Mabilis ang pagtakbo ni Lance. Habol niya ang kaniyang pag-hinga. Kahit pagod na siya ay nagpatuloy parin siya sa pagtakbo. Nilingon niya ito kung nakasunod ba yung babae na nakita niya kanina ngunit sa kasamaang palad ay nadapa siya dahilan ng pagkatama ng ulo niya sa bato at nawalan ng malay.
Samantala, ang babae ay dahan-dahan na lumapit sa kaniya. Isang babaeng nakasuot na pangkasal at nag-iilaw ito na kulay asul habang may uwak na nakapatong sa kanang balikat nito. Maayos pa ang mukha nito ngunit maputla lang. Kalansay na ang kanang kamay nito pati ang kaliwang paa. Yung dulo ng gown niya ay punit-punit na. Sa may tiyan niya ay may butas ito dahilan para makita ang bahagi ng tiyan niya na may butas.
Nakangiti ito ng malapad habang papalapit sa lalaki. Umupo ito sa lupa at ipinatong ang ulo ng lalaki sa kaniyang lap.
"May sugat ang asawa ko?"sabi nito sa uwak. Inirapan lang siya ng kaibigan niyang uwak.
Bigla lang pumikit ang babaeng patay at naglaho na siya kasama si Lance.
FLASHBACK
2014
Masaya ang dalaga sa araw ng kasal niya. Nakangiti ito ng napakatamis habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Inaayusan din siya ng mga katulong at siya na ang naglagay ng kaunti make-up sa kaniyang mukha. Maganda siyang babae at isa sa pinakamayaman sa panahong ito. Maraming lalaki ang nagkakagusto sa kaniya ngunit ang lalaking iyon ang napili ng puso niya, si Gilbert. Kasal na sila sa Munisipyo, perma lang ng papel ay kasal na sila ngunit nais niya na ikasal din sa simbahan dahil iyon ang gusto niya. Pinagbigyan naman siya ng binata na ikasal sila sa simbahan dahil pangarap niyang makasal sa taong mahal niya sa mismong simbahan.
"Seniorita, kailangan na nating umalis." Sabi ng driver niya.
Pinagbuksan siya nito ng pinto saka pumasok. Di mawala sa mukha niya ang ngiti habang nasa biyahe. Di siya makapaniwala na ikakasal na siya sa lalaking mahal niya at di lang sa papel na pinirmahan nila ni Gilbert sapagkat nais niya ring maranasan na ikasal sa simbahan. At ngayong araw na ito, matutupad na ang matagal na niyang pinapangarap.
Habang nasa biyahe, bigla nalang may sasakyan na humarang sa dinaraanan nila.
"Anong nangyayari?" Tanong niya
Ngunit walang imik lang ang driver.
Bigla lang lumabas ang dalawang lalaki at nilapitan sila. Kinaladkad siya palabas sa kotse. Hawak nila ang dalawang braso nito habang ang isang kamay ng mga lalaki ay may hawak na baril at nakatutok ito sa tagiliran at likod niya. Napuno siya ng pangamba, hiniling na sana ay mailigtas siya ng lalaking mahal niya. Hiniling niya na sana walang mangyari sa kaniya ng masama dahil kasal niya ngayon sa lalaking pinakamamahal niya at ayaw niya itong iwan.
"Bitawan niyo ko! Ano ba!" Inis niyang sabi sa mga lalaki.Puno ng takot at kaba ang puso niya ngunit sinubukan niya parin na umastang matapang. Pinasok siya nito sa kotse at tinalian ang kamay. May nakita siyang lalaki sa driver seat. Nilingon siya nito at nagulat nalang siya na si Gilbert ito.
"Gilbert? Anong ibig sabihin nito?" Di makapaniwala tanong nito ngunit di lang siya pinansin ni Gilbert, hindi siya kinibo nito, at pinatakbo niya lang ang sasakyan ng mabilis.
Hinila niya palabas ang babae at pumasok sila sa masukal na daanan.
"G-Gilbert? B-bakit mo ginagawa to? Ano ang ibig sabihin nito?" Iyak niyang tanong sa lalaking mahal niya na ngayon ay winasak ang puso niya.
"Kailangan mong mamatay, para sa akin na mapunta ang lahat ng kayamanan mo!"
"Asawa mo ko Gilbert. Anong sa akin ay mapapasayo rin"
"Hindi sapat iyon. Gusto ko akin lahat ng mga kayamanan mo. Kayamanan mo lang ang hanap ko, kayamanan mo lang ang minahal ko!"
Sa katagang iyon na binitawan ng kaniyang lalaking mahal ay parang tinusok ng sandamakmak na patalim ang kaniyang puso. Tila ba humiwalay ang kaluluwa niya sa kaniyang katawan, napatulala at hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Hindi niya naisip na magagawa ito ni Gilbert.
Iyak lang siya ng iyak sa mga bagay na narinig niya mula sa lalaking mahal niya.
