I'll wait for the right time and the right moment.
"Yejin, ayokong mapapaaway ka dun ha. Hangga't kaya mong pigilan ang sarili mo ... gawin mo..."
Nakadungaw lang ako sa bintana habang binabaybay namin ang daan patungo sa bago kong papasukan. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami. Bumaba ako mula sa back seat.
"Lahat ng bilin ko... don't forget."
Tango tango lang ang naisagot ko kay Mama. Umalis na siya. Paglingon ko sa likod ko ay bumungad sa akin ang napakalaking building ng Song Dang University. Kamusta naman kaya ang magiging buhay ko dito? Magiging maganda kaya o pangit? Napabuntong hininga ako saka ako naglakad papasok.
Masyadong malaki ang University na ito kaya naman nagbibigay sila ng mapa sa lahat ng estudyante. Isa ito sa pinakamamahaling paaralan sa bansa kaya naman ineexpect ko ng puro mayayaman ang nasa loob nito and as usual... anong ineexpect mo kapag mayaman? Malamang ... mapride/mayabang/feeling maganda o gwapo/ bully? Siguro? Depende sa klase ng mayaman. Well... hindi ko naman jinajudge ang mga mayayaman pero marami talagang mapagmataas eh.
"Miss... 2nd year ka?" Huminto ako at hinanap yung nagsalita. Napatingin ako sa isang gwapong lalaki este ... lalaki lang siguro to' walang gwapo.
"Pano mo nalaman na 2nd year ako?" Inangat nya ang kamay nya papunta sa leeg ko. Tinapik ko naman agad ito.
"😂😂😂😂😂HAHAHAHAHA!"
"Bakit ka tumatawa?" 🤨 taas kilay kong tanong
"Ang bilis mo kasi 😂 !" Hinawakan nya ang lace ko. "Nalaman kong 2nd year ka kasi yung lace mo."
Pinansin ko ang I.D lace ko. "Ano naman kinalaman ng lace ko kung 2nd year ako?"
Lumabas ang dimple nya kakapigil ng tawa. Infairness... gwapo siya. "Alam mo mukhang wild ka..."
"Wild?" Maraming pumasok sa isip ko. Sa panahon ngayon may iba't ibang ibig sabihin ang wild... depende sa mukha ng nagsasabi 🤔🤔🤔
"Oh- nag iisip ka na siguro 🤣🤣🤣🤣 Hahaha!" Tinignan ko siya ng masama 😠 at natinag naman siya. Pinagtitripan ata ako ng kumag na to'. "So... seryoso na." Nag ayos siya bago magsimula ulit. "Ang I.d lace ng highschool ay may apat na kulay green para sa freshmen, yellow para sainyo na mga sophomore, blue para sa junior at red naman para sa senior." Napatingin ako sa I.D lace nya... sinundan nya ang tingin ko. "Black for graduating students para sa college." Nagsmile siya. "By the way.. I'm Ji woo, engineering student and you are?"
"Yejin." Maiksing sagot ko
"Ang iksi naman ng sagot ... wala pang surname yun."
"SOO Ye jin. Ok na?"
"Ok na. Lika na? Hatid kita sa room mo?"
"Ah... eh... hindi na. Kaya ko na yan." Mataas ang pride ko eh at hindi ko kailangan ng tulong nya.
"Ok." Ngumiti siya. "Sana lang hindi ka maligaw."
"Hindi talaga. May mapa diba?"
"Kapag ba may mapa, hindi na naliligaw?" Nag cross arms siya. "Si Dora nga may mapa na nagtatanong pa eh."
"Ako ba niloloko mo?"
"Hindi. Sige na... hanapin mo na yung room mo." Tinapik tapik nya ako. "Just in case nasa ... College of Engineering lang ako." Kumaway siya at umalis na.
Ang kulit nun. Tsk.
Naglakad lakad na ako para hanapin ang room ko. Saan ba ako magsisimula?
