NAGING masaya at punong-puno ng activity ang mga sumunod nilang araw, ibat ibang activites ang ginawa nila katulad ng banana boat, island hopping, scuba diving at parasailing. Pagsapit naman ng gabi ay nagtutungo sila sa station 1 and 2 para pumarty sa iba't ibang bar and clubs. Gabi-gabi silang umuuwi lahat na gumagapang na sa buhangin.
Ang tanging napapansin lang ni Lexine ay minsan nawawala si Night, para bang may ginagawa ito na ayaw nitong malaman niya. Noong minsan naging praning siya ay hindi maganda ang dinulot noon kaya hangga't maaari ay ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano.
Sa huling gabi nila nagising siya na mag-isa lang sa villa. Pagtingin niya sa orasan ay pasado alas singko na ng hapon. Natatanaw niya sa bintana ang papalapit na paglubog ng araw. Bumangon siya at hinanap ang mga kasama pero nakakapagtakang wala ang mga ito. Saan kaya sila nagpunta? Baka tumambay siguro sa beach.
Sinubukan niyang tawagan si Night pero hindi ito sumasagot maging ang mga kaibigan niya ay hindi din nagrereply. Naisipan na lang niyang maligo. Pagtapos makapagbihis at makapag-ayos narinig niya ang door bell. Pagbukas niya ng pinto bumungad sa kanya ang isang binatang resort attendant na nakangiti.
"Good afternoon Ms. Lexine!" buong siglang bati nito.
"Good afternoon."
"Nandito po ako para sunduin kayo. Nag-aantay po ang mga kaibigan niyo sa beach front."
"Ah, okay, kunin ko lang ang bag ko," bumalik siya sa loob at kinuha at maliit na bag at sumama sa attendant.
Sumakay sila ng buggy patungong Punta Bunga beach kung saan mas malawak kumpara sa Banyugan. Pagkababa niya ng buggy ay bumaba siya ng hagdanan upang marating sa beach. Nagpatuloy si Lexine sa paglalakad sa malawak na beach pero nakakapagtakang walang ibang tao maliban sa kanya. Nasaan ang lahat?
Naririnig niya ang malakas na hampas ng alon habang naghahalo na ang kulay orange at purple sa kalangitan. The horizon meeting the sky and ocean was so breathtaking. The reflection of the waters looked like a glimmering diamonds as the sun was about to set soon. Sobrang perfect ng sunset sa boracay. Walang katulad. For a moment Lexine was dazed for it's beauty.
Pinikit niya ang mga mata at hinayaan ang malamig na hangin na malayang humampas sa kanyang mukha at balat. She loves the salty smell of the seaweed, as the soft surface of the sands enveloped her feet. Mayroon talagang taglay ang tunog ng dagat na kayang magbigay ng kapayapaan sa isipan. Tila nakikipag-usap ang kalikasan sa'yo at sinasabi niyang ipikit mo ang mga mata mo at tangalin ang lahat ng alalahain sa utak mo.
It made you realized how blessed and fortunate you are to be able to hear the sound of the clashing waters as it brings you into your own serene realm. It gives you tranquility. A space with no regrets, sadness or pain. A minute to reflect how wonderful life is and the people surrounding you. It helps you to appreciate the small little seconds of your life that you were able to breathe.
A simple joy with a thousand words you can't explain but you just feel it wrapping within your soul.
"So beautiful…"
Napadilat ang mata niya nang marinig ang baritonong boses. Natagpuan niya si Night na nakatayo sa gilid niya at nakatingin din sa napakagandang sunset. Tumatama ang orange na liwanag sa napakagwapo at perpekto nitong mukha. Sa matangos na ilong, makinis na balat, makapal na kilay at malambot na labi.
Looking at him now, Lexine again feels so grateful to have Night in her life. Simple lang naman ang hiling niya sa buhay, maging masaya at mapayapa kasama ang mga mahal at taong pinapahalagaan niya. No fancy things, no flashy lifestyle, no glamorous entitlement. Just a simple moments like this.
Lumingon sa kanya si Night, "I have a story to tell you."
Napataas ang kilay niya, "Okay, go on…"
Tipid na ngumiti si Night habang nakapamulsa at binalik ang tingin sa haring araw na unti-unting lumulubog.
"There was this one boy who lived his entire life alone in the darkness. His mother was killed in front of him by his father, he lost his relationship with his family, and he loathes the monster he inherited from his father. He hates himself more than anything else in this world. His life was nothing but evilness, hatred and sins. For hundreds of years, he was molded that way..."
Natahimik si Lexine at tahimik na nakikinig. Kumikinang ang repleksyon ng araw sa tsokolateng mata ni Night. Sumasalamin doon ang mga masasakit na bagay na pinagdaanan nito sa paglipas ng daan-daang taon.
"Until one night, he saw a helpless, dying little girl begging for another chance to live. He was dazzled by her secrets and mysteries. For him, she was just a game to keep himself entertained. Pero totoo pala yung kasabihan na wag kang maglalaro ng apoy, kasi masusunog ka. And he was burned, deeply, intensely, and crazily by her. She was the only woman who ever dared to smack him hard on his face and told him that he's a complete jerk! At masakit siyang sumampal."
Bahagyang lumingon sa kanya si Night at natawa siya sa huling sinabi nito. Naalala niya pa ang unang gabi na lakas loob niyang sinampal si Night sa hospital.
Nagpatuloy si Night sa pagkwento.
