webnovel

SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 18

Perzeus's POV

BUHAT-BUHAT ko ngayon si Ran habang pauwi kami sa bahay nila matapos siyang mawalan ng malay kaninang kausap ko siya. Mas binilisan ko pa ang pagtalon-talon ko sa mga gusali para madali akong makarating sa bahay nila dahil napansin kong namumutla na si Ran. Nakita ko ring may dugo sa tagiliran niya nang mamataan ko siyang bumagsak sa sahig kanina.

Nang nasa harap kami ng bahay nila ay agad ko siyang pinasok sa loob nang may nagsalita sa likod ko.

"Sino ka? Bakit ka nakapasok sa pamamahay ko?"

Nilingon ko naman iyong nagsalita.

"Perzeus?" nagtatakang tanong nito. "Akala ko ba nasa Vampire Island ka?"

"Mamaya na po ako magpapaliwanag, Tito. Mas kailangan ni Ran na magamot," sabi ko sa kaniya. "Bigla po kasi siyang nawalan ng malay at saka namumutla po siya."

"Sige, dalhin mo siya sa kwarto niya at isusunod ko ang mga gamot na kakailanganin," sabi ni Tito Vincent at saka siya pumunta sa kwarto nito.

Agad ko namang sinunod ang bilin nito na ilagay ko sa kwarto si Ran. Nang pinahiga ko na siya sa kama nito ay tinaas ko ang damit niya para tingnan kung malaki ba ang kaniyang sugat.

"Bakit? Among nangyari"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang pumasok si Tito Vincent na may dala-dalang maliit na palanggana na may lamang tubig at bimpo na malinis. May hawak din itong gamot. Hindi ko alam kung anong gamot iyon at kung para saan.

"Noong umalis ka, Perzeus sinubukan ni Ran na sundan ka sa Vampire Island kaso sa pagsunod niya sa'yo ay may mga taong bayan na nalaman kung ano siya kaya naman hindi namin inaasahan ang nangyari sa kaniya. May sumaksak kay Ran. Hindi namin alam na ang ginamit palang  kutsilyo para saksakin siya ay may lason kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin magaling si Ran. Nasa katawan pa rin niya ang lason, "kwento ni Tito Vincent.

"Hindi po ba siya tiningnan ni Uncle Tommy?" tanong ko. "Naggagamot naman po siya, hindi ba?"

Umiling ito. "Kahit anong gawin ng Uncle Tommy mo ay hindi niya pa rin matanggal ang lason dahil sobrang lakas nito. Kaya naman pangpawala lang ng sakit ang kaya niyang ibigay kay Ran," sabi ni Tito Vincent habang pinupunasan nito si Ran sa mukha.

Mabuti na lang at bumalik na muli ang kulay ni Ran at hindi na gaya kanina na namumutla siya. Habang nililinisan ni Tito Vincent ang anak ay tinanong nito ako. "Akala ko nasa Vampire Island ka ngayon?"

Umupo naman ako sa upuan malapit sa pinto bago nagsalita. "Mahaba pong kwento," sagot ko.

"Akala ko ba may sakit ka? Bakit mukha ka namang okay sa kalagayan mo ngayon," sabi nito at tiningnan ako.

Bumuga naman ako nang hangin. "Sana nga po may sakit pa rin ako, eh pero hindi. Gumaling ako dahil may tumulong sa akin," sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pauwi ako noon sa Vampire Island nang araw na nagpaalam ako kay Uncle Tommy. Aalis na ako pabalik ng Vampire Island nang mawalan ako ng malay sa harap ng bar. Akala ko noon katapusan ko na dahil nagdilim ang paningin at wala akong maramdaman pero nagulat na lamang ako nang magising ako at humihinga pa rin," kwento ko sa rito.

"Mabuti naman kung gano'n," wika nito at nilalagyan na nito ng gamot ang sugat ni Ran.

Habang nakatingin ako kina Tito Vincent at Ran ay napalingon naman ako sa babaeng pumasok sa kwarto.