15 MINUTES LATER ...
Grrrr... nakakagigil na tong' eskwelahan na to' ah. Masyadong malaki para sa highschool na kagaya ko. Tsk. Tinapon ko ang mapa. Walang dulot- natigil ako nang may dumaan sa likod ko. Napangiti ako pero nalimas din dahil-
"Ikaw?" Nagtataka ko siyang tinignan
"Oh! Diba ikaw yung highschool student na- tama... Soo Ye Jin.. right?" Tumaas ang kilay ko. "Di mo pa naha-"
"Wag kang umakto na parang sobrang tagal na nang huling nakita mo ko eh 15 minutes palang yung lumilipas!"
Tumawa siya ng malakas. "Correction 18 minutes na."
"Ha ! Ha ! Ha! Ok na?"
Nagpacute siya. "Magpapatulong ka na ba?"
"Oo naman... sayang naman yung effort mo sa pagdaan dito."
"Alam mo gusto kita."
Nagsalubong ang kilay ko. "Ano?"
"Gusto kitang asarin."
"Aba-" hinila nya ang bag ko.
Hinatid nya ako sa room ko. "Dyan na yun." Turo nya. Dinig ko ingay ng klase mukang nagsimula na sila. Tumingin siya sa wrist watch nya. "10 minutes late ka na. Buti nalang medyo maaga kang naligaw." Pasikreto siyang tumawa.
Nagmeme face naman ako. "Salamat ha."
"Wala yun. Pasok ka na MA'AM?" Lumabas ang dimple nya sa pagpapacute nya.
Binigyan ko siya nang ilang pilit na ngiti.
-
"Ok. You may now take your break."
Nagsitayuan na kami. Lumabas ako at pinagmasdan ang mga estudyante na naglalabasan. Balak ko kasi silang sundan dahil malamang sa cafeteria sila pupunta.
Habang naglalakad ay nililibot ko ang paningin ko. Hindi ako magtataka kung bakit ako naligaw kanina sobrang laki talaga nitong napasukan ko and malamang sa malamang mahigpit sila dito. Siguro naman walang bully dito. Nahinto ako sa paglalakad ng mabasa ko ang "WELCOME TO COLLEGE OF ENGINEERING" teka? Anong ginagawa ko dito? Hinanap ng mata ko ang mga estudyanteng sinusundan ko.
"Saan sila-"
"Miss.. 2nd year ka?" Napalingon ako sa nagsalita.
"Ikaw na naman?"
"Nagkita na ba tayo kanina?"
"Woooowwww... ibang klase."
"Joke. Kumain ka na?"
"Hindi pa."
"Ano palang ginagawa mo dito?"
"Hindi ko alam." Ngumiti siya na parang 'WEH? TALAGA?" 😏😏😏 "Oo nga. Ano namang gagawin ko dito? May mga sinundan akong estudyante pero di ko alam bakit dito sila nagpunta. Tsk." Tinignan ko siya. "May makakain ba dito?"
"Wala." Sagot nya. "Pero may nakakabusog tignan."
🤨 Tumaas ang isang kilay ko. Inakbayan nya ako. "Tanggalin mo yan. Puputulan kita ng-"
"Ohmygad." Napahawak siya down there na talagang nagpanganga sakin.
"Anong- hindi yan!"
Tumawa siya. "Gusto mong kumain?"
"May iba pa bang ginagawa ng break time?"
"Alam mo ... maraming uri ng kainan ang ginagawa kapag break time."
Natigil kami sa paglalakad napatingin ako sa kanya. "Manyak ka."
Tumawa siya ng malakas. Dinala nya ako sa Subway para kumain ng sandwich.
"Kumain ka na. Treat ko yan sa mga baguhan na gaya mo."
🤨 "Tsk. Lahat ba ng bago may palibre effect ka?"
"Depende." Sabi nya habang busy nyang nilalantakan ang sandwich nya.
"Babaero." Bulong ko
Natigil siya. "Dyan ka nagkakamali Miss mataray"
"Ano?" Hindi ako makapaniwala sa tinawag nya sa akin.
