webnovel

Chapter 94 Abnormalities

((( Monina POV's )))

"Abnormal!" kasi, ano na nga lang ba ang masasabi mo sa papansin na Manyak na ito?! Hinablot na naman ang camera ko?! Pangulo talaga siya sa oras ko!

Ako itong pilit na nagpapaka-normal sa paligid na ubod naman ang ka-abnormalan?! Wala na ba talaga siyang magawa sa buhay niya?!

"I'm not." sagot niya pabalik, habang tinitignan kung ano ba ang mga kinuha ko na naman. Iniiwasan niya ang pilit kong pagkuha ng camera ko. Tuloy para na kaming napapasayaw.

Anong kinain niya? Mantrip sagad!

"Ibalik mo sa akin ang camera ko!"

"Your good." kumento niya sa mga kinuha ko atang larawan.

Hehehe. Syempre naman.

"Your good at spying goodlooking person." at pinakita sa akin si Justin Sy.

"Wag ka nang magpapaki-alam! Mind your own business Manyak!"

"Di ka pa natuto kahapon?" titig niya sa akin. Mata niya nagbabanta na naman.

Tungkol ba ito sa pagtawag ko ng Manyak sa kanya? Ahhh. Okie. Wag mo lang halikan ako. At irereport na talaga kita Cedrick sa mga pulis!

"Balik mo na sa akin Mister Cedrick ang camera ko? Di mo naman yan diba?"

Normal kong titig sa mukha niya. Ngunit ng magkasalubongan titig namin. Naalala ko lahat na pakiramdam ng halikan niya ako ng ilang ulit sa restaurant.

Puso kong sagad na kumakabog. Pisngi ko na umiinit na naman. Letche naman oh! Bakit ka ganito sarili ko. Self-control tayo. Bawal mainlove! Lalo na sa mga taong kagaya niya na ubod nga kagandang lalaki pero di maitatangi ang ka-abnormalan niya. Plus galit sa mundo. At ako na lang ata ang nakikita niyang pagtripan.

Karma ko na ata ito. Dahil nagbebenta nga ako ng mga larawan na kagaya niya na wala man lang ka-alam alam.

Kaya napatalikod ako sa kanya. Napasampal-sampal ako sa pisngi ko.

Di ko na nakontrol sarili, napatakbo ako pabalik ng bahay niya.

Nagulat din ata sa ginawa ko si Cedrick. Oo, wag na Manyak, dahil kasalanan ko din naman kung bakit nawala ang kina-ingat-ingatan kong first kiss. Oo, nasa modern world na tayo. Ngunit di pwedeng magpadala sa sinasabi nga nilang modern na ang lahat.

Mahalaga parin ang unang halik. Maging proud kayo na wala pang nakakahalik sa inyo!

Ahhhh!

Kakainis ka naman karma! Bakit parang narealize ko na ako nga ang kinakarma?!

Jusko po!

Wag sa mamaw na yun. Ang abnormal niya, promise!

Di ko napansin si Secretary Lee. Mike pangalan niya. Sa nasanay akong tawagin siyang Secretary Lee dahil yun ang tawag ni Cedrick sa kanya.

Wala sana akong preno na lagpasan siya, ng hinigit ang kamay ko ng isang malakas na kamay.

Yung isa pang hunk na nakatira sa bahay na ito. Nakikita ko na siya sa paligid.

Isa pa ata siya sa tauhan ni Cedrick.

"Why are you running?" si Mike ang nagtatanong sa akin. Napatitig lang ako sa lalaking di ata magsasalita. Parang kapatid ni Rhoa.

"Ayokong atupagin ang kamanyakan niya." sagot ko kay Secretary Lee na di ako biibitiwan ng lalaki.

Nanlaki na lang ang mga mata ko, dahil ilang hakbang na lang palapit na si Cedrick.

Wala siyang dalang camera?

Asaan ang camera ko?

"Ka-camera ko?" ng nasa harapan na namin siya.

"Your trash? I don't know. And why are you running back at me?"

Di ko alam ang mararamdaman. Camera ko, kung tinapon niya sa dagat, edi wow. Di po ako reach kid para magkaroon ng water proof na camera. Wala pa po akong balak na kumuha ng larawan sa ilalim ng dagat.

"Wag mong sasabihin na tinapon mo?" diretsa kong tanong.

"Well, baka nga maging treasure pa yun ng mga isda diba?"

"Cedrick!" sigaw ko ng pangalan niya! Di na manyak ha! Sumusobra na siya! Akala ba niya natutuwa ako sa ginagawa niyang ito?! Pwes hindi!

"Bitawan mo ako!" hila ko ng kamay sa may hawak sa akin. Nagulat ata, at nabitawan ako. Si Cedrick di makapagsalita.

Opo! Galit na ako!

Mabait ako pero napupuno din!

Hanap buhay ko ang sinasabi niyang basura!

Ikaw na mayaman!

Tumalikod ako sa kanila. Saka nga bumalik sa dalampasigan.

Hinanap kung saan ko ba siya iniwan. Alam kong tinapon niya yun. Napa-estimate ako kung saan nga banda maaring tinapon.

Naiinis ako sa kanya grabe?! Bakit ang daming taong pahirap sa mundong ito! Bwisit!

Buhay ko ang camerang yun! Dugo at pawis. Gutom ang tiniis ko para mabili lang yun. Kahit nga secondhand camera.

Nakakainis!

Lumusong na ako sa tubig. Naiiyak na nga ako. Kinakapa ang buhangin ng dagat. Naiinis ako!

Hi Readers!

Thank you so much sa supporta.

Please do vote this Novel. Love this novel. Recommend to other. Rate 5 star. Para masaya si Author.

Hantayin natin ang announcement ng mga the best reader ng book na ito

Review and Comment! Have a blast everyone!

International_Pencreators' thoughts
Bab berikutnya