"MAKIMOTO, what are my schedules for today?" tanong agad ni Lexine pagkapasok niya ng office. Mabilis na naglalakad ang dalaga with her high heels ticking the tiles beneath habang humahabol naman si Maki at binabasa ang schedule sa iPad.
"Ms. Lexine at 8am you have a scheduled call with the head of Singapore Branch. At 8:30am another scheduled video conference with Japan Branch, at 9:30 until 11:30am we have the list of the agent applicants for final interview."
"How many applicants do we have?"
"300 applicants po."
Naningkit ang mata ni Lexine. Ibig sabihin ay mayroon siyang 100 applicants na kailangan kausapin sa loob ng isang oras, "Go on."
"You have a lunch meeting with Mr. Devenacia, then by 3pm with the CEO of Monte Corp by 4:30pm you need to meet Mr. Brusko."
Napangiti si Lexine nang marinig ang pangalan ng huli. Isa na ngayong successful event organizer ang kanyang kaibigan. Kasama kasi ang Mighty bar and Grill sa mga sinugod at nasalanta ng mga alagad ni Lucas a year ago. Tinulungan niya si Brusko na magkaroon ng panibagong career path at ngayon nga ay malaki na ang B&B Event Co. ang events management company na tinayo nito.
Napangiti si Lexine dahil ang tagal na nilang hindi nagkikita since busy din siya sa pagpapatakbo ng Moonhunters kung kaya naman excited na siyang ma-meet ulit ang bakla.
Natapos ang siksik na araw ni Lexine by exactly 4:20pm kaya naman nagmadali na siyang magtungo sa meeting place nila ni Brusko sa Manila Peninsula hotel.
"Mamshiiiiieeeeeeeee!" nagtitili sa saya na may kasama pang pagtalon si Brusko nang magkita sila sa lobby.
"Brusko! I've missed you!" ginantihan niya rin ito nang mahigpit na yakap at para silang mga batang nagtatalon-talon sa sobrang tuwa.
"Mamshie! Gumanda ka lalo! Sobrang blooming ng aura mo para kang naka-camera 360, natural ang glowing effect sa mukha. Bongacious! Dati Baklush ka lang ng taon, ngayon Dyosa ka na ng Century! Ganyan ba kapag malapit nang ikasal?" dire-diretso na sabi nito habang sinisipat siya mula ulo hanggang paa.
Umupo na sila sa couch habang may waiter na lumapit at nag-abot ng menu. Natatawa na lang si Lexine sa kadaldalan at high energy ng kaibigan, "Naku, sobrang stress ko nga sa work."
"Stress ka pa ng lagay na 'yan? So paano na lang kapag hindi ka stress? Ano mabubulag na ako sa kagandahan mo?"
"Sira ka talaga!"
"Totoo naman ang sinasabi ko. At in fairness sa'yo ha, hindi ka na Purita Kalaw (poor) ngayon, isa ka ng Rica Peralejo (rich). Hinigop mo na talaga ang lahat ng swerte dito sa planetang earth! At si Papables of the century na ang makakatuluyan mo forever and ever!" dreamy na tumingin si Brusko sa langit at pinagdikit ang dalawang kamay sa ilalim ng pisngi habang nangingisay sa kilig.
Maging si Lexine ay napatingin din sa itaas, "Haaay… kapag iniisip ko nga, sobrang dami na naming pinagdaanan ni Night pero nagpapasalamat talaga ako sa Diyos kasi kahit anong mangyari, matibay kaming dalawa," hindi maitago sa mga labi niya ang labis na kaligayahan.
Nagkwentuhan pa sila ni Brusko tungkol sa bago nitong boyfriend na basketball player sa UAAP. Napapailing na lang si Lexine sa dami ng kalokohan nito sa lalaki. Matapos silang magkamustahan ay nagsimula na silang mag-usap para sa wedding preparations.
Hindi nagtagal at dumating na rin si Night upang mag-join sa kanila.
"Gravity (grabe) na itech! (ito) Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Kaya wag kayong mag-alala dahil I promise na super to the max ang wedding niyo. Tatalunin natin ang kasal ni Marian Rivera at Heart Evangelista!" excited na sabi ni Bruko na pumapalakpak pa sa tuwa habang pinagmamasdan ang dalawa sa kanyang harapan.