"Tito, bakit anong nangyari kay Ran?" tanong nito habang tumataas baba ang dibdib nito. Tumakbo siguro siya papunta rito.

"Nawalan na naman siya ng malay, Keith," sagot ni Tito Vincent.

Bago siya tuluyang makapasok sa kwarto ay napalingon siya sa gawi ko.

"Perzeus?" nagtatakang tanong nito.

Tumango lang ako.

Pumasok naman siya ng kwarto at umupo sa katabi kong upuan. Habang nakaupo ito sa tabi ko ay nagkwento siya tungkol sa pagkakasaksak ni Ran at kung sino ang sumaksak dito.

"Sobrang galit ko noong makita kong sinaksak si Ran at lalo pa akong nagalit nang malaman kong nag-aaral pala sa paaralan kung saan kami nag-aaral ni Ran ang sumaksak sa kaniya. Noong araw na sinabi sa akin ni Ran na ang Gio ang sumaksak sa kaniya ay parang gusto ko rin iyong saksakin. Anong problema niya at sinaksak niya si Ran?" Nagtatagis ang bagang na kwento ni Keith.

Napakunot-noo naman ako nang marinig ko ang pangalang binanggit ni Keith.

"Si Gio Concepcion ba ang tinutukoy mo?" tanong ko sa kaniya.

Tumango naman ito.

"Kilala mo ang gagong lalaki na iyon?" tanong sa akin ni Keith.

Tumango akong muli.

"Paano?"

"Kapatid ko siya," sagot ko.

Nabitiwan naman nito ang hawak na telepono. "Wow!" napatawa nang mahina si Ran. "Ang kapal naman ng mukha ng kapatid mo para saksakin si Ran!" sigaw nito kaya napatingin sa gawi namin si Tito Vincent. "Buti may lakas ka pa ng loob na pumunta rito, eh may kasalanan na nga ang kapatid mo sa kaibigan mo."

Tumayo naman si Tito Vincent at lumapit sa kinaroroonan namin ni Keith. "Anong ibig mong sabihin, Perzeus? May kapatid ka?" tanong sa akin ni Tito. "Alam mo rin ba kung bakit sinaksak ng kapatid mo si Ran?"

"Hindi ko siya tunay na kapatid. "Anak siya ng kinakasama ng ama ko na tao. Hindi bampira si Gio, tao siya kagaya ninyo. At hindi ko alam na siya ang sumaksak kay Ran. Mabait si Gio. Hindi niya magagawa ang bagay na iyon," sabi ko sa kanila.

"Paano ka nakasisiguro, Perzeus?" tanong sa akin ni Keith.

"Kasi mabait siya. Hindi niya kayang sumaksak"

"Kahit gaano pa kabait ang isang tao, Perzeus kaya niya pa ring manakit at pumatay," saad ni Keith.

Napabuga ako ng hangin. "Baka napag-utusan lang siya. Kasi tandang-tanda ko pa noong nasa bahay niya ako noong mga panahon na ginamot niya ako. Siya ang nakakita sa akin sa labas ng bar ni Uncle Tommy. Lagi rin niyang sinasabi na sana mapatawad ko siya sa ginawa niya. Wala akong kaideideya sa nangyari kay Ran. Simula pa kasi noon, matagal ng kilala ni Gio si Ran dahil pinapakilala ko siya sa picture ni Ran. Kaya naniniwala akong napag-utusan lang ang kapatid ko," sabi ko sa kanila.

Hindi sila umimik.

"Sige, uuwi na po muna ako para kausapin ang kapatid ko"

"Ran!" sigaw ni Keith at napatakbo ito sa kinaroroonan ni Ran. "Tito! Si Ran!"

Agad namang tumakbo si tito at tiningnan si Ran. Lumapit din ako sa kanila. Nagulat ako nang makita kong nanginginig si Ran. "Tawagan mo si Tommy!" sigaw ni Tito Vincent kay Keith. Nilabas naman nito ang telepono at tinawagan si Uncle Tommy.

