Chapter 21
I tried calling my Dad but he is still busy. I already chatted my Mom at nagtanong saan si Dad. Sagot niya ay nasa Europe.
Tita and Tito already flew to another country. I don't know where. But hindi na ako nag tatanong. I'm still confused.
"Tiana tiana tiana." He hummed my name while dancing beside me. Swinging on the sides and turned around. Tinignan ko lang siya ng masama. Umaandar na naman ang pagkaisip bata nitong lalaking ito.
"What?" I asked. Ngumuso ito at huminto sa harap ko. Napaangat ang tingin ko sakaniya.
"I'm your number 1 fan." Aniya at hinawakan ang magkabilang pisngi at pumikit.
Napailing ako at napangiti. Umiba ako ng daan at dumeritso sa band room. "Kiss me. Kiss me." Sumunod ito saakin.
Nanlaki ang mata ko at napalingon sa paligid. Yung mga nakarinig sa hallway ay humahagikhik lang. I covered my face while entering the band room.
"Ano ba. Ang kulit mo ha." Sinapak ko siya sa balikat pero humahalakhak lang ito. Baliw talaga.
Napalingon ako sa paligid. "Walang tao?"
"Halata ba?" Pag babara nito saakin kaya I gave him my killer look. Ugh! Nakakafrustate din talaga siya kapag inaatake ng pagkabaliw.
"Gago." I commented. Pero kinorek na naman nito ang aking accent. Ano ba pake nito? I'm still practicing the accent. Medyo mabubulol pa din ako minsan.
Umupo ako sa couch and I rest my head. Tinignan ko ang ceiling. Malapit na matatapos ang pagiging exchange student ko dito. Mamimiss ko silang lahat. Walang halong biro. Simula nung naparito ako, unti unti na akong magbabago. Yerin knew and she is really happy. Dahil lumalabas na ako sa aking shell.
"Ang lalim ng iniisip ah? Alam kong hulog na ako sayo. Pero parang mas lalo pa akong mahuhulog." Aniya at umupo sa aking tabi.
I glance at him at ngumuso. "Corny." I'm graduating soon kapag makakabalik na ako sa Korea. Speaking of.
"Anong course kukunin mo sa College?" Bigla kong tanong sakaniya. Lumingon ito saakin at ngumiti. "Gusto ko maging business man. Susundin ko yapak ng parents ko."
Napangiti ako. Atleast alam niya anong gusto niya. I don't know anong gusto ko na. My mind is not fix yet.
Nung binanggit niya ang family, naalala ko about sa family ko. "May tanong pala ako." Yumuko ako at nilalaro ang shoes ko sa sahig. I'm afraid to have some information.
"Ano 'yon?" Takang tanong nito at tumingin saakin.
Tinignan ko siya at umiwas ng tingin. "Ano pala name ng parents mo? Hindi ko pa kasi nakikita parents mo." Nakikita ko picture nila since they own this school. Pero hindi ko na meet personally.
Nakita ko sa pheripiral vision ko na kumunot muna ang noo niya at humilig sa couch. "My Mother's name is Dianna Perez and my Father's name is Lorenz Perez."
Napatingin ako sakaniyabat ngumiti ito. "Bakit ka nagtatanong? Do you want to meet them?"
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Wala iyan sa isip ko.
Nakita niya yata sa reaksyon ko na nagulat ako kaya ginulo nito ang aking buhok at humahalakhak. "Don't worry my Tiana, mamemeet mo din sila. Once they are home." Aniya.
Mas lalo lang yata akong kinabahan sa sinabi niya. "Huwag kang magbibiro." Kinurot ko ang tagiliran niya pero umiwas na ito kaya napanguso ako. Fast reflexes.
Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang aking braso at napatingin ako sa mata niya. I gulped nung magkapalapit ang aming mga mukha. What the? Magkikiss ba kami?
Unti unting lumalapit ang mukha nito at pumikit. Pumikit na din ako at maghihintay na dumampi ang kaniyang labi saakin.
"So ayun, nag walk out si Ma'am bigla dahil ang ingay ng classroom namin." May narinig akong boses sa pintuan kaya nanlaki ang mata ko.
Bago bumukas yung pinto nakuha ko na yung pillow at bigla kong tinakpan ang mukha ni Jeydon.
"Ano ginagawa mo Tiana?" Nanlaki ang mata ni Yna sa nakita. Laglag panga naman si Rolly.
"Hehe." Yun lang ang response ko sakanila.