"Hindi ako babaero. Nilibre ka lang nag isip ka na in advance."
"Galawan mo. Tsk."
_____________________________________________________
Pabalik na ako ng building nang makita ko si Lianne na nakaupo sa may lobby. May dala siyang sandwich na binili nya sa subway.
"Jiwoo, sabayan mo kong kumain."
"Ah... eh... Tapos na ko eh. Salamat nalang. Sige may klase pa ko."
"Ah... eh... binili ko to para sayo."
"Sa iba mo nalang muna ibigay." Ngumiti ako sa kanya at agad na nagpunta sa room ko.
-
Kakagaling ko lang sa library nang harangin ako ni Kyun.
"Saan ka galing kaninang breaktime? Hinahanap ka ni Lianne."
"Ah... kumain ako sa subway. Don't worry nagkausap na kami."
"Bakit mo naman tinanggihan si Lianne?"
"Hindi pagtanggi yun. Busog na rin ako." Sinabayan nya akong maglakad.
"Napaka swerte mo kay Lianne alam mo ba yun? Sobrang bait nya sayo saka-"
Nahinto siya kasi huminto ako sa paglalakad.
"Wag mo na ituloy. Sige mauna na ako." Tinapik ko siya sa braso.
"Jiwoo..." tawag nya pero hindi ko na siya nilingon. Kumaway nalang ako.
-
Dismissal Time
Naglalakad na ako palabas ng university nang mag ring ang cellphone ko. Si Mama tumatawag. "Hello Ma."
"Hello Anak, nasaan ka na?"
"Palabas palang po ng school. Bakit po?"
"Ok na yung motor mo. Pwede mo ng gamitin bukas. Diniliver na kanina."
"Yes! Sige Ma. Salamat."
Almost 1 week na rin akong nagko-commute kaya naman ganito nalang ako kasaya nang malaman kong ok na yung motor ko. Nagmadali akong pumunta sa bus station at di naman nagtagal ay nakasakay din ako. After 15 minutes ay bumaba ako nang mapansin ko ang isang familiar na tao.
"Teka ... si Miss mataray yun ah." Dito siya nakatira? Dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"AH!" Naiharang ko agad ang mga braso ko sa mukha ko dahil sa umamba siya agad ng suntok. "Ikaw?!"
"Grabe... nagulat lang umamba na agad ng suntok."
"Malay ko ba kung pugad ng masasamang tao tong' lugar nyo. Tsk." Tumingin siya sa paligid na parang naghahanap ng masamang tao.
"Wow... iba din. FYI ... ok dito sa lugar namin nu. Hindi kagaya ng iniisip mo." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Bago ka dito nu?"
"Eh... ano?"
Hinawakan ko ang ulo nya. "Ang liit mo pero ang siga mo."
"Bitawan mo nga ako."
"So... bago ka nga dito?"
"Oo. Ok na?" Mataray nyang sagot.
Sabay kaming naglakad. Tahimik lang kami. Sa itsura kasi nito parang hindi siya magkukwento ng kahit ano eh. Nang malapit na kami sa unang village ay inaabangan ko siyang dumiretso pero hindi lumiko rin siya kagaya ko. Wag nyang sabihin na magkapitbahay kami nito?
Tumingin siya sa akin at automatic naman na parang ilag ang katawan ko. "Dito ka din nakatira?"
Tumango ako. "Ikaw? Dito ka din?"
Nanliit ang mga mata nya. Huminto na ako sa tapat ng bahay namin pero nakatingin lang ako sa kanya ...
"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong nya
"Naku-curious ako saan ang bahay mo."
"Sus-"
"JIWOO!" Napatingin kami sa babaeng sumigaw ng pangalan ko. "Ma?"
"Ano? Mama mo?"
"Bakit nasa kapitbahay ka Ma?!" Sigaw ko dahil medyo malayo siya.
Kumaway siya. Napatingin naman ako kay Yejin. "Mama mo? Nasa loob ng-"
"YEJIN!"
"Ma?"