"Tito, hindi ko siya ma-contact."

Napatingin naman sa gawi ko si Tito Vincent. "Perzeus," nagmamakaawa ang mga mata nito na nakatingin sa akin.

Nginitian ko naman sila. "Babalik ako kasama si Uncle Tommy," sabi ko sa kanila at tumalon sa bintana ng kwarto ni Ran.

Mabilis akong nakarating sa bar ni Uncle Tommy kaya naman agad akong pumasok dito.

"Si Uncle Tommy?" tanong ko sa lalaking nasa bar counter. "Nasa loob po ng office niya, sir."

Agad naman akong pumunta sa office nito at nadatnan ko itong nakatingin sa labas ng bintana.

"Uncle Tommy," tawag ko sa kaniya. Gulat na napalingon ito sa akin. "Kailangan ka ngayon sa bahay nila Ran kasi na"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang nagmamadali itong lumabas ng opisina. Hinabol ko naman siya. "Uncle, ano bang nangyayari? Bakit ka nagmamadali? Bakit gano'n ang nangyayari kay Ran?" tanong ko habang nakasunod ako sa kaniya palabas ng bar.

Hinarap niya ako.

"Mamamatay si Ran kung hindi agad ako makararating doon, Perzeus!"

Napatigil ako sa narinig ko.

NAKATINGIN LANG ako kay Ran na nakahiga sa kama. Wala siyang kakulay-kulay. Ang putla-putla at ang labi niya ay nagkakaroon na ng maliliit na sugat at halos kulay lila na ang labi.

Nasa baba ngayon si Tito Vincent at nagluluto kasama si Keith kaya naman kaming dalawa lang ni Uncle Tommy ang naiwan sa kwarto at binabantayan si Ran.

"Wala na ba talagang paraan para mailigtas si Ran?" tanong ko rito.

Umiling naman ito. "Ginawa ko na ang lahat-lahat pero malakas talaga ang lason na kumapit sa katawan ni Ran. Mabilis itong kumalat sa buong katawan niya. At kahit ilang gamot pa ang iturok ko sa kaniya ay hindi niya kayang labanan ang lason, "sabi ni Uncle Tommy at hinawakan ang kamay ni Ran. "P'wede ring maapektuhan ang ibang parte ng katawan niya dahil sa lason na nasa katawan niya ngayon."

"Gagaling pa naman siya, `di ba? `Di ba, Uncle?" naiiyak na tanong ko sa kaniya.

"Hindi natin alam, Perzeus. Manalangin na lang tayo na sana gumaling pa siya," sabi ni Uncle habang hinahaplos nito ang pisngi ni Ran.

Lumabas na muna ako sa kwarto at pumunta sa kusina para tulungan sina Keith at Rito Vincent. Habang palapit ako sa kusina ay naririnig kong magkausap sina Keith at Tito Vincent.

"Kasalan ko ito, Keith. Kung hindi ko sana siya pinayagan na pumuntang Vampire Island, eh `di, sana walang iniindang karamdaman ngayon si Ran," ani Tito Vincent.

"Tito, huwag mong sisihin ang sarili mo," saad naman ni Keith.

"Kasalanan ko, Keith," humihikbing saad ni Tito Vincent. "Kanina sa school ay nadulas siya dahil sa timbang nakakalat sa hallway na gamit ko sa paglilinis."

"Naglilinis po kayo sa school?!" nagtatakang tanong nito. "Alam po ba ni Ran?"

"Hindi. Kanina lamang niya nalaman," sagot nito. "Tinago ko na nagtatrabaho ako sa paaralan ninyo dahil alam kong magagalit sa akin si Ran kung sinabi ko sa kaniya ang totoo."

"Ano pong totoo?"

"Nakipagkasundo kasi ako sa tatay ni Atoz na papasukin si Ran sa paaralan kahit na anong trabaho ang ibigay niya sa akin. Ayaw ko namang nakikitang malungkot ang anak ko habang nandito siya sa bahay. Alam kong masaya siya kapag kayo ang kasama niya."

