webnovel

Trap

[R-18] This chapter has explicit content not suitable for young readers

--------------------------

TILA HINAHABOL ng demonyo na tumakbo si Ansell papasok sa loob ng party. Sinusubukan niyang tawagan si Lexine pero dahil congested ang buong lugar ay hirap siyang ma-contact ang cellphone nito. Na-hassle siya kanina, paalis pa lang siya ng condo nang biglang dumating si Jessie na lasing at umiiyak. Kinailangan niya pang asikasuhin ang babae at ihatid sa bahay nito. Kinausap na niya ito no'ng nakaraan na tapos na sila at wala ng pag-asang magkabalikan pa pero talagang hindi ito maka-move on sa kanya.

He felt bad for her though dahil alam niyang nasaktan niya ito. Okay naman sana si Jessie nung unang tatlong buwan pero nang magsimula na itong away-awayin siya dahil sa pagseselos nito kay Lexine ay dun na siya nagsimulang mawalan ng gana.

That's exactly what he doesn't like with most of the girls he meets; they're all clingy and needy. Halos lahat ng ex at mga na-idate niya ay nagseselos sa kanyang best friend. Hindi naman na siya magtataka dahil sa closeness nilang dalawa. Lalo na't maganda, matalino at talented si Lexine.

But those girls can't understand his rules. When it comes to Lexine, they're not allowed to complain. So what if he's willing to ditch his scheduled dates to meet his best friend? So what kung isang tawag lang nito ay nag-aapura siyang puntahan ito? So what kung mas priority niya si Lexine higit kanino man? They've been friends since grade school. Natural na mas matimbang ang samahan nila sa kahit kaninong babae.

Halos magkandahaba nang leeg ni Ansell kakahanap sa kaibigan. Hindi na mahulugan ng karayom ang loob ng buong property sa dami ng tao. Pawis, malagkit, amoy alak at sigarilyo nang bawat taong nakasasalubong niya. Natanaw niya si Xyrille sa gitna ng sala habang panay ang talon at sayaw nito. Agad siyang nakipagsiksikan at nilapitan ito.

"Where's Lexine?!" sigaw niya. Nilalamon ng malakas sound system ang boses niya.

Humarap si Xyrille at nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. "Oh! Ansell, you're late! Kanina ka pa hinahanap ni Lexi. I don't know where she is. Iniwan ko lang siya kanina sa pool but she was gone when I came back."

Nagkamot siya ng ulo at mabigat na bumungtong hininga. "Okay, thanks. I'll just find her."

Nakipagsisikan uli si Ansell sa mga tao hanggang sa makarating siya ng kitchen area. Kumuha muna siya ng beer sa fridge at inisang tunga `yon. Marami pa siyang nakasalubong na mga babae na sinusubukan siyang landiin. But he can't enjoy the night without knowing where the hell she is. He's deadly worried.

Ansell tried calling Lexine again but he still failed. Lumabas siya ng garden at naghanap ng signal. Napadpad siya sa pinakalikuran parte ng mansion kung saan walang masyadong bisita. "Come on, pick up the phone, Lexi. Where the hell are you?"

Isang mabigat na bagay ang pumukpok sa batok ni Ansell dahilan upang masubsob siya sa damuhan. Dalawang kamay ang agad humawak sa magkabila niyang braso at kinaladkad siya sa likurang parte ng garden. Napaungol siya. Pumailanlang ang malakas na tawanan ng mga lalaki. Tinago siya ng mga ito sa likuran ng mga halaman.

"Nasaan nang yabang mo ngayon, Ansell?"

Pinilit ni Ansell na idilat ang mga mata. Naaninag niya ang mukha ni Cristoff. Nagtigas ang bagang niya. Nanggigigil siya sa galit pero unti-unti ng nilalamon ng dilim ang diwa niya.

Dumating si Jacko. "Pre, nainom na ni Lexine. Mukhang umepekto na."

Agad nanlamig ang pakiramdam ni Ansell. Lexine! No! He needs to protect her! But he can't move his limbs. Mas lumaki ang ngiti ni Cristoff. Dinuraan siya nito bago naglakad paalis kasama ang mga kaibigan nito.

"Lexine," Ansell weakly whispered as the darkness finally swallowed him.

***

NAG-EEKIS ang mga binti na naglakad si Lexine papasok sa loob ng mansion. Nanunuyot ang lalamunan niya habang umiikot ang kanyang paligid. She checked her iPhone at napamura nang makitang na-lowbat `yon. Paano niya pa ma-cocontact si Ansell o kaya si Manong Ben? Gusto na niyang umuwi. Hindi na maganda ang kanyang pakiramdam.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa napadpad siya sa malawak na living room. Una niyang napansin ang mga kalalakihan na tumatalon sa ibabaw ng malaking sofa. Isa sa mga ito ang nakahubad at tanging pulang boxer ang suot habang sumasayaw na parang bulateng sinabuyan ng asin. Nahirapan siyang makadaan sa dagat ng mga pawis at malalagkit na katawan. Puro umuugang pwet at dede ang nakikita niya habang hiyaw naman ng hiyaw ang mga kalalakihan na parang mga hayop na nakawala sa Manila Zoo.

