webnovel

Chapter 54

Natapos na ang pagpapagawa ng bagong bahay ampunan pars sa Holy Angels Orphanage. Natapos na din ang kanilang paaralan, ang Holy Angels Learning Center. At ngayon ang araw ng blessing ng dalawang building na ito.

Naunang dumating sila Axel at Dani sa lugar. Kasunod nila ang mag-asawang Arthur at Esther at ang mag-asawang Benjamin at Eleonor kasama sila Sydney at Blaze na matapos mag-inuman sa bar ay naging malapit na sa isa't-isa. Magkakasabay na dumating sila Aubrey, Cleo, Phoebe, at Dion. Lumuwas din sila Jax at Roco. Inimbita din ang ilang kaibigan at pamilya ng mga pamilya ng Monteverde at Monteclaro na ipinagtaka ni Dani.

"Mom, bakit nandito ang mga kamag-anak natin?" Tanong ni Dani sa ina. "Inimbitahan sila ni Axel." Sagot ni Esther. Kumunot ang noo ng dalaga at tumingin sa binata na busy sa pakikipag-usap sa ilan sa kanilang mga bisita.

Tinawag si Dani ni Eleonor at pinakilala sa ilan sa kamag-anak ng Monteverde. Ganoon din ang ginawa ni Arthur kay Axel.

Lumapit ang mga kaibigan ni Dani sa kanya na mayroong mga makahulugan tingin. "Handa ka na?" Tanong ni Aubrey. "Ha? Saan?" Takang tanong ni Dani. Bago pa makasagot si Aubrey ay dumating na ang pari na magmimisa at magbabasbas sa dalawang building na bagong tayo.

"Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo..."

Pagbalik nila Axel at Dani mula sa Batanes ay balik trabaho na sila. Naging busy ang bawat araw ng dalawa. Attend ng meeting, attend ng convention, pirma dito, pirma doon. Magkakasama lang sila pag-uwi ng bahay. Kinabukasan ay ratsada na naman sila.

Nasa convention si Dani sa Manila Hotel pero hindi kasama si Axel. Ginamit ng binata ang pagkakataon para makausap sila Arthur at Esther pati ang kanyang mga magulang na sila Benjamin at Eleonor. Tinawagan niya ang mga ito para kumain sa isang restaurant sa Pasay.

Magkasunod ng dumating ang dalawang mag-asawa. Inihatid sila ng waiter sa VIP room na ni-reserved ni Axel.

"Ano ba ang okasyon at may pakain ka pa, anak?" Tanong ni Eleonor. "Kumain muna tayo, Ma." Sabi ni Axel at tinawag ang waiter at maya-maya lang ay nasa lamesa na nila ang mga pagkain.

"Ma, Pa, Uncle, Auntie..." Panimula ni Axel na akala mo bibitayin. Natawa si Eleonor sa itsura ng anak. "Papakasalan mo na ba si Dani?" Sabi ni Eleonor. "Ma naman, panira ka talaga ng moment." Sabi ni Axel at natawa ang lahat.

"Uncle, Auntie, mahal na mahal ko po si Dani. Sa kanya ko lang naramdaman kung paano magmahal ng totoo. Wala po akong ipapangako sa inyo kundi ang maging isang mabuting asawa para kay Dani." Sabi ni Axel na pinagpapawisan kahit naka-aircon ang lugar. Nagkatinginan ang mag-asawang Arthur at Esther at tumingin ng seryoso kay Dani. Napalunok naman si Axel na hinihintay ang hatol ng dalawa.

"Pinapangako mo ba na mamahalin si Dani habang buhay?" Tanong ni Arthur. "Opo!" Mabilis na sagot ni Axel. "Pinapanagko mo ba na hindi siya iiyak sa piling mo?" Tanong ni Esther. "Opo!" Mabilis na naman sagot ni Axel. Gustong matawa ni Arthur at Esther sa itsura ng binata.

Noon pa man ay boto na sila kay Axel para sa anak dahil nakita nila kung paano protektahan ni Axel ang nag-iisa nilang prinsesa. At ngayon na handa na ang binata na gawin legal ang lahat ay hindi sila tututol dahil alam nila na si Axel ang magpapasaya kay Dani.

"Pinapangako mo ba na bibigyan kami ng madaming apo?" Tanong ni Arthur. "Opo!" Mabilis na naman sagot ni Axel. "Po?" Ulit ni Axel. Doon na natawa ang mag-asawa pati ang kanyang mga magulang. "Huwag mong sabihin anak na hindi ka pa nakaka homebase!?" Makahulugang tanong ni Benjamin. Nagkamot ng ulo si Axel. "Hindi pa nga pare." Nakatawang sabi ni Arthur.

Ngumiti sila Esther at Eleonor. "Salamat sa paggalang sa anak ko, iho." Sabi ni Esther. "Mahal na mahal ko po si Dani at ayoko po siyang pilitan sa bagay na hindi pa siya handa." Sagot ni Axel at humanga sa kanya ang mga kaharap.

Ibinigay na nila Arthur at Esther ang basbas kay Axel pero hiniling ng binata na huwag munang sasabihin sa dalaga ang plano. Kinausap din niya ang kanilang mga kaibigan at tuwang-tuwa ang mga ito sa nalaman. Sila ang nag-ayos ng lahat at ni katiting ay walang kaalam-alam ang dalaga sa mangyayari ngayon.

Pagkatapos ng isang oras ay natapos na ang misa. Binasbasan ng pari ang dalawang gusali. Mayroong inihandang pagkain at sabay-sabay silang nagsalo-salo. Tinanguan ni Axel ang kapatid, ngumiti naman si Sydney.

"Dan, samahan mo naman ako sa CR." Sabi ni Sydney. "Sige." Sagot ni Dani at tumayo ito. "Dan, mauuna na ako ha? May tumatawag eh mahina yata signal dito." Sabi ni Sydney. "Ha, eh, sandali na lang ako." Sabi ni Dani pero wala na siyang nadinig na sagot. Bumuntong hininga ang dalaga. Inayos ang sarili at pagkatapos ay lumabas na. Habang naglalakad ay may nadinig siyang kumakanta.

"May program ba? Bakit hindi ko alam?." Sabi niya sa sarili. Habang papalapit siya sa may pinto ay dinig niya na mga boses ng mga bata ang kumakanta.

Sabi nila

Balang araw darating

Ang iyong tanging hinihiling

At nung dumating

Ang aking panalangin

Ay hindi na maikubli

Ang pag-asang nahanap ko

Sayong mga mata

At ang takot kong sakali mang

Ika'y mawawala

At ngayon, nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin

'Di ka sasaktan

Mula noon

Hanggang ngayon

Ikaw at ako

At sa wakas

Ay nahanap ko na rin

Ang aking tanging hinihiling

Pangako sa'yo

Na ika'y uunahin

At hindi naitatanggi

Ang tadhanang nahanap ko

Sa'yong pagmamahal

Ang dudulot sa pag-ibig

Natin na magtatagal

At ngayon, nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin

'Di ka sasaktan

Mula noon (mula noon)

Hanggang ngayon

Ikaw at ako

At ngayon, nandito na

Palaging hahawakan

Iyong mga kamay

'Di ka na mag-iisa

Sa hirap at ginhawa

Ay iibigin ka

Mula noon

Hanggang ngayon

Mula ngayon

Hanggang dulo

Ikaw at ako

Kumunot ang noo ni Dani at bigla na siyang kinabahan.

Bab berikutnya