webnovel

Friends

Aliyah Neslein Mercado's Point of View

" No! " sagot ko. Nakita ko ang rumehistrong disappointment sa kanyang gwapong mukha.

Marahan syang tumango. " I see. Hanggang ngayon siguro hindi mo pa rin talaga ako napapatawad. "

" Excuse lang besh, dun lang ako kay Gilbert. Mag-usap muna kayong dalawa. " biglang singit ni Tin kaya pareho kaming sa kanya napatingin.

Muli akong tumingin kay Onemig nung makaalis si Tin. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang rason ng pag-aalingan ko sa inaalok nya?

Umiling ako. " Hindi. Hindi yon. Napatawad na kita, matagal na. "

Tumango sya at muli na naman akong tiningnan sa mga mata. " Kung ganon ano? "

" Si Harry. Hindi gugustuhin ni Harry na ikaw ang makita nyang ka-partner ko. Alam mo na, nagalit sya sayo dun sa nangyari gayundin si kuya Theo dahil sya yung kasama ko nung gabing yon. And besides, you're with someone now , ano na lang ang sasabihin nya? "

" Nagka-ayos na kami ni Harry pati na ang mga kaibigan nyo. " nagulat ako sa sinabi nya.

" Ha? "

" Yeah. That was a year ago. " simula nya. Napansin nyang parang naghihintay ako ng sagot kaya nagpatuloy sya. " Bagong lipat si Harry dun sa condo unit na nasa itaas ng unit na tinutuluyan ko, yung kay kuya Mark. Kasama nya si Sav at Theo pati ang buong barkada nyo na tinulungan sya sa paglilipat. Ginagawa naman namin yung warehouse nyo sa Pasig kaya dun kami nila Jake at Gilbert umuuwi sa condo. Nagkita kami sa elevator tapos yun, nagkagulo na, galit na galit sya at pinagsusumbatan nya ako. Hindi ako kumibo kasi kasalanan ko naman talaga. Nagulat na lang ako nung suntukin nya ako. Hinayaan ko sya, kahit na nung umaawat na yung mga kasama namin, pinigilan ko sila. I deserve all those punches. I deserve all those bruises from his punches. Tama lang sa akin yon, kulang pa nga yon kumpara sa sakit na pinagdaanan mo dahil sa akin. Naiintindihan ko ang galit ni Harry that time, sinaktan ko ang best friend nya, sinaktan kita. Nung mapagod sya, tinigilan na nya ako. Hindi naman nya ako napuruhan dahil nakatayo pa ako. Siguro talagang hindi nya itinodo dahil magkaibigan din naman kami. Humingi ako ng tawad sa kanila. Nagpaliwanag ako, lahat ng sinabi ko sayo noon na dahilan ko, sinabi ko ring lahat sa kanila. Matapos yon, nagkaayos na kami. Tinanggap nila yung apology ko. Kahit paano naman kasi naging kaibigan ko na rin sila dahil sayo. " paliwanag nya. Medyo may dumaang lungkot at awa sa puso ko para sa kanya. Nung pinatawad ko sya, inunawa ko na rin kung bakit nya ginawa yung mga nagawa nya. May kasalanan sya pero biktima din lang sya ni Greta. Kaming dalawa, sinira kami ni Greta.

" Bakit hindi ko alam yon? Bakit walang nagsabi sa akin? " tanong ko.

" Sinadya nilang hindi sabihin sayo kasi ayaw nila na abalahin ka pa. At isa pa, tapos na yon kaya hindi na nila pinaalam pa sayo. " sagot ni Onemig. Marahan akong tumango. Alam ko naman na hindi talaga nila sasabihin sa akin dahil pinagbawalan ko sila na magbanggit ng kahit na ano tungkol kay Onemig. Naiintindihan ko sila sa bagay na yun.

" Kung papayag akong maging partner ka sa engagement party ni Harry at Sav, paano si Monique? Ano na lang ang sasabihin nya? " tanong ko naman.

" What about her? Ano naman ang sasabihin nya? Nandito tayo at nasa Sto. Cristo naman sya. "

" Syempre girlfriend mo sya. Ayokong may masabi sya sa akin. " parang nalilito sya sa sinasabi ko pero sa huli ay tumango-tango na lang.

" She will understand. Bukod sayo, isa sya sa pinaka-understanding na tao na nakilala ko.Walang kaso yun sa kanya, believe me. So, ano payag ka na? " lihim akong napangiti. Ako nga itong may kailangan pero parang siya pa ang lumalabas na nangungulit para may maka-date ako.

Nung hindi ako kumikibo,inisip nya na nag-aalinlangan ako kaya inilahad nya ang kanyang kanang kamay sa harapan ko na sya namang ikinagulat ko.

" Hi! I'm Juan Miguel Arceo, you can call me Onemig, 23 years old. Can we be friends? " natawa na ako ng tuluyan pero inabot ko naman ang kamay nyang nakalahad sa harapan ko.

" Hello! I'm Aliyah Neslein Mercado, you can call me Liyah, 21 years old. And yes, we can be friends of course. "

" Again. " sabay pa naming sambit tapos nagkatinginan kami then sabay din kaming tumawa.