"Tianaaaa!" Jeydon screamed kaya nabitawan ko na yung pillow. He is gasping for air. Namumula ang mukha nito pati nadin ang leeg. Opps.
"Sorry." Pero natatawa ako. I really can't handle this. Muntikan kasi kami mahuli kanina.
Napailing si Rolly at umupo sa harap ng couch namin. "Anyways, mag paplay daw tayo sa isang event sa school."
Yna clapped happily at habang ako ay napangiti. Ayun, aakyat na naman kami sa stage.
May binigay siyang papel saamin ay napatingin ako doon. Isang kanta. "Iyan daw ang kakantahin natin. Let's wait for the others dahil may klase pa sila." Aniya. Mukha na naman siyang lalaki. Hays, Rolly pwede maging lalaki kana uli? Para tatanggapin mo bestfriend ko.
THE rest of the day ay mag meeting lang kami. We are all excited to play again. Hindi namin maiiwasan na todo practice uli. The others are happy. While Jeydon? Nah. In it's abnormal state. Throughout the meeting hindi siya nakikinig but he is playing my hands and during the practice he is sitting still in the couch while staring at me.
"Saan tayo?" I asked him multiple times. Pumunta kami sa park kung saan kami lagi tumatambay.
Lumingon ito saakin at ngumiti. "Date."
Napahinto ako and my knees tremble. Oh my god. My heart.
Lumingon ito saakin at bumalik para hawakan ang kamay ko. I feel my face burned. Namumula ito ngayon. Kinikilig ako.
While wandering around pumunta kami sa isang stand at nakalagay doon ay kwek kwek. Napakunot ang noo ko. What's kwek kwek?
"Ano yan Jeydon?" Takang tanong ko. Madaming tao ang nakapalibot dito at kumakain ng kulay orange at bilog.
"Call me bae." Seryoso nitong sabi kaya napalingon agad ako sakaniya. Napanganga literally.
"W-what?" Napatigagal ako.
Ngumiti ito. "My bae. My baby and everything." Kumindat ito saakin. I blushed.
Umiwas ako ng tingin. "Corny mo." I laughed. Totoong corny but sweet.
Hinila niya ako at bumili ng dalawang kwek kwek. Tinignan ko siya at may kinuhang suka at ketsup at inilagay sa bowl nilagyan din niya ito ng asin. Ginaya ko naman kung ano ang nilalagay niya sa bowl.
"Tikman mo na bae." Aniya at excited na tumingin saakin. Napamulahan uli ako. Hindi ako sanay sa tawagan namin.
Tumango ako at kumagat ng maliit. Ang asim.
"Lakihan mo yung kagat."
Ngumuso ako at kumain. Medyo mainit init pa ito dahil bago pa lang ito nilagay ni kuya sa tray. Tinignan ko ito. "Egg?" Napaangat ang isang kilay ko at tinignan siya.
"Oo itllg talaga ang laman ng kwek kwek. Masarap yan, promise." Ngumingiti pa ito at kumain na diyan siya.
I shrugged my shoulder at kumain. Nakaubos ako ng dalawa habang siya ay apat. Grabe ha, one whole egg yun. Grabe na yun ah. Pero aaminin ko masarap kapag madaming ketsup.
"Ito naman kainin natin!" Pumalakpak ito nung nasa next stand kami.
"Ballot?" Egg na naman? Ano ba iyan. Puro itlog pagkain ng mga pinoy ah.
Una niya itong pinatikim saakin. Binasag niya ito ara saakin at nilagyan ng konting asin at suka at binigay saakin.
Pagkabigay niya ay muntik na akong masuka sa amoy. "Ano yan?!" I screamed. Tinakpan ko ang aking ilong. Ang baho!
Tumawa ito nang napakalakas kaya inapakan ko sapatos niya sa inis. "Ano ba."
Tumatawa pa rin ito. "Tikman mo kasi. Masarap yan promise." Maluha-luha pa ito at inilahad uli saakin ang itlog.
"Promise ha? Nako pag hindi ito masarap lagot ka saakin." Binigyan ko siya ng masamang tingin bago tinakpan ang ilong ko at humigop ng sabaw. Not bad. Hindi naman masama.
Pagkatingin ko nito ay may itim. Ano ito? Binasag ko ang shell at tumambad saakin ang maliit na manok?
"The heck!" Biningay ko sakaniya at tumakbo palayo. Napatakip ako sa aking bibig para pigilin ang pagsusuka. Ugh! I feel so nauseated.
