webnovel

Chapter 4

Chapter 4:

Cole Fernandez

Glitzie's POV

Napasigaw ako ng matalsikan ako ng dugo at yun iba ay dumampa sa aking mukha.Napasinghap ako at pinunasan ang aking mukha gamit ang sleeve ng aking damit.Ngumiti ako sa lalaking nakamaskara na nakatingin sa amin sa kalayuan.Agad agad akong lumakad patungo saiya at masaya ko siyang binati."Hi kuya!Salamat sa pagtanggol sa amin sa malaking lobo hehe idol ko po kayo!"Masaya kong sambit at nag thumbs up sa kanya.Tinanggal niya ang kanyang maskara at ngumiti sa akin ng malaki."Walang anuman yun mga Freshies!Hehe of course kuya niyo ako"Sabi niya.

Ngumiti ako at nakipag kamayan sa kanya na agad niya naman tinugon."I'm Glitzie Saifie Anderson,ikaw po kuya?Anong pangalan mo po?"Tanong ko sa kanya at nginitian siyang malaki.Napatingin naman ako ki Charley at kinladkad siya sa tabi ko."Ako nga pala si Cole Fernandez,huwag ka ng magsabi ng po....tawagin mo nalang ako ng kuya"Sagot niya at tiningnan si Charley at parang hinihintay siya magpakilala.Siniko ko siya at agad naman siya natauhan at nagsalita."Ako si Charley Dela Cruz"Malamig niyang tugon at napabaling ang aking tingin kila Andrea at Diabolus na nakatayo sa malayo.

Sinenyasan ko sila na pumunta dito na agad agad naman nila sinunod."Diabolus magpakilala ka na ki Kuya Cole pati na rin si Andrea"Mahina kong bulong sa tenga ni Diabolus at agad naman siya tumango sa akin na isang simbolo na naintindihan niya ang aking utos sa kanya."Hi Kuya Cole!Ako nga pala si Diabolus Anne Maerin...ang galing mo po kanina!"Pagpupuri ni Diabolus ki Kuya Cole na nag pangiti ki Kuya Cole."Ako nga pala si Andrea Bryllent"Sagot ni Andrea habang may malawak na ngiti ang nakalagay sa kanyang mukha.Nagtalon talon ako dahil sa saya.

"Hehe yay!May bago akong nakilala galing sa Elite Division!"Masaya kong sambit at patuloy tuloy na pinupuri si Kuya Cole dahil sa kanyang galing."Earth ang element mo Kuya Cole diba?"Masaya kong tanong at agad naman siyang tumango."Summoner pala ako at ang main power ko naman ay imanipulate ang surroundings natin...but I can't change the weather...for now,since hindi ito ang Main power ko but I'm practicing"Pagpapaliwanag ni Kuya Cole sa amin at napasinghap ako dahil sa gulat."Ang galing mo naman Kuya Cole!Idol talaga kita eh ahahaha"Pagpupuri ni Diabolus sa kanya.

"Oo nga Kuya Cole!"Sambit naman ni Andrea habang si Charley ay masama lang nakatingin ki Kuya Cole."Hahaha ako pa!Taga Red Fallen Angels ata ako eh"Pagyayabang ni Kuya Cole at agad naman kami namangha."Tsk ang hangin namin dito hayss nagbabagyo na ata"Sarkastikong sambit ni Charley at agad naman kami napatingin sa kanya at tumawa ng malakas dahil sa kanyang biro.Napasimangot naman si Kuya Cole at binatukan naman si Charley.Tinarayan ko nalang sila at inawat bago pa sila magsuntukan dito."Halika na Kuyw Cole baka pagalitan na din kami..."Malungkot kong sabi at pinagmasdan niya ako.

"Huwag ka magaalala Glitzie...may plano ako"Sambit naman ni Kuya Cole at nginitian ako at agad na tumakbo,agad naman namin siya sinunod at napatakbo na din."Kuya Cole...wait lang!!"Malakas na sigaw ni Diabolus kaya agad na tumigil si Kuya Cole sa pagtakbo."Hehe...sorry guys...halika na nga!"Sagot ni Kuya Cole at napakamot siya sa kanyang ulo."Hehe okay lang naman Kuya Cole eh!"Malandeng at pabebeng sambiy ni Andrea kaya agad ako napaubo tsk...huwag niyang ispread kalandian niya dito."Oy...okay ka lang Glitzie?"Nagaalalang at sabay na tanong ni Charley at Cole.

"Uyyy ta sabay kayo nagtanong?Yiiii concerned talaga sa kaibigan ko eh"Nanunuksong sabi ni Diabolus kila Cole at Charley na nagpatawa ki Cole habang si Charley ay malamig na tiningnan si Diabolus.Natawa nalang din ako at hinampas sa balikat si Diabolus."Okay lang ako guys....napaubo lang ako eh kasi may virus ata dito eh"Sarkastiko kong sambit at napatawa naman sila maliban ki Charley na malamig lang kaming tinitingnan at si Andrea na umuusok na ang ilong dahil sa galit at namumula ang buong mukha."Oy!Walang modong babae...huwag mo nga akong ganyan ganyanin!"Sambit ni Andrea.