"Tito..."

"Keith, nagsisisi ako. Sana pala hindi na ako pumayag sa kasunduan namin ng tatay ni Atoz. Sa ilang araw niyang pagpasok sa paaralan lagi ko siyang nakikitang umiiyak pag-uwi. Wala na ang matatamis na ngiti niya. Lagi nitsng sinasabi sa akin na gusto niyang maka-usap si Atoz pero nilalayuan siya nito," sabi ni tito.

Hindi na ako tumuloy pa sa kusina at napag-isipan ko na lamang na lumabas at pumunta sa bar ni Uncle Tommy. Magpapakalasing ako para kalimutan lahat ng sakit. Gusto kong ialis sa isip ko na walang malubhang sakit si Ran. Na gagaling pa siya.

Abala ako sa pag-inom ng alak nang mapatingin ako sa lalaking nasa kaliwa ko na umiinom.

Si Atoz iyon, ah!

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya.

"Atoz," tawag ko sa kanIya dahilan para mapalingon ito sa akin.

"Oh, ikaw pala. Nagbalik ka na." Mapait na ngumiti ito sa akin.

Alam kong galit siya sa akin kasi bumalik na ako. Alam kong nakita niya ang pagyakap sa akin ni Ran kanina. Alam kong nasa loob pa siya ng classroom nila kanina. Nakita ko kasing may nakatayo sa likod ng pinto.

"Gusto kang kausapin ni Ran," saad ko.

Napatingin naman siya sa akin at tumawa nang mapakla.

Iyon kasi ang sinabi sa akin ni Ran kaninang kausap ko siya sa paaralan. Iyon lang daw ang tanging hiling niya bago siya magpahinga.

"Para saan pa?" tanong ni Atoz kasabay na tumulo ang luha niya. "Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kaniya. Kasalanan ko kung bakit naghihirap siya ngayon," umiiyak na saad niya.

"Wala kang kasalanan sa ginawa ng tatay mo, Atoz," sabi ko sa kaniya.

Habang binabantayan ko si Ran kanina ay tumawag sa akin ang kapatid ko na si Gio. Sinabi niya lahat sa akin ang nangyari. Napag-utusan lang daw siya ng tatay ni Atoz at nagsisisi siyang sinunod ito.

"Sana ako na lang ang nasaksak para hindi naghihirap si Ran. Ilang taon siyang naghirap sa mga masasakit na salita na binabato sa kaniya ng mga tao tapos ngayon ito lalo pa siyang naghihirap dahil sa kalagayan niya," sabi ni Atoz sa akin. "Kung may magagawa lang sana ako."

"May magagawa ka pa."

"Ano?" tanong niya sa akin.

"Pumunta ka sa bahay nila at kausapin mo siya," sabi ko sa kaniya at tumayo na. "Iyon lang ang gusto ni Ran. Ang kausapin mo siya."

"Pero"

"Walang mangyayari kung hindi mo susubukan." Pagkasabi ko noon ay lumabas na ako ng bar.

Atoz's POV

"RAN, MAMASYAL naman tayo para hindi ka laging nagmumukmok dito sa bahay ninyo." Pangungulit sa kaniya ni Keith.

Napatingin naman ako kay Ran na natawa nang mahina. "Kayo na lang," sabi nito. "Ano namang gagawin ko roon kung bulag na ako? Wala ring silbi kahit napakaganda ng lugar kung hindi ko naman makita." Ngumiti ito ngunit mahahalata ang pagiging malungkot.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luhang gustong tumulo sa mga pisngi ko. Nandito ako sa bahay nila Ran para bisitahin siya at kumustahin.

Oo, masakit para sa akin na makitang bulag na si Ran. Kung alam ko lang sana na mangyayari noon iyon sa kaniya, eh hindi sana pala inilayo ko na siya noon pa sa lugar na ito.

