Habang naglalakad-lakad ay biglaang sumakit ang ulo ko at natumba. Parang may isang static sound na umuulit ulit sa utak ko hangang sa may isang lumapit saaakin at tinulungan ako.
"... .. .. .. .", sabi niya.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil sa iba ang pamamaraan nila ng pagsasalita. Pero yung wika nila ay parang noong panahon na iyon ko palang narinig dahil sa sobrang foreign ay kung ano anong wika ang sinubukan ko baka sakaling alam niya kahit isa sa mga iyon.
Kamusta Konnichiwa Bon jour Komo esta Ni hao Anyeonghaseo Hello, sinubukan ko naman halos lahat ng wikang kaya ko. Pero dahil doon mas sumakit ulo ko.
May roon siyang biglang ipinainom saakin, medyo mapait pero unti unting gumaan pakiramdam ko.
".. .. .. ... .. .. ..s ka lang ba?, sabi niya.
Sa puntong iyon ay unti-unti ko na rin siyang naiintindihan, epekto rin ata ng ipinainom niya.
Teka! Naiintindihan na kita., sabi ko. Sino Ano Paano Nasaan Kailan Bakit dahil sa naguguluhan ako ng todo sa mga kaganapan. Dahil sino ba naman ang hindi sisiraan ng ulo kung malaman mo na isang iglap lang ay mapupunta ka sa isang mundo na kung saan ay parang tunay na mundo narin.
Ilang saglit rin bago ko namalayan na babae pala ang nasa harapan ko.
Alam kong marami kang tanong Kaya doon muna tayo sa may ilalim ng puno ng di tayo nakaharang sa daanan., sabi niya. Sige sasagutin ko ang mga tanong mo ng magkakasunod, Sino Ako si Cryss isang napapadaan lang. Nakita kasi kita na parang lutang akalo ay nasisiraan na ng ulo., Ano hindi ko alam ang nangyari sa iyo pero bilang concern na rin ay tinulungan narin kita., Paano Yung ininom mo para magkaintindihan tayo ay isang normal na tubig mula sa mundong ito. Ang sino mang tao na dayuhan sa lugar na ito, ay maaaring makapagusap sa mga taong naririto sa pamamagitan ng pagkain o paginom ng mga producto ng lugar na ito., Nasaan Ikaw ay nasa Bayan ng Koe. Na siyang sakop ng kaharian ng Armenthia., Kailan Ang taon ay ika-pito ng Alf 5623., Bakit Ikaw lang ang makakapagsabi dahil sa siya ring tanong ko sa iyo.
Teka lang! Agad-agad kang nagbabato ng impormasyon ni halos wala akong masalo.
So Ikaw naman sino ka at anong ginagawa mo rito?, tanong niya saakin.
Ako si Ayato, Ayato Suzuki. Hindi ko nga alam kung bakit ako naririto, ang naaalala ko lang ay natutulong ako sa kuwarto ko, nasaksak at Teka? Patay na ba ako!!!, sigaw ko.
Yan ang hindi ko alam. Dahil may mga tao na rin akong nakilala na may ibat ibang kuwento kung paano sila napunta rito, at ang hula ko isa ka sa kanila.
Ano na ang nangyari saakin?
May mga hakahaka akong narinig na ang mga tulad mo ay maaaring nai-summon ng isang alchemist o kaya naman ay nareincarnated sa lugar na ito.
Makakabalik pa ba ako?, kabadong sabi ko.
Kung nai-summon ka lang, may pagasa pa pero kung nareincarnate ka ay patawad na alng wala nang balikan. Pero mayroon din isang pangyayari na sobrang dalang lang na mangyari ang mga taong nakakagawa ng koneksyon sa dalawang mundo sa paggamit ng dalawang katawan na nasa mundong ito at mundong pinangalingan nila.
Paano ko malalaman kung ano ba talaga ang nagyari saakin?
Kung mayroon kang crest of consealment sa balikat mo, isa itong tanda na ikaw ay naisummon. Kung na reincarnate ka naman dapat at kita parin sa katawan ang marka ng sanhi ng ikinamatay mo.
Yung sa huli., tanong ko habang tinitignan ku yung katawan ko kung mayroon ako ng mga sinabi niya.
Yun lang ang bagay na wala akong detalye, dahil sa sobrang kakaunti lang ang bilang nang mga taong ganoon sa bihin natin 1 sa 10,000,000 nilalang.
Bakit parang di ako komportable sa sinabi mo na nilalang.
Dahil ang lugar na ito ay ang mundo ng lahat ng mga posibilidad, sigurado akong kilala itong lugar sa inyo bilang Parallel Dimension.
Ahhh
Pansin ko lang wala kang kahit anong mayroon tungkol sa mga sinabi ko.
Masamang balita ba iyan?, kabadong tanong ko.
Hindi kung wala kang crest at peklat isa lang ang ibig sabihin nito., sabi niya. Teka, ano yang nasa daliri mo?
Ahh ito yung mga singsing na sinuotko bago ako mapunta dito.
Pwede bang patingin?
Sige., nang inaalis ko na ay hindi ko siya matangal pero hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakasuot ng mga singsing. Takte, di ko maalis!
Sige lang kahit wag na.
So may chansa pa ba ako para makaalis sa lugar na ito. Sabi mo hindi naman ako summoned o kaya ay reincarnated so there has to be a way para makaalis ako rito.
Well there is one. Pero hindi ko siya irerekomenda.
Ano ba yun?