"Mama mo?" Tanong ko din.
Nanggaling sa iisang bahay ang mga nanay namin and for sure sila ang bago naming kapitbahay.
Kahapon ng madaling araw
"Anak, mukang may bago na tayong kapitbahay." Sabi ni Mama habang nakadungaw sa bintana.
"Sino?"
"Ayun oh. Mukang mag ina lang din sila.
Tama sila nga yun.
Napatingin ako kay Yejin. Titig na titig siya sa akin. Sumenyas ako ng WALA AKONG ALAM
"Oh-" napatingin sa kanya si Mama. "Ikaw na siguro yung anak ni Rian..."
Ngumiti siya. "Ah... Opo. Nice to meet you po."
"Hello! Ako si Minso ang mama ni Jiwoo."
"Sabi ko na nga ba eh ... kanina lang sinasabi ko na sana magkita kayo sa school para may kaibigan si Yejin ko at hindi nga talaga ako nagkamali."
"Ma..." saway nya
"By the way ... ako nga pala si Rian ang Mama ni Yejin."
"Nice to meet you Tita."
________________________________________________________
Inaya ni Mama sina Jiwoo at Tita Minso na magmerienda sa bahay. Habang naghahanda sila ay nagpalit na muna ako ng damit sa kwarto.
Kapag minamalas ka nga naman. Tsk. Hindi nga ako nagsasama ng classmates sa bahay o kahit kaibigan ngayon naman may kapitbahay akong schoolmate. Nilamukos ko ang mukha ko sa inis.
Bumaba na ako sakto namang dating ni Jiwoo na naka short at jacket na. Tag lamig na kasi dito sa amin kaya naman madalas na jacket ang suot.
Naupo ako sa sofa sumunod naman siya.
"Namumula ka." Tinignan ko siya nang sabihin nya yun 🤨 "siguro naiinis ka kasi-"
"Fine. Hindi ko ineexpect to'."
Ngumiti siya. "Same here."
"Mga anak... tara na magmerienda na tayo." Sabi ni Tita Minso.
Kumakain lang kami habang nagkukwentuhan ang mga nanay namin.
"Jiwoo anak..." napahinto sa pagkain si Jiwoo. "Since nasa iisang school lang kayo ni Yejin... maganda sigurong iguide mo muna siya para makapagadjust agad siya."
"Po?" Gulat kong reaksyon. "Ah... eh... tita hindi na-"
"Salamat sa concern mo. Maganda rin kasing may makatulong kay Yejin sa school para naman mafamiliarize siya sa lugar."
"Ma..." saway ko. "Ok lang-"
"Sige po. No problem-" tinapakan ko ang paa nya. "Ouch!" Nagtama ang tingin namin at pinandilatan ko siya ng mata.
KINABUKASAN
"Ma, aalis na po ako."
"Ay... sige anak. Ihahatid na kita sa labas."
"Sige po."
Sabay kaming lumabas ni Mama. Nang makita namin sina Tita Minso at Jiwoo na nag uusap.
"Goodmorning!" Bati nya sa amin
"Goodmorning din." Bati ni Mama. Ngumiti lang ako. Nagkatinginan lang kami ni Jiwoo.
"Ay! Anak ! Tamang tama." Lumapit siya sa akin at hinila nya ako. "Magsabay na kayo papasok."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?"
"Wait kukuha lang ako ng helmet." Pumasok siya at mabilis na lumabas ng bahay.
"Tita, wag na po." Sinuot nya sa ulo ko ang helmet.
"Sumakay ka na. Mag ingat kayo." Mabilis niyang sabi.
Hindi kami nakaimik ni Jiwoo. Sumenyas siya na sumakay na ako sa likod.
"Ay... nako! Baka malaglag ka nyan Yejin." Kinuha ni Tita ang braso ko at iniyakap nya sa bewang ni Jiwoo. Napanganga ako. "Yan... sige na bumyahe na kayo."
