webnovel

The Truth Hurts

Laine's Point of View

AND now she's back. The wicked witch in disguise. And just by the sight of her, my blood's starting to boil.

But I won't give her the satisfaction of seeing me pissed.I need to calm my nerves. Kalma lang ika nga.

" Oh welcome back Marga! Bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating ka pala? eh di sana pinasundo kita ng limousine ni papa." with full of sarcasm and evil grin.Narinig kong mahinang nagtawanan ang mga kasama ko na nasa likod ko.

" Pwede ba Laine huwag kang magpatawa at hindi ka nakakatawa!" naaasar na wika nya.

" Ah ganon ba? Kasi ako natatawa ako sayo eh. Tawang-tawa. Imagine kadarating mo lang galing airport tsismis agad ang inatupag mo at sumugod kana agad dito. Ganon ka ba kadesperada na makita ako ha Marga?"

" Ang kapal mo naman para mag-assume na ikaw ang ipinunta ko rito. Nandito ako para pauwiin na si Nhel sa amin dahil hinahanap na sya ng anak namin."

" Ah hindi ba ako? Sorry naman kasi sa akin ka kaagad nakatingin kaninang pagdating mo at ako agad ang sininghalan mo. Dapat pala pagkakita mo pa lang kay Nhel tumakbo kana para yumakap sa kanya ng sa gayon dramatic ang entrance mo.Kaso hindi eh! May pa in your dreams,in your dreams ka pa dyan at over my dead body ka pang nalalaman. Neknek mo! Paki ko ba dyan sa body mong deretso at walang kurba!" turan ko na pigil na pigil na magpakita ng anumang emosyon.

" Sh*t ka! Sumosobra ka na ah!" akmang sasampalin nya ako pero umilag ako.

" Nah.ah! Don't say bad words at subukan mong saktan ako ulit kundi

makakatikim ka na sa akin." I sarcastically smiled at her.

" Pwede ba Laine wala akong panahon sayo. Nandito ako para sa asawa ko. Ngayong nandito na ako uuwi na sya sa amin! Kaya wag ka ng mag-ilusyon na makakasama mo sya dahil wala kang karapatan!"

" Asawa? Sinong asawa? Pwede ba huwag kang magpatawa Margarette, wala kang asawa dito. Ikaw ang nag-iilusyon!"

" Hoy! Naka-drugs ka ba Alyanna? Hayan ang mga taong nakasaksi nung ikasal kami ni Nhel. " sabay tingin sa mga taong nasa paligid namin.Pati si papa Phil at mga kamag-anak na kainuman ay napasugod na rin sa loob ng bahay.

" Yes, the same people na nakasaksi rin kung gaano ako minahal ni Nhel at nakakaalam rin na mas higit akong may karapatan kaysa sayo." kalmadong turan ko.

Nagulat sya sa narinig nya sa akin.Nagpalipat~lipat ang tingin nya sa akin at kay Nhel.

Tumingin ako kay Nhel at nag~usap kami sa pamamagitan ng tingin saka marahan syang tumango sa akin. Tanda ng ngayon na ang panahon para malaman na ni Marga ang lahat.

Gayon din ang mga malalapit na kamag-anak na naroon kasama namin,umaayon din sila sa gagawin ko sa pamamagitan ng mga tingin nila.

" Ano ang ibig mong sabihin na karapatan mo sa asawa ko? Oo matagal na naging kayo pero ako ang pinakasalan nya kaya wala kang karapatan na ipaglaban yang sinasabi mo.Naging girlfriend ka lang at minahal pero ako ngayon ang gumagamit ng apelyido nya." puno ng kumpiyansang saad nya.

Nagmadali akong pumasok sa silid at mabilis ding lumabas dala ang bag ko at isang brown envelop na naglalaman ng mga ebidensya ko.Buti na lang hindi ko inaalis sa bag ko ang mga ito baka sakali kasing mangyari ang ganito at ito na nga yon. It's about time.