Napatawa ako at tiningnan siyang mabuti sa paa hanggang sa ulo."Sorry...di kasi ako pumapatol sa mga mabababang uri ng tao...katulad mo,I prefer high and mighty ones para kapag natalo ko sila magiging mataas ang tingin sa akin,Hindi tulad kapag tinatalo ko ang mababang uri...parang nakipagtalo lang ako sa ipis"Kalma kong sagot at susugudin niya sana ako pero tumapak si Charley sa unahan ko at prinotektahan ako."Charley!Umalis ka nga diyan..ilalagay ko lang siya sa kanyang posisyon"Naiinis na sambit ni Andrea."Sorry pero nararapat siya sa itaas"Kalmadong sagot ni Charley.

"Pe--pero...."Nawawalan ganang sambit ni Andrea.Ngumisi ako at tinitigan si Andrea habang ang kanyang mga mata ay nanginginig dahil sa kaba at hiya."Alamin mo kasi kung sino binabangga mo,hindi puros ka lang sugod pero sa huli ikaw pa din ang talo"Kalmado pero may balot na inis kong sambit."Oiii,kayong dalawa!Tumigil na nga kayo sa kakaaway dyan at tumungo na tayo papuntang Crystal Rose Academy"Naiiritang pagsabat ni Diabolus kaya napairap nalang si Andrea at agad agad na kami lumakad pabalik.Pagdating namin sa tapat ng gate ay agad agad kami hinarang ng guard na naiinis.

"Saan kayo galing?!Mga freshmen palang kayo ha,galing palang kayo sa Warrior Division!Kung makaasta parang nasa Master Division na tsk"Pagsesermon ng guwardiya sa amin at agad kami tumango."Sasabihin ko ito sa Principal para parusahan kayo!"Nakangisi na sambit ng guwardiya.Nainis si Kuya Cole kaya tumapak siya sa harapan ng guard at nagsimula magpaliwanag sa guwardiya."Sinama ko sila sa akin dahil sila ay magiging parte na ng Red Fallen Angels pagdating ng panahon eh"Sambit ni Kuya Cole at inakbayan ako at agad naman ako tumango at ngumiti ako sa guwardiya para siya ay aking maasar.

"Tsk....sige na mga bata...pumasok na kayo!"Naasar na sambit ng guwardiya at tinulak na kami papasok at agad naman kami nagtakbuhan at tumawa tawa pa."Charley!Gagawin na ba natin ang pag synthesize ng Healing potion?"Inosente at nagugulo kong tanong."Mhm..."Mahina ngunit malamig niyang tugon kaya agad ko naman siya sinundan papunta sa library at pumunta kami sa may tapat ng mga cauldron at agad na nilabas ang aming mga ingredients.Pinagmasdan ko si Charley gumawa ng potion habang ako ang nagbibigay sa kanya ng mga ingredients at pinagmamasdan lang siya na magsambit ng mga weird enchantments.

Pero habang tumatagal ay bumibigat ang aking mga eyelids at nakakaramdam ako ng matinding pagod.Sinubukan ko manatiling gising habang ginagawa pa namin ang potion.Nang matapos na ni Charley na gawin ang potion ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko."It was fun being with you...thanks for letting me out of my comfort zone and leading me into a big adventure"Sambit ni Charley kaya naptingin ako sa kanya at nakita siyang nakangiti habang nakatingin sa bubong sa itaas na gawa sa glass.Makikita mo ang langit at ang mga nagsisilabasan na mga bituin.Kahit ako ay napangiti din.

"Walang anuman yun...thank you din dahil ang saya mong kasama eh"Sagot ko at nakita ko na napangiti din siya ng saglit.Ngumiti ako pero nakaramdam na ako ng matinding pagod at sakit sa aking katawan.Sinubukan ko na manatiling bukas ang aking mga mata ngunit nilamon ako ng pagod at kadiliman sa paligid.Ang huli kong nakita ay ang nagaalalang mukha ni Charley habang paulit ulit niya ako niyuyugyog.Nang buksan ko ang aking mata ay naramdaman ko na nakahiga ako sa isang kama.Bumangon ako at nakitang nagbibihis na si Diabolus."Bakit di mo pa ako ginising?"Nagtatakang tanong ko ki Diabolus.

