webnovel

Chapter 45: He Blushed

"Pa'no ba yan, mga tropa? Kita-kits nalang sa tagaytay." -VJ

Sa bahay ang meeting place namin. Ang dami naming baon na pagkain ^0^

Pati si mommy, pinagluto kami ng graham.

9am sila nagpunta dito sa'min and 11am na ngayon. Dito nga sila nag-lunch eh. Okay na ang lahat. Ready to go na kami.

Sa kotse ni VJ si Yat, si Sophi naman kay Dwayne at syempre, si Chloe naman ang kasama ni Ceejay.

"Ceejay at Dwayne, sunod nalang kayo sa kotse namin ni Zoid."

 

Tumango naman silang dalawa.

"So, tara na? Wala na ba tayong nakalimutan?" -Yat

"Wala na." -Dwayne

"Let's go! Excited na ko! Hihi." -Sophi

Nagsimula na silang pumasok sa mga kotse na gagamitin nila.

"Ingat kayo mga iho at iha!" -Mommy, kumakaway-kaway pa sya.

"Tara na." Yaya sa'kin ni Zoid tapos pinagbuksan nya ko ng pinto. "Ilalagay ko lang 'to sa compartment." Tinuro nya yung dalawang bag at isang maletang dala namin.

Tinanguan ko lang sya. Kasama namin si Zoidie ^___^

Andun sya sa passenger's seat, naka-seat belt pa. Katabi nya yung isang bag na puno ng snacks.

After 5 minutes, bumalik na sya then nagsimula ng mag-drive.

"Louise ko." Bigla nyang sinabi. Nakatingin lang sya sa daan.

"Hmm?"

 

"I love you."

 

"I love you more." Sabi ko sakanya.

Silence...

Ang tahimik >,<

Di ako sanay!

Ano bang meron?

"Nagpa-check up ako kagabi pagkagaling ko sainyo."

 

"A-ano daw sabi ng doctor?"

 

Ang lakas ng pintig ng puso ko.

Kinakabahan ako sa isasagot ni Zoid.

"Uhhh... wala. Nagugutom ka na ba?" Bigla syang umiwas sa topic.

Dahil ayoko rin naman pag-usapan yun, sumakay nalang ako sa pag-segway nya. "Di pa. Ikaw?"

 

"Medyo."

 

Niluwagan ko yung seatbelt ko atsaka inabot yung bag sa passenger's seat.

 

 

"Okay ka lang ba dyan, Zoidie? Wag magulo, ah?"

 

Narinig kong tumawa ng mahina si Zoid.

Nung nakuha ko na yung bag na may lamang snacks, umayos na ko ng upo. Kumuha ako ng chocolate chip.

"Maboy, kapag napagod ka sa pagda-drive, ako naman."

 

"Marunong ka ba mag-drive?"

 

"Hehe. Hindi."

 

"Tss."

 

"Pero susubuan nalang kita. Gusto mo?"

 

Hindi naman sya sumagot.

Silence means yes!

Kaya ayun, sinusubuan ko lang sya ng chocolate chip.

"Maboy, say aaahhh~"

 

Binuka naman nya yung bibig nya pero kinain ko yung chocolate chip na dapat isusubo ko sakanya. Haha. Iniinis ko lang sya (^___^)V

"Louise ko!" He said with a warning tone.

Kahit ganun yung tono nya, kinikilig pa rin ako! Hahahaha.

"Hehe. Ito na po, mahal ko."

 

 

Nung naubos na yung chocolate chip, kumuha ako ng pwedeng makain sa bag. At nahugot ko ang nachos! Favorite ni Hadley *U*

"Maboy."

 

"Wae?"

 

"Bakit Louise ang tawag mo sa'kin?"

 

"Ayaw mo ba?"

 

"Hindi naman. Usually kasi, Zai or Zailie ang tawag sa'kin eh. Kayo lang ng parents ko ang tumatawag sa'kin ng Louise."

 

"Exactly. Kaya hindi kita tinatawag na Zailie or Zai dahil common na yun sa'yo. Gusto ko ako lang ang tatawag sa'yo ng 'Louise ko', kaya wag kang magpapatawag sa ganung name, okay? Ako lang ang pwede including your parents, ofcourse!"