" Apelyido ba kamo? Heto tignan mong lahat yan." inilatag ko ang lahat ng ID ko sa harap nya.

Nanlalaki ang mga mata nya habang tinitignan nya ang apat na valid ID ko at mga bank at atm cards ko. Alyanna Maine Guererro Mercado ang lahat ng nakasulat na pangalan sa mga iyon.

" Hindi! Hindi totoo to.Gawa~gawa mo lang ito." umiiling sya at hindi makapaniwala.

" Wala akong dahilan para ipeke yang

mga yan.Simple lang naman ang dahilan dyan, ako talaga ang legal na Mrs.Mercado at nasa akin ang lahat ng karapatan para bawiin ko si Nhel sayo." pagkasabi ko nun nilabas ko ang lahat ng laman ng brown envelop.This is it wala ng urungan to.

" Kung hindi ka pa kumbinsido, heto ang marriage contract namin. Halos isang taon na kaming kasal nung umeksena ka at guluhin kami.Hayan din ang titulo ng bahay at lupa namin kung saan kami tumira ng halos isang taon.At heto ang birth certificate ng anak naming si Aliyah, mas matanda sya sa anak mo.Hayan ang lahat ng katibayan Marga na ako ang tunay na Mrs.Mercado.Legit yan.At yang sinasabi mong kasal kayo,invalid yun at lumalabas na illegitimate ang anak mo sa kanya. Dahil ako at ang anak ko ang legal na pamilya ni Nhel. Nagtiis ako Marga. Hinayaan ko kayo ng magulang mo sa kahibangan nyo. Kaya ayaw kang pakasalan ni Nhel nuon dahil lihim kaming kasal,pero ano ang ginawa nyo? Tinakot nyo sya at pati ako idadamay nyo pag hindi sya pumayag." namangha sya ng husto sa mga nalaman nya at halatang pinipilit lang nyang itago ang tensyon na nararamdaman nya.Panay ang pagkalma nya sa mga kamay nya.Nanginginig sya.

" Idedemanda kita kapag pinilit mong agawin si Nhel sa amin ng anak nya." matapang pa rin sya, ayaw talagang magpatalo.

" Anak nya? Sinong anak nya? Si Aliyah lang ang anak nya at yung batang pinagbubuntis ko noon na nalaglag dahil sa pananakit mo sa akin!" napasinghap ang mga taong nanonood sa amin ng marinig ang sinabi ko.

" Hindi totoo yan! Wala akong alam dyan sa sinasabi mo! At huwag mong ipaako kay Nhel ang anak mo kay Anton."

" Want some proof? Here." iwinagayway ko sa harap nya ang medical certificate ko nung nakunan ako.Pero tila balewala lang sa kanya.

" Gawa-gawa mo lang ang lahat ng yan dahil desperada ka ng makuha ulit si Nhel. Tignan lang natin kung magtagumpay ka dahil hindi ko hahayaan yon. May anak kami kaya may karapatan kami sa kanya.Idedemanda kita Laine sa lahat ng kasinungalingan mo at pamemeke ng mga dokumento." matapang pa rin sya at ayaw sumuko.Let's see kung lulusot ka pa dito.

" Sinong nagsisinungaling? Ako? Ako pa ba Marga? O baka gusto mong isampal ko sayo ngayon ang lahat ng mga kasinungalingan mo at sa harap nilang lahat.Hindi nagsisinungaling ang lahat ng ebidensyang hawak ko laban sayo. Sige magdemanda ka! Hindi ako natatakot. Pero sinisigurado ko sayo, sa akin pa rin ang huling halakhak."

" Hindi rin ako natatakot dyan sa banta mo, fake na Mrs.Mercado.Ano ba ang magagawa ng isang tulad mo? You're just a cheap model na nagbibilad ng katawan sa mga billboards sa Edsa! Shame on you. Hintayin mo na lang ang abogado ng dad ko at magkita na lang tayo sa korte." pabalewalang turan nya at tumalikod na para lumabas ng bahay. Ang kapal talaga at ako pa ang tinawag na cheap.Hindi ko sya hahayaang makaalis ng hindi ko nasasabi ang lahat ng nalalaman ko.Nandito na rin lang at naumpisahan ko na,kailangang tapusin ko na rin.

