webnovel

Wedding Night

Aliyah's Point of View

" Magpapakasal tayo ngayon dito baby. Gusto ko bago tayo umuwi at tumira sa iisang bubong, may basbas na ang pagsasama natin. This will be my happiest birthday ever, so please say, yes."

" Yes!"

Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan sa sentido habang madamdaming binabanggit ang mga salitang thank you at i love you ng paulit-ulit.

Gumanti na rin ako ng mahigpit na yakap sa kanya. Hindi ko rin alam kung saan ko pa ilalagay ang kaligayahang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Parang puputok na ang puso ko. Feeling ko, dahil sa umaapaw na kagalakang mayroon ako ngayon, parang ang sakit sakit na. How can so much happiness can hurt you as well?

PAGPASOK namin sa silid ng mairie ay hindi muna isinagawa ang seremonyas. Marami pa muna syang tinanong sa aming dalawa ni Onemig tapos kinumpirma pa kung kumpleto ang mga dala naming papeles na si kuya Mark ang nag-ayos lahat. Maraming kakilala si kuya Mark dito kaya hindi naging mahirap sa kanya ang pag-aayos ng mga dokumentong kailangan. Sa katunayan, ang mismong mairie ay kakilala nya dahil tiyuhin ito ng kasamahan nyang nurse sa ospital na nasa kabilang gusali lang.

Nang matapos ang mga katanungan at pagkuha ng lahat ng dokumento ay sinimulan na ang seremonyas. Hindi ko maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman ko habang ginaganap ang seremonya, para akong lutang sa alapaap. Nang tingnan ko naman si Onemig ay parang naluluha pa nga sya.

Kagaya lang din naman ito ng kasal na ginaganap sa simbahan, ang kaibahan nga lang walang entourage kundi kami lang. Si kuya Mark at ang secretary ng mairie lang ang witness namin.

" Je vous declare mari et femme. Vous pouvez maintenant embrasser la mariee. " sambit ng mairie sa katapusan ng ceremony.

After that, Onemig who is now my husband, kissed me passionately. Ramdam ko yung sobrang pagmamahal nya na nakapaloob dun sa halik. At syempre tinugunan ko rin naman ito with the same intensity na hindi ko alam kung ilang minuto tumagal. Malakas na tikhim at palakpakan mula sa tatlong audience namin ang nagpatigil sa aming dalawa.

Halos isang oras din ang itinagal ng wedding ceremony. Nung pumipirma na kami para sa marriage contract, hindi pa rin ako makapaniwala na iba na ang civil status ko, parang kanina lang single pa ako tapos ngayon married na. Ang bilis ng pangyayari.

" Je vous felicite!" masayang sambit ni kuya Mark nung lumabas na kami ng tanggapan.

" Salamat kuya Mark sa lahat ng tulong mo." I sincerely said.

" Wala yon Liyah. Welcome to the family."

" Merci frere." turan kong muli sa lengwahe naman nila.

Lumapit si Onemig kay kuya Mark at yumakap sya dito.

" Thank you kuya. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung wala ang tulong mo. "

" Naku bunso may bayad lahat yan. Sa dami ba naman ng pera mo kaya sisingilin kita ng malaki. " biro ni kuya Mark sa kapatid.

" Oo ba! Ano ba ang gusto mong ibayad ko kuya?" seryoso namang tanong ni Onemig.

" Joke lang bunso. Masaya akong makatulong sa inyo. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan nyo pareho nung maghiwalay kayo kaya naman ginawa ko na ang lahat para sumaya na kayo. By the way, ipapaalam na ba natin sa mga oldies na nagpakasal kayo dito?" tanong ni kuya Mark. Nagkatinginan kami ni Onemig, at para bang sa pamamagitan lang ng tingin ay alam na namin pareho ang sagot.

" Isu-surprise na lang namin sila kuya. Bago ang church wedding namin dun saka na lang namin sasabihin. Kaya for now, secret muna natin to. Baka sabihin naman kasi nila masyado kaming nagmamadali." sagot ni Onemig.

" Sus! hindi nga ba?" asar ni kuya Mark.

" Totoo naman kuya. Masisisi mo ba ako kung gusto ko ng matali sa akin ang magandang babaeng to? " si Onemig na puno ng panggigigil na kinurot pa ako sa magkabilang pisngi.

" Hahaha. Ang corny mo bro. Sabagay bata pa lang kayo nakikita ko na noon kung gaano mo sya kagusto. Inaaway mo palagi para mapansin ka lang nya. Ako pa nga ang inuutusan mong magbigay ng chocolate sa kanya pagkatapos mong awayin dahil ayaw mong malaman nya na sayo yun galing. " napatingin ako kay kuya Mark tapos kay Onemig. Napangisi ako.