Sa buong byahe ay hindi kami nag uusap. Ilang na ilang ako sa ginawa sa amin ng nanay nya. Ang kanang kamay ko ay nakayakap sa kanya ang ang isa kong kamay ay nakahawak sa palda ko. Pagdating namin sa university ay agad akong bumaba.
"Thank you."
"Welcome."
"Sige alis na ako." Akmang aalis na ako nang biglang
"Teka." Hinila nya ako pabalik. Napaharap ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. "Yung helmet."
"Ay.. so-" inangat nya ang kamay nya para tanggalin ang suot kong helmet.
"Sumabay ka mamaya ah."
"Ah... hindi na. Ok lang ako. Umuwi ka na mamaya. Sige ingat ka."
"Sumabay ka na."
"Hindi na nga." Tumakbo na ako palayo.
________________________________________________________
"Tsk. Ang pride talaga ng taong yun." Bulong ko habang pinagmamasdan siyang tumatakbo palayo.
"Wow! Wow! Wow!" May tumapik sa balikat ko. Si Kyun. "Nakabalik na pala tong' baby mo."
"Oo."
"At mukang may bitbit ka ding baby kanina." 😏😏😏😏
Ngumiti ako ng pilit . "Chismoso." Bulong ko.
"Sino yun? College? Highschool? Or Elem?"
"Sana may elementary dito." Sagot ko.
"Mukhang may pagseselosan na si Lianne ah." Hindi ako sumagot. Basta dirediretso lang ako sa room ko. Wala akong panahon makinig sa mga pang aasar nya.
-
Lunch Time
Kumakain kami ni Kyun.
"Miss Lianne, sobrang ganda nyo po." Sabi ng isang estudyante sa di kalayuan.
Tuloy tuloy lang ako sa pagkain nang mahinang sipain ni Kyun ang binti ko. Huminto ako at tumingin sa kanya.
Nginuso nya si Lianne.
"Pwede bang kumain ka nalang."
"Hi Jiwoo." Inangat ko ang tingin ko. Ngumiti lang ako.
"Ah... eh... sige maiwan ko muna kayo ah." Sabi ni Kyun na akmang tatayo na pero pinigilan ko
"Maupo ka dyan."
"Tapos na ko."
"Tapos? Kakasimula palang natin eh."
Napapatingin sa amin si Lianne. "Oh-kay. Makikijoin nalang ako sainyo." Hindi ako nagsalita. Nagtatama ang tingin namin ni Kyun.
Phone ringing: Mama ...
"Excuse me." Sabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Mama. "Hello Ma."
"Hello anak... kasabay mo ba si Yejin mamaya?"
"Ha? Ah... eh... Ma, sabi nya kasi hindi na daw-"
"Isabay mo na siya ok. Dito sila magdidinner sa bahay."
"Ah... ganun po ba? Sige po."
Pagbaba ko ng cellphone ay nakatingin sa akin ang dalawa. "Bakit?" Tanong ko.
"Sinong tinutukoy mo na hindi siya sasabay?"
"Wala." Tumingin ako sa wristwatch ko. "Kyun.. mauna na ako ah. May klase pa kasi ako." Kinuha ko na ang bag ko at agad na umalis
___________________________________________________________
Nagkatinginan kami ni Kyun pagkatapos umalis ni Jiwoo. Huminga ako ng malalim sabay tingin ng matalim sa kanya.
"May tinatago ka ba sa akin?"
"Ha? Anong tinatago?"
"Sino yung tinutukoy ni Jiwoo sa phone kanina?"
"Wa-wala yun. Ano ka ba?"
"Kyun... wag mo kong pinagloloko. Malalaman ko rin yan."
"Ah... eh... may kasama kasi siyang babae kanina pagpasok nya." Tumaas ang kilay ko. "Hindi ko lang nakita yung mukha pero sigurado akong babae yung angkas nya kanina sa motor."
Babae? Tumayo ako. "Ok. Sige bye." Maarte kong paalam sa kanya.
Malalaman ko rin kung sino yan ... Jiwoo.
