webnovel

Chapter 11: Jealous

Tapos ko ng ginawa ang report ko para bukas. Napatingin ako kay Feira na nagbabasa ng novel na kinuha niya sa mini library na nandito sa kwarto ko.

"Ang ganda nito!" Sabi niya.

"Tss!"

Tumingin ako sa aking relo at 4:00pm na ng hapon.

Sinara ko na ang laptop ko at tumayo na.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Maghahanda lang ako para sa Birthday Party mamaya." Sagot ko.

"Pwede ba akong sumama. Please, Ced. Gusto kong pumunta! Hindi naman sila matatakot sa akin. Mukha naman na akong buhay." Sabi niya sabay nag-puppy eyes.

"They didn't invited you." Seryoso kong sabi at ngumuso lang siya.

"Damn! Fine! You can come." Talo kong sabi. Inis ko siyang tinignan habang nagsisitalon siya sa tuwa.

"Ang ingay ko. Maghanda ka na." Sabi ko at bigla lang niya akong niyakap.

Sobrang lamig niya. Parang nanayo lahat ng balahibo ko sa batok.

"Let me go. Para kang yelo!" Sabi ko at nauna ng pumasok sa silid.

Tapos na akong naghanda. Alas singko na ng hapon, si Feira nalang ang hinihintay.

Lumabas na siya at napako ang tingin ko sa kaniya.

She's wearing a black dress above the knee at isang black na doll shoes. Ang buhok niya ay naka-bun at may kunting make-up ang mukha niya.

"Ced?!"

"Ced?"

"H-Huh?"

"Ayos ka lang?"

"Yeah. L-Let's go."

"Hindi ba panget itong suot ko?"

"Y-You look fine. Let's go." Sabi ako at nauna ng lumabas. Kinuha ko ang susi ko sa isang maid at lumabas na. Nakita ko si Feira na nakatago sa halamanan.

"Get in!"bulong kong sabi at pumasok na siya sa kotse.

"Ced?" Tawag niya.

"What?" Sabi ko sabay pinaandar ang makina ng sasakyan.

"Hindi ko na hinahangad na makilala ng parents mo o ng kung sino man. Besides, hindi naman ako ang inaasahan ng mga magulang mo na maging asawa mo." Sabi niya ng nakatitig sa akin.

Hindi ako umimik at nagmaneho na.

Tahimik ang buong biyahe. Nakamasid lang siya sa labas ng bintana.

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa mansion nina Johndro.

Pinark ko na ang sasakyan. Pinagbuksan ko siya ng pinto at inalalayang makalabas.

Nakalahad ang kamay ko sa kaniya at nakangiti niya itong tinanggap.

Ang lamig ng kamay niya.

Nakakabit si Feira sa braso ko. Ganon lang kami hanggang sa nakapasok na kami sa loob.

Their maids guide us the way. The party is being held at their garden.

Pagkarating namin don, sobrang dami na ng tao.

"Don't go too far, Feira. Sa tabi lang kita baka mawala ka pa dito." Utos ko at tumango lang siya ng nakangiti.

"Lance!?" Tawag ng kung sino. May nakita akong kamay na nakawagayway sa ere.

Si Kaello.

"We're here!" Sabi niya at naglakad kami ni Feira papalapit don.

"Buti nakararing ka!" Masayang sabi ni Johndro.

"Baka iiyak ka kapag di ako pumunta." Seryosong sabi ko at nagtawanan lang sila

"Sino siya?" Tanong ni Kaello sabay turo kay Feira.

"What a beautiful lady!" Komento ni Johndro

"Ipakilala mo naman kami, Lance!" Sabi ni Oscar

"Tss!" Pagtss-ed ko.

"Hi? What's your name?" Nakangiting tanong ni Matt

Mahigpit ang pagkakahawak ni Feira sa braso ko.

"Um, I'm Feira." Sabi niya

"What a beautiful name for a gorgeous lady like you. Well, my name is Matt, this is Kaello, Johndro and Oscar." Pagpapakilala ni Matt.

"Have a seat guys." Sabi ni Johndro at umupo na kami ni Feira.

"Is she your girlfriend, bro?" Tanong ni Kaello

"I hope she's not! Hahaha" tawang sabi ni Matt.

"Shut up. She's my wife!" Inis kong sabi. Ang lalandi eh. Bwesit.

"Wait. What?!" Gulat na sabi ni Kaello.

"Are you serious? I mean, How? You didn't even invited us!" Di makapaniwalang sabi ni Matt.

"It's magic." Walang kwenta kong sagot.

Napa-facepalm nalang si Matt.

"Ang gandang sagot.!" Sabi ni Johndro.

"Nagsisinungaling lang iyan." Sabi ni Oscar.

"No, I'm not. Ask her." Sabi ko sabay inom ng wine.

"Did this guy here telling the truth?" Tanong ni Kaello kay Feira at tumango si Feira saka nagsalita.

"Yes. He is my husband."

"Pero paano? Iyon ba ang rason kung bakit nawala ka sa nalalapit niyong kasal ni Jemea. Nagpakasal ka sa iba. Akala ba namin mahal mo si Jemea.?" Tanong ni Kaello

Nakayuko lang si Feira habang nilalaro ang sarili niyang daliri.

"Why? Did Jemea waited me? No! She married someone else."

"Eh kasi bigla kang nawala." Sabi ni Oscar.

"I'm here to enjoy. Not to answer all your questions." Seryosong sabi ko.

"Let's just say that, Jemea and I meant to someone else. Let's face what's ahead of us. Feira is my wife so don't flirt with her, you jerks!" Seryoso kong sambit sabay hawak sa kamay ni Feira.

"We have to go now. I lost my appetite already." Sabi ko sabay tumayo.

"Kakarating niyo lang." Sabi ni Matt.

"Kahit kailan talaga mainit at pikunin to si Lance." Singit ni Oscar.

"Kung ano sa kaniya, sa kaniya! Hahaha" tawang sabi ni Johndro.

"Aalis na kami. Kita nalang tayo bukas. " Sabi ko sa kanila. Hindi ko na sila hinintay na magsalita pa at tinalikuran na sila.

Hawak na hawak ko ang kamay ni Feira habang naglalakad kami palabas sa mansion. Napapansin ko na ang ilang lalaki na nalalagpasan namin ay tumitingin sa kaniya.

Kabwesit! Sarap tusukin ng mga mata nila.

"Galit ka ba, Ced?" Biglang tanong ni Feira. Pagkalabas namin ay agad kong binitawan ang kamay niya.

"Ano naman ang rason para magalit ako.?" Tanong ko.

"Mukha ka kasing galit eh." Sabi niya

"Dami mong sinasabi. Pasok na sa loob." Sabi ko at nauna ng pumasok.

Naiinis talaga ako na hindi ko alam ang dahilan. Nakakagigil.

"Pinakilala mo ako sa mga kaibigan mo na asawa mo ako. Maraming Salamat!" Nakangiti niyang sambit.

"I'm just helping you. Tss! Lalandiin ka lang ng mga iyon tas iiwan ng luhaan! Nililigtas lang kita!" Pagdadahilan ko

Narinig ko siyang humagikhik ng tawa.

"Stop it!" Inis kong sabi.

" Hindi rin eh! Hahaha kasi pag nalaman nila na patay na ako, papatulan kaya nila ako? Hindi naman sila katulad mo na tanggap kung ano ako." Sabi niya na nagpatahimik sa akin. Pinaandar ko nalang ang makina ng sasakyan at nagmaneho na pabalik ng mansion.

Bab berikutnya