" Nung mag-break kasi tayo nag- FO na rin tayo kaya gusto ko mag-start ulit tayo bilang friends Liyah para hindi na tayo magka-ilangan. At bilang panimula gusto ko ulit humingi ng tawad sayo sa nangyari. Although I already explained to you and you gave me your forgiveness, I still want to say sorry over and over again. Kulang pa yon sa lahat ng sakit na ibinigay ko sayo noon. Salamat at tinanggap mo ako ngayon kahit bilang kaibigan lang, napakalaking bagay na sa akin yon at para na rin akong nabunutan ng tinik. " sya na ang sumagot kung bakit friends again kami.

" Uy sobra ka naman dun sa tinik. But seriously, okay na ako kaya pwede na tayong magkasundo ulit. Pero sana, huwag na nating pag-usapan pa yung nakaraan, let's start a clean slate Uno. Magiging magka-trabaho tayo, hindi naman yata maganda na magka-away tayo baka gumuho pa yung building na itatayo mo para sa company namin. "

" Hahaha. Hindi ka pa rin pala nagbabago Ali. " sambit nya dahil binanggit ko yung dati kong tawag sa kanya.

" Akala mo lang yun. "

" Talaga? " nakangiti lang akong tumango.

" Sunduin na lang kita mamaya? " tanong nya.

" Bakit? Alam mo ba kung saan ako nakatira? " biro ko.

" Sa Quezon Ave. di ba? " nakakunot noong tanong nya.

" Hindi ah. " subok kong muli. May gusto lang akong patunayan.

" Ha? Eh doon kita nakitang---" bingo! sabi ko na nga ba. Kotse nya nga yung nakita ko nung isang araw na naka-park sa may gate ng village namin. Ayoko lang kumpirmahin, mahirap umasa muli.

Tiningnan ko lang sya ng kunwa'y tingin na nagtatanong.

" Ah eh--a-ano kasi, galing ako nun sa ano ---" hindi na nya natuloy dahil nilagay ko yung dalawang daliri ko sa labi nya. Pulang-pula na kasi sya pati yung tenga nya, ayoko namang mapahiya sya ng husto.

" Ano ka ba, binibiro lang kita. Oo dun pa rin ako nakatira, kami ni Tin. "

" Sige susunduin na lang namin kayo. " wika nya, tila nakahinga na sya ng maluwag at napapakamot pa sa batok nya. Ang cute nya kapag ginagawa nya yon. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko. Sabi ko nga ayokong mapahiya sya at ayoko ring umasa na ini-stalk nya ako.

Six thirty ng gabi ng matapos kami ni Tin na gumayak. 7:00 ang usapan namin nila Onemig sa pagsundo nila ni Gilbert sa amin. 8:00 pm naman yung umpisa ng engagement party.

Napakaganda ni Tin sa suot nyang gown, ako na rin ang nag-make up sa aming dalawa tutal marunong naman ako. Pinahiram ko rin sya ng set of jewelries ko para complete package na sya. Siguradong matataranta si Gilbert kapag nakita sya mamaya.

Sampung minuto bago ang oras na napag- usapan namin nang marinig ko ang ugong ng sasakyan sa harap ng gate namin. Narinig kong pinagbuksan sila ni yaya Melba ng gate.

" Anak nandito na ang mga gwapong date nyo. " sabi ni yaya habang pumapasok sa loob ng bahay. Nasa living room na kami ni Tin, naghihintay sa kanila.

Nasa likuran ni yaya Melba yung dalawa, parehong naka three piece suit. Shocks! Ang gwapo nga pareho. Hindi ko pinapahalatang halos malaglag ang undies ko pagkakita ko kay Onemig. Mahirap na, baka isipin nya may gusto pa rin ako sa kanya.

Wala nga ba Aliyah?

Oo na, meron pa pero secret nga lang.

" Mga pogi kayo na ang bahala sa mga alaga ko ha? " bilin ni yaya dun sa dalawa.

" Sige po kami na ang bahala sa kanila. " si Gilbert ang sumagot habang nakatingin pa rin kay Tin. Sabi ko na nga ba, magpupuso ang mga mata nito pag nakita si Tin.

Nang mapadako ang tingin ko kay Onemig, nakatingin din pala sya sa akin. Titig na titig na tila puno ng paghanga.

Echos lang yan Liyah. Baka maniwala ka na naman dyan.

" Let's go? " pukaw ko sa kanya. Saka lang sya parang natauhan. Inalalayan na nya ako palabas ng bahay. Kumaway pa sya kay yaya Melba nung nasa may pinto na kami. Si Tin at Gilbert naman ay nasa likuran namin nakasunod.

Sa back seat kami ni Tin naupo. Sa BGC ang venue ng party nila Harry at Sav, hindi naman masyadong malayo, wag lang kaming ma-traffic at makakarating kami sa takdang oras.

Makalipas ang halos isang oras ng sa wakas ay narating namin ang The Atrium sa may Enderun Colleges kung saan gaganapin ang engagement party ng mga kaibigan namin.