__________________________________________________________
Binabalik ko ang mga librong ginamit ko sa library. Tumingin ako sa wristwatch ko "5 pm na pala."
"Ok na po Mr. Kang Jiwoo." Sabi ng librarian
"Thank you."
Iniisip ko kung sasabay sakin yung babaeng yun. Tsk. Hayst ... bahala na nga. Nagpunta na ako sa building nila kung saan malapit na naka park ang motor ko.
Nakita ko syang nakikipag usap sa classmate nya.
__________________________________________________________
Dismissal Time
Binitbit ko na ang bag ko at lumabas na ng room para umuwi.
"Yejin!" Napalingon ako nang may tumawag sa akin. "pahiram naman ako ng notes mo may mga hindi kasi ako nasulat eh." Sabi ng classmate kong si Rica.
"Sure." Kinuha ko sa bag ko ang notebook at inabot sa kanya.
"Thank you. Ibabalik-" nahinto siya nang biglang may humila sa akin.
"Tara na."
"Jiwoo?!" Nanlaki ang mata ko nang biglang sumulpot tong' lalaki na to' out of nowhere. "Wait lang nga!" Kumalas ako sa pagkakahawak nya. "Ano bang ginagawa mo dito? Eh... diba sabi ko sayo hindi ako sasabay."
"Oo. Eh kaso ... nag usap kami ng Mama ko na isabay daw kita kaya tara na." Hinila nya ang bag ko at hinila ko rin ako.
"Bitawan mo." Sabi ko
"Bitawan mo rin." Sagot nya.
Aba! Loko tong' lalaking to' ah. Tsk. Hinila nya ito ng malakas dahilan para mabitawan ko ang bag. Binuksan nya ito na parang may hinahanap. "Anong ginagawa mo?"
Inangat nya ang kamay nya na hawak ang wallet ko. Nanlaki ang mga mata ko. "Sumabay ka na para makuha mo." Sinugod ko siya at tinalon ang wallet ko pero masyado siyang matangkad para maabot ko ito. Tumakbo siya hanggang sa makarating kami sa parking kung nasaan ang motor nya. Ngumiti sya ng nakakaasar. "Kapag di ka sumabay ipapasok ko tong' wallet mo dito." Tinuro nya ang pantalon nya.
"Ano?! Tsk! Alam mo nakakadiri ka ! Hindi mo kayang-" inipit nya ang wallet ko sa may pants nya. "JIWOO!"
Tumawa siya ng malakas. Tumayo siya at hinila nya ako. Pinaupo sa motor nya. Nilapit nya ang mukha nya. "Sorry." Bulong nya. Natigil ako sa pagmumukmok. "Gusto ka siguro talaga ni Mama." Napatingin ako sa kanya. "Nakikita mo naman diba? Nag iisang anak lang ako. Gusto talaga ni Mama ng baby girl kaya siguro ganito siya sayo." Hindi na ako nakaimik pa. Lumayo siya ng kaunti sa akin. Hinubad nya ang jacket nya ay tinakip sa legs ko. Napatingin ako sa kanya. Pinulupot nya ang kamay ng jacket sa likod ng bewang ko. At sumakay na sa motor.
Tahimik kami sa byahe hanggang sa nakarating na kami sa Bahay. Bumaba ako sa motor at inalis ang jacket. Inabot ko sa kanya. "Oh." Tinignan nya ako. "Sorry." Sabi ko na hindi lumilingon sa kanya. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na ngumiti siya. Kinuha ko nya ang wallet ko sa pantalon nya.
"Sorry din." Ibinigay nya sa akin ang wallet ko.
"Tsk." Singhal ko. "Kadiri na to'." Bulong ko
Tumawa siya. "Pumasok ka na."
__________________________________________________________
Papalapit na ako sa pinto para kumatok nang makita ko si Mama na nakasilip sa bintana at nagtatago sa may kurtina. Natawa ako. Si Mama talaga oh... kinatok ko siya sa may bintana at kumaway. Pumasok na ako. Sinalubong nya ako na may malaki siyang ngiti.