"This dauntless woman rendered him a new light, faith, and chance to be happy again. She proved to him that no matter what sort of monster he is, she was still able to unveil the hidden goodness inside him that even himself never knew he has. This woman brings color to his dull and gray life. This woman taught him how to feel human again."
"Pinaramdam niya sa akin kung paano matakot, magalit, magselos, mainis, matawa, pero higit sa lahat, pinaramdam niya sa akin kung paano magmahal ng totoo."
Humarap si Night sa kanya at dahan-dahang naglakad palapit. Sumisikip ang dibdib ni Lexine sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Pinapakita ng mga mata nito ang labis na kasiyahan na nararamdaman nito na dumating siya sa buhay nito. Mabilis na nangilid ang luha niya.
Kinuha ni Night ang dalawa niyang kamay at marahang pinisil habang hindi binibitawan ang mga titig sa kanya.
"Because of her, nagsimula ulit akong bumuo ng pangarap, natuto ulit akong umasa sa magandang bukas. Excited akong gumigising sa umaga para makita lang ang ngiti niya, marinig ang mga tawa niya... And I want to hold her hand, kiss her lips, touch her soft skin. I wanted to show her every single second of my life how much I love her. I wished to build my own family with her and spend the rest of eternity, making her happy.
Sunod-sunod na ang pag-agos ng luha mula sa mata ni Lexine. Tumatalon na din ang paghinga niya na para bang hihikain siya.
"Hindi ko na alam kung alam kung paano pa mabuhay ng wala siya sa piling ko. Baliw na baliw ako sa kanya at masisiraan talaga ako ng bait kapag nawala pa siya sa akin. Sa mental na talaga ang bagsak ko nito."
Hindi niya ulit napigilan matawa dahil totoong baliw ang nobyo niya.
"That's why I promised myself that I will never let go of her hand ever again."
Sa gulat ni Lexine ay unti-unting lumuhod sa Night gamit ang isang tuhod nito sa harapan niya. Nanlaki ang mata niya at ang pakiramdam niya tatalon na ang puso niya palabas ng kanyang dibdib sa labis na kaba.
May kinuha si Night sa bulsa nito. Napatakip ng bibig si Lexine gamit ang dalawang palad. Nanlalamig ang buong katawan niya at umiikot ang sikmura niya sa samut saring nararamdaman.
"Night…"
"Lexine... pinapangako ko na pagsisilbihan kita buong buhay ko, ipagkakaloob ko lahat ng meron ako, yaman ko, puso ko, pati buong katawan ko! Pwedeng pwede mo akong gahasin gabi-gabi hindi ako magrereklamo. Hindi ako magsusumbong sa pulis."
Ang pag-iyak niya ay nahaluhan na naman ng tawa. Para na siyang baliw.
"So please, Alexine Vondeviejo Alonzano… Samantha De Leon... nakikiusap ako… nagmamakawa ako kahit lumuhod pa ako sa lahat ng simbahan sa buong mundo, paniniwalaan ko na lahat ng santo sa biblia, ime-memorize ko na lahat ng dasal pati panata ng muslim, dating daan, born again, iglesia ni cristo, lahat na."
Mas lumakas ang halakhak niya kahit parang waterfalls na ang luha niya sa mata.
Binuksan ni Night ang kahon at binati siya ng isang malaking diamonds.
"Please, Marry me...." buong pag-aasam nitong tanong.
Hindi na nag aksaya pa ng panahon si Lexine at mabilis na tumungo.
"Yes! Yes I'll marry you."
Walang makahihigit sa labis na kaligayahan na nararamdaman nila ng mga sandaling iyon. Kinuha ni Night ang singsing sa box at sinuot sa palasingsingan ni Lexine sa kaliwang kamay.
Tumayo ito at kinulong ang umiiyak nitong mukha sa dalawang palad niya at buong pagmamahal na hinaplos ang pisngi at buhok nito,
"From this day forward, I promise to cherish and love you, for the rest of eternity and even death can never separate us."
Masayang tumungo si Lexine, "I love you so much Night."
"I love you cupcake… baby… malapit na kitang tawaging asawa ko, misis ko, pwede rin na irog ko?"
Natatawang hinampas niya ito sa balikat, ang isang ito ay hindi na talaga naubusan ng kalokohan sa katawan.
"Best wishes!!!"
Malakas at masayang sumigaw si Elijah kasama ang iba pa habang nakatayo ang mga ito hindi kalayuan sa kanila. Bawat isa ay masaya, kinikilig at nagpapalakpakan. Kahit si Makimoto ay umiiyak dahil sa tears of joy kahit wala na siyang pag-asa kay Lexine. Magkakayakap naman si Emily, Katya at Camille na umiiyak na rin sa kilig.
Magkaakbay si Eros at Devorah, Miyu at Elijah.
"Finally! Papatali na ang prinsipe ng dilim!" sigaw ni Elijah, "Maraming iiyak ng dugo!"
Napuno nang masiglang tawanan ang buong kapaligiran.
Binaba ni Night ang mukha kay Lexine at binigyan siya nang mainit na halik. At mula sa araw na ito hanggang sa dulo ng walang hanggan ito ang labing paulit-ulit niyang hahalikan, magpakailanman.
THE END
Charot! Hahahahaha!!
Oh diba, ang saya ng mga chapters, magdiwang tayong lahat! Invited tayo sa best, roller coaster wedding of the year in WEBNOVEL!!!
HAHAHAHA!
Powerstones po! :)
HAPPY KAYO?! :)