" Ok Marga see you in court. Can I bring Wesley Tanchiangco with me as my witness?" natigilan sya at napahinto sa paghakbang palabas. Sige lang akala mo ha.

Daha-dahan syang humarap sa akin at napansin ko na medyo namutla sya.

" Sounds familiar? See I told you, marami akong evidence na pwedeng isampal sayo.Cheap ako? Eh ikaw anong tawag sayo? Ang hirap sayo Marga kinakalaban mo ako ng hindi mo ako kinikilala ng husto. Ang alam mo lang,ako si Laine na anak ni Franz at ni Paz na namumuhay ng simple at tahimik sa baryo ng Sto.Cristo. Sana nag background check ka. Hindi komo hindi ako lumalaban sayo, wala na akong binatbat at hindi kayang pumantay sa kung ano ang mayroon ka."

" Ano ang alam mo kay Wesley? Bakit mo sya kilala?" matalim at nag-aapoy ang tingin nya sa akin.

" Ngayon nagulat ka kung bakit kilala ko si Wesley? FYI Marga, si Wesley ay bestfriend lang naman ng kuya ko at parang kapatid ko na rin."

"K- Kapatid mo si sir Frank? " hindi makapaniwalang turan nya na medyo nautal pa.

" Mismo! Hindi ka ba nagtataka at pareho kami ng apelyido? You're working with FCG group of companies for five years tapos hindi mo alam kung sino ang tunay na owner ng company?And FCG stands for Francisco C.Guererro. Francisco is Franz's first name and he is my dad.So that means you are working with OUR company, you are just my employee Marga.So sino ang cheap ngayon?Kung tutuusin kaya namin ng pamilya ko na pataubin kung ano man ang yaman na mayroon kayo. Pero hindi kami ganong klase ng tao.Hindi kasi kami katulad nyo, minemenos nyo ang tao base lang sa kung ano ang nakikita nyo."

" Napaka-walanghiya mo Laine.Kinasusuklaman kita! " tanging nasambit nya habang pilit akong inaabot para saktan pero pigil-pigil sya ni papa Phil.

" The feeling is mutual Marga.That's the truth.Kulang pa nga yan sa dami ng nalalaman ko tungkol sayo. Just accept the truth Marga. Kahit na anong gawin mo hindi mo ako mapapatumba dahil pilit pa rin akong babangon. You can never put a good man down.Kukunin ko ang pinaka mahalagang pag-aari ko mula sayo sa ayaw at sa gusto mo.Gusto mo akong idemanda? Go on.Hindi ako natatakot dahil nasa panig ko ang katotohanan."

" Pwes wag mo akong takutin Laine dahil nasa panig ko ang batas. Wala akong pakialam sa yaman mo. Hindi ko hahayaang mabawi mo si Nhel sa akin dahil gagawin ko ang lahat para manatili sya sa amin ng aming anak." matapang na turan nya. Bilib talaga ako sa tapang na meron sya pero kalmado lang ako. Alam ko namang alam nya na wala syang laban, ayaw din nyang aminin at tanggapin na nasasaktan sya ngayon sa katotohanan.

" Oo nga pala panig sayo ang batas kasi kayang-kaya nyong bayaran ang batas dito sa atin para pilipitin ang katotohanan, katulad ng ginawa ng ama mo kay Engr.Robles, ang asawa ng doktor nyo na si Dra.Niña Buencamino Robles." namangha sya ng husto ng marinig nya ang mga pangalang binanggit ko,maging si Nhel ay nagulat din ng marinig ang pamilyar na pangalan at napatingin bigla sa akin.

Sorry beh alam kong masasaktan ka sa sasabihin ko pero ito na ang huling alas natin kay Marga.

The truth really hurts.

Bab berikutnya