"Anak, mukhang nagkakasundo kayo ni Yejin ah."
Ngumiti lang ako. "Siguro ma."
"Anong siguro? Bakit-"
"Ma... bata pa yun."
"Alam mo anak, may right time naman na tinatawag. Malay mo kayo talaga."
Si Mama talaga Haha! Umakyat na ako para magbihis ng maalala ko yung nangyari kanina. Naupo ako sa kama. Napatingin ako sa jacket na pinahiram ko sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko. "Ano ba to'? Kaba o ano? Tsk."
__________________________________________________________
"Soo Ye Jin. Yan ang pangalan nya." Sabi sa akin ni Rica. "Transferee siya dito isa siyang 2nd year highschool."
"Ano? Ka-batch mo lang?"
Tumango si Rica. "Oo Ms. Lianne."
Sabi ko na nga ba Jiwoo... malalaman ko din kung sino siya. Tumaas ang kilay ko.
Maaga pa ay nakatayo na ako sa 3rd floor ng building habang nakatitig sa parking lot ng school. Di naman nagtagal Dumating na si Jiwoo angkas ang babaeng tinutukoy ni Kyun. Parang tila kumukulo ang dugo ko pag nakikita ko sila. Inayos ko ang sarili ko. Bumaba ako para salubungin si Jiwoo.
"Hi." Masaya kong bati
"Hi." Sagot nya na hindi manlang ako nililingon.
"Nga pala Jiwoo..." humarap siya. Inalis ang headset na nakasuksok sa tenga nya. "Malapit na ang birthday ko..." tinignan nya ako na parang naghihintay ng sunod kong sasabihin. "It's my 18th birthday and I want you to be my escort."
Ngumiti siya. With that kind of smile I know hindi nya ako mahihindian "Titignan ko." Nawala ang ngiti ko sa sinabi nya.
"Ano?" Hindi ako makapaniwala sa sagot nya. "What do you mean titignan mo?"
"Titignan ko kung pwede ako nyan."
"Busy ka ba?"
Tumalikod siya at umalis na. Hayst ... alam ko cold talaga siya sa akin kahit nung bagong kakakilala lang namin sa isa't isa. Pero kung gaano siya ka cold dati maslumala pa ngayon.
-
"Ano Lianne? Pumayag ba si Jiwoo?" Tanong ni Chona.
Ngumiti ako. "Oo naman. Si Jiwoo pa ba? Hindi ako mahihindian nun."
"Ooohhh... ang swerte mo talaga."
Yes. Nagsinungaling ako. Bakit ko naman aaminin na hindi pumayag si Jiwoo sa alok ko na maging escort ko siya? Ayokong magmukhang kawawa. All I have to do is to make ways para mag oo siya sa gusto ko.
__________________________________________________________
Nakaupo ako sa loob ng cubicle nang marinig ko ang mga babae na tila pumasok din sa CR.
"Napapansin nyo... laging nandito si Kang Jiwoo?"
Kang Jiwoo? As in yung Jiwoo na kilala ko?
"Oo nga. Napapansin ko din yan."
"Diba siya yung gwapong engineering student dun kabilang building?"
Gwapo ba yun? Eh... parang hindi naman.
"Oo. And take note ... running for Sumacumlaude siya."
"Talaga?"
Oh? Talaga? Matalino pala yung loko na yun?
"Oo. Gwapo na, matalino pa. Lahat ng gusto ng mga babae sa isang lalaki nasakanya na."
"Ang swerte naman ng babaeng makakabingwit dun."
"Hindi ba sila ni Bo Lianne?"
BO LIANNE? Narinig ko na ba yun sa kung saan? Tumayo ako at lumabas na ng cubicle. Napatingin ang tatlong babae sa akin. Tinignan nila ako hanggang makalabas ng CR. Anong meron?
"UY!"
"AYY!" sigaw ko. Tumawa siya ng malakas.