"Eh...kailangan mo kasi ng tulog...nakadating ka dito mga 12 na eh"Sagot niya at tiningnan ako ng saglit.Bumangon na ako at sinimulang kumain ng aking breakfast."Sino yun naghatid sa akin dito?"Tanong ko pagkatapos kong lunukin ang aking kinakain."Ah si Charley...karga karga ka pa niya nga eh"May halong malisyang sabi ni Diabolus."Huwag ka ganyan Diabolus...magkaibigan lang kami ni Charley...di pa naman nga namin lubos na kilala ang isa't isa"Mahabang paliwanag ko."Bahala ka nga diyan"Sambit niya at tinawanan ako.Napairap nalang ako at tumayo para maligo na at makapag bihis.

Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko na ang aking damit ay kinuha na ang aking backpack.Sinabayan ko si Diabolus maglakad papunta sa academic classes namin."Math ang unang subject natin...nakakapagod naman...unang subject pa sa umaga"Walang gana na sambit ni Diabolus."Oo nga eh!Di pa naman ako magaling sa math"Sagot ko at hinimas himas ang aking ulo."Ako din...hays....sana madali lang ang lesson ngayon"Nagaalalang sambit ni Diabolus at agad naman ako tumango at agad kaming pumasok sa silid.Nang makaupo kami sa aming mga upuan ay bigla nalang pumasok ang aming guro sa matematika.

Pagkatapos ng klase namin sa Math ay agad kaming tumakbo palabas at patungo sa cafeteria."Sabi mo Glitzie na di ka magaling sa math pero parang ikaw ang pinaka magaling sa math sa klase natin eh!"Pagpupuri ni Diabolus at ngumiti nalang ako."Eh para sa akin basics lang mga alam ko eh...di ko alam na mas advanced pa pala ako sainyo hehe...sorryyy peacee!"Sambit ko at inilahad ang peace sign."Haha...nashock nga kami ng madali mo matapos ang gawain at nakasagot ka ng mabilis sa recitations eh..."Sambit ni Diabolus at nagkunyari na shocked na shocked.

Tinawanan ko nalang siya at binatukan."Kung sinong mahuli sa cafeteria ay manlilibre!"Matapang kong hamon at nagsimula na akong tumakbo.Matutumba sana ako ngunit may nagsalo sa akin at nagulat ako dahil yun tao nagsalo sa akin ay si....Andrew.Tinitigan ko siya at napalaki ang aking mga mata dahil sa gulat.Agad ako bumitaw sa kanyang bisig ar napapagpag sa aking damit.Napaubo ako pero peke naman ito at mabilis na tumakbo para mapantayan ko ng bilis si Diabolus.Kahit nauuna sa akin si Diabolus ay nagawa ko siyang talunin at dahil doon ay napasigaw ako ng sobrang lakas."Yesss!"Malakas kong sigaw.

Dahil sa pagsigaw kong iyon ay maraming napabaling ng tingin sa aming direksyon specifically sa akin kaya napayuko ako dahil sa hiya at agad naman ako kinaladkad ni Diabolus sa may linya para makapagbili na kami ng makakain.Tinawanan ako ni Diabolus at hinampas hampas pa ang aking balikat kaya napatingin nalang ako sa kanya ng masama."Hahaha...grabe ang tawa ko doon ah hahahah"Sambit niya at paulit ulit na tumawa kaya tinulak ko nalang siya dahil siya na sunod na magoorder."Gusto ko ng spaghetti tapos coke pleaseee"Bulong ko ki Diabolus at agad niya ako tiningnan ng masama.

"Hehe peace..."Sambit ko st inilahad sa kanya ang oeace sign.Napasinghap nalang siya at nagsimula na magorder."Isang oreo cheesecake,isang platter ng spaghetti at dalawang baso na nilalaman ng coke"Order ni Diabolus kaya agad ako napatalon dahil sa saya."Thank youuu!Thank youuuu talagaaaa Diabolussss I loveee youuuu hehehehe"Sambit ko at niyakap pa siya at sinimulang pumunta sa isang table para kumain.Nang makaupo kami ay agad na kami kumain at nagkwentuhan pa."Alam mo na ba ang iyong kapangyarihan,Glitzie?"Tanong sa akin ni Diabolus."Ahhh hindi,Ikaw?"Tanong ko pabalik at bumulong siya ng "hindi pa."

Tumango nalang ako bilang sagot at agad naman kami tumayo at naglakad lakad muna sa paaralan.Napatigil kami ng makaramdam kami ng malakas na pagyugyog ng sahig at paglindol ng buong paligid.Napaupo ako sa sahig at naramdaman ang mainit na sahig kaya napakagat ako sa labi ko dahil sa init na namumuo dito."Glitzie!"Sigaw ni Diabolus at inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harap na agad ko naman hinawakan at tumayo.May nakita akong isang pigura na nakikipaglaban sa isa pang pigura kaya napahakbang ako palikod dahil sa gulat ngunit bigla nawala yun isang pigura at nilapitan naman kami ni...