Sinabi kasi sa akin ni Perzeus na may posibilidad na maapektuhan ang ibang parte ng katawan niya dahil sa lason na nasa katawan niya ngayon. At ito nga. Nabulag siya dahil hindi natanggal ang lason na nasa kaniyang katawan.

"Ran," tawag sa kaniya ni Keith.

Umayos naman ng upo si Ran at dahan-dahan na itinaas ang kamay para hawakan ang mukha ni Keith. Dahil hindi niya makita kung nasaan si Keith ay si Keith na mismo ang nagdala ng kamay ni Ran sa pisngi nito.

"Keith," haplos nito sa pisngi ni Keith. "Alam naman nating pareho na mawawala na ako, `di ba? Kaya bakit mag-aaksaya pa tayo ng panahon para mamasyal kung saan hindi ko naman makita ang lugar? Mas mabuti na ito na nakakausap kita... kayo," sabi niya at tumulo ang mga luha. "Hindi natin alam kung kailan Niya ako kukuhanin. Nanghihina na ako."

Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luhang kanina pa gustong kumawala. Simula nang kinausap ako ni Perzeus sa bar ng Uncle ni Ran ay may pakiramdam na ako na may kakaibang nangyayari pero hindi ko na lang pinansin pa.

Ilang araw na rin na hindi pumapasok si Ran simula noong nagkausap kami ni Perzeus noong gabing iyon. Kung tatanungin ko naman si Keith ay lagi naman nitong sinasabi na may sakit daw si Ran kaya hindi pa siya makakapasok.

Ilang araw na ganoon ang rason ni Keith. Napag-isipan ko na lang na dalawin si Ran kung totoo bang may sakit ito o nagpapanggap lang siya dahil may pakiramdam akong may mali sa mga kinikilos ni Keith sa tuwing tatanungin ko sa kaniya si Ran.

Nang makita ko si Ran ay tila isa akong kandila na nauupos. Nanghihina ako.

Parang hindi siya ang nasa harap ko. Ang payat na niya. May mga pasa rin siya sa katawan at maraming sugat ang bibig. Hindi kasi siya naka-jacket kaya kitang-kita ko ang mga iilang pasa na nasa braso niya.

"Papa?" tawag ni Ran. "Ikaw ba iyan? Kasama mo na ba si Atoz?" sabi niya at umalis sa kama. May kinuha naman siyang tungkod sa gilid ng kama nang tumayo at naglakad palapit sa direksiyon namin.

Gusto kong umiyak.

Bakit ganito? Anong nangyari sa kaniya? Bakit bulag na siya?

Nang makalapit siya sa amin ay inabot niya ang aking mukha. Hindi ako makagalaw. Napakunot naman siya ng noo nang mahawakan niya ang mukha ko.

"Papa, nag-shave ka ba? Bakit ang kinis na ng mukha mo?" tanong niya habang hinahaplos ang aking mukha.

Hindi sumagot si Tito Vincent.

Lumapit naman si Ran sa akin at inilapit niya ang kaniyang mukha sa dibdib ko at sinimulang amuyin iyon.

Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak at dinuro sa akin ang hawak na tungkod.

"S-sino ka?!" sigaw nito. "Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" tanong niya.

Humakbang naman ako palapit sa kaniya.

"Diyan ka lang!" sigaw niya at dinuro na naman ang tungkod sa akin.

Huminga na muna ako nang malalim bago ako nagsalita. "Ako ito, Ran," saad ko.

Alam kong nagulat siya dahilan para mabitiwan ang hawak niyang tungkod. "Atoz?" nagtatakang tanong ni Ran. "I-ikaw ba talaga iyan?" saad niya at nagsimulang humakbang palapit sa akin.

Hinintay ko naman siyang makalapit sa akin.

"I-ikaw nga," sabi niya habang hinahaplos ang aking mukha.

Parang pinipiga ang puso ko habang nakikita siyang umiiyak sa harap ko. Napatingin ako sa kamay niyang humahaplos sa akin. Ang pula at nangingitim ang mga kuko.