" Hala sya, akala ko pa naman paborito lang akong bigyan ni kuya Mark ng chocolate noon. Sayo pala galing yon? Beb ha grabe ka. Five years old pa lang ako patay na patay ka na sa akin? " ngising-ngisi ako sa kanya at sya naman ay parang batang nabuking ng nanay sa ginawang kapilyuhan. Kakamot-kamot pa sa batok at namumula sa kahihiyan.

" Kuya naman kasi! Hindi nya alam yon. Sikretong malupit ko yon! " singhal nya kay kuya Mark.

" Ay sorry naman! Pasensya na hindi ko alam na sikreto pala yon." natatawang turan ni kuya Mark tapos may bigla syang naalala. " Kayo na lang muna ang umuwi hindi na ako makakasama pauwi sa apartment dahil may duty pa ako, diretso na ako ng ospital nito, bukas pa ng gabi ang balik ko. Teka nga pala yung gift ko. Here. " may inabot si kuya Mark sa amin na brochure ng hotel na may kasamang key card. May 2 days and 2 nights accommodation sa isang honeymoon suite doon. Sabay kami ni Onemig na napatingin kay kuya Mark.

" Kuya sobrang mahal nito at wala naman kaming balak mag honeymoon ni Liyah. Babalik na rin kami ng Pinas after 3 days kaya bakit ka pa kumuha nito?" si Onemig.

" Bunso maliit na bagay lang yan. Sayang naman kung hindi nyo gagamitin, bayad na yan. Two days lang naman yan kaya pwede nyo pang gamitin bago kayo umuwi. So, kunin nyo na yung gamit nyo sa apartment at pumunta na kayo dyan today. Hayun lang yan oh tanaw na mula dito. Just relax and have fun. " sabi pa ni kuya at tinuro pa yung kinalulugaran nung hotel na tanaw nga kung saan kami nakatayo.

Nagpaalam na si kuya Mark at nagmadali ng naglakad papunta sa kabilang direksyon male-late na raw kasi sya. Kaya wala na kaming nagawa ni Onemig kundi sumunod sa utos nya. Kami na ang nagdala nung kotse nya pauwi at malamang na gamitin din namin ito pagpunta sa hotel.

Pagdating ng apartment ay nagpahinga muna kami ng kaunti tapos nag-empake na ako ng mga damit namin ni Onemig para sa dalawang araw. Isang katamtamang sukat na luggage lang ang dala namin. Nang matapos ay mabilis na kaming lumabas ng apartment na sinigurado naman naming maayos, malinis at naka lock ang lahat ng bintana at pinto.

Pagdating namin sa hotel ay ipinakita lang namin yung brochure at key card sa reception area tapos iginiya na kami ng isang staff papunta sa suite na nakalaan sa amin.

Halos mapanganga ako nang buksan nung staff ang pinto nung suite ng makarating kami. Nagpasalamat si Onemig at nagbigay ng kaunting tip sa staff bago kami iniwan.

Namamangha ako sa sobrang ganda ng interiors pati na rin sa malapad na kama. Umupo pa ako para testingin kung gaano ito ka-komportableng higaan. Ilang hotels na rin ang napuntahan ko sa Pilipinas at maging sa ibang bansa pero ito na yata ang pinaka magandang suite na nakita ko. May porch ito na kung saan makikita mo ang kabuuan ng siyudad ng Paris pati na ang Eiffel Tower.

Tumayo ako mula sa kama at tinanaw ang magandang tanawin sa aking harapan. Ang saya na nararamdaman ko ay hindi pa rin basta naglalaho. Feeling ko ito na yung sukdulan sa lahat ng kaligayahang naramdaman ko magmula noon. Si Onemig lang talaga ang makapag bibigay sa akin nito. Kung paanong sa kanya ko rin naranasan yung sukdulang sakit noon. Ganoon naman talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao, lahat ng extreme feelings ay mararamdaman at mararanasan mo sa taong pinag-uukulan mo ng pagmamahal.

" Are you happy baby?" nalingunan ko si Onemig sa likuran ko. Niyakap nya ako mula sa likuran at pinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. Tinatanaw rin nya ang magandang view sa harapan ko.

" Yes beb, very. Thank you na rin dahil dinala mo ako dito at pinakasalan pa. Sayang wala tayong vow kanina para nasabi ko sana lahat ng gusto kong sabihin sayo." turan ko sabay tingin sa wedding ring namin na nasa daliri ko at sa daliri nya.