 

"Hmm. Okay. Louie! Hahaha."

Maya-maya, nag-vibrate yung phone ko. May nagtext.

From: PekengKyoot

               When a GIRL blush, it's NORMAL. But when a GUY blush, it's dmn cute!!!!

 

 

Kelangan talaga may dmn? -.-

Oo nga noh? Mas cute tignan kapag lalaki ang nagba-blush! Bihira lang yun. Si Zoid kaya? Ano kayang itsura nya kapag nagba-blush? Kapag kasi nag-a-i love you ako sakanya, madalas syang umiiwas ng tingin at parang tinatago yung mukha nya.

"Maboy.."

 

"Oh?" Seryoso lang syang nakatingin sa daan.

I leaned forward and dropped a quick kiss on his lips.

Nakita kong nanlaki yung mata nya and unti-unting...

TAMA BA 'TONG NAKIKITA KO?

NAMUMULA SI ZOID?

HE BLUSHED o____O , EH?

Hindi sya makaiwas ng tingin o maitago manlang yung mukha nya kasi nga naga-drive sya.

"You blushed." Sabi ko sakanya na nakangiti.

"N-no, I'm not!"

 

"You are! Don't deny it!"

 

"Hindi nga sabi!"

 

"Okay, wala ka ulit kiss."

 

"Oo pala. Nag-blush ako."

 

 

Eh? Sabay bawi? Hahahaha. Adik talaga 'tong boyfriend ko.

"How did you know? Nakita mo ba yung mukha mo?"

 

"Naramdaman ko. I blushed, where's my kiss?"

 

"Wala na."

 

"Isa!"

 

"Hahahahaha."

 

Nakakatawa yung face expression nya! Parang tatay na naiinis sa sobrang kakulitan ng anak.

"Dalawa!"

 

"Ayaw!"

 

Binuksan ko yung nachos.

Naramdaman kong huminto yung kotse nya. Isusubo ko na sana yung isang pirasong nachos, pero bigla nyang inagaw.

"Akin na yan!" Pilit  kong hinahablot yung nachos kaso nilalayo nya.

"Akala ko ba hindi ka pa gutom?"

 

"Kanina yun! Akin na yan!"

 

Hindi sya sumagot. Tinitigan nya lang ako. Okay, payn! Marami naman pagkain dito sa bag----

WAAAAAA~ BIGLA NYANG INAGAW!!!!

"KASI NAMAN EH!!!!"

 

"Gutom ka na?" Tanong nya na may halong pang-aasar.

"OO! AKIN NA YAN!"

 

"Gutom na gutom?"

 

"OO NGA! AKIN NA SABI YAN, MABOY EH!"

 

Masama akong ginugutom =____=

"Okay. Ibibigay ko sa'yo 'to in one condition."

 

Ayan na naman yung one condition nya >___<

"One food, one kiss. Ang dami pa naman nito. Tsk.  Tsk."

 

"Maboy.... akin na yan!"

 

"Kiss muna!"

 

"Para kang bata!"

 

"Kiss lang eh! Wag na nga. Ayaw mo ata."

 

Hala, nagtampo daw ba?

Padabog nyang inabot sa'kin yungbag, then nagsimula na ulit syang mag-drive.

After three hours and a half na biyahe kasama na dun ang stopover, nakarating na kami sa privatebeach house nila Zoid nang hindi manlang ako pinapansin.

Spell, bipolar? -___-

Nakakainis!

Mabilis nyang kinuha yung mga gamit namin sa compartment. Nagprisinta nga ako na tulungan sya kaso hindi sya sumasagot.

Dun sya sa manong Emong (daw) nagpatulong. Kaya ang tanging bitbit ko lang ay si Zoidie.

Pagkatapos nun, nagkulong na sya sa isang kwarto. Nakakainis talaga >o<

"Zai, anong problema nun?" Tanong ni Ceejay.

Napansin nya ata na hindi kami nagkikibuan ni Zoid.

"Sinumpong ng pagka-bipolar. Tsk."