"Huwag ka ng umi"

Pupunasan ko sana ang luha niya nang bigla akong niyakap. Narinig ko siyang humikbi. Tiningnan ko si Ran na nakayakap sa akin. Mayamaya pa ay lumipat ang aking paningin kay Tito Vincent.

Tila nakuha nito ang nais kong iparating. Tumango lang naman ito at sinabing lalabas na muna siya. Hindi ko alam pero sobrang nanginginig ang kamay kong niyakap siya pabalik.

"Tahan na," pag-aalo ko sa kaniya. "Nandito na ako," sabi ko habang hinahaplos ang balikat niya.

Kaya simula noon lagi ako sa bahay nila Ran tuwing Biyernes hanggang Linggo para makita siya at maalagaan.

"Bakit paano nabulag si Ran?" tanong ko kay Perzeus.

"Iyon ang epekto ng lason na nasa katawan ni Ran," sabi nito. Pinaliliwanag nito sa aking kung ano ang totoong lagay niya. "Kaya nabulag siya at nagkaroon ng mga pasa-pasa sa katawan pati na ang labi niyang may mga sugat.

"May gamot ba para gumaling siya?" tanong ko muli rito.

Umiling ito. "Hinihintay na lamang niya ang araw niya, Atoz. Kahit anong gawin ni Uncle Tommy ay hindi pa rin niya mapagaling si Ran.

Kaya simula nang sinabi sa akin ni Perzeus iyon ay lagi na ako sa bahay nila Ran para i-check kung okay na ba siya.

Kagaya ngayon, nasa bahay nila ako kasama si Keith para kumustahin siya.

"Ran," tawag ko sa kaniya at lumapit sa kanila ni Keith na nakaupo sa kama. "Tama si Keith, lumabas ka naman para makalanghap ka ng sariwang hangin. Hindi iyong lagi ka na lang dito sa kwarto mo," saad ko.

Bumagsak naman ang balikat niya. "Ayoko," sabi ni Ran at bumalik na sa pagkakahiga sa kama. "Kayo na lang na dalawa ang mamasyal. Magiging pabigat lang ako," sabi pa niya at pinikit na ang mga mata.

Napatingin naman ako kay Keith na malungkot ang mukha na nakatingin sa kaibigan.

"Oh, siya magpahinga ka na," sabi nito at kinumutan si Ran. "Nasa labas lang kami kung may kailangan ka, okay?"

Hindi na sumagot pa si Ran kaya lumabas na kami ni Keith sa kwarto.

Habang nasa sala kaming dalawa ay napatingin ako kay Keith nang magsalita ito. "Paano kung mawala siya sa'yo?" tanong nito. "Kakayanin mo ba, Atoz?"

Hindi agad ako nakasagot.

Kakayanin ko bang mawala na lang sa isang iglap si Ran?

KINAUBUKASAN, kaagad akong dumiretso sa bahay nila Ran matapos akong magsimba. Habang nasa simbahan ako kanina ay si Ran lang ang nasa isip ko. Pinagdasal ko na sana may himalang mangyari at gagaling si Ran.

Alam kong ilang araw na lang ang itatagal ni Ran dito sa lupa pero hindi pa rin ako susuko na hindi siya gagaling. Pagpasok ko sa bahay nila ay nasa sala sila Tito Vincent, Uncle Tommy, Keith at si Perzeus.

"Mabuti naman at dumating ka na," sabi ni Keith sa akin.

"Bakit? May nangyari ba kay Ran?" Malakas ang kabog ng dibdib ko. Parang ayaw kong marinig kung ano man ang sasabihin nila.

"Nanghihina na siya." Napatingin ako kay Perzeus na nagsalita. "Bigla na lamang siyang bumagsak kaninang naglalakad siya sa bakuran para lumanghap ng hangin."

"Atoz, hinihintay ka niya sa taas,".sabi ni Tito Vincent sa akin.

