos. Ang ilan sa mga sundalo ay dinagit ng ibang aswang sabay ibinagsak mula sa mataas na pwesto. Sandali pa lamang ngunit marami na agad ang nabawas sa grupo nina Victor. Kahit gano pa karami ang mapatay nilang kalaban parang hindi parin nababawasan ang bilang ng mga aswang.

Antonio: Victor! Tingnan mo ang mga bagong dating na aswang na yan, mga tiktik sila kaya naman sa tingin ko kaya parang hindi nauubos ang mga kalaban natin dahil tinatawag na ni Iskwag ang kan'yang mga alagad.

Victor: Kung ganon dapat kong pigilan ang Iskwag na yon.

Hinarap nina Victor si Iskwag upang pigilan ang pagpapakawala nito ng mga aswang.

Victor: Iskwag!!! Tapusin na natin to!!

Iskwag: Sige ngunit gusto ko harapin mo 'ko mag isa.

Antonio: Victor hindi ko s'ya kaya ng mag-isa, hayaan mo kaming tulungan ka.

Iskwag: Kung ganon uunahin ko nalang patumbahin.

Mabilis na umatake si Iskwag kina Antonio at isa-isa silang pinatumba ni Iskwag hanggang si Victor na lang ang natira.

Iskwag: Ngayon tayo na lang ang maglalaban.

Victor: Nakatadhana na siguro ang laban nating ito.

Pinaglaruan ni Iskwag si Victor. Sadyang malaki talaga ang agwat ng kapangyarihan ni Iskwag kay Victor. Hinang-hina na si Victor at nawawalan na s'ya ng pag-asa. Halos hindi s'ya makatayo at hindi na n'ya maimulat ang kan'yang mga mata. Hanggang sa marinig n'ya ang boses ng misteryosong babaeng nakita n'ya sa kweba. Umaawit ito at sa pag-awit nito may mga ala-alang lumabas sa isipan ni Victor. May lalaki at babae s'yang nakikita sa kan'yang ala-ala na may dalang sanggol ngunit hindi malinaw ang muka ng babae at lalaki. Naalala n'ya rin ang kan'yang lolo, si Gloria at si Janelle. Dahil sa mga ala-alang iyon nagkaroon muli ng determinasyon si Victor upang talunin si Iskwag.

Tumayo si Victor at pumikit s'ya inalala n'ya ang mga dahilan kung bakit n'ya ginagawa ang mga bagay na Ito. Maski si Iskwag naramdaman ang kapangyarihang nabubuo sa loob ni Victor. Nagliwanag si Victor at nagbago ang kulay ng kanan nitong mata, naging dilaw ang mata n'ya at nagkaroon ng mga kakaibang marka ang kanang bahagi ng kan'yang katawan.

Tinitigan ni Victor si Iskwag ng masama, titigna nagsasabing mamamatay ka na. Unag beses maramdaman ni Iskwag ang takot na dahil lang sa pagtitig.

Bab berikutnya