"Just do everything she wants," sagot ni Night.
"Saan niyo ba gustong magpakasal? Beach wedding ba ang gusto niyo? Pwede tayo sa Greece, Santorini, o kaya sa Hawaii? Pwede rin sa Maldives?" dire-diretso ang bibig ni Brusko at hindi man lang makasingit si Lexine.
"Actually—"
"Ay alam ko na! Para unique, pwede wild life ang datingan ng wedding niyo! Pwede sa gitna ng jungle sa Africa kasama ang mga zebra, lion, ungoy at lahat ng cast sa Madagascar! Tapos kayo si Tarzan at Jane! Ay sigurado Night, bagay na bagay sa'yo maging si Tarzan na tela lang ang suot!"
Kung ano-ano na ang naiimagine ni Brusko sa isipan niya lalo na kung gaano ka-seksi ang groom sa araw ng kasal. Napapakagat labi pa siya sa pananabik.
"Ah ehh—"
"O kaya naman pwede rin tayong sa tuktok ng bundok. Para sea of clouds!" nanlalaki ang mata nito habang hinumpas ang kamay habang vinivisualize ang nasa isip.
"Maraming selections ng bundok sa Pilipinas mamimili na lang kayo, meron tayong Mount Pinatubo, Mount Apo, Mount Arayat o kaya para mas exciting pwede rin sa Bulkang Mayon, Bulkang Taal, Bulkang Cagua tapos gagawin natin ang seromanyas ng bukang liwayway!" binuka nito ang dalawang braso sa langit.
"Perfect!" impit itong tumili at nagpapalakpak sa tuwa.
Napangiwi si Lexine sa mga extreme na suggestions ng kanyang kaibigan, "Ah… Eh, gusto ko sana simpleng wedding lang. Ayoko na ng masyadong matrabaho at magastos. Ang importante lang naman ang pamilya at mga kaibigan namin sa araw ng kasal."
Bumagsak ang overly enthusiastic na mukha ni Brusko, "Ay, sorry mamshie, na-excite lang kasi ako. Okay noted, simple and serene wedding."
"Are you sure you don't want anything? Just tell me," tanong ni Night.
"Wala talaga. Simpleng kasal lang ang gusto ko."
Tumungo-tungo si Night sa nobya bilang pag-sang ayon.
"Kailan niyo pala plano magpakasal?" tanong ni Brusko.
Sabay na sumagot ang dalawa.
"Next year."
"Next month."
Nagkatinginan ang magkasintahan habang napatunganga naman si Brusko.
"Baby, masyado naman atang mabilis ang next month," angal ni Lexine.
Kumunot ang noo ni Night, "Masyadong matagal ang next year. Kung pwede nga lang next week na, o kaya the day after tommorow, pwede ba yun?" lumingon siya kay Brusko.
Nanlaki ang mata ng huli, "Di ka naman atat niyan Papa na itali itong si Mother Dyosa… bakit hindi na lang kaya mamayang gabi?"
Sasangayon na sana agad si Night pero maagap na tumutol si Lexine, "Ano ka ba baby, hindi naman ganun kadali mag-organize ng kasal. Baka mamatay naman si Brusko niyan sa pagmamadali."
Napaisip si Night, may point naman ang fiance niya. Masyado kasi siyang excited at gusto na talaga niyang maikasal sila sa lalong madaling panahon.
"Why not two months from now?" suggestion ni Brusko.
"Make it six weeks. As what Lexine said, we just need a simple wedding."
Tututol pa sana si Lexine pero hindi na siya nakaporma dahil final na ang desisyon ni Night.
Oh no… matatali na talaga siya sa prinsipe ng dilim sa loob ng anim na lingo. Napalunok siya nang madiin at alanganin ngumiti kay Brusko.
Happy-happy na chapters ulit bago ang inaabangang Wedding of the year sa Webnovel!!!
Enjoy! Pa-rate po ng chapters and penge na rin ng Powerstones! Salamuch!!