Napatingin naman ako sa kwarto ni Ran na nasa taas. Agad akong tumakbo papunta roon. Para akong nanghina nang makita ko siyang nakahiga sa kama at natutulog.

Lalo siyang nangayayat at lalong dumami ang pasa at sugat niya sa katawan at sa kaniyang labi..Umupo ako sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay ni Ran.

"Ran, please huwag mo akong iwan," bulong ko sa kamay niya at saka ito hinalikan.

Nakita ko naman sina Tito Vincent na sumunod sa kwarto. Nakatayo silang apat sa may malapit sa pinto at nakatingin sa amin.

"A-atoz," binalingan ko naman si Ran.

"Okay ka lang ba? May kailangan ka ba? Anong masakit sa'yo?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Umiling lang naman siya at may bumagsak na luha sa gilid ng kaniyang mata. "Gusto ko na magpahinga," saad niya. Humigpit naman ang hawak ko sa kaniyang kamay. "Gusto ko na magpahinga, Atoz. Pagod na ako," mahinang sambit nito.

"Magpahinga ka lang. Basta huwag mo kaming iiwan," bulong ko sa kaniya.

Tumango lang ito. "Aishiteru, Atoz," wika niya habang nakapikit pa rin ang mga mata."Mahal din kita, Ran," saad ko. Habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya ay naisipan kong kantahan siya.

Say something, I'm giving up on you

I'll be the one, if you want me to

Anywhere, I would've followed you

Say something, I'm giving up on you

And I am feeling so small

It was over my head

I know nothing at all

And I will stumble and fall

I'm still learning to love

Just starting to crawl

"Ran," tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Gagaling ka, `di ba? Hanggang sa huli ay lalaban ka pa rin. Lalabanan natin iyang sakit mo," saad ko at inayos ang buhok niyang nakaharang sa kaniyang mukha.

Hindi ito sumagot.

"Lalaban tayo hanggang sa huli," sabi ko at hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. "Magsasama pa tayo. Papakasalan pa kita."

Hindi ito sumagot at hinigpitan niya lang ang kaniyang hawak sa kamay ko.

Say something, I'm giving up on you

I'm sorry that I couldn't get to you

Anywhere, I would've followed you

Say something, I'm giving up on you

And I will swallow my pride

You're the one that I love

And I'm saying goodbye

Napatingin naman ako sa kaniya na mahimbing na natutulog.

Say something, I'm giving up on you

And I'm sorry that I couldn't get to you

And anywhere, I would have followed you

Oh, oh, oh, oh say something, I'm giving up on you

Say something, I'm giving up on you

Say something

Nang matapos ko ang kanta ay napatingin ako sa kamay namin na magkahawak. Bigla na lamang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko at unti-unting kumalas sa akin.

"Ran?" nag-aalalang tawag ko sa kaniya at tinapik siya sa mukha. "Naririnig mo ba ako, Ran?" naiiyak na saad ko.

Nakita ko namang may tumulong luha mula sa mga mata niya habang nakapikit. Napaiyak na lamang ako.

Ang sakit.

Ang sakit-sakit.

Akala ko kaya ko na. Na handa na ako sa ano mang mangyayari pero hindi pa pala. Hindi ko napaghandaan.

Ang sakit.

Ilang araw pa lang ang lumipas matapos ilibing si Ran pero heto na naman ako at nasa harap na naman ng puntod niya.

"Kumusta ka na?" tanong ko sa lapidang nasa harap ko na may nakasulat ng kaniyang pangalan. "Siguro masaya ka kung nasaan ka man ngayon. Ikaw naman kasi ang bilis mong sumuko. Kung lumaban ka sana, eh `di magpahanggang ngayon sana magkasama pa rin tayo," naiiyak na sambit ko.

Hinaplos ko ang pangalan ni Ran na nasa lapida. "Miss na miss na kita," saad ko. "Alam kong hindi pa ito ang huli at wakas. Alam kong magkikita pa tayo, Ran," wika ko.

"Sa muli nating pagkikita."

Bab berikutnya