"Ano bang iniinom mo? Gatas o kape? 😂😂"
"Ano bang ginagawa mo dito?!" Tsk. Ito ba yung gwapo? Matalino? Akala mo hearthrob. Tsk.
"Yayayain sana kitang kumain."
"Ayoko. Busog ako."
"Arte mo naman. Sige ka gagawa ako ng-"
"Ano?" Nanglaki ang mata ko sa sumunod nyang ginawa. "JIWOO! Ibaba mo nga ako!"
"Kakain tayo." 😂😂😂😂
"Anong meron dito?" Natigil kami nang may nagsalita.
Sino yun? Hindi ko makita kasi puro likod ni Jiwoo ang nakikita ko. Hinampas hampas ko ang likod nya para ibaba nya ako. Dahan dahan nya akong binaba. Pagharap ko ay isang magandang babae pala ang nagsalita.
"Is this a playground?"
"Kasalanan mo to'." Bulong ko.
"And you? What's your name?" Masungit na tanong nya
"Ah... eh..." lumapit siya at hinawakan nya ang id lace ko pero pinigilan siya ni Jiwoo.
"Wala siyang kasalanan."
"Jiwoo, graduating ka na and you should know your place. Running for sumacumlaude ka pa naman. Nag eexpect ang school natin ng maayos na attitude galing sayo."
"Tutal sayo na nanggaling yan then... " tinanggal nya ang i.d nya. Nilagay nya ito sa kamay ng babae. "Take this instead." Dun ko lang nakitang sobrang seryoso ni Jiwoo. "Ok na Ms. Bo Lianne?"
Ano? Siya si Bo Lianne? Nakita ko ang pagtalim ng mata ng babaeng ito. Binitawan nya ang i.d ko saka ako hinila ni Jiwoo paalis.
"Siya ba si Bo Lianne?" Tanong ko. Tumango siya pero parang walang nangyari. Dumikit ako sa kanya. "Diba kayo nun?"
"Ano?!" Nagulat ako. "Sinong baliw na nagsabi nyan?"
"Narinig ko lang kanina sa cubicle."
"Tsk. Wag kang magpapaniwala sa mga chismis dyan sa inyo. Wala akong girlfriend nu."
"Sus... dinideny mo pa. Ok lang naman. Siguro may LQ kayo nu."
Tinignan nya ako. "Kapag di ka tumigil bubuhatin ulit kita."
Nanahimik ako.
__________________________________________________________
"Jiwoo ... mag grocery ka naman anak."
"Sige Ma." Tumayo ako mula sa sofa saka lumapit kay Mama para kunin ang pera pambili.
"Mag ingat ka sa paglalakad. Gabi na."
"Opo ma." Inabot nya sa akin ang pera at listahan ng mga bibilhin.
Namimili ako sa grocery. Wala na masyadong tao kaya naman wala ng nakapila sa may cashier.
"Ito po Ma'am. Balik po kayo." Parang familiar sa akin yung customer na yun ah. Si Yejin ba yun?" Pag alis nya ay agad kong binayaran lahat ng binili ko.
"Miss... pwede pakibilisan?" Marahan kong pakiusap sa babae. Natapos naman agad. Ako na kasi nagsupot nung mga binili ko. 😂😂 tumakbo ako para habulin si Yejin pero iba ang nadatnan ko.
"Bitawan nyo ko." May apat na lalaki na nakapalibot sa kanya. Teka.. masasamang loob tong mga kumag na to' ah. Ang isa ay nakahawak sa braso ni Yejin. "Sabi ko bitawan nyo ko."
"Eh kung ayaw namen!" Sigaw ng isa. Lalapit na sana ako nang magsalita siya ulit.
"Ayaw nyong makinig ah." Sinipa nya ang mukha ng isa at binalibag nya ang lalaking nakahawak sa braso nya.
"OHHHH!!!!" Para akong nanunuod ng action movie sa mga sumunod na eksena. Napanganga ako sa nakita ko. Nang tumumba na ang apat ay nagkatinginan kami ni Yejin
"JIWOO?!"
😦😦😦😦😦