 

"Mga magagandang dalaga at nagga-gwapuhang binata, tara na sa kusina para makakain na kayo ng miryenda. Nagluto talaga ako para sainyo." Sabi nung mga nasa 50s na babae.

Nanay Marie nalang daw ang itawag namin sakanya. Asawa nya si mang Emong. Sila yung caretaker ng beach house na 'to at nangangalaga dun sa garden.

So, nagpunta kami sa kitchen.

Infairness dito sa beach nila Zoid, ah? Ang ganda.

Napakaganda ng ambiance. Sino kaya ang architect na nag-design nito? Hmm. I got curious tuloy. Ang ganda kasi talaga eh!

May banana que, maruya tapos ginataang halo-halo.

"Ang sarap mo talaga magluto, Nanay Marie." Puri ni VJ. Totoo naman kasi eh.

Nginitian naman sya ni nanay Marie, then nagpaalam na aayusin yung mga kwartong gagamitin namin. Isang kwarto nalang naman daw ang hindi pa nya naayos.

"Hindi ba kakain si Zoid?" Sabi ni Yat, saktong pagkalabas ni Nanay Marie.

"Di ko alam sa bipolar na yun." = o =

"Puntahan mo kaya sa taas!" Sophi

"Oo nga. Magkaaway ba kayo?" Dwayne

"Ewan. Siguro. Oo ata."

 

"Hanep na sagot yan!" Ceejay

"Pupuntahan mo sya or me ang pupunta sakanya?" Napatingin kaming lahat kay Chloe.

"What? I'm serious! Kung hindi mo pupupuntahan si Babe, ako ang pupunta sakanya!"

 

"Tss. Ayan si Ceejay oh!" Tinuro ko pa si Ceejay gamit ang index finger ko. "Ayan yung tawagin mong babe.  Tss." Tumayo na ako at umakyat.

Naabutan ko pa nga si Nanay Marie na kalalabas lang sa isang kwarto kaya tinanong ko sakanya kung nasaan si Zoid. Tinuro nya naman yung kwarto na nasa likod ko. Nag-thank you ako sakanya at pumasok na sa kwarto.

Pagkapasok ko, naabutan ko syang nakahiga sa kama. Nakapikit yung dalawang mata. Hindi pa sya nakakapag-palit ng damit. Pagod siguro.

Lumapit ako sakanya at humiga sa tabi nya.

"Maboy..." Tinutusok-tusok ko yung pisngi nya. Pero no effect eh.  Tulog siguro.

"Galit ka ba? Bakit ka natutulog?"

 

 

Napansin kong gumagalaw-galaw yung eyelids nya. Hindi pa sya tulog!!!!!

Nagkukunwari lang =___=

Niyakap ko sya tapos pinatong yung ulo ko sa balikat nya. "Kapag hindi ka gumising, wala ka talagang kiss."

 

"......."

 

"Magbibilang ako ng one to three. Kapag hindi ka pa talaga gumising dyan wala ka talagang kiss ng one year."

 

"........"

 

"One."

 

"........."

 

"Two."

 

"......"

 

"Thre----"

 

"I'm up! Nandito ka pala, Louise ko?" Kinukusot-kusot pa nya yung mata nya.

Akala naman nya hindi ko alam na nagtutulog-tulugan sya =______=',"

"Bakit di mo ko kinakausap kanina? Galit ka ba?"

 

"Hindi. Nagga-galit-galitan lang ako. Hahaha. Kunyari nagtatampo, tapos lalambingin ako ng Louise ko." ^_____^

"Para ka talagang bata!" =____=

"Sa'yo lang ako childish. Where's my kiss? Gumising naman ako, ah!"

 

"Gising ka naman talaga eh."

 

"Kahit na. Asan na?"

 

Tch.  Kulit talaga.

Ang kissing monster!

Kaya ayun, binigay ko yung gusto nya. Smack nga lang. Hahaha.

"Bitin." Sabi nya tapos... tenenen.... nag-pout na naman!

Niyakap ko sya ng mahigpit, ganun din sya.

"Maboy, hulaan mo kung sino yung first kiss ko."