Napahawak ako sa aking tiyan. Ugh ano ba iyang pinapakain saakin. Kadiri!
"Bae okay ka lang?" Habol nito saakin at hawak parin niya ang ballot. Bumaliktad uli ang sikmura ko at tumalikod sakaniya. Fudge! Kadiri.
"Ilayo mo saakin yan." Tinignan ko siya ng masama. Tumatawa ito at kinain yung akin. Nakita ko pa pano mahulog yung baby chicken sa bibig niya kaya napatalikod uli ako at napahawak sa bibig.
Shit, nasusuka ako. Maluha luha ako dahil sa kakapigil ng pagsusuka.
Pinaharap niya ako at sumimangot. "Kadiri ka. Alam mo ba iyon? Kawawa yun. May buhay na sa loob eh. Bakit niluluto?"
Lumakas ang tawa nito at hinawakan pa ang kaniyang tiyan. Pinagtitingitiyana kami ng mga tao. Tinakpan ko ang aking mukha at umalis. Nakakahiya 'tong taong to.
"Bae naman." Habol nito saakin pero tumatawa pa din.
"Ikaw ha. Tigil na." Diniin ko ang aking pagkasabi para matakot itong taong 'to.
"Iha, iho. Baka gusto niyong bumili nito." Napalingon kami pareho ni Jeydon kay Lola na nakaupo sa gilid at may nakalatag sa harap na blanket at may mga accessories.
Nagkatinginan kami ni Jeydon ay lumapit kay Lola. "Ano po ito lola?" Turo ni Jeydon sa maliit na items. Hugis star at moon.
"Para ito sa mga magkasintahan mga apo. Tuwing magkalapit silang dalawa ay iilaw ito." Kinuha ni Lola iyon at namangha ako.
"Imbento ito ng apo ko." Ngumiti si Lola pero yung mata nito ay malungkot. Naawa ako. Hindi ko na tatanungin baka masaktan lang si Lola.
Tumango ako kay Jeydon dahil bibilhin namin. Ang cute din kasi. Ang galing naman ng apo niya nakakagawa ng ganito.
"Magkano po lola?" Tanong ko nito.
"75 lang apo. Itong dalawa." Nanlali ang mata ko. 75? Ang mura naman!
Kukuha sana ako ng pera pero binigyan na ni Jeydon ng 1000.
"Iho wala akong sukli diyan. Wala bang mas maliit diyan?" Yumulo si Lola at kinuha yung bag tapos limang bente lang ang meron siya. Napanguso ako. Naawa ako kay Lola.
"Sayo na iyan Lola. Regalo na saamin." Napatingin ako kay Jeydon na nakangiti ito kay Lola. Hindi ko din maiwasan mapangiti. I'm thankful dahil nakita ko ang side na ito kay Jeydon. Hindi lahat ng lalaki ay may ganitong side. Nakakataba sa puso.
Pagkatapos nun ay umalis kami at inilagay sa aming cellphone. Ipapasok ito sa headset hole at biglang umilaw iyon.
"Woah. Ang astig." Sabay naming sabi. Nakakamangha.
"Bae lumayo ka." Ngumuso si Jeydon sa malayo.
Nagkasugat ang aking kilay. "Ako pa talaga ang lalayo?" Pero sa huli ay sumunod din.
Umuusog ako palayo sakaniya. At unti unting humihina ang ilaw at nawala din ito. Nakakamangha. Ang talino siguro nung apo ni Lola. Totoo nga kapag malapit saka ito iilaw.
Lalapit na sana ako kay Jeydon kasi may tumawag. Tinignan ko si Jeydon at sumenyas na may tumawag at iniwagayway ko ang aking phone.
Tumalikod ako at tinanggap ang tawag ni tawag ni oppa.
"Tiana, have you seen Mom? Or did she contacted you?" Nag alala nitong tanong.
Kinabahan ako bigla. "What happened?"
"Dad contacted me that Mom left home. They are asking Mom's friends and they said that she will come here." Pahayag nito sa kanilang linya. Mas lalo akong kinabahan. Malala na yata ang away nila Mom at Dad.
Napansin kong umilaw yung Star kaya napaharap ako sakaniya.
Tinignan ko sa mata si Jeydon. Baka may alam ito sa pangyayari sa family ko.
-----
Long update everyoneeee. Hope sumusuporta parin kayo. Mwaaa!