"Mahal kita Gilbert. Bakit ka ganyan? Asawa mo ko. Huwag mo itong gawin sa akin. Huwag mo itong gawin." iyak niyang sabi habang nakaluhod at nakiki-usap, suot ang bago at mahal na wedding dress na ngayon ay napupunit na at nadumihan.
"Hindi kita asawa! Peke lang ang kasal natin sa Munisipyo. Peke ang papel na iyon. Hindi kita mahal. Peke lang ang kasal natin, peke lang! Sa mata ng mga tao, kasal tayo at lahat ng mga kayamanan mo ay mapapasaakin." Galit na sabi ni Gilbert.
Sa isip niya ay hindi ito si Gilbert. Hindi ito ang lalaking minahal niya. Baka nagkakaganito lang ito dahil may problema siya.
Mayaman naman si Gilbert at isang magandang lalaki, yun nga lang hindi siya kuntento sa buhay. Gusto niyang maging mayaman sa lahat ng pinakamayaman.
"Ang sama mo! Ang sama sama mo. Sinira mo ang mga pangarap ko na maikasal. Sinira mo iyon ng dahil sa pagiging gahaman mo! Mahal kita Gilbert. Minahal kita ng sobrang-sobra na higit pa sa anumang bagay na meron ako.!"
"Pasensya na ngunit kayamanan mo lang ang mahal ko. Kailangan mo ng mamatay!" Galit na sabi ni Gilbert at inilabas ang baril sa kaniyang jacket. Kinagat niya ang kamay ni Gilbert para mabitawan ang baril at sinipa ang pagkalalaki nito dahilan para magsisitalon ito sa sakit.
Tumakbo siya ng tumakbo kahit nahihirapan siya sa suot niya. Nagkapunit-punit na ang dulo ng gown niya. Marami narin siyang maliliit na sugat dahil sa mga sanga na nadadaplisan siya.
Bigla siyang natapilok. Pa-ika-ika na siyang naglakad ng biglang may tunog ng baril siyang narinig.
Nakita niya ang sarili niya na may kumakalat na dugo sa kaniyang tiyan. Napahawak sa rito at bigla nalang nakaluhod sa lupa.
Ilang segundo ay may putok na naman ng baril. Dalawang bala ang tumama sa tiyan niya. Ang puting suot niya ay ngayon nababalot ng dugo.
Narinig niya ang yabag na paa na papalapit sa kaniya. Dahan-dahan niyang nilingon si Gilbert kahit nahihirapan na siya. Sumuka na rin siya ng dugo, ang kanang kamay niya ay nasa tiyan niya. Pinipilit na pigilan ang pag-agos ng dugo.
"Tumakbo ka pa! Sa tingin mo di ka maaabutan ng bala ko!"
"Hayop ka! Ang sama mo!"
"Alam ko."
"Tandaan mo to Gilbert. Matitikman mo rin ang ginawa mo sa akin. Mismong mga patay ang papatay rin sayo.! Darating rin ang araw na gaganti ako sayo. Sa lahat ng ginawa mo sa akin." Galit nasa ng babae ngunit kinasa lang ni Gilbert ang baril niya at binaril ulit siya sa tiyan.
"Dami mong satsat. Hinding-hindi iyan mangyayari"
Bigla nalang napahandusay ang babae sa lupa na duguan ang katawan. May lumapit na dalawang lalaki kay Gilbert at inutusan niya ito na maghukay at ilibing ang katawan ng babae dito sa gubat.
END OF FLASHBACK
Dinila ng babaeng nakagown na pangkasal si Lance sa Mundo ng mga patay. Dinila niya ito sa kanyang silid na ang kanyang higaan ay ang kanyang kabaong. Puno ng mga cobwebs, may lumang silya at upuan at sirang-sira kurtina.
Inihiga niya si Lance sa kaniyang higaan at pinagmasdan ito ng may ngiti sa mukha.
"Ang gwapo na man ng asawa ko."
"Hindi ko inaasahan na ikakasal talaga ako" sabi niya sabay titig sa gintong singsing na nasa kaliwang kamay niya.
"Hindi ko iaalis sa iyo iyan, Feira pero hindi natin kilala ang lalaking yan" sabi ng uwak na kakarating lang at pumatong agad sa balikat niya.
"Lucio! Wala akong pakialam kung saan siya nanggaling, o kung ano siya. Asawa ko siya at tanggap ko kung sino siya" sabi ni Feira
"Hay nako! Agad- agad? Ganyan talaga kapag hindi nakaranas na makasal."
"Napaka-kontrabida mo no?! Umalis ka na lang dito. Alam mo naman na matagal ko ng pinangarap na magkaroon ng asawa. Hindi ko alam basta may parte sa sarili ko na gusto ko, ngayon na may asawa na ako, sobrang saya ko" masayang saad ni Feira
"Ewan ko sayo Feira. Wala parin akong tiwala diyan" sabi ni Luciong Uwak at lumipad na kung saan.