Kailangan mong makuha ang basbas ng isa sa tatlong mga dios ng lugar na ito.
Sa papaanong paraan ko naman magagawa iyon?
Sinasabi ko sa iyo parang impiyerno ang tatahakin mo para maabot iyon.
Sige sabihin mo lang. Para alam ko kung ano ang mang yayari saakin dito sa mundong ito.
Kailangan mong umakyat sa ranking ng mga kawal ni Helios nang magkaroon ka ng pagkakataon na makausap ang kahit isa sa mga dios.
Ang Ranking na kanyang binangit ay ganito ang line up.
Copper... Starter Hero
Bronze... Hero 1-3
Silver.. Veteran Hero 1-3
Gold S-Class Hero – SSS-Class Hero
Platinum Guild Masters E-A
Andesite. Royal Knights I-IV
Tungsten Royals Personal Guards I-III
Legend Royals C-A
Myth Chosen by Helios Tablet
God-like. Chosen by one of the 3 gods
Ano ba naman klasing chart to?!, biglang sabi ko.
Sinabi ko na sa iyo.
Kailangan ko pang danasin ang mga ito? Ilan ba ang mga taong naging god-like sa buong historia ng mundong ito?, tanong ko.
Sa pagkakaalam ko ay lima pa lang., sagot niya parang normal lang sa kanyan. Pero siyempre akin hindi.
Ano!!!!!, sigaw ko.
Kung gusto mo talaga na mangyari yang gusto mo ay tutulungan kita. Kung tutuusin mas maganda pa ang maging Hero kaysa pagiging trabahador nang hari.
Paanong trabahador ng hari?
(sigh) Nakikita mo yung mga tao dito sa Bayang ito? Ang buong region na kinatatayuan ng bayan na ito ay ang lugar ng mga pulubi na kung tawagin ng mga mayayaman. Ang hari ay pewersahan silang pinagtatrabaho hindi lang halata dahil sa walang masyadong okasyon ngayon sa kaharian, pero pag may kaganapan kalangang magtrabaho ang lahat nang higit sa 100 beses para lang sa pangangailangan sa nasabing okasyon.
Kung hindi nila gawin
Kung hindi nila gagawin ay mabigat na parusa ang naghihintay sa kanila. Kailangan nilang magbigay ng 10 beses ng dami sa susunod, kukunin lahat ng kayamanan at pagmamayari nila, o kaya ay ikukulong.
Maniwala ka saakin ayaw ng hari na mayroong alikabik ang balat niya. Pero ayos lang kung nabubulok naman ang loob niya., pagkasabi niya ay biglang naglumo ang kanyang mukha.
Ayos ka lang ba., tanong ko at bigla na lang siyang umiyak.
Kung hindi lang nawala si papa hindi sana magiging sementeryo ang buong kaharian na ito., hagulgol niya.
Habang kino-confort ko siya ay may biglang nagsisisigaw.
Nan diyaan na ang mga kolektor! Ihanda na ang inyong hain., sigaw ng isang mensahero.
Teka, hindi ba mas maaga ngayon kumuha ang hari, ni wala panga sa panahon ng pagaani., sabi ng kasama namin.
Ilang saglit lang ay nagtipon ang lahat ng mga tao sa may tapat ng simbahan at bigla naman ako hinila ni Cryss at nagtago sa likod ng isang bahay.
Cryss! Bakit? Anong mer
Shhh manahimik ka muna.
Anong meron?, sabi ko ng pabulong. Ngunit di na siya sumagot. Ilang saglit lang ay may naramdaman akong pagyanig, at may isang malaking robot ang nagpakita sa tapat ng simbahan.
Ano yan?! Yan ang Collector?, tanong ko.
Oo., sagot niya.
Nandito na po ang hain namin ngayon. Hindi pa po umaabot ang anihan bakit po napaaga ang dating niyo., sabi ng pinuno ng bayan.
Hindi lang ako naririto upang kunin ang inyong hain kundi narin hanapin ang Prinsesa., sabi ng nasa loob ng robot.
Ang prinsesa?, sabi ng mga mamamayan.
Prinsesa?, sabi ko sabay lingon kay Cryss.
Sht! Na huli na ako., papatakbo na si Cryss nang biglang sumakit uli ang ulo ko, pero this time hindi siya basta bastang sakit dahil parang pinipiga ng todo ang ulo ko kasabay ng matalim na tunog na paulit-ulit na lakas hina. HOY! Ayato ayos ka lang Hoy!!!
AAAAARRRRRGGGGGHHHHH!!!, sigaw ko ng malakas ng dahil sa sakit, atunti-unti na akong nawalan ng malay. Pero naririnig ko parin ng kakaunti pero pahina ng pahina ang boses ni Cryss na siyang nang hhingi ng tulong.
Pagkagising ko ay balik na ako sa kuwarto yung ingay na naririnig ko ay yung ingay pala ng alar ng cellphone ko na mali sa oras. Pagkasilip ko sa orasan ay alas 11 palang ng gabi. Bumaba ako sa kusina upang uminom ng tubig. Pag kabalik ko sa kuwarto ay natulog ako uli.
But this time pag kapasok ko sa panaginip ay napansinkong nakahiga ako sa isang kama na tila ay may nag dala saakin doon. Pero hindi nagbago ang lahat. Nakakaramdam parin ako sa panaginip ko. Parang walang pinag kaiba sa kanina. Pagkasilip ko sa bintana ay siya nga.
Tulad ng kanina nandito parin ako sa. GAIA