" Baby we have all the time in the world para sabihin sa isa't isa ang gusto nating sabihin. May church wedding pa naman tayo, remember? " turan nya sabay gawad ng nakakatindig balahibong halik sa leeg ko.

" Huy beb nakikiliti ako, ene be nemen!"

" Hahaha. hayan ka na naman sa alien words mo. Tinatablan ka ano? " tudyo nya.

Humarap ako sa kanya at pilyang ngumisi. Inilagay ko ang mga kamay ko sa batok nya at hinila palapit sa akin saka ginawaran ko ng magagaang na halik ang labi nya. Paulit-ulit. Hindi sya tumutugon. Nagpapaubaya. Hinayaan lang nya ako.

Nang matapos ako ay ngumiti ako ng matamis sa kanya. Our eyes met, titig na titig sya sa akin, and suddenly my heart leaped. Napahawak ako sa tapat ng puso ko, sobrang bilis ng tibok, parang masaya sya, excited at sobrang in-love sa taong nasa harap ko. Ang aking asawa. Oo nga asawa ko na sya. Para kasing hindi pa rin makapaniwala ang puso ko na may kabiyak na sya, legally.

There's no such thing as perfect, but that is what I'm feeling right now, the place, the situation and the man in front of me screams of perfection.

I can't measure the happiness and joy inside my heart right now. Posible pa lang makaramdam ng ganito?

There were no words that came out from his mouth. He then leaned on to kiss me on the lips. Sa una ay banayad lang, at ng sumunod na sandali ay tila naging mapang-angkin na ang galaw ng kanyang mga labi. Pinilit kong makasabay sa kanya at ng magtagpo kami ay naging mapusok na ang bawat kilos namin.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Namalayan ko na lamang na nasa bathroom na kami at parehong parang lasing na ginagawa ang routine namin kapag ' naliligo' kami ng sabay. This time iba na. Wala na kaming inhibitions na gawin yung mga hindi pa namin nagagawa noon. Feeling ko, dahil may basbas na kami, hindi na papayag itong isang to na hindi kami mag all the way ngayon.

Sa naisip, hindi ko maiwasan ang hindi kabahan at the same time may konting excitement na rin syempre. Hindi naman ako ipokrita para hindi isipin kung ano yung pakiramdam na maging isa kayo ng taong mahal mo.

Matapos ang halos isang oras naming paghaharutan sa loob ng bathroom, tinuyo ako ni Onemig ng towel na nasa rack. Pagkatapos ko, yung sarili naman nya ang pinunasan nya. When he's done, walang pag-aalinlangan na binuhat ako, in bridal style at lumabas na kami ng banyo, both naked. Dinala nya ako sa silid at maingat na inilapag sa malambot at malaking kama.

Sa malambot at malapad na kama ay ipinamalas nya sa akin ang nalalaman nya pagdating sa larangan ng pagpapadama ng pisikal na pagmamahal.

I am nervous but I don't want to worry about anything. At this moment, I just wanted to truly become his wife and become one with him.

Onemig started kissing me again like I was his most valuable possession. Halos namamaga na ang mga labi ko ng iwan nya ito at dumako sa aking leeg. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari dahil abala ako sa pagdama ng ibat-ibang sensasyong ipinaparanas nya sa akin.

At napatunayan ko kung gaano sya katiyaga sa akin. Hindi sya nagmamadali kahit na alam ko na malapit na sya sa sukdulan. He wanted to give me the best first time. He wanted me to remember this for the rest of my life.

While savoring my lips, he slowly made me his. He patiently moved inch by inch until I felt him inside me.

The withering pain made me close my eyes. Pakiramdam ko nahati ang katawan ko sa dalawa. Halos mapasigaw ako sa sobrang sakit. Pero hindi nya hinayaan na manatili ako sa ganoong sitwasyon, ginawa nya ang lahat para maibsan ang sakit na aking nararamdaman hanggang sa humupa ito at pumalit ang isang pakiramdam na sa tanang buhay ko ay noon ko lang naranasan.

Nothing in this world was more beautiful than sharing an intimate moment with your beloved one. Where two souls became one.

After experiencing Onemig's full force of energy, I felt so tired that I couldn't open my eyes. My body felt weak. Naramdaman ko syang kumilos sa tabi ko. After a while, I felt him wiping me down there and help me change into a new set of pajamas.

As what I promised, on the night of our wedding day, I gave him my all and I didn't regret at all. Because deep in my heart, I knew it was all worth it.

Bab berikutnya