First time kong pumunta dito kaya naman humanga at namangha ako sa ganda ng lugar. It is an elegant indoor events space blessed with a charming view of garden courtyard. It features a glass ceilings, lofty windows, red brick walls and marbled floors. Sa tantya ko hanggang 150 persons ang capacity nya pero dahil mga malalapit na relatives and friends lang ang invited, hindi tiyak mapupuno at maluwag pa ang lugar.

" Besh ang ganda! " bulalas ni Tin.

" Oo nga. Ngayon lang din ako nagawi dito akala ko kasi school lang sya. May ganito pala sa tabi nya. " wika ko.

" Liyah, Tin dito tayo. Magpapa-picture daw muna bago pumasok. " untag ni Gilbert sa amin. Nasa may entrance na sila ni Onemig at hinihintay kami.Nakapag-park na sila sa di kalayuan. Hindi kasi sila basta makakapasok dahil nasa amin ni Tin yung invitation.

Nung nasa entrance na kami, kinuha nung receptionist yung invitation namin tapos nilista yung pangalan namin at nung date namin. After a while, pinapasok na kami pero may picture taking pa with our date. Parang yung sa awards night ng movies sa States ang peg.

Nauna si Tin at Gilbert magpa-picture. Nasa gilid kami ni Onemig then may mga girls sa likod namin kasama ang mga date nila. Hindi ko sila kilala, baka family friends nila Sav. Panay pa nga ang sulyap kay Onemig nung mga babae. Deadma lang ako. Ganyan na man palagi kahit noon pa. Sanay na ako.

Nung turn na namin ni Onemig, hinawakan nya ako sa kamay papunta dun sa picture taking corner. Nung kukunan na kami, may biglang dumaan na mag-partner sa harap namin na tila nagmamadali. Medyo natabig ako nung dumaan kaya nawala ang balanse ko sa pagkakatayo pero hindi ako tuluyang tumumba dahil kinabig ako bigla ni Onemig palapit sa kanya kaya medyo napasubsob ako sa dibdib nya at pinaloob nya ako sa mga bisig nya na para bang pino-protektahan ako. Namula ako ng husto dahil ramdam ko yung init ng katawan nya na sobrang nakadikit sa akin at ang matindi pa, yun pa yung saktong pose namin na nakunan ng camera.

Tinamaan ng magaling. Para kaming mag-jowa dun sa posisyon namin na yun.

" Ano ba naman yun, nakakahiya yung kuha natin. Ano na lang ang sasabihin ng girlfriend mo kapag nakita nya yon? Siguradong lalabas yun sa mga society pages dahil sa mommy ni Sav. " reklamo ko nung papasok na kami sa function hall.

Hindi kumibo ang kumag sa halip nakatingin lang sa akin na sobrang lapad ng ngiti.

" Anyare sayo besh? " tanong ni Tin na naghihintay sa amin sa may entrance. Narinig nya kasi yung pagrereklamo ko.

" Ito kasi eh! " sabay turo ko sa kumag na katabi ko.

" Anong ako? " painosente pa na tanong nya tapos namimilyo pa yung ngiti nya.

" Bakit kasi ano---! " hindi ko masabi dahil hanggang ngayon parang ramdam ko pa rin yung init nung yakap nya sa akin kanina.

" Anong ano? Huwag mo na ngang intindihin yon. Bakit ba parang affected ka? " tudyo nya. Nahalata ba nya ako?

" Hindi ah! Baka lang kasi makita ni Monique yon. " tanggi ko.

" Hindi yon nagbabasa ng magazine lalo na yung society page. And besides, makita man nya yon, ano naman ang ikakagalit nya? Eh di ba friends lang naman tayo? " sabi nya tapos may diin pa yung salitang friends nung bigkasin nya.

" Ewan sayo! Tara na nga. " hinila ko na sya para puntahan na sina Harry at Sav.

Agad akong bumeso kina Harry at Sav ng marating namin ang kinaroroonan nila.

" Congrats besty and sissy! " bati ko gayun din ang ginawa ni Tin na nasa likuran ko. Nakipag-kamay naman si Gilbert at Onemig sa kanila.

" Akala ko nagbibiro ka lang kanina nung sabihin mong si Onemig ang date mo besty. " wika ni Harry sa akin.

" Nag-aalangan nga ako kasi nga di ba? "

" We're good now, di ba dude? " sagot nya sabay tingin kay Onemig.

" Yeah, I already told her. " sagot naman ni Onemig.

" Really? Good. " si Harry.

" Sissy maghanap na kayo ng table nyo para makakain na kayo. " turan naman ni Sav sa amin. Sumang-ayon naman kami sa sinabi nya at iniwanan na sila para humanap ng magandang pwesto. Nag-eestima rin kasi silang dalawa sa mga dumarating pang guests.

May nakita naman kaming pwesto malapit dun sa window kung saan kita yung view ng garden.

Nung nakaupo na kami ay may lumapit na sa aming waiter at nag-serve ng pagkain at inumin.

Halos patapos na kaming kumain nang may lumapit sa table namin.

" Oh hi Onemig it's good to see you here with your ex. Are you guys together again? "

Bab berikutnya