 

"Ako ang first boyfriend mo, Louise ko."

 

"Pa'no mo nalaman eh diba-----"

 

"Di na yun importante kung pa'no ko nalaman."

 

"Okay, fine. Pero hindi ibig sabihin na kahit NBSB ako dati, wala pa 'kong first kiss." Pagkasabi ko nun, lumuwag yung pagkakayakap nya sa'kin. Tinignan nya ko ng seryoso.

"Tss." Bigla syang umupo sa kama. Nakatalikod sya sa'kin.

Kahit di ko kita yung mukha nya, I bet, magkasalubong yung kilay nya.

Umupo din ako sa kama and rested my chin on the top of his shoulder. "Hindi mo ba itatanong kung sino yun?" I asked.

"Why would I?"

 

"Syempre, boyfriend kita." I placed my arms around his chest. "Ang pangalan ng first kiss ko ay.."

 

"Louise ko."

 

"Makinig ka kasi muna. Ang pangalan ng first kiss ko ay Waki."

 

Tinignan ko kung ano yung reaksyon nya.

Wala eh. Di ko mabasa.

"Baligtarin mo yung Waki."

 

Napansin kong napaisip sya saglit tapos bigla nalang ngumiti. Nilingon nya yung side ko then binuhat ako at pinaupo sa lap nya.

"Ang dami mong alam!" Sabi nya sabay pisil sa pisngi ko. Ang sakit T^T

"Di pa kita boyfriend nun, pero ninakawan mo na ko ng kiss!"

 

Ngumiti lang sya. Naalala nyo ba yun? Yung first kiss ko? Yung sabi nya bibigyan nya daw ako ng appetite >/////<

 

"Ikaw yung first kiss ko, pero hindi ako yung first kiss mo!" I pouted >u<

"Hindi man ikaw ang first kiss ko, I assure you na ikaw ang last kiss ko."

 

>////////////<

"Siguraduhin mo yan, ha!"

 

"Opo, Louise ko." He kissed my forehead.

"Anong gagawin mo kung may ibang nakalaan to be my last kiss?" Tanong nya na halatang excited sa kung ano man ang isasagot ko.

"Makikipagpatayan talaga ako to be your last kiss." Sagot ko sakanya.

"Talaga? Gagawin mo yun?"

 

"Hmm-mmm. Para sa'yo."

He lifted my chin until our gaze met. He was leaning and leaning forward.

One inch...

five centimeter....

Ayan na...

"AAAAAAHHH~" Napasigaw ako nang bigla nya akong buhatin at hinagis sa kama. Agad akong bumangon at sinuntok sya sa braso.

Hinawakan nya ko sa magkabilang balikat at malakas na tinulak kaya napahiga na naman ako sa kama. "Nakakainis ka playboy!"

 

"Playboy pala, ha?" Bigla nya kong kiniliti sa tagiliran.

Kyaaah~ Malakas kiliti ko dyan!

"Tama nahahahahahahah~"

 

Nanghihina na ko sa kakatawa.

Nung napagod na sya, tinigil na nya yung pagkiliti sa'kin.

He was on top of me.

Ang bigat nya idagdag mo pa na hinihingal pa rin ako dahil sa kakatawa.

He leaned his forehead against mine.

"HOY! Hindi pa ba kayo kakain? Anong oras n----"

 

"OMG!"

 

"Kaya siguro gusto ni Zoid na magbakasyon dito para sa---"

 

Bigla kong naitulak si Zoid. Tumayo ako at inayos ang sarili ko.

"Did we disturb you?" Tanong ni Chloe with her 'makahulugang-tingin'

"H-hindi! W-wala naman kayong iistorbohin eh!"

 

"Tss. Anong wala? Meron kaya!" Sabi ni Zoid. Naglakad na sya palabas ng pinto. "Tabi nga! Mga istorbo kayo!"

 

Nag-give way naman sila at tuluyan ng umalis ng kwarto.

Pagkaalis ni Zoid, tinignan nila ako ng may mahiwagang meaning.

WAAAAA~ BAKIT MO KO INIWAN SA MGA 'TO, ZOID! GRRR...

Bab berikutnya