After like forever, sa wakas at nakalagpas siya ng sala. Nanunuyot ang lalamunan niya. Nanlalamig ang palad niya at naninigas ang bagang niya na para bang naghahanap ang kanyang ngipin ng bagay na ngunguyain. She doesn't like this feeling. What's happening to her?

May nakasalubong si Lexine na isang babae at agad siyang nagtanong kung saan ang kusina. Tumuro ito pakaliwa. Sinundan niya iyon. Nakarating siya ng kitchen ngunit agad din natigilan nang bumungad sa kanya ang isang couple na nakatayo sa harap ng lababo at naghahalikan. Tila walang pakielam ang dalawa sa mundo at kulang na lang ay kainin nang nguso ng isa't isa. Sa paanan ng mga ito nakahandusay ang isang matabang lalaki habang naliligo sa sarili nitong suka. He probably had the best night of his life that he would never forget.

Lexine sighed and rolled her eyes. Forget about the water! She just wanted to get out of this chaos. Naghanap siya ng pwestong malayo sa riot. Dinala siya ng mga paa sa paananan ng malaking hagdanan. Lumindol ang kanyang paningin at napasandal sa pader. May isang braso ang pumulupot sa kanyang bewang. Nag-angat siya ng ulo. Blurry ang kanyang paningin but the guy looks familiar.

"Hey, lasing ka na." She knows that voice. Lexine squinted her eyes, and her vision slowly cleared. It's Cristoff.

She weakly whispered, "I… want to take a rest."

"There's a vacant room upstairs. You can rest there." Inalalayan siya ni Cristoff at dinala sa loob ng bakanteng kwarto. Naramdaman ni Lexine ang paglapat ng likuran sa malambot na kutson. She felt a relief. Sa wakas at makakapagpahinga na siya.

Sumarado ang pinto at nalusaw ang ingay mula sa labas. Mabibigat na yabag ang sunud niyang narinig. Pagdilat niya ng mata, bukod kay Cristoff ay naroon din ang mga kaibigan nito. Para siyang nabuhusan ng isang timba ng tubig. Agad bumangon si Lexine pero may kirot na mabilis tumusok sa kanyang sintido dahilan upang muli siyang mapaupo.

"Shhh." Tinakpan agad ni Cristoff ang kanyang bibig. "Relax ka lang, in a few minutes, manghihina nang buong katawan mo. If I were you, just lay back and enjoy yourself."

Shiver gripped her spine as fear pounded her chest like a brisk drumbeat. Tinulak siya ni Cristoff sa kama at mabilis na pinaibabawan. Sumigaw siya ng tulong pero mahinang tunog lang ang lumalabas mula sa kanyang bibig. Ramdam niya ang bigat nito sa kanyang ibabaw at nahihirapan siyang makagalaw.

Pinagtatagpi-tagpi ni Lexine ang mga nangyari. She remembered just half hour ago when Jacko stood beside her and chatted with their group. Bigla na lang siya nitong binangga at natapon ang iniinom niyang beer. He offered his drink in exchange. Tinanggap naman niya `yon at hindi niya naisip na may plano pala ang mga ito sa kanya. She got drugged!

"H-hayop ka." Nagkiskis ang kanyang ngipin.

"Sorry ka na lang, Lexine. Malaki atraso sa'kin ng mayabang mong kaibigan. Sinulot sa'kin ni Ansell si Jessie. Pwes, aangkinin din kita."

"What? Ex mo si Jessie?" She doesn't know about that.

"Oo! Five fucking years! Tinapon niya ang limang taon namin para lang ano? Para lumandi sa tarantado mong kaibigan? And look what happened? He broke up with her and threw her like a fucking trash!" Sumiklab ang apoy sa mga mata ni Cristoff. "An eye for an eye. Sinaktan niya si Jessie. Then I'd make sure to give him back what he did to her."

Hinablot nito ang suot niyang dress, napasinghap siya nang malakas. Humalik ang hangin sa dibdib niya. "No! Please, stop!"

"No, no, no babe. I won't stop, nagsisimula pa lang tayo." Sinimulang halikan ni Cristoff ang tenga at leeg niya. Impit siyang tumili. Nandidiri siya rito. Kahit anung gawin niyang pag-iwas ng mukha ay inaabot pa rin siya ng malagkit nitong halik. Hindi na maramdaman ni Lexine ang mga kalamnan at kahit simpleng pagsigaw ay nahihirapan siya; namamanhid maging dila niya. Patuloy na umiikot ang kanyang buong mundo. Wala siyang magawa kundi ang umiyak.

Lumapit na rin ang tatlong binata. Nagsimula nang maghubad ang mga ito. Umalingawngaw sa buong silid ang nakakikilabot na tawanan. Tahimik na nanalangin si Lexine sa Diyos na sana ay magpadala ito ng taong sasagip sa kanya.

Somebody, please help me!

Bab berikutnya