"NOW that we have the athame with us, where can we find the Devils heart?" tanong ni Lexine kay Eros.
Kasalukuyang silang nasa loob ng meeting room. Pinindot ni Eros ang hologram screen at lumabas ang isang mapa. Kinlick niya ito at lumitaw ang picture ng isang old tower na gawa sa bricks, "This is the Haystack Mountain tower, located at Haystack Mountain in Saranac Lake, New York."
Pinagmasdan ng lahat ang nasa screen, "Underneath this tower is the secret underground mausoleum of Louisse Gibbon's."
"New york?" ulit ni Lexine. Mukhang pumapabor sa kanya ang tadhana dahil nandoon din si Ansell. Di niya napigilan ma-excite lalo na at nami-miss na niya ang bestfriend. Nais niya itong surpresahin kaya hindi niya muna babangitin kay Ansell na pupunta siya ng New York.
"Okay then, I'll go with you."
"Good, sino pa ang sasama sa amin ni Lexine?" tanong ni Eros.
"Magpapaiwan kami ni Miyu para may mag-asikaso dito," sagot ni Elijah.
"I'll come with you!" prisinta ni Devorah.
"Me too," taas kamay si Night.
Tututol sana si Lexine pero maagap na nagsalita ang huli, "You need extra hand. You don't know what you might face in that grave. Hindi basta-basta ang Devils heart, for sure, marami ang mag-iinteres doon kaya tinago ni Louisse Gibbon hanggang sa hukay niya."
"Night is right, maganda na rin mas marami tayo in case that something happen, the more hands the more we can fight."
Napabuntonghininga na lang si Lexine lalo na at pinagkaisahan na siya ng mga kaibigan.
"Use my private jet," sabi ni Elijah.
"Okay, we will leave the day after tomorrow," turan ni Lexine.
On the following day ay dumating si Miguel sa headquarters. Dahil wala pa silang susunod na mission kung kaya't naisipan na lang ni Lexine na i-one on one training si Miguel sa combat.
Sumabay sila sa boot camp na pinamumunuan ni Orgon at Miyu. Nakasuot sila ng 'Keikogi' or japanese matrial arts training uniform. Pumuwesto si Lexine at Miguel sa loob ng mats habang magkaharap at tumayo for the starting position. 'Brazilian Jiu-jitsu' ang training nila ngayong araw. Isa itong Martial arts that focuses on grappling most notably in ground fights.
Si Orgon ang nagsilbing referee. Pumuwesto ito sa pagitan ng dalawa, tinutok nito pababa ang isang kamay at saka sumigaw, "Combate!"
Pumosisyon ang dalawa upang mag-handa kung sino ang unang susugod.
"I won't get easy on you," nakangising sabi ni Miguel.
"You better be Captain Miguel," sagot naman ni Lexine with confident. Isa ang jiu-jitsu sa mga martial arts na paborito niya.
"If I win, you'll go on a date with me."
Tumaas ang kilay ni Lexine, "Then prepare yourself to lose," mabilis siyang sumugod kay Miguel at tinulak ito.
Natumba si Miguel at mabilis na pumosisyon si Lexine sa ibabaw nito at ni-lock ang right elbow niya sa leeg nito habang ang kanang binti naman niya ay pumulupot sa kaliwang binti ng binata. Niyakap niya ang right arm ni Miguel para hindi ito makagalaw.
Naramdaman agad ni Miguel ang malakas na pressure ng elbow ni Lexine sa leeg niya at kahit payat ito ay di agad siya makakilos.
"You're pretty good at this, huh," aniya sa nahihirapang boses.
"You told me to don't get easy on you," sagot ni Lexine.
Napangisi si Miguel, "I won't let you win. So better think now what kind of dress you will wear on out first date."
Mas lalong diniinan ni Lexine ang leeg ni Miguel at nacho-choke na ito. Napangiti si Lexine dahil gusto niya itong turuan ng leksyon. Pero nagulat siya nang biglang nag-lock ang right leg ni Miguel sa likuran niya at buong pwersa siyang tinulak kaya gumulong sila. Ngayon ay si Miguel na ang nakaibabaw sa kanya.
Kinuha agad ni Miguel ang right arm niya at niyakap, ganoon din ang dalawang binti nito habang nakailalim ang ulo niya sa hita ni Miguel. Humiga ang binata para i-pull ang braso niya at sa ganoong posisyon ay siya naman ang argabyado.
"Do you like Japanese, Italian or Filipino? Para alam ko saan restaurant ako magpapa-reserve," tanong ni Miguel.
Nahirapan si Lexine sa posisyon nila pero 'di siya magpapatalo dito, "Too early to celebrate, Cap."
She was able to pull up herself sabay tinaas niya ang kanang binti at mabilis na kinawit sa ulo ni Miguel. She used all her body's force to stand up. Agad siyang nakawala.
Pansamantala silang nagkahiwalay pero naka-ready pa rin ang mga posisyon nila sa pag-sugod.
"Do you like movies, amusement park or jazz bar?"
Naningkit ang mata ni Lexine, "None of the selections."
Napangisi si Miguel sabay sungab kay Lexine. Napahiga ang huli at agad siyang umibabaw para sa close guard position pero maagap na pinulupot ni Lexine ang dalawang binti sa bewang ni Miguel sabay sit-up. She grabbed his right wrist while her other arm hooked then locked his right arm. After making sure her locked was stable. Humiga siya at hinatak ang braso ni Miguel making him shout in pain.
"Ahhhhhh!!"
In just a few seconds ay nag-tap na si Miguel sa mats as a sign of surrender.
Pinakawalan ni Lexine si Miguel at mabilis na tumayo. Pulang-pula ang mukha ni Miguel habang humawak sa balikat dahil pakiramdam niya nabalian na siya ng buto.
Ngumisi si Lexine, "Better luck next time Cap," saka ito naglakad paalis.
***
NASIRA ang bookshelf matapos tumama ang katawan ni Night sa mga ito. Nahulog siya sa sahig kasabay ng mga libro. Napahiga siya habang nanakit ang mga katawan dahil sa lakas ng impact ng pagtilapon niya.
Mabibigat na yabag ang sunod na lumapit sa kanya. Babangon sana siya pero may sapatos na tumapak sa kanyang leeg at diniinan ng buong higpit. Nahirapan siyang huminga.
Mas diniin ni Lucas ang sapatos at madilim na yumuko sa anak, "Mukhang nagkakapalagayan na kayo ng loob ulit ng Nephilim. Nasaan na ang espada ko?"
Dumilim ang mga mata ni Night sa ama, "S-she s-still d-don't trust m-me, hindi k-ko p-pa a-alam kung s-saan niya tinago," aniya sa nahihirapang boses.
Mas lalong diniinan ni Lucas ang leeg niya halos lumabas na ang ugat niya sa noo sa kawalan ng hangin sabay umismid, "Babae lang di mo mapaikot?"
"H-hindi siya b-babae l-lang," nangigigil niyang sagot.
Muling diniinan ni Lucas ang sapatos at umuubo na si Night sa labis na sakit, "Give me my sword or I'll kill her."
Hinawakan ni Night ang binti ni Lucas upang pigilan ito sa pag-ipit sa kanya, "N-no… g-give me m-more t-time…"
Tinangal ni Lucas ang paa sa leeg niya at lumuhod sa kanyang tabi. Ang kamay naman nito ang ginamit upang sakalin siya.
Dinikit nito ang mukha sa kanya, "My time is precious Alexis, I don't like wasting it. Siguraduhin mo lang na hindi mo ako ta-traydurin dahil hindi lang puso niya ang dudukutin ko. Pati puso mo," he gritted his teeth as his brown eyes sharply gazed at him.
Binitiwan siya ni Lucas at naglakad palayo. Sa likuran nito nakatayo wi Winter na nagmamasid lang mula kanina. Malamig na tumingin ang charcoal gray nitong mga mata kay Night bago naglakad at sumunod sa panginoon nito.
Naiwan si Night sa naghahabol nang hininga at nagkukuyom ang kamao sa labis na galit.
Oh no.... sisirain ba ulit ni Night ang tiwala ni Lexine??
Bawi ako bukas sa updates :) Maraming kaabang-abang na mangyayari sa pagpunta nila sa New York! Heheheheh!
Thankieeeee!
Join our